Kabanata 31
"A-Ano ang ibig sabihin nito?" hindi makapaniwala kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa annulment paper.
Nakaplastada na roon ang pirma ni Amadeus at sulat-kamay niya talaga kaya sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"A-Amadeus, ikaw ba talaga ito?" lumuluha kong tanong at nanginginig na kinuha ang phone ko upang tawagan siya.
"Please sumagot ka, Amadeus..." umiiyak kong sabi habang nagri-ring ang kanyang phone. "Sagutin mo ako, please."
Ilang beses akong tumawag bago tuluyang sinagot ang aking tawag.
"Hello..." boses ni Tita Diane. "Ikaw na naman!"
"Tita, please! Ibigay mo ito kay Amadeus. Gusto ko siyang makausap!" ani ko.
"Ha!? Gusto mo siyang makausap? Well, I am sorry darling pero hindi ko na hahayaan na makausap mo pa ang anak ko. After what your father did to my son!? At isa pa, natanggap mo naman siguro ang annulment paper, hindi ba? Pirma mo na lang ang kailangan para matapos na ang lahat ng ito."
"T-Tita, I love your son, and he loves me--"
"You brainwashed him, you selfish girl! Hindi ka pa rin ba nakonsensya na kinuha mo siya mula sa Ate mo!?"
Napasinghap ako sa kanyang sinabi.
"Huwag mo na kasing ipilit ang sarili mo sa kanya at sa pamilya namin dahil hindi ka namin matatanggap. You and your family is a curse! So, if you really love my son, you will sacrifice for him. Sign the annulment paper and give up!"
"Tita, nasaan si Amadeus--"
"Amadeus is with his new fiancee. Miss Herlene Echavez. Kaya ikaw, behave like what you are before at pirmahan na iyan para matapos na ito. Understand!?"
Napahikbi na lamang ako at saka umiling-iling.
Bakit ba kung saan masaya na kami pareho ay bigla na lamang magkakaganito? Bakit hindi na lamang nila kami susuportahan? Bakit kailangang ganito pa?
Nang binaba ni Tita ang tawag ay tahimik akong umiyak sa aking kuwarto. I cried because I realized that I couldn't love Amadeus freely. Kahit mag-asawa na kami, mayroon pa ring eepal sa aming dalawa.
And I didn't steal him from Ate Solana. Kailanman ay hindi ko siya kinuha sa kanya dahil hindi naman ako mang-aagaw. Hindi ko alam kung bakit galit si Tita Diane sa akin. Kahit noong hindi pa niya alam ang tungkol kay Solana at sa sakit niya. I wonder why.
I wonder...
Kailan ko kaya mamahalin nang malaya si Amadeus. Maaayos pa kaya ang gusot sa pagitan namin ng pamilya niya?
Or...hindi talaga kami para sa isa't isa at siya ay isang lalaki na dumaan sa buhay ko para mahalin ko nang todo.
***
Halos hindi ko ginalaw ang pagkain ko sa araw na iyon. Hindi kasi mawala sa isip ko ang annulment paper at ang sinabi ng Mama niya sa akin.
"Ciara..."
Natauhan ako nang tinawag ni Daddy ang pangalan ko. Nasa hapagkainan kami at dalawang araw na ang nakalipas mula nang matanggap ko iyon.
"D-Dad..."
Tiningnan niya ang pagkain ko. "Hindi mo ginalaw ang pagkain mo. Are you on diet?"
"Busog po ako," rason ko.
"Busog?" Umangat ang kilay niya. "I heard from Manang Rosa na hindi mo ginalaw ang pagkain na dinala niya sa kuwarto mo. Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin ang lalaking iyon to the point na sisirain mo ang kalusugan mo?"
Nagbaba ako ng tingin. "Hindi naman po..."
Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa annulment paper. Kapag nalaman ni Daddy ang tungkol doon ay baka kombinsihin niya akong pirmahan ito or worst, puwersahan niya akong papirmahin.
"Eat," mala-utos na wika ni Daddy. "May bisita tayo mamaya at ayaw ko na matamlay ka sa harap niya."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Sino po?"
"Malalaman mo lang pagdating niya. Now eat."
Wala akong magawa kundi ang pilitin ang sarili na kumain. Hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko lalo na't hindi pa ako sigurado. Hindi naman kami basta-basta ma-a-annul kung walang pirma ko kaya mananatili iyon sa drawer ko nang walang makakaalam.
Naligo ako at nagbihis pagkatapos kong kumain upang maghanda sa mysterious visitor namin. Sinabihan ako ni Daddy na magbihis ng dress at maglagay ng simpleng makeup sa mukha. At since hindi naman ako marunong, tanging lipstick lang ang nailagay ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Halatang-halata ang mugto sa aking mga mata. Halata na umiyak akong magdamag. Napatingin ako sa itim ko na buhok. I remembered my gingered hair again. Kahit hindi ko danas ang kalayaan sa buhok na iyon, alam ko na ako iyon, at most of all, sa buhok na iyon, buhay pa ang Ate Solana ko.
"Ate..." nasambit ko na lang. "Kung nandito ka, mangyayari kaya ito sa akin? Kahit anong gawin ko, palaging lalayo at lalayo sa akin si Amadeus. Kahit pinilit namin na magtagpo, ilalayo pa rin kami ng tadhana.
"Ma'am Ciara..."
Naibaling ko ang tingin ko sa pinto ng kuwarto ko nang may kumatok.
"Yes, Manang Rosa?"
"Nandito na po ang bisita, Ma'am. Ang sabi po ng Daddy niyo, bumaba na raw kayo."
Bumuntonghininga ako at saka tumayo na mula sa pagkaupo. "Sige po, Manang Rosa. Lalabas na po ako."
Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas sa aking kuwarto upang kitain ang bisita namin ni Daddy.
Pagtungo ko sa sala, kumunot ang noo ko nang makita ko ang maraming bulaklak na nakalagay sa basket. Nakita ko si Papa na kausap ang lalaki na mukhang bisita yata namin. Hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa akin. Pero pamilyar ang kanyang kulay puti na buhok.
"Dad..." pagkuha ko sa kanyang atensyon.
"You're here," wika ni Daddy at lumapit sa akin. "I want you to meet someone."
"Sino po?"
Nang humarap sa amin ang lalaki, namilog ang mata ko nang makilala ko kung sino ito.
Caleb?
"Ciara..." Tipid siya na ngumiti sa akin. "Nagkita muli tayo."
"Caleb..." banggit ko sa kanyang pangalan at agad binalingan si Daddy. "Dad, what is the meaning of this?"
Bigla akong kinabahan. Caleb is Amadeus' friend. Wala namang kaduda-duda. But seeing him with Dad is unusual.
"Meet Caleb," pakilala ni Daddy kay Caleb na seryoso na ang mukha. Hindi katulad dati na palangiti. "He is your fiance."
Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi.
Ano?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top