Kabanata 3
"A-Ate, kumusta ka na?"
Isang buwan ang nakalipas simula nang ikinasal ako kay Amadeus at ngayon ko lang na-contact muli si Ate Solana. Gaya ng mga naranasan ko dati, gano'n pa rin ang pakikitungo ni Amadeus sa akin. Malamig at palagi akong binabalewala. Pero dahil sanay na ako, iniinda ko na lang kahit masikip na sa dibdib. Para naman ito sa Ate ko. Hindi naman ito para sa akin.
"Nagpapagaling ako, Ciara," sagot ni Ate Solana sa kabilang linya. "Ikaw kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Amadeus. Okay lang ba siya? Okay ka lang ba?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya kaya nagpatuloy siya.
"Galit ba siya?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka medyo nanginig dahil sa lamig. Nandito kasi ako ngayon sa loob ng bathroom. Ayaw ko kasi na marinig ni Amadeus. Iyon kasi ang gusto ni Ate kaya wala akong magawa.
"Ate, sana po ay gagaling ka na," umaasa na sambit ko. "I-Ikaw ang kailangan ni Amadeus dito, hindi ako."
Matapos kong sabihin iyon, sumikip ang dibdib ko. Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang gumaan ang pakiramdam ko.
"Ciara..."
Nakinig lang ako sa kanya.
"I'm sorry," sabi niya na ikinagulat ko. "I'm sorry dahil inilagay kita sa ganiyang sitwasyon."
"Okay lang naman, Ate," sabi ko at napangiti. "Para naman po ito sa inyo."
"I know. But...alam ko na mahirap. Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo ngayon pero hiling ko pa rin na sana, titibok ang puso ni Amadeus sa iyo."
"Ate..."
"Dahil wala na akong balak...wala na akong balak balikan siya ulit, Ciara."
Napatayo ako mula sa pagkaupo sa inidor dahil sa kanyang sinabi.
"Ate?"
"He is not for me, Ciara. Hindi siya ang nakatadhana sa akin. L-Look at me. Masakitin ako at kung hindi kayanan ng katawan ko, maaari akong mawala sa mundong ito. Ayaw ng mga Rodriguez sa mga sakitin."
Tumulo ang luha sa aking mata. "Bakit, Ate? Ano ba ang masama kung may sakit ka? Hindi ka na ba puwede kay Amadeus dahil lang may sakit ka?"
"Huwag na nating iyan pag-usapan, Ciara," tila nawawalang pag-asa na sambit ni Ate Solana sa akin. "Dati pa, alam ko na may pagtingin ka kay Amadeus at hindi ako kailanman nagalit sa iyo. You love him from afar. I know that. Sa tuwing bumibisita siya sa bahay natin, kita ko ang sigla sa mga mata mo kahit kasama niya ako. Your love for him is pure. Hindi pilit. Parang masaya ka na makita siya. A-And...my love for him is not enough. K-Kaya napagdesisyonan ko na ikaw ang itulak sa kanya. Para mabigyan ang sarili mo ng pagkakataon na maipakita sa kanya ang pagmamahal mo na matagal nang nakatago."
Hindi ako nakapagsalita sa haba ng sinabi niya at pinalis ko lang ang luha sa aking mata.
"H-He doesn't want to see my love, Ate Solana," sambit ko at suminghap. "Isang buwan na kaming kasama pero parang ako lang ang mag-isa. He wants you and I will never be you, Ate Solana."
***
"Saan ka pupunta?"
Natigil ako sa paglalakad patungo sa labas nang marinig ko ang tanong ni Amadeus. Binalingan ko siya at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay at nagawa pa akong pasadahan ng tingin. Nakita ko rin na nagtagal ang tingin niya sa suot ko.
Well, I am wearing my favorite floral dress at ang suot ko sa paa ay doll shoes. Nakalugay lang ang mahaba at ginger ko na buhok. Wala akong make up sa mukha dahil hindi naman ako marunong.
Nakaupo sa sofa si Amadeus at mukha siyang hari sa inuupuan niya.
"Uhh. Lalabas lang ako," sabi ko at saka tipid na ngumiti sa kanya. "Babalik din ako kaagad."
Humalukipkip siya. "Wala akong pakialam."
Nagulat ako sa sinabi niya. Wala naman pala siyang pakialam. Bakit niya tinatanong?
"Okay."
"At kung puwede lang, huwag ka na rin bumalik."
Nanigas ako sa puwesto ko dahil sa sinabi niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at saka umalis sa sala. Naiwan naman akong nanigas at nang maka-recover, kirot ang naramdaman ko.
Ayaw na ayaw talaga niya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Nangilid ang luha sa aking mata ngunit agad ko iyon pinalis at saka lumabas na ng bahay.
***
"Omg! The ginger hair is here!" maligayang anunsyo ni Ryan nang dumating ako.
Napangiti ako nang makita ko sila. Parang isang iglap, nawala ang sikip na nararamdaman ko sa pamamahay ni Amadeus. Makita lang sila ulit ay parang bumalik sa dati ang buhay ko.
Niyakap ko agad si Ryan nang makalapit at sinunod ko si Florah na ngayon ay malaki na ang ngiti sa labi.
"Miss ko kayo!" sabi ko at para kaming bata na tumalon-talon dahil excited ang makita ang isa't isa.
"Miss ka na rin namin, girl!" ani Ryan at saka makahulugang ngumisi sa akin. "Marami kang ikukuwento."
Ngumuso ako. "Baka iiyak ka lang sa kuwento ko. Wala naman akong magandang ikukuwento."
"Sus!" Hinila na ako ni Florah. "Halika na. Inuman na tayo! Alam ko na hindi na ito palagi dahil kasal ka na kaya dapat malasing ka ngayon!"
At wala na akong magawa nang hinila na niya ako patungo sa loob ng bahay niya.
Ikinuwento ko sa kanila ang buhay ko kasama si Amadeus at gaya ng inaasahan ko, napangiwi sila.
"Ang harsh naman ni daddy Amadeus. Feeling guwapo, ah!" Umirap si Ryan at saka uminom sa alak na nasa baso niya.
"Guwapo naman talaga si Amadeus, bakla!" ani Florah at saka ngumisi. "Kaya nga lang, masyadong seryoso ni Amadeus. Ang suwerte ng Ate mo, ah! Isang buwan na kayong kasal pero ang Ate Solana pa rin ang hanap-hanap niya."
"Kaya bugbog-sarado ang puso ng ating ginger hair," ani Ryan at saka inakbayan ako. "Huwag kang mag-alala, girl. Hahanapan kita ng para sa iyo. Hindi ka naman mahal ng Amadeus na iyon kay hahanap tayo ng mas guwapo at mas malaki sa kanya."
Namula ako sa sinabi niya at saka lumayo. "T-Tama na nga iyan. Huwag na natin siyang pag-usapan at mag-inuman na lamang tayo!"
At saka ininom ko ang alak na nasa baso. Ang sarap sa pakiramdam na makasama ang dalawa na ito kasi saglit kong nakalimutan ang totoong problema ko. Kung sana ganito na lang palagi.
Sana gagaling na si Ate Solana. Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa taong may mahal na iba. Kaya sana ay gagaling na talaga si Ate Solana para magkaroon na ako ng pagkakataong makalimutan si Amadeus.
***
Gaya ng sabi ni Amadeus, hindi ako bumalik sa bahay namin. Baka kasi mag-away na naman kami at makakarinig na naman ako ng masakit na salita mula sa kanya.
Nagsinungaling ako sa mga kaibigan ko na uuwi ako sa bahay pero sinabi ko lang iyon para hindi sila mag-alala. Ang totoo ay wala akong mapupuntahan.
"Miss, mag-isa ka lang?"
Natigil ako sa paglalakad at binalingan ang isang lalaki na sakay ng kanyang motor. Hinubad niya ang kanyang helmet at saka tiningnan ako.
"Uhh. Oo."
"Saan ba ang punta mo? Uuwi ka na sa inyo?" tanong niya.
Maamo ang mukha ng lalaking nakausap ko ngayon at may itsura. Pero kahit gano'n, nakaramdam pa rin ako ng kaba lalo na't gabi na at hindi ko siya kilala.
"Uhh. Hindi pa." Napalunok ako.
Natawa siya nang napansin niya ang ekspresyon kong mukhang natatae sa kaba.
"You're so cute with your ginger hair," aniya at saka ngumiti lalo sa akin. "Hindi naman ako masamang tao. Nag-aalala lang ako dahil mag-isa kang naglalakad at gabi na. Wala akong masamang intensyon. Gusto lang kitang ihatid para mapanatag ako."
"Hin-"
"Hindi na kailangan."
Natigil ako sa pagsasalita at gulat na nilingon ang may-ari ng boses na iyon. Umawang ang labi ko nang makita ko si Amadeus na kalalabas lang ng kanyang kotse. Lumapit siya sa amin at napasinghap ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko.
"Uuwi na tayo."
"Ha?"
"Kilala mo ba siya, Miss?" tanong ng lalaki na ngayon ay wala na ang ngiti sa labi.
Bago pa man ako maunahan ni Amadeus, sinagot ko na ang tanong ng lalaki.
"O-Oo. Kilala ko siya."
"Let's go," iritado na sambit ni Amadeus at saka hinila na ako patungo sa kanyang kotse.
"Bakit hindi ka umuwi?" iritado niyang tanong habang pinagbubuksan niya ako ng pinto.
Nagulat ako sa tanong niya at napatingin sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin, mukha siyang bubuga ng apoy kung hindi tama ang sasabihin ko.
"Sabi mo kasi ay hindi na babalik. Ginawa ko lang ang sinabi mo, Amadeus."
Umawang ang labi niya sa sinabi ko at agad nag-iwas ng tingin.
"Pumasok ka na," aniya at saka umikot na patungo sa kabila para umupo sa driver's seat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top