Kabanata 34

A/N: Hi! I'm back! Sorry sa sobrang tagal! Daming nangyari sa life ko, eh!

*****

Hindi ko alam kung ilang segundo ako nagpipigil-hininga. Hindi ko kasi inakala na sa bintana ko dumaan si Amadeus. At hindi lang iyon, naroon din si Caleb sa ibaba kaya pinapasok na rin siya ni Daddy.

Para kaming mga batang nahuli sa sobrang tikom ng bibig. Tatlo kaming nakaupo sa sofa ng kuwarto ko habang kaharap ang nakatayong si Daddy. Katabi ko si Amadeus habang katabi naman ni Amadeus si Caleb.

"This is unbelievable," ani Daddy habang umiiling-iling. "May pinto naman. Nagmumukha kayong magnanakaw sa ginagawa ninyo."

"Tito," si Caleb ang nagsalita. "I am really sorry. This is my fault. I helped Amadeus. But...I hope hindi niyo sila ilalayo sa isa't isa. They love each other."

Napatingin ako kay Caleb. Ngumiti siya sa akin kaya nakaramdam ako ng kaginhawaan. Tiningnan ko si Daddy na gano'n pa rin ang expression. It was obvious that he didn't like what he just heard from a Lopez.

"Caleb, you won't marry my daughter?"

Umiling si Caleb. "No, Tito. I'm sorry for disappointing you pero hindi po kami talo ng aking kaibigan. Our family issue didn't hinder our friendship. We do the opposite. Hindi namin gawain ang away matatanda. We are not stuck in the past."

Umangat ang kilay ni Daddy at humakbang siya kay Amadeus na kalmado lang na nakatingin sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mapalunok. Wala kasi akong nakita kay Amadeus na takot siya kay Daddy. He was so confident and sure.

"You liked Solana," panimula ni Daddy. "Why wasting your time with my second daughter? Hindi ba dapat ay masaya ka dahil maghihiwalay na kayo."

"I won't let that happen," Amadeus said while looking at my father with his calm face. "Inaamin ko na gago ako. I was cruel to Ciara before. I liked Solana, yes...pero si Ciara ang mahal ko. Kung gusto mong talikuran ko ang pamilya ko, gagawin ko para lang makasama ko si Ciara."

My dad looked amused. Hindi niya iyon inaasahan sa bibig ni Amadeus.

"You can do that for her?"

"Oo..." Nagulat ako nang hawakan ni Amadeus ang aking kamay habang na kay Daddy pa rin ang kanyang tingin. "Nagawa ko na iyon, I can do it again."

Nagtagal ang tingin ni Daddy kay Amadeus. Para silang nagtatagalan ng tingin. Hindi ko maiwasan ang kabahan lalo na nang bumuntonghininga si Daddy.

"Caleb, Ciara, lumabas kayo," utos ni Daddy.

"Dad..." Tiningnan ko siya. "Ano ang gagawin mo kay Amadeus? Wala ka namang gagawing masama sa kanya, right?"

Hindi ako sinagot ni Daddy kaya nag-alala kong tiningnan si Amadeus. He just smiled at me and assured me na okay lang siya.

Tumayo si Caleb at saka hinawakan na ako sa braso at tahimik na lumabas sa kuwarto ko.

***

Para akong nagro-rosaryo sa sala. Paulit-ulit kong pinagdadasal na sana ay magiging okay lang si Amadeus. Kung nakatatakot ang pamilya ni Amadeus, mas nakatatakot si Daddy.

"Ciara, stop it. Magiging maayos lang si Amadeus. Wala ka bang bilib doon?"

Nilingon ko siya. Ngising-ngisi lang siya na parang hindi siya nag-alala para sa kaibigan niya. "I don't know. Parang kailan lang you betrayed him! Now, magkakampi na ulit kayo."

Sumeryoso ang mukha niya. "I told you, this is just part of the plan."

"Plan? What is your plan?"

"Hindi mo ba nakita?" Umangat ang sulok ng labi niya. "Pinadalhan ka ng pamilya ni Amadeus ng annulment paper dito. You signed it immediately and it triggered them."

"Huh? Why?"

"Kasi nalaman nila na kaya mo pinirmahan dahil ikakasal ka na rin sa akin. Eh alam mo naman, magkaaway ang mga Lopez at Rodriguez. Ayaw masapawan ng mga Rodriguez dahil baka mas lalo raw kaming yayaman!" Natawa siya. "Hindi ko talaga maintindihan ang away ng mga matatanda. Sinisisi ang pamilya namin sa pagkawala ng mga yaman nila."

"So?"

Napawi ang ngisi niya. "Di mo pa rin ba gets? Na kay Tito Manalo ang huling halakhak! Kasi ang pamilya na mismo ni Amadeus ang kusang lumapit and convinced him not to marry you to a Lopez."

"Then totoo ba ang sinabi mo na gusto mo ako?"

He was caught off guard by my question.

"Or parte lang iyon ng plano-"

"I like you," pagputol niya. "Totoo iyon pero gaya ng sabi ko, di ko aagawan ang kaibigan ko. Nagpakahirap akong kaibiganin iyon noon dahil mahirap tapos para lang sa isang babae ay sisirain ko na. Hindi ako gano'n, Ciara."

I smiled at him. "Salamat, Caleb."

Hindi na nagpatuloy pa ang aming pag-uusap dahil nakita ko ang pagbaba ni Daddy sa hagdan. Kasunod niya si Amadeus. Napatayo ako.

"Dad!" Lumapit ako sa kanya. "Dad, please hayaan mo na kami ni Amadeus, please!"

Malamig niya akong tiningnan. "Hahayaan ko na kayo, Ciara, pero for now, Amadeus needs to work hard on it para makumbinsi niya akong magiging maayos ka na sa piling niya at hindi na pagmamalupitan ng pamilya niya."

Tiningnan ko si Amadeus na nakatingin lang sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Dad.

"And then? What will happen, Dad?"

"Amadeus will come with me. Sabi niya, gusto niyang gumawa ng pangalan nang hindi umaasa sa magulang niya. He will start today. Hindi muna kayo magkikita."

Nanlumo ako pero nang tingnan ko si Amadeus ay tumango lamang siya sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag.

***

Amadeus started working with my father. Hindi ko alam kung magandang ideya ba iyon. I'm afraid na baka e-treat siya ng iba ni Daddy. Everyday, nanghihingi ako ng updates kay Dad pero he won't give me. He told me to wait and wait. Pero umabot na ng linggo ay wala pa rin. Miss ko na si Amadeus.

Kaya naman nang may nag-door bell sa bahay, excited pa ako na bumaba dahil akala ko ay si Amadeus ang aking makikita ngunit pagbukas ko ng pinto, mukha ni Tita Diane ang bumungad sa akin.

Napasinghap ako at napaatras.

"Tita Diane."

Nagulat ako nang ngumiti siya sa akin. "Hindi mo ba ako papasukin?"

"Uhm..." Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto. "P-Pasok po kayo."

Pumasok si Tita sa aming bahay at napalunok ako nang siya ay sundan ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako binisita pero sana lang ay hindi niya na ako aawayin dahil hindi ko na siya aatrasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top