Kabanata 32
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Si Caleb? Fiance ko? Is this a joke?
"Dad..." Hinawakan ko siya sa kamay. "A-Ano ang ibig mong sabihin? I have a husband, Daddy. Asawa ko si Amadeus kaya--"
"Diane sent you an annulment paper, right?"
Namutla ako sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman? Wala akong sinabihan, ah?
"Dad..."
"It's a sign for you to give up. That boy is not good for you. Tingnan mo, hinayaan niya lang ang ina niya na gumalaw para sa kanya. He didn't fight for you, anak," wika niya. "He is a coward."
Umiling ako sa kanya at napaatras. "D-Dad...I can't believe you." Binalingan ko si Caleb na seryoso pa rin ang tingin sa akin. Wala na ang sigla sa kanyang mukha at nabahala ako roon. "Caleb, magkaibigan kayo ni Amadeus, right? Bakit?"
Bumuntonghininga si Daddy. "Lalayo muna ako. Alam ko na marami kayong pag-uusapan."
Nang umalis si Daddy ay agad akong lumapit kay Caleb at hinawakan siya sa kamay. Naibaba niya ang tingin niya roon.
"Caleb, sabihin mo naman sa akin na hindi totoo. Alam mo naman na mahal ko si Amadeus."
"I know," sagot niya sa akin. "And we are not friends, Ciara."
Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi at nakaramdam ng kirot sa aking puso.
"P-Paano mo nasabi iyan? He is your friend. Amadeus treats you as his friend! And you are going to betray him?"
Parang sunod-sunod akong sinasaksak sa mga pangyayari. Ang sakit at ang sikip sa dibdib.
Bakit nangyayari ang mga ito sa amin? Hindi ba puwedeng maging masaya na lamang kami.
"I didn't betray him," ani Caleb. "Because my family and his family will never be friends. We are enemies, Ciara."
"H-Ha?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Your father is right. Amadeus is not good for you. I regret helping him. I regret ignoring my feelings for you."
Umawang ang labi ko. "C-Caleb, ano--"
"I have feelings for you, Ciara," pag-amin ni Caleb sa akin. "At alam iyon ni Amadeus. He knows my feelings and yet..."
Kumuyom ang kamao niya.
"Caleb, kaibigan kita at--"
"I don't want to hear your explanation, Ciara. I am here standing in front of you not because I have feelings for you, but because this is business. I am going to marry you for business. Love makes you crazy. Love makes you weak. And that's what happen to Amadeus. He is the heir pero ano ang ginawa niya, tinalikuran niya ang pamilya niya para sa iyo." Umangat ang sulok ng labi niya. "He turned his family into his enemies to be with you. But at the end of the day, wala pa rin siyang magawa kundi ang sumunod sa kanila. He is bound to marry Herlene Echavez kaya hayaan mo na lang siya dahil duwag siya. Sign the annulment paper and--"
Hindi niya natapos ang kanyang pagsasalita dahil sinampal ko siya. Tumulo ang luha sa aking mata at napakagat sa ibabang labi. Hindi nag-react si Caleb sa ginawa ko.
"Hindi duwag si Amadeus," mariin kong sabi. "Ganiyan ka pala, Caleb. Kung alam ko lang, sana hindi na lang kita itinuring na kaibigan. Kasi kung kaibigan kita, sana inisip mo ang nararamdaman ko bago ka pumayag sa kung anong kasunduan na pinag-usapan ninyo ni Daddy!"
Tumalikod na ako matapos kong sabihin iyon at babalik na sana sa kuwarto ko nang magsalita siya.
"Sign the annulment paper, Ciara. Trust me..."
"How can I trust you, Caleb? You already betrayed me."
Pumasok na ako sa kuwarto ko at doon muli nagmukmok. Caleb is going to be my fiance kapag pinirmahan ko ang annulment paper na iyon.
Magiging miserable pa rin ang buhay ko dahil papasok ako sa isang kasal na hindi ko gusto. If I will let other people decide for me, walang pagbabago sa buhay ko. If I don't fight for Amadeus, wala na akong rason para maging masaya pa.
Caleb was a good friend to Amadeus. Pero ang nangyari? Bakit naging ganito?
**********
"You must trust Caleb, Ciara. Huwag kang magalit sa kanya," ani Daddy nang mag-alas singko na ng hapon. Lumabas ako at nadatnan ko si Daddy sa teresa.
"You made me hate him, Daddy," malamig kong sabi. "Wala ka ba talagang plano na bigyan ako ng kasiyahan? You want to marry the man I don't love! Just what are you planning, Daddy!"
Umigting ang panga niya. "I only did this for you. Ayaw kong api-apihin ka ng iba--"
"Matagal na akong inaapi, Daddy! Hindi lang sa pamilya ni Amadeus kundi sa mismong pamilya natin!"
Bumuhos na talaga ang lahat sa akin. Ngayon lang ako naglakas-loob na magsabi ng ganito. Ito ang matagal ko nang iniinda.
Lumambot ang ekspresyon ni Daddy. "Ciara..."
"Noon pa man, sinisisi na ako ng kapamilya natin sa pagkawala ni Mommy! Na sana, ako na lang ang namatay at niligtas ni Mommy ang sarili niya! Even you, Daddy! Ang lamig mo sa akin kahit hindi ko naman talaga kasalanan! Bakit ko kasalanan!? Ano ba ang ginawa ko? Sinabi ko ba na gusto kong mabuhay sa mundong ito!"
Napatayo si Daddy sa sigaw ko. "Ciara--"
"I am so tired, Daddy, yet I chose to be kind! Kahit ang sakit lang na gano'n ang trato sa akin. Kung may pag-iisip sana ako kahit nasa tiyan pa ako ni Mommy, sana sinabi ko sa kanya na iligtas ang sarili niya at huwag ako!" Napahagulhol na ako. "Kung tratuhin ako ay para akong kriminal. Noon pa man, magkaiba na talaga ang trato ninyong lahat sa akin. And now, you cared kung aapihin ako ng pamilya ni Amadeus!?"
Hindi nakapagsalita si Daddy pero kita ko ang guilty sa kanyang mga mata.
"Bakit ba ayaw sa akin ng lahat? Dahil ba hindi dapat ako nabuhay sa mundong ito!? You loved my mom, right? Mahal na mahal mo si Mommy. You chose her yourself. Kaya bakit ako? Bakit ako hindi puwedeng pumili ng gusto ko na para sa akin!? Kahit iyon na lang ang ibigay mo sa akin, Daddy!"
"You look exactly like your mom," wika ni Daddy na ikinatigil ko. "And I truly cared for you. You don't know how much I loathe our family for treating you like a criminal. I cared for you because you are my daughter kaya naging mahigpit ako sa iyo na halos tanggalan ka ng kalayaan. Marami akong ipinagbawal sa iyo samantalang sobra-sobrang kalayaan ang ibinigay ko sa kapatid mo na si Solana. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na maging gano'n sa iyo. I'm sorry for everything, anak. Bata pa lang ang Ate Solana mo, may sakit na talaga siya sa dugo...and it hurts thinking na isang araw ay mawawala siya sa atin kaya habang mahigpit ako sa iyo, naging maluwag ako sa kanya. I'm so sorry, anak. I truly wish for your happiness. The only thing you need to do is to trust me." Tumulo ang luha sa mata ni Daddy. "Kahit ngayon lang. Trust me, anak. Sign the annulment paper at ako mismo ang magsasampal sa kanila sa papeles na iyon."
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Daddy. Pero ang marinig mula sa kanya iyon ay mas lalo lang nagpaiyak sa akin.
He cared for me.
"D-Dad, ano ba ang makukuha ko kung pipirmahan ko iyon..." ani ko. "Ikakasal si Amadeus sa iba, Dad."
Hinawakan niya ako sa balikat. "This is Caleb's plan. He didn't betray you, anak, o ang kaibigan niya na si Amadeus. Just trust him. Sign the paper and see the result yourself."
Sa sinabi ni Daddy sa akin, pinirmahan ko ang annulment paper na may bigat sa dibdib. I trust him. I trust Daddy. I trust Caleb.
Kaya two days after I signed and delivered the annulment paper to the Rodriguez, nagulat na lamang ako nang makita si Tita Diane at Tito Stephan sa harapan ng bahay namin, kaharap si Daddy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top