Kabanata 33

"Ano ang ginagawa niyo rito?" malamig na tanong ni Daddy sa dalawa. "Nakuha na ang gusto niyo. I don't think meron pa tayong business na pag-uusapan."

"Manolo," ani Tito Stephan. "We came here for clarification."

"Clarification?" Umangat ang kilay ni Daddy at binalingan si Tita Diane. "What clarification? Hindi pa ba klaro ang nangyayari ngayon?"

"Puwedeng papasukin mo muna kami, Manolo?" ani Tita Diane. "So that we can talk formally?"

"Did you talk to my daughter formally, too?" ani Daddy. "Hindi ako nag-expect ng bisita ngayon kaya hindi ako magpapasok. My daughter is inside."

Nanigas ako nang tinukoy ako ni Daddy kaya bumaling ang kanilang mga mata sa akin. Tito Stephan remained calm while Tita Diane's forehead creased.

"Manolo-"

"My daughter already signed the annulment paper," pagputol ni Daddy. "Ano pa ba ang gusto niyong mangyari?"

"Are you making us your enemy, Manolo?" diretsahan tanong ni Tito Stephan. "Alam mo naman kung ano ang mga Lopez sa buhay namin, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko dahil nabanggit ang apelyido ni Caleb. Ano ang meron sa mga Lopez at napapunta pa talaga sila dito?

"And?"

"Are you being serious right now?" ani Tito Stephan. "We can talk about this. We will cancel the negotiation between Echavez. If you like, we can bring your daughter and my son back together."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Tito Stephan. Bakit sila ganiyan? Out of nowhere, biglang gusto nila kaming ibalik ni Amadeus sa isa't isa? Bakit? What triggers them to say that? Kahit mismong si Tita Diane, hindi man lang nag-react.

"In exchange, cancel whatever your business with the Lopezes," dagdag pa ni Tito Stephan.

Bumuntonghininga si Daddy. "Let's talk inside."

Pinapasok ni Daddy sina Tita Diane at Tito Stephan. Ako naman ay nanatili sa malayo, palihim na nakikinig. Alam na nila na nandito ako pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi makinig sa kanilang pinag-usapan.

"As I said, cancel your business with the Lopez, Manolo. Alam mo naman na matindi ang alitan namin sa pamilya na iyon. You triggered it."

"Why should I care about that, Stephan? Matagal ko nang pinutol ang koneksyon natin. So I have the freedom to choose. And I think the Lopezes are good people. You are just trying to tarnish their name because of the past na hindi niyo kailanman malilimutan."

"Manolo..." Kumuyom na ang kamao ni Tito Stephan kaya medyo kinabahan na ako. "The Lopezes stole our wealth! They are the reason kung bakit kami mapili sa mapapangasawa ng anak ko. My father's sister married that Lopez at nang mamatay, napunta sa kanila ang yaman!"

Mahina akong napasinghap. Hala. Yun ba ang ikinuwento ni Amadeus sa akin noon? Yung kapatid ng lolo niya? Meaning ang Lolo ni Caleb ay dating asawa ng kapatid ng lolo ni Amadeus? Wala bang prenup dati?

"I am aware about that story, Stephan, pero labas ako diyan. I want my daughter to live in peace, and your son can't give it to her lalo na sa kung anong klaseng pamilya ang meron siya. I don't want my daughter to be treated like trash just because Ciara looks exactly like my wife. Her face triggered Diane so she treated her badly."

Napasinghap si Diane at napatingin kay Daddy. "Manolo that's-"

"You have a husband now, Diane, and a son. Matagal na panahon na ang nakalipas and I don't think it's right for you to still stick in the past just because I married my lovely wife instead of you."

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa narinig. Sa pagkakaalam ko, pinakasalan ni Daddy si Mommy na may pagmamahal. Kaya ba ayaw ni Tita Diane sa akin dahil naalala niya si Mommy? Mahal niya pa ba ang Daddy ko?

Napatingin ako kay Tito Stephan na kalmado lamang. Parang alam niya na may gano'n. Hindi ba nila mahal ang isa't isa?

"Let's get back to our real topic. Manolo...I know hindi naging maganda ang pagputol ng koneksyon natin. We've been cruel to your daughter but...please consider our request. Don't let her marry a Lopez. The annulment. It's nothing. We won't do it again. We promised that we wouldn't interfere with my son's love life."

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang usapan dahil nagtungo na ako sa kuwarto ko. Sinubukan ko pa ring contact-in Amadeus ngunit hindi pa rin siya sumasagot. I ended up calling Caleb.

"Hey uhm-"

"WHY ARE YOU CALLING HIS DAMN PHONE, MY WIFE?!"

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Amadeus. "Amadeus..."

"Nasa bahay ba sina Mommy?"

"O-Oo. Nandito sila."

"Why did you sign the annulment paper? At talagang balak mo akong hiwalayan?!"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Akala ko-"

"Ako na nga itong lapit nang lapit sa iyo. Kinukulit ka kahit lumalayo ka na tapos hiniwalayan kita?"

Narinig ko sa background ang reklamo ni Caleb.

"N-Nasaan ka ba? Ayos lang ba si Caleb?"

"SI CALEB TINATANONG MO? AKO HINDI!?"

Nataranta ako. "H-Ha? Ikaw? Ayos ka lang ba?"

"Hindi."

Nataranta ako lalo. "M-Malala ba ang nangyari sa iyo? Sorry, Amadeus-"

"Kailangan ito ng halik mo. Nasa bahay ka pa rin ba? Makakalabas ka ba?"

Naibaba ko ang tingin sa paa ko sa sahig at huminga nang malalim. "Hindi, eh..."

Pero nag-usap na sila ni Daddy at parents ni Amadeus. I hope it turns out well. Sa huli kong narinig kanina, balak ibalik ang samahan nila ni Daddy at gano'n din kami ni Amadeus.

"Pupunta ako diyan mamaya. Sasama ako kay Caleb."

Napasinghap ako. "T-Talaga?"

"GAGO KA BA? HINDI KA PUWEDE DOON UY! BANNED KA DOON!" narinig kong wika ni Caleb sa kabilang linya. "Akin na nga iyan!"

"Teka nga gago ka! Kausap ko pa asawa ko!"

Natawa na lamang ako at sumilay ang ngiti sa aking labi. Magkaawa ang pamilya ni Caleb at Amadeus pero salungat naman silang dalawa. Mag-bestfriend sila at hindi nagpadala sa nakaraan na meron ang pamilya nila.

Nang maghapon, dalawang oras matapos ko siyang makausap, excited akong lumabas sa kuwarto at bumaba sa hagdan patungong sala. Wala na sina Tita Diane at Tito Stephan doon pero nakita ko si Daddy.

"Dad!" Lumapit ako sa kanya. "A-Ano ang nangyari?"

"The Rodriguez wants to negotiate with me again and promise na hindi na mangingialam sa inyong dalawa ni Amadeus."

Namilog ang mata ko at nakaramdam ng saya sa aking puso. "TALAGA PO?"

Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko. "But I declined their request."

Naibagsak ko ang balikat ko sa sinabi niya. "D-Dad..."

Hinawakan ni Daddy ang balikat ko. "You are my only daughter. If that guy really loves you, then he will fight for you, kahit ako pa ang makakalaban niya."

"P-Pero...hindi na po matutuloy yung sa amin ni Caleb, hindi ba?"

Sinundan ko si Daddy at paakyat muli kami sa hagdan patungong second floor. Nasa hallway na kami at tingin ko ay papatungo siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung bakit?

"Dad..." Humabol ako sa kanya. "Caleb and I are friends. Ayaw kong masira kung anong meron kami dahil lang sa kasunduan. Please consider their request, Daddy! Nangako naman po sila na hindi na sila mangingialam."

Bumuntonghininga si Daddy at saka nang nasa tapat na ng pinto ko, bumaling siya sa akin. "Do you really love that boy?"

"He is not a boy, Dad! He is the man I love!"

"Really?"

Binuksan niya ang pinto ng kuwarto ko at pagbukas na pagbukas, nalaglag ang panga ko nang makita ko si Amadeus na paakyat pa sa bintana ng kuwarto ko.

"A-Amadeus!"

Napatingin si Amadeus sa amin at namilog ang kanyang mata nang makita kami. Umigting naman ang panga ni Daddy at binalingan ko.

"Is that a man? A man won't do that, Ciara Winter."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top