Kabanata 29
Marami kaming ginawa ni Amadeus sa aming pagbabakasyon. Bukod sa nag-celebrate ng birthday niya, nag-tour din kami sa buong lugar. Inuna namin ang mga sikat na beaches nila na totoong maganda talaga at malinaw ang tubig.
Sumakay din kami sa banana boat at speed boat na siyang first time ko. Parang araw-araw ay may ganap kami ni Amadeus at sobrang saya ko dahil sobrang effort niya sa lahat na siyang hindi ko inaasahan.
"Gusto mo bang mag-picture?" tanong niya sa akin habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa baybayin.
Alas tres na ng hapon at ramdam na ramdam ko ang init sa aking balat. Naka-sunglasses kami pareho at nakasuot ng beach attire.
"Anong klaseng picture?" tanong ko rin pabalik sabay nguso sa kanya.
"Napapansin ko kasi na hindi ka kumukuha ng picture ng sarili mo. I can take a picture of you, Ciara," aniya.
"Hindi ako mahilig sa picture," medyo nahihiya ko na pagkasabi. "Hindi ako active sa social media eh."
"But do you want to take a picture? For memories?"
Natigilan ako.
Tinuro niya ang isang malaking bato. "Pumwesto ka doon. I'll take a picture of you and post it on your Instagram, alright?"
Uminit ang pisngi ko at saka mahinang tumango sa kanya. Sinunod ko ang kanyang sinabi.
Nagtungo ako sa formed rock at saka nag-pose doon. Siyempre, may kaibigan naman akong bakla kaya medyo may natutuhan din ako na pose. Medyo awkward nga lang.
"Marunong ka naman pala mag-pose," ani Amadeus sa akin habang sina-swipe niya ang screen ng phone niya. "You should post more on your social media account."
Napatingin ako sa kanya. "Alam mo Instagram ko?"
"Yup," wala sa sariling sagot niya habang nagsa-swipe pa rin. "Naka-follow ako."
Napasinghap ako. "Talaga? F-in-ollow back mo ako?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na ngumiti. Matagal na akong naka-follow sa kanya sa Instagram niya na ang laman lang ay ang mga collections niya at isang mukha sa isang party. Ngunit hindi ako masyadong active kaya hindi ko alam na naka-follow na rin pala siya sa akin.
"Yes..." Napatingin din siya sa akin at nahuli niya akong nagpipigil ng ngiti. "Mag-selfie nga tayo."
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at saka nakipag-selfie na sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na may selfie kami at gusto ko iyon e-keep.
"Last one...0.5..." wika niya at inangat ang kanyang phone patalikod.
Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi na 0.5 pero nag-pose lang ako na may peace sign.
"1...2...3...smile!"
At pag-click na pag-click ng kanyang phone, napalitan ng pagkagulat ang aking ngiti nang bigla na lamang may dumampi na labi sa aking pisngi.
Natulala ako saglit nang matapos iyon at pinakita ni Amadeus sa akin ang picture kung saan kita ang gulat kong mukha habang siya ay nakapikit na nakahalik sa akin.
"Cute!" Humalakhak siya at inakbayan na ako. "Let's go."
Bukod sa mga beaches, nagtungo rin kami sa sikat nilang talon. Ang Amor Falls.
Maraming mga turista ang nandito. Kadalasan pa ay mga foreigners na in-appreciate ang ganda ng kalikasan. Kaya enjoy na enjoy din ako dahil naranasan din namin ang isang aktibidad sa lugar na tinatawag na canyoneering.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Amadeus sa akin habang sinusuotan ako ng sapatos. "Sigaw ka nang sigaw kanina. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo."
"Shout of joy iyon," ani ko at saka naupo. Kinuha ko ang panyo at saka pinalapit siya sa akin. "Halika muna rito. Pawis na pawis ka. Tumatakbo ka kasi kahit bago pang ligo."
"Exercise lang," aniya at hinayaan ako na punasan siya sa mukha na nakapikit ang mga mata niya.
Ngayon ang last day namin sa El Amor at nakabalik na kami sa resort. Ngayon din ang araw ng pag-alis namin pero tutungo muna kami sa public market nila upang bumili ng mga gulay para kay Aling Bebang. Sabi niya kasi, sagana sa mga gulay ang El Amor kaya mas maganda na magdala kasi mas mura at sulit din.
***
"Hoy Ciara! Grabe! Happy life ka na ngayon, ah!"
Iyon ang bungad sa akin ni Ryan nang makipag-video call siya sa akin sa Instagram. Kasalukuyan kaming nakasakay sa van na siyang maghahatid sa amin sa Nuevo. Ngunit gaya ng sabi ko, pupunta muna kami sa palengke upang mamili.
Nasa tabi ko si Amadeus ngunit mahimbing na natutulog kaya malaya kong masasabi ang gusto ko sa kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya ngunit naka-ngiti.
Mukhang nasa isang party si Ryan. Maingay kasi ang background niya at naka-suit siya.
"Hi Ciara!"
Sumulpot si Florah sa tabi niya kaya lumaki ang ngiti ko.
"Nakita ko ang Instagram story ni Amadeus! Nag-story na naka-halik siya sa pisngi mo! Hala ha, Ciara! You are living your life na ha! Parang kailan lang, patagong crush ka sa Amadeus na iyan tapos ngayon hawak-hawak mo na! Nakakahalik na!"
Uminit ang pisngi ko sa sinabi nya at sinenyasan na tumahimik.
"Ay bakit? Nasa tabi mo ba si Amadeus?" taas-kilay na tanong ni Ryan at umirap pa sa akin. "Ikaw ha! Fake friend ka! May tinatago ka na sa amin! Hoy! Amadeus! Nabiak na ba iyang frenny ko!? Asus! Baka pagkakita natin, may dala-dala ka na palang bilog diyan sa tiyan mo! Hay naku, Ciara Winter."
Uminit lalo ang pisngi ko sa sinabi ni Ryan.
"M-Magpi-pills naman ako."
Gulat silang dalawa sa sinabi ko.
"Magpi-pills!? Hoy! TOTOO BA ANG NARINIG KO? MAGPI-PILLS KA? IBIG SABIHIN, NABIYAK NA ANG COCONUT mo diyan?! My god! Umungol ka ba, ha? O baka nahiya ka ring umungol! Grabe! Welcome to the world, Ciara Winter! Congratulations!"
"Masarap ba, Ciara?" tanong ni Florah at humagikhik pa.
"E-Ewan ko sa inyo." Tumikhim ako. "Sige na. Mamaya na lang tayo mag-usap. Bumabyahe pa kasi kami."
"Yay! Fighting sis! Ilabas ang tunay na kalandian-"
In-off ko na ang video call dahil sa hiya at baka marinig pa ni Amadeus. Minsan, napapatanong din ako sa sarili ko kung paano ko sila naging kaibigan eh hindi kami pareho ng mga ugali.
Pero thankful pa rin ako sa kanila na kahit hindi nila ako masyadong ka-vibes ay hindi nila ako kailanman iniiwan.
***
Pagdating namin sa public market ng El Amor, sabay kaming bumaba ni Amadeus sa van at magkahawak kamay na nagtungo sa mga gulayan.
Napagtanto ko na tama si Aling Bebang dahil ang dami ngang iba't ibang klase ng mga gulay. Kadalasan pa sa mga ito ay malusog.
"Hala anlaki!" manghang sabi ko sabay angat sa napakalaking talong na nakita ko. "Maganda ito sa pinakbet! Magkano ito, Manang?"
"Gusto mo ba ang talong na iyan, hija?" tanong ni Manang sa akin.
"Opo. Balak ko sanang bilhin. Ang laki kasi..."
Tumikhim si Amadeus sa gilid ko kaya kunot-noo akong napabaling sa kanya.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tumitikhim, ah?"
Nag-angat ng kilay si Manang kay Amadeus. "Gusto mo rin ba ng talong, hijo?"
"No thanks, meron na ako."
Umawang ang labi ko at naibaba ang talong na hawak ko.
"Hala? Meron ka na? Dapat sinabi mo para sana hindi na tayo nag-abala kay Manang!"
Umawang ang labi niya sa sinabi ko at napakurap-kurap.
"W-Wala pang talong," nauutal niyang wika at napaiwas ng tingin. "Bilhin mo na."
"Okay. Tatlo po niyan, Manang!" sabi ko sa tindera at saka nagbayad.
Marami kaming gulay na binili. Gaya na lamang ng talong, pechay, repolyo, carrots, kalabasa, potatoes, at marami pang iba. Sinamahan na rin namin ng mga kadalasang sinasama sa mga ulam gaya ng sibuyas, bawang, at luy-a.
"Naiihi ako, Ciara," ani Amadeus sa akin nang matigil siya sa paglalakad. "Mauna ka sa van. Susunod ako."
"Okay. Akin na iyang dala mo..." offer ko ngunit umiling lang siya.
"Mabigat. Ako na lang. Mabilis lang naman ito. Mauna ka na, ah?"
Hinalikan niya ako sa noo bago kumaripas ng takbo dala ang isang paper bag na may laman na mga gulay.
Natawa na lamang ako at saka nauna nang magtungo sa van. Ngunit pagdating ko sa parking lot, natigilan ako kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso ko nang hindi inaasahan na tao ang nakita ko.
Standing tall and mighty, nakita ko si Daddy na ngayon ay salubong ang kilay habang nakatingin sa akin.
Nanginig ang buong katawan ko sa presensya niya at nahulog ko ang laman ng paper bag na dala ko.
"D-Dad!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top