Kabanata 8

"Maayos lang po ba ang mukha ko, Manang?" tanong ko kay Manang Rosana habang nakatingin ako sa salamin.

Ngayon ay ang araw na pupunta kami sa mansiyon ng parents ni Amadeus. Makikita ko na naman si Tita Diane, Tito Stephan at iba pa niyang mga kaanak. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Si Solana kasi ang sanay dito. Sa bahay lang naman ako palagi at ang maimbitahan bilang asawa ni Amadeus, sigurado ako na marami sa mga kaanak niya ang malilito kahit ang iba ay imbitado noong kasal.

"Naku! Ang ganda-ganda mo nga hija, eh!" aniya habang nakatingin sa akin sa salamin. "Kung wala ka lang asawa, naku, baka pagkakaguluhan ka! Mukha ka kasing Russian National. Sa buhok mo pa lang, sigurado ako na maraming maghahabol."

Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Manang at agad siyang binalingan.

"O-Oo o hindi lang naman po ang dapat isagot, Manang," ani ko. "Kahit ano pa ang ganda ko, hindi naman maibabaling ni Amadeus ang kanyang pagmamahal sa akin."

Napawi ang ngiti ni Manang sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Eh, huwag mo na lang kaya isipin iyon?" aniya at saka tiningnan ako nang mariin. "Mag-isip ka na lang ng maganda sa kasal ninyo. Enjoy mo na lang hanggang bata ka pa. Darating din ang pagmamahal na iyan. Alam ko. Nararamdaman ko. Huwag mo nang isipin na hindi ka mahal ni Amadeus. Magpakatotoo ka na lang sa sarili mo, hija."

Tumango ako at saka tipid na ngumiti sa kanya. "Salamat, Manang."

"Naku! Ang ganda-ganda mo talaga at ang bait pa!" puri niya sa akin at saka nginitian muli ako.

Suot ko ay simpleng damit lang. Mahilig kasi ako sa dress kaya cocktail dress ang suot ko na kulay peach. Naka-tight bun ang buhok ko at white stiletto heels. Wala rin akong kahit anong accessories na suot dahil hindi ako mahilig sa gano'n.

***

Lumabas na ako sa kuwarto kasama si Manang Rosana pagkatapos kong mag-ayos, habang pababa ako ng hagdan ay siyang abnormal na pagpitik naman ng puso ko.

Kabado ako dahil ito ang magiging unang appearance as his wife sa family gathering nila.

Nang makababa ay nakita ko si Amadeus na suot ang isang pormal na damit. Ang guwapo niya sa suot niya lalo na ngayong sobrang ayos ng buhok niya. At kahit nasa malayo pa, naaamoy ko na ang kanyang mamahaling pabango.

"Don't worry, Dad. Pupunta kami," iyon ang lumabas sa bibig ni Amadeus habang may kausap sa phone. "Yup. We will use the new car. I'll drive."

Nang matapos mag-usap ay ibinulsa ni Amadeus ang kanyang phone at narinig ko pa ang kanyang pagbuntonghininga.

Pinagdikit ko ang labi ko para maitago ang kaba na nararamdaman. Baka kasi ayaw niya sa suot at itsura ko ngayon. Naglagay kasi ako ng lipstick. Kulay red pa.

"Amadeus," pagkuha ko sa kanyang atensyon.

"Yup. Let's go-" Natigilan siya sa pagsasalita nang nilingin niya ako.

I saw how his expression changed at hindi ko iyon mahulaan kung ano. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa damit ko bago tingnan ako sa mukha.

"P-Pangit ba?" wala sa sariling tanong ko dahil sa kaba na nararamdaman.

Nakakakaba kasi siyang tumingin.

"No. You're beautiful," aniya sabay iwas ng tingin. "But you are more fine if you don't wear lipstick."

Agad kong tinakpan ang labi ko at akmang papalisin gamit ang kamay nang pinigilan ako ni Amadeus. Gulat ko siyang tiningnan.

"Bakit?"

"Wala nang oras," aniya at ibinaba ang kamay ko. "Let's go."

At sabay kaming lumabas habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming magkatagpo, hindi ko maiwasang mapangiti.

Isang buwan lang naman ito kaya susulitin ko na.

***

Pagdating namin sa bahay nina Tita Diane at Stephan, sinalubong agad kami ng mga kasambahay. Sa laki ng bahay, sigurado ako na marami ring kasambahay.

"Amadeus!"

Umalingawngaw ang boses ni Tita Diane sa hallway habang patakbong palapit sa amin. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkahawak ni Amadeus at saka umayos ng tayo.

Hindi naman napansin iyon ni Amadeus dahil niyakap na siya ng Mommy niya nang hinablot ko ang kamay ko.

"Mabuti at pinaunlakan mo ang araw na ito. I know you are busy with your life as an engineer and businessman as well," wika ni Tita Diane at nang kumalas sa yakap ay sa akin naman siya bumaling. "Your wife is here pala. You are very different today, Ciara."

Hindi ako nagsalita at saka tipid na nginitian lang siya. Naalala ko kasi ang sinabi niya sa akin noong binisita siya. She clearly dislikes me kaya sana huwag na siyang makipagplastikan sa akin sa harap ng anak niya.

Dumiretso kami sa dining area kung saan marami na mga pagkain ang naka-handa. Bukod kina Tita Diane at Tito Stephan, may mga bago akong nakita na hindi ko kilala.

Umupo ako sa pinakadulo na puwesto katabi si Amadeus. Sa tapat ko naman ay nakangiting si Tita Diane at sa tabi niya ay walang imik na si Tito Stephan. Sa magkabilang gilid naman ng lamesa ay mga kaanak nila na ngayon ko lang nakita.

"Tita Fatima, hindi ka man lang nagsabi na uuwi kayo ni Tito Rich. I should've bought a bottle of wine," wika ni Amadeus.

Matamis na ngumiti ang matandang babae. "It's fine, hijo. Sinadya talaga namin ang hindi magpaalam."

"Where's Asher?" tanong muli ni Amadeus. "I didn't see him."

"He is busy. You know, he is a doctor, hijo," ang matandang lalaki ang sumagot, mukhang asawa ng matandang babae na nagngangalang Fatima.

Nagbaba na lang ako ng tingin dahil hindi naman ako maka-relate sa kanilang pag-uusap.

"You should dye your hair back to black. Baka mas pakisamahan kita. Walang-wala ka sa Ate Solana mo. You are boring. You didn't even know how to fit into a conversation."

Napaangat ako ng tingin kay Tita Diane na ngayon ay nakangisi na.

Tumikhim ako. "Hindi po kasi ako sawsawera, Tita Diane."

Nagsalubong ang kilay niya sa sinagot ko. "What?"

"Alam ko na ayaw mo sa akin. I don't why pero wala kang choice kundi ang pakisamahan ako dahil asawa ako ng anak ninyo, Tita," mahinahon kong sabi.

Napansin yata ni Tito Stephan ang tensyon sa aming dalawa kaya sinaway niya ang asawa niya at saka tiningnan ako.

"Are you okay?" tanong ni Tito sa akin.

Iyon ang dahilan kung bakit natigil sa pag-uusap sina Amadeus at ang kanyang tiyahin. Napatingin si Amadeus sa akin at sa kanyang ama.

"Hijo, can you introduce the young beautiful lady beside you?" nakangiting tanong ng matandang babae.

Hindi gaya ni Tita Diane, maamo ang mukha ng matandang babae. Friendly ang vibes.

"Her name is Ciara Winter Ruiz, Tita Diane," pakilala ni Amadeus sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na binanggit niya ang buong pangalan ko.

"She is my wife," dagdag niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

Umawang ang labi ng babae sa sinabi ni Amadeus at sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pag-irap ni Tita Diane.

"Oh! I thought you were going to marry the girl named Solana, Amadeus," sabi ng babae. "But not bad. She's pretty. Bagay sa kanya ang buhok niya."

"Oh no! Not that hair, Fatima," umiiling na sabi ni Tita Diane. "It's so unnatural for a married woman."

Nagbaba ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Ano ba ang in-expect ko sa dinner na ito? Pupuriin ni Tita Diane?

Ayaw nga niya sa akin kaya gagawa siya ng paraan to make me feel bad.

"It's fine. I don't care about her hair, Mom," sambit ni Amadeus kaya napatingin ako sa kanya. "Let's not make it an issue."

Nag-iba na ang topic pagkatapos no'n at sobrang salamat ko kay Tita Fatima dahil mabait siya sa akin at sinasali ako sa kanilang usapan. I didn't feel unwanted sa dinner because of her at ai Amadeus din, kahit medyo may awkwardness pa rin, he didn't feel na ayaw niya sa akin. Siyempre, we made a deal. Kailangan niyang maging asawa sa akin kapalit ng impormasyong ibibigay ko.

"Sayang lang at ikaw ang naikasal kay Amadeus," sabi ni Tita Fatima nang kami na lang ang dalawa sa sala. Nginitian niya ako. "I like you for my son sana, kaso, ikaw pala ang naipakasal sa unico hijo ni Stephan. I didn't know na may isa pang anak si Manolo."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"I hope to see you again," aniya sabay ngiti sa akin. "You are a wonderful person. I hope Diane will see it."

Tumayo na siya. "Let's see each other again, Ciara."

Tumango ako at tumayo na rin. "Thank you po, Tita."

Nakipagbeso-beso siya sa akin at saktong pagkatapos, nakita namin ang pagbaba ng kanyang asawa na si Tito Rich kasama si Tito Stephan. I saw the resemblance sa dalawa kaya nahulaan ko na ngayon na magkapatid sila. Kasama nila sa pagbaba ay si Amadeus na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Let's go, Fatima," ani Tito Rich.

"Okay." Nginitian muli ako ni Tita Fatima bago lumapit sa kanyang asawa at nagpaalam na.

Pag-alis nila, lumapit naman si Amadeus sa akin at hinawakan ako sa braso. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Uuwi na tayo," aniya at nagulat ako nang lumipat ang kanyang kamay sa aking baywang. "Let's go."

Tiningnan niya si Tito Stephan na nakatingin na sa amin. "Dad, uuwi na kami. May aasikasuhin pa kasi ako bukas."

"Oh. Alright son. Make sure to give me what I want before the end of the year," ani Tito Stephan. "You know what I mean. Right hija?"

"H-Hindi po. Ano po iyon?"

Humakbang palapit si Tito sa amin. "Before the end of the year, dapat may mabuo na kayong bata to secure the company." Tiningnan ng mariin ni Tito Stephan si Amadeus. "Matutupad mo iyon Amadeus, hindi ba? Hindi mo ako bibiguin."

Parang may tensyon akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Amadeus. Para kasing nanghahamon si Tito Stephan.

"Yes, Dad," sagot ni Amadeus at humigpit ang hawak niya sa baywang ko. "Hindi kita bibiguin."

Nang umalis na kami sa bahay at bumyahe na, tahimik lang si Amadeus habang nakatingin sa kawalan. Para siyang may malalim na iniisip at ang hula ko, tungkol ito sa sinabi ng Daddy niya.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at napaisip na hindi niya kayang gawin ang gusto ng Daddy niya sa akin. Malapit na kasi mag-end ang year. Ilang buwan na lang.

And I know, hindi ako ang gusto niya na maging ina ng magiging anak niya.

Sumikip ang dibdib ko sa naisip pero huminga ako nang malalim at saka ngumiti.

Hindi dapat ako magiging malungkot dahil susulitin ko ang mga araw na ito. Ayaw ko na ako ang magiging dahilan ng kalungkutan niya.

"Huwag kang mag-alala, Amadeus," basag ko sa katahimikan. Napatingin siya sa akin. "Makakaabot pa si Ate bago matapos ang taon."

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako.

"Matutupad mo pa rin ang gusto ng Daddy mo. Huwag kang mag-alala," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Gaya nga ng sabi ko, hindi ko ipipilit ang hindi para sa akin. Simple lang naman ang gusto ko sa ngayon. Ang tratuhin ni Amadeus na asawa niya hangga't nasa puder niya pa ako.


---------

A/N: Hi! Sorry sa tagal ng update. Busy kasi ako sa school kaya minsan lang ako bumibisita sa account na ito. Thank you for waiting! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top