Kabanata 30
Paulit-ulit akong napalunok habang kaharap ko ngayon si Daddy. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita. Ilang buwan ko rin siyang hindi nasilayan. I didn't see him mourning my sister dahil umalis siya agad. And now, he is here.
"What are you doing here, Ciara?" mariin na tanong ni Daddy sa akin sabay pasada sa akin ng tingin. "Are you really living alone?"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa huli niyang tanong. Seeing Dad again, alam ko na kung bakit. Alam ko na kung bakit siya nandito at kung bakit niya naitanong iyon. Hindi naman siya uuwi rito kung wala siyang nalaman na hindi niya nagustuhan.
"Dad, I--"
"Ciara!"
Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Amadeus. Paglingon ko, nakangiti pa siya ngunit nang makita ang kaharap ko, humina ang kanyang paglalakad at napawi ang kanyang ngiti sa labi.
"Amadeus..." pormal na tawag ni Dad kay Amadeus. "You are living with my daughter?"
Napatingin ako kay Amadeus at kinabahan ako lalo nang diretso siyang tumango sabay lapit sa akin.
"Yes, Tito. I am living with my wife," sagot ni Amadeus.
Natawa si Daddy sa sinabi ni Amadeus. "Wife? You called my daughter your wife, Mr. Rodriguez?"
"I am, Tito," matapang na wika ni Amadeus at humigpit ang hawak niya sa akin. "She's my wife. Hindi naman kami naghiwalay."
Tumangu-tango si Daddy at ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. "Ciara, let's go home."
At tumalikod si Daddy, papatungo na sana sa kanyang kotse pero humakbang ako ng isang beses kaya nabitiwan ako ni Amadeus at taas-noo akong nagsalita.
"No, Dad. I won't go home," sambit ko, nanginig ang labi, ang kamay, at ang tuhod. "D-Dito lang ako, Dad."
Gulat na binalingan ako ni Daddy. "CIARA WINTER!"
"Bakit ako uuwi, Dad?" tanong ko sa kanya. "Akala ko ba ay hinayaan mo na ako sa buhay ko? I thought you gave me freedom to live my own life--"
"Yes, I gave you the freedom to live your own life but not with that boy!" Tinuro niya si Amadues. "He is not good for you, anak. He and his family will never be good for you!"
Kumirot ang puso ko sa kanyang sinabi at si Dad naman ay napasapo sa kanyang noo, pilit pinakalma ang sarili.
Huminga siya nang malalim bago ako kalmadong tiningnan. "Let's go home, Ciara. Let's settle this. Ayaw kong marinig ng iba ang ating isyu sa buhay--"
"Ayoko, Dad!" ani ko na ikinamilog ng mata ni Daddy. Tumulo ang luha sa aking mata. "Bakit po? Bakit po hindi siya good for me? D-Dahil po ba ay para lang siya sa Ate ko? K-Kasi po, s-si Ate po ang ipinagkasundo sa kanya, D-Dad? Kaya po ba ay hindi ako puwede kay Amadeus?"
"I don't want to answer that nonsense question, hija," malamig na wika ni Daddy. "Let us go home whether you like it...or not."
At pagtalikod na pagtalikod ni Daddy, napasinghap ako nang may biglang humawak sa dalawang braso ko at pilit akong hinila kasunod ni Daddy.
"No! Huwag niyo akong hawakan! Let go of me!" I shouted at napalingon kay Amadeus na namilog na ang mata sa nangyari.
"Ciara!" tawag ni Amadeus sa aking pangalan at akmang tutungo sa akin ngunit hinarangan siya ng dalawa pang tauhan ni Daddy.
"Fuck!" mura ni Amadeus at sinuntok niya ito sa mukha.
"Amadeus!" sigaw ko. "Huwag!"
Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa aking nakita dahil nag-iisa lang si Amadeus at dalawa ang kaharap niya. Sinubukan kong magpumiglas muli sa hawak ng dalawa pero masyado silang malakas kaya ang ginawa ko, kinagat ko ang isa sa kamay at pinatid sa kanyang gitna ang isa kaya nabitiwan nila akong dalawa.
"Amadeus!" iyak kong tawag sa pangalan niya nang makitang pinagbubugbog na siya. "Stop that! Tama na po! Tama na yan!"
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na lumabas si Daddy sa kotse at inangat ang kamay.
"Enough," maotoridad na wika ni Daddy kaya natigil ang pambubugbog kay Amadeus na nasa lupa na, bugbog-sarado. "If you don't want me to hurt that boy, come with me, Ciara. I am your father. So you must obey me."
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mata at nang akma kong lalapitan si Amadeus, pinigilan ako ni Daddy.
"Ciara," bantang wika ni Daddy. "Let us go."
Pumikit ako at nang magmulat ay nakatingin na kay Amadeus.
"G-Go..." wika ni Amadeus. "Go with him. I-It's alright. P-Pupuntahan kita..." ani Amadeus at ngumiti sa akin. "I'll come and get you."
Tumangu-tango ako at saka nilingon si Daddy na agad umiwas ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka walang magawa kundi ang sumama kay Daddy.
***
Walang imik nang makarating kami sa Esperanza. Gulat ang mga caretaker sa bahay sa pagdating ni Daddy at sa pagdating ko. Pero ni isa ay walang nagtangkang lumapit o kaya naman ay magtanong dahil sa atmosphere na dala ni Daddy na talaga namang nakakaba.
But I don't want to be like before again. Ngayong nagkaroon na ako ng kalayaan para sa sarili ko, ayaw ko na maputol iyon. I want it more and more. Kaya naman kahit ramdam ko ang aking takot at kaba sa aking dibdib, lakas-loob ko pa ring tinawag si Dad.
"Dad..." I called his name. "Kung ano man ang pinaplano mo, ayoko po. Mahal ko si Amadeus-"
"Do you think mahal ka talaga ng lalaking iyon?" tanong ni Daddy sabay harap sa akin. "Look, hindi kita kinuha roon at dinala rito para saktan ka o ano. I am just protecting you-"
"Protecting me from who? Kay Amadeus ba, Daddy?" tanong ko sa kanya. "I am old enough, Daddy. Kung masasaktan ako, masasaktan ako! It's a part of life. Hindi naman siguro habambuhay ay masaya, hindi ba? Lahat naman tayo, masasaktan, tapos maging masaya ulit."
"You think matatanggap ka ng mga Rodriguez kahit sabihin na nating mahal ka ng anak nila?" tanong muli ni Daddy. "Think again, Ciara Winter. Hindi mo kilala ang pamilya ng lalaking iyon. They are obsessed with their wealth. Ngayong namatay ang Ate mo sa sakit niya, they will think na ikaw rin ay may nakakahawang sakit. I am not doing this because Amadeus is for your sister or any hidden agenda. I am saying and doing this because you are my daughter and I love you. You are the only one that I have right now, Ciara..."
Para akong nabunutan ng tinik ng kanyang huling sinabi. Para akong nanghina. Kasi ang mga huling katagang binitiwan niya ngayon sa akin ay parang ginto na ang mahal para lang marinig. At ngayon, hindi ko akalain na maririnig ko iyon at sa kanya pa.
To say that I am his daughter and he loves me, nakakapanghina...
"D-Dad..." Tumulo ang luha sa aking mata. "I-I love m-my husband. I-I...I'm sorry, Dad..."
Tuluyan na akong napahagulhol nang niyakap ako ni Daddy nang mahigpit sa living room ng aming bahay.
***
Ilang ulit akong tumitingin sa phone ko, waiting for Amadeus to call me. Luckily, wala namang binawi si Daddy sa akin. Nandito lang ako sa dating kuwarto ko sa bahay, nakaupo sa kama habang nakahawak sa phone. Pero ilang oras na akong naghihintay ng kanyang tawag pero wala. I am worried dahil nasuntok iyon.
Nang nabagot na ako, akma ko na sanang ida-dial ang numero niya nang biglang lumabas ang pangalan niya sa screen. Napangiti ako at agad sinagot ang tawag.
"Hello, Amadeus!" agad ko na bungad. "Nasaan ka? Ayos ka lang ba? Nagamot na ba ang sugat mo? Amadeus, sorry ha, hindi kita nasamahan. Hindi ko akalain na darating si Daddy. I-"
"You wench!"
Napaigtad ako nang iba ang boses ang aking narinig. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil pamilyar ang boses na ito.
"T-Tita..."
"Ikaw pala ang dahilan kaya maraming sugat ang anak ko!" sigaw niya sa kabilang linya. "Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom mo sa anak ko but you stay away from him, Ciara! Kahit ano pa ang gawin mo, you will never be Solana, alright? Kaya huwag ka na muling magpakita sa anak ko if you want a peaceful life!"
At in-off ni Tita ang tawag.
Sinubukan ko muling tawagan ang numero ngunit nag-ring lang ito at walang sumagot. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Amadeus pero tingin ko ay umuwi siya sa kanila.
"Ma'am Ciara..." boses ni Manang Rosa. "Pakibuksan po ng pinto. May padala po."
Kumunot ang noo ko at bumaba sa kama. "K-Kanino po galing?"
Pinalis ko ang papatulong luha sa aking mata.
"Hindi ko alam, Ma'am. Wala pong nakalagay. Nasa labas lang ito, eh. Envelope po."
Nagtungo ako sa pinto ng aking kuwarto at saka binuksan ito.
"Ito po, Ma'am."
Tinanggap ko ang envelope. "Salamat po."
Nang sinara ko ang pinto ay binuksan ko ang lamp ng study table ko at saka umupo ako sa upuan. Inilapag ko sa lamesa ang envelope at saka taka itong tiningnan.
Kanino naman ito galing?
Huminga ako nang malalim bago ko ito binuksan at sa pagbukas ko, napasinghap ako sa nakita kasabay ng pagsikip ng aking dibdib.
Hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip lang. Kasi kung panaginip lamang ito, gusto ko nang magising agad.
Ang laman lang naman ng envelope na ipinadala sa akin ay isang annulment paper.
*****
A/N: Hello, my loyal readers. Pasensya na talaga sa tagal ng update. Aware naman siguro ang iba dito kung bakit. Sa hindi pa, may OJT po kasi ako kaya madalang po ang update ko. Salamat po nang marami sa pag-unawa. Malapit nang magtatapos ang kuwento na ito. Hindi ko pa alam kung ilang chapters pero malapit na ang pagtatapos. Thank you po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top