Kabanata 9
Tinawagan ko si Ryan kinabukasan. Natatawa nga ako dahil para siyang nagtatampo matapos kong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin.
"Gurl, bakit ayaw mo muna makipagkita sa amin? Pinagbabawalan ka ba ng asawa mo?" tanong ni Ryan sa kabilang linya. "Hindi naman kami bad influence sa iyo, ah?"
Umiling ako at natawa na. "Hoy! Hindi!"
"Edi anong rason? Hindi na nga tayo palaging nagkikita, sasabihin mo pa sa akin na after one month!"
Bumuntonghininga ako at saka umupo sa couch sa kuwarto.
"Balak ko kasing mag-spend muna ng oras sa asawa ko, Ryan," sabi ko at kinagat ko ang labi ko. "Gusto kong sulitin ito."
"Hoy! Kung makapagsabi ka naman diyan ay parang may balak kang umalis!" aniya at nagmamaktol ulit. "Tagal ng one month girl, ha! Kung malaki lang katawan ko, sinabunutan ko na iyang asawa mo! Gulat na gulat na nga kami ni Florah na ikaw ang ikinasal eh! Tapos gugulatin mo pa kami na kasal ka na! Baka after one month ay mas gugulatin mo pa kami! Baka buntis ka na after one month ha!"
Natawa lalo ako. "Hindi no! Grabe ka naman!"
"Sige ah! Basta after one month, bumawi ka sa amin," aniya at nai-imagine ko ang pagnguso niya. "Susugod talaga kami diyan kapag wala ka after one month."
"Oo nga, Ryan. Promise."
Nakangiti kong ibinaba ang tawag at saka tumayo na mula sa pagkakaupo. Tinali ko ang buhok ko at tiningnan ang buong kuwarto.
Ayon, I decided to temporarily cut my connections with my friends para ma-focus ko ang atensyon ko kay Amadeus.
Hindi naman matagal ang one month. Ang dali nga lang eh kaya I want to be his full time wife habang may panahon pa. Habang ako ay ginagampanan ang pagiging asawa, si Amadeus naman ay unti-unting gumawa ng tunog sa industriya. He is slowly making his own name.
I am happy for him kasi maipaglalaban na niya ang Ate ko once na may kapangyarihan na siya. And while he is doing that, I will support him at hindi ako magiging masakit sa ulo niya.
We shared the same room pero hindi kami share ng bed. Sa couch kasi siya natutulog at nahihiya na ako sa totoo lang.
At masaya ako dahil nagiging magaan na siya sa akin. May awkwardness pa rin pero happy ako na gaya ko, he also tried to treat me as his wife. Pinaglutuan nga niya ako kaninang umaga ng agahan eh kaya para makabawi, ipagtitimpla ko siya ng juice at dadalhan ng meryenda.
Alas dos na kasi ng hapon at hindi pa rin siya lumalabas sa opisina niya. Kaya lumabas ako sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Nadatnank ko pa nga si Manang Rosana eh.
"Hija," maligaya niyang sabi. "Bakit ka nandito?"
"Balak ko sanang dalhan ng meryenda si Amadeus, Manang. Hindi pa kasi siya lumalabas. Baka marami iyon tinatrabaho," sabi ko at binuksan ang refrigerator. "May fresh juice po dito, no?"
"Ang alagain mo talaga, hija. Oo naman." Lumapit siya sa akin at binuksan nang malaki ang refrigerator. "Nandito sa ibaba. Paborito niya ang orange juice kaya ayan na lang ibigay mo. Sa meryenda naman, paborito niya ang doughnut."
Napangiti ako sa narinig. "Salamat po sa kaunting impormasyon na ibinigay mo, Manang. May kaunting alam na naman ako kay Amadeus."
At kinuha ko ang orange juice na nakalagay na pala sa pitsel at inilapag sa lamesa. Sinara naman ni Manang ang ref.
"Kung gusto mo pa ng impormasyon tungkol kay Amadeus, tanungin mo lang ako hija."
***
Dala ang tray na may juice at doughnuts, nagtungo ako sa opisina ni Amadeus na nandito lang din sa bahay sa second floor.
Nang nasa tapat na ako ng pinto, tumikhim ako at kumatok ng tatlong beses. Ngunit dahil walang sumagot, hinawakan ko ang door knob at pinihit ito.
Pagbukas ko sa pinto, medyo madilim ang opisina ni Amadeus at malamig. Naghanap ako ng switch para makita ang buong kuwarto at nadismaya ako nang makita na wala si Amadeus.
Nasaan siya?
Naglakad ako patungo sa desk at bigla akong napangiwi sa dami ng papeles na nakapatong sa lamesa. Mukhang busy nga siya. Mabuti at hindi siya nainis sa tambak na mga papel dahil kung ako ang may ganiyan tapos maiinis ako, baka sinunog ko na lahat.
Nilapag ko sa vacant space ng desk ang tray at saka tiningnan ang buong paligid. Walang masyadong mga gamit ang opisina ni Amadeus bukod sa flat screen tv, couch, at isang divider na may nakapatonv na isang picture frame at flower vase.
Sa aking pagkakuryosidad, nilapitan ko ito at natigilan sa nakita.
Picture nila ni Solana ang nakalagay. Nakangiti si Ate habang si Amadeus ay nakasimangot. Siguro nasa edad kinse ang edad nila? Ate Solana is 2 years older than Amadeus.
Kahit may kirot na akong nararamdaman, nagawa ko pa ring ngumiti. Masigla pa kasi si Ate rito at malusog.
"What are you doing here?"
Napasinghap ako at agad iniwas ang tingin sa picture frame. Nilingon ko si Amadeus at nakita ko na nakakunot ang noo niya.
"Uhm..." Tiningnan ko ang desk at agad akong lumapit doon. "Dinalhan kita ng meryenda. Hindi ka kasi lumalabas."
Umawang ang labi niya at lumapit sa desk niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at saka tiningnan ang meryenda na dinala ko.
"P-Paborito mo raw ang doughnuts sabi ni Manang kaya ayan ang dinala ko kasama na rin ang juice," sabi ko at saka umayos ng tayo. "P-Pero kung hindi mo kakainin, huwag mo sanang itapon. Marami kasing mga bata ang walang makakain ngayon. Sayang naman."
Napaangat siya ng tingin sa akin. "Kakainin ko. Stop saying that."
At nag-iwas siya ng tingin.
Sumilay ang ngiti sa aking labi. "Mabuti naman kung gano'n. Enjoy the rest of the day, Amadeus."
Napaangat muli siya ng tingin sa akin pero ngayon, nakataas na ang kanyang kilay.
"Huh? Where are you going?"
Tinuro ko ang pinto. "Lalabas na. Ayaw kong makadisturbo. Hinatid ko lang talaga ang pagkain."
"You can stay here," aniya at saka tumayo. Lumapit siya sa flat screen tv at kinuha pa ang remote. Binuksan niya ang tv at saka binalingan ako. "You can watch tv or any movies you like. May netflix dito."
Bago pa man ako nakasagot, bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon si Manang Rosana.
"Hijo, pasensya na at nadisturbo ko kayo," ani Manang at pasensyang tumingin sa akin.
Tumango lang ako sa kanya at saka ngumiti. Umupo ako sa couch.
"What is it, Manang?" tanong ni Amadeus at nilagay ang remote sa lamesa kaya kinuha ko ito.
"May bisita po kayo, Sir."
Napatingin ako sa kanila.
"Who?"
Bago pa man makasagot si Manang sa tanong ni Amadeus, biglang pumasok ang isang lalaki na may white na buhok. Kumunot ang noo ko dahil sa laki ng ngiti niya.
"What's up motherfucker?" bungad ng lalaki at saka inakbayan si Amadeus na ngayon ay gulat na gulat.
"Nakauwi ka na pala. I didn't know," sabi ni Amadeus at pilit na alisin ang pag-akbay sa kanya ng lalaki.
"Surprise nga. Gago ka ba?" sabi ng lalaki na halos hindi mapawi-pawi ang ngiti sa labi.
Kung ikokompara ko silang dalawa, jolly type ang white haired guy at serious type naman si Amadeus. Sa katunayan, maaaring maging kpop star ang lalaki dahil sa estilo ng kanyang buhok. Mukha siyang Koreano kung saglitan mo ng titig.
Nang dumapo ang tingin ng lalaki ay napawi ang kanyang ngiti at para pa siyang natigilan.
Kumunot ang noo ko. Si Amadeus din ay natigilan at napatingin din sa kaibigan na nakatingin na sa akin.
"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko. Para kasi siyang hihimatayin.
Sinapo ng lalaki ang kanyang dibdib. "Ang ganda pare."
Tuluyan nang kinalas ni Amadeus ang pag-akbay sa kanya ng lalaki at saka nagsalubong na ang kilay.
"Who?"
"'Yang nakaupo sa couch. Akala ko ay hindi na kita makikita."
Nalito ako sa sinabi ng lalaki at napahalukipkip naman si Amadeus.
"She is my wife. You idiot."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top