Kabanata 37
Hindi ko akalain na darating ang isang araw na magtipon-tipon ang pamilya ko at ang pamilya ni Amadeus para sa aming nalalapit na kasal. Kahit medyo hindi ko feel ang sensiridad ng aking kapamilya, sapat na ang presensya nila para sa pag-uusap na ito.
Kung noon ay may paki ako sa anumang sasabihin nila sa akin, ngayon ay wala na. Nabago ako ng panahon. Nabago ako ng aking karanasan sa buhay. Kahit di sila nag-sorry sa akin, pinatawad ko na sila. Kahit yung mga taong nakaapak sa akin, wala na iyon sa akin dahil masaya na ang puso ko ngayon.
"Mas mabuti ang may prenup," wika ni Daddy sa gitna ng meeting nila. "Ayaw kong magkagulo muli dahil lang sa pera. Labas ang anak ko sa pera ni Amadeus at kung ano ma ang ari-arian niya."
"Tito Manolo," ani Amadeus. "Asawa ko po si Ciara. Kung ano ang akin ay sa kanya."
Nag-angat ako ng kamay kaya lahat sila ay napatingin sa akin.
"Okay ako sa prenup. Wala namang kaso sa akin iyon. Mas maganda nga po iyon para hindi na maulit ang issue na gusto niyong iwasan."
Napaiwas ng tingin ang mga Rodriguez matapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam kung kaya bang gawin ito sa pangalawang pagkakataon. Wala naman akong alam tungkol sa kasal. Kaya di ko alam kung applicable pa rin ba ang prenup kung pangalawang beses na.
Smooth naman ang naging usapan at wala namang masyadong protesta sa magkabilang pamilya. Iyon na yata ang pinakapayapang pagtatagpo na siyang nagpagaan sa aking puso.
Alam ko na may ilan sa kanila na hindi pa talaga ako tanggap pero hindi ko na dapat iyon pinoproblema pa. Ang mahalaga, hinayaan na nila kami at magpakasal muli. But this time, we love each other.
***
"
OMG! Excited ako sa magiging kasal mo, Ciara! Sa wakas, invited na rin ako!" ani Ryan habang hawak ako sa braso. "Diba, Florah?"
"Oo naman!" pag-sang-ayon ni Florah at nauna pa sa amin sa paglalakad. "Masaya nga kami kasi pinayagan kami ni Amadeus na igala ka namin bago ang kasal mo. By the way, diba may gagawin ka? Ano iyon?"
Hinawakan ko ang buhok ko. "Gusto ko ibalik sa dating kulay buhok ko."
"Huh?" Napahinto sila sa paglalakad at nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan. "Eh yan naman talaga yang buhok mo."
"Gusto ko kulayan muli. Kulay ginger."
Namilog ang mata nila sa saya. "Really?"
Tumango ako at ngumiti nang malaki. "Gusto ko isurprisa si Amadeus."
Agad nila kong hinatak. "Tara na!"
Nagtungo kami sa parlor shop para magpagupit at magpakulay. Sumunod na rin sa akin sina Florah at Ryan dahil gusto din nila pagandahin ang kanilang mga sarili.
Bukod sa nagpakulay ng buhok, nagpa-manicure din kami at nagpa-pedicure. Parang girl's date itong gala na namin dahil kung saan-saan na lamang kami nagpupunta at kung ano-ano na lamang ang binibili.
"Ang ganda mo talaga, Ciara!" ani Florah nang kumain na kami ng pananghalian. Careful siya sa pagkain dahil sa kanyang nail extension. "Hindi na ako magtataka na hindi ka na makakalabas sa first honeymoon ng asawa mo!"
Uminit ang pisngi ko. "M-Maganda ba talaga ako?"
"Gaga! Siyempre, Oo no!" ani Ryan at umirap. "Kung lalaki lang ang puso ko, aagawin kita kay Amadeus! You are gorgeous as hell! Duh! Sadyang bet ko lang mga katulad ng asawa mo."
"Kinakabahan ako sa kasal namin," hindi ko maiwasang sabihin iyon. "Baka di matuloy."
"Aba, paano mo naman iyan nasabi? Masyado kang nega! Mangyayari iyan! Hihilain ko yang singit mo kapag hindi."
At para kaming tanga na tumatawa sa gitna ng aming pinagkainan.
Pag-uwi ko sa aming bahay ay ang pagtawag ni Amadeus sa aking phone. Excited na sinagot ko ito at inilapag sa sofa ang mga paper bags na naglalaman ng iba't ibang damit mula sa iba't ibang brands sa mall.
"Hello, Amadeus!"
"Oh! Mukhang masaya ka ngayon! How's gala with your friends?" he asked.
"It's good! Na-miss ko sila kasi matagal ko rin silang hindi nakita," kuwento ko. "Ikaw, ano ang ginagawa mo ngayon?"
"Nothing. I want to see you."
"Naku! Bukas na ang kasal natin kaya bukas mo na ako makikita!"
Tingin ko ay lumabi siya sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.
"But I want to see you. Puwede mag-video call?"
Medyo nataranta ako. "H-Ha!? Eh huwag na! Bukas na lang tayo magkita!?"
"Are you hiding something?"
Umiling ako at napahawak sa buhok ko. "Wala naman. Sige ah! Magsha-shower muna ako, Amadeus! See you tomorrow!"
"Wait-"
"I love you! Bye!"
At agad kong in-off ang tawag at napatili na lamang sa sobrang hiya. Naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya nang tingnan ko, nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko nang makita ko ang text niya.
Amadeus:
I love you too. See u tomorrow :)
Pinigilan ko ang sarili ko na tumili muli at saka niyakap na lamang ang aming phone. Alam ko na akin na si Amadeus ngunit parang presko pa rin ang datingan sa aming dalawa. Bukas na ang aming kasal matapos ang isang buwan na pagpaplano and mixed emotion ang aking nararamdaman ngayon.
Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Manang Rosa para sa paghahanda.
Today is the day.
Kasal ko na pala and for the first time, malaki ang ngiti sa aking labi. Excited ako na bumangon at naligo. Excited ako na kumain ng agahan at magaan ang loob ko sa lahat.
Kung nandito kaya si Ate Solana, magiging masaya kaya siya sa akin? Alam ko na sobrang supportive ng kapatid ko na iyon kaya na-i-imagine ko na agad kung ano ang sasabihin at gagawin niya sa akin.
Sinimulan na akong ayusan ng mga hinire nila na makeup artist. In fairness, magagaling ang mga ito kaya mas lalo akong gumanda lalo na nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin.
"You dyed your hair," komento ni Daddy nang pumasok siya sa silid kung saan ako inayusan. Hindi pa ako naka-suot ng wedding gown ngunit tapos na ang makeup ko at ang buhok ko.
"Uh...Opo."
"It suits you," ani Dad sabay hakbang palapit sa akin. "Today is your wedding day. Sigurado ako na masaya sina Ate Solana mo at Mommy mo ngayon."
Nangilid ang luha sa aking mata.
"Dad-"
"Don't cry," pagpigil niya sa akin. "Masisira ang makeup mo. Just let me speak."
Tumango ako at pinigilan ang luha ko na tumulo.
"I am here to tell you how much I love you as my daughter. Ciara, I know sa loob ng ilang taon, hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Masyado akong mahigpit at siguro na-misunderstood mo ang mga bagay lalo na yung paghihigpit ko sa iyo at ang pagluluwag ko naman sa Ate Solana mo. Hindi magma-matter ang opinion ng iba sa iyo because you are important to me. Ayaw kong mawala ka sa akin. Noong panahon na iyon, I just want to give Solana everything dahil alam ko na kukunin din siya sa akin. Ciara, I want to apologize for everything."
"Dad, it's fine! Ano ka ba? Hindi po ako yung tipong tao na dinidibdib po ang lahat! I know you love me po! Kailanman ay hindi ako nagtatanim ng galit sa inyo lalo naman kay Ate Solana."
"You look exactly like your mother," nasabi na lamang ni Dad bago ko siya niyakap. Humigpit pa ang hawak ko nang may nararamdaman akong likido na tumulo sa aking balikat.
He cried.
Pero ayaw kong umiyak dahil iyon ang gusto niya.
Matapos ang yakapan na iyon ay kumalas siya at kinuha any isang kamay ko. Inilapag niya sa palad ko ang isang engraved coin. Siya rin mismo ang nagsara sa kamay ko.
"Dad-"
"Best wishes, Ciara." Ngumiti siya sa akin bago niya ako iwan sa silid.
Naibaba ko ang tingin ko at binuksan ang palad ko. Isang engraved coin ang ibinigay ni Daddy na may nakaukit na mga hugis puso.
Ang cute!
Napangiti na lamang ako at saka isinuot na ang wedding gown para pakasalan na si Amadeus.
__
A/N: Next is epilogue! Maraming Salamat po sa mga readers na sobrang patient lalo na sa akin kasi ang tagal ko mag-update. 🤣😚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top