Kabanata 35

"Ano po ang ginagawa niyo rito? Wala po si Daddy ngayon."

Pormal na umupo si Tita Diane at tiningnan ako. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya ngunit hindi ko maiwasan ang kabahan. Ang huling natandaan ko sa kanya ay galit siya sa akin. Ayaw niya sa akin kaya bakit siya naririto?

"Hindi si Manolo ang sadya ko rito. Ikaw ang sadya ko," sambit niya.

Mahina akong napasinghap at sinubukan kong maging matapang sa harapan niya.

"Hindi ko alam kung ano ang nakikita ni Amadeus sa iyo. To me, you are just a plain girl. Ang babaeng hindi napapansin. Ang babaeng ikalawa lang kay Solana." Umangat ang sulok ng labi niya. "Kung may naiiba man sa iyo noon, iyon ay ang kulay ng buhok mo."

"Nandito po ba kayo para lang sabihin iyon sa akin?" Tinuro ko ang pinto. "Bukas po ang pinto po. Maaari na kayong umalis."

Natawa siya. "Magkaugali talaga kayo ng Mama mo, no? Kaya ayaw na ayaw ko sa iyo. Carbon copy ka niya."

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang nakatayo habang si Tita Diane ay nagpatuloy sa pagkuwento.

"Pareho kami ng minahal kaya nang siya ang pinili ng iyong ama, nagalit ako sa kanya. You can call me whatever you want. I loved your father." Tumayo siya kaya nag-level na ang aming tingin. "Kaya sana ay maintindihan mo ang galit ko."

Nang hindi ako nagsalita ay bumuga siya ng hangin sabay ayos ng kanyang sarili.

"Hindi ako narito para ikuwento ang nangyari sa nakaraan at kung gaano kita ka disgusto. I am here as a mother. Sa huli, ang isang ina ay gagawin ang lahat para sa anak kaya Ciara Winter..." Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko. "Huwag kang magpakasal sa mga Lopez. Gusto mo si Amadeus, hindi ba? Mas masasaktan ang anak ko kung sa kaibigan ka niya magpapakasal. It won't happen anyway dahil di naman totoo yung annulment. But still, I hope ipaglalaban mo si Amadeus mula kay Manolo gaya ng paglaban niya sa iyo mula sa amin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi gaya noon, parang kaswal na lamang niya itong sinasabi. Na parang ayos na sa kanya na sa akin mapupunta ang anak niya. Binitiwan na niya ang magkabilang-balikat ko at umatras na.

"That's all." Tipid siyang ngumiti sa akin at naglakad na patungo sa pinto.

"T-Tita..." tawag ko sa kanya kaya tumigil siya sa paglalakad. Binalingan niya ako at tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit?"

Huminga ako nang malalim. "Mahal ko ang anak ninyo. Siya lang ang lalaking mahal ko...at Oo, ipaglalaban ko siya. Maraming salamat po."

Hindi maipagkaila ng aking puso ang tuwa. First time kong makaramdam ng gaan sa kalooban habang kausap at kaharap si Tita Diane. Ito ang unang beses na ang gaan ng tingin ko sa kanya.

Natulala na lamang ako nang ako na lang ang mag-isa. Di na mawala sa isip ko ang sinabi ni Tita Diane. Ilalaban ko si Amadeus. Hindi ko hahayaan na hahadlang si Daddy sa pag-iibigan naming dalawa.

Tumayo ako at kahit ayaw akong palabasin, tumakas pa rin ako sa bahay namin at nagtungo sa kompanya. Mabilis kong pinark ang kotse na ginamit ko at tumakbo papasok sa loob.

Kasama ni Daddy si Amadeus. At ayaw kong magtatagal pa ito. Ayaw ko na magkahiwalay kami. Asawa ko siya kaya akin siya.

Pagpasok ko pa lang sa entrance ng building, nakita ko agad sina Amadeus at Daddy na papatungo na sa elevator. Pareho silang naka-suit. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-usapan.

Mabilis akong tumakbo patungo doon habang sinisigaw ko ang kanyang pangalan.

"AMADEUS!"

Natigilan sa paglalakad si Amadeus at gulat na lumingon sa akin. Gano'n din si Daddy na nakakunot na ang noo sa akin.

"Ciara," malamig na sambit ni Daddy sa aking pangalan. "What are you doing here? I told you to stay ay home."

Kita ko na parang nagdadalawang-isip si Amadeus. Ano kaya ang ginawa ni Daddy sa kanya? Hindi puwede! Aagawin ko si Amadeus mula sa kanya.

"Dad, malaki na ako," panimula ko. Kumunot lalo ang noo niya. "I can handle myself! I can handle everything in this world kaya hindi ka na dapat nag-aalala sa akin!"

"What are you saying?" Kinuha ni Daddy ang phone niya na parang may tatawagan. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kailangan ko nang gawin ito. This is for the best. Sigurado ako na titigil na sila. Titigilan na nila kami. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita muli.

"I am pregnant, Daddy! Si Amadeus ang ama!" malakas na pagkasabi ko na parang ikinatahimik ng paligid.

Naibagsak ni Amadeus ang briefcase na dala niya at si Daddy ay parang nanigas sa kanyang kinatatayuan.

It was a lie. Of course I am not pregnant! Pero wala na akong ibang paraan! It was my only choice para maibalik sa akin si Amadeus at para hayaan na ako ni Daddy.

"C-Ciara..." Hindi makapaniwalang sambit ni Amadeus sa aking pangalan. "Is it true? M-Magiging tatay na ako?"

Sorry, Lord.

"Oo, b-buntis ako kaya-"

"YOU FUCKING TRAITOR!"

At nagtilian kaming mga nakakita dahil sinuntok ni Daddy ang masayang mukha ni Amadeus kaya natumba ito at nawalan ng malay.

"AMADEUS!" sigaw ko at mabilis na lumapit upang daluhan siya.

***

Imbes na sa ospital dalhin si Amadeus, sa bahay ko siya pinadiretso at doon ginamot. Tahimik lamang si Daddy habang tinitingnan akong inaalagaan ang asawa ko na wala pa ring malay hanggang ngayon. Hindi ko akalain na may lakas pa rin pala si Daddy na manuntok kahit may edad na siya.

"Ciara."

Natigilan ako sa paghaplos sa buhok ni Amadeus at binalingan si Daddy. Seryoso ang kanyang tingin sa akin.

"Is it true? You're pregnant?"

Napalunok ako. "O-Oo. B-Buntis ako."

Bumuntonghininga siya at napaayos ng upo.

"You know how much I care about you, anak," ani Daddy na tila lumambot niya. "I want the best for you."

"This is the best for me, Dad," ani ko sabay ngiti sa kanya. "This is what I want."

"Dalaga ka na talaga," aniya sa mahinang boses. "Hindi na talaga kita mapipigilan sa gusto mo."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Dad..."

Humawak na siya sa door knob ng kuwarto ko. "Bantayan mo ang asawa mo. Lalabas lang ako."

At tahimik na lumabas si Daddy sa kuwarto ko. Nakahinga ako nang maluwag at tiningnan si Amadeus.

Ano ang gagawin ko? Nagsinungaling ako sa kanila? Paniguradong kakalat na yung balita. Hindi ako buntis.

Huminga ako nang malalim at nang lalayo na sana sa walang malay na si Amadeus, di naman iyon natuloy dahil may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, nakadilat na ang mga mata ni Amadeus.

"Amadeus!"

Humigpit ang hawak niya sa akin at inabot ang mukha ko upang mahaplos ito. Kita ko ang kanyang pangungulila.

"Totoo ba iyon? Buntis ka?" tanong niya sa akin. "Magiging tatay na ako?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "I-I'm sorry, Amadeus. Nagsinungaling ako. W-Wala na akong ibang paraan. Gusto na kitang makasama. Gusto ko nang tigilan na nila tayo."

Akala ko ay madismaya siya sa sinabi ko pero nagulat na lamang ako nang hinila niya ako palapit sa kanya kaya napadagan ako sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata at bago pa man ako naka-react, nagpalit kami ng posisyon. Ako na ngayon ang nasa kama habang siya ay nakadagan na sa akin.

"A-Amadeus..."

"Puwes, let's make it real, Ciara. I want you pregnant."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at napapikit ako nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top