Kabanata 27
Aalis kami ngayon. Magbabakasyon daw kami sa ibang bayan. Malapit lang sa Nuevo.
Ayaw ko nga sana kasi balak kong mag-apply muli ng trabaho dahil ayon naman talaga ang balak ko. Ang maging independente. Pero simula nang mapunta si Amadeus dito, hindi yata ako na-train na maging independente. Siya lang yata ang na-train at spoil na spoil ako sa kanya.
Ngayon, gusto ko sana magsungit kasi magbabakasyon kami kaso huwag na lang dahil ayaw ko naman magkagalit kami. Kilala ko pa naman siya, hindi niya ako titigilan kapag naiinis ako.
At na-a-awkward ako sa tuwing nilalambing ako. Nakakadiri. Ganito siguro kung hindi sanay sa affection.
"Ilang araw ba tayo sa El Amor?" tanong ko kay Amadeus habang sinusuklay niya ako. "Magtatagal ba tayo doon?"
"Mga isang linggo. Crush mo naman ako, hindi ba? Dapat masaya ka na makakasama mo ako sa isang napakagandang lugar sa isang linggo," aniya at matapos isuklay ang buhok ko ay pinaharap niya ako. "Sorry na. Alam kong gusto mong magtrabaho pero mas maganda kung huwag muna sa ngayon. Hindi naman kita pipigilan sa pagtatrabaho pero dapat ako muna, okay?"
"Okay..."
Tumayo ako at saka nag-impake na ng mga gamit para bakasyon. Kahit naligwak ang plano ko na pag-a-apply, excited pa rin ako sa outing namin.
Ito 'yong minsan ko nang pinangarap ngunit ngayon lang natupad.
***
"Aalis kayo?" tanong ni Aling Bebang nang makalabas kami.
"Opo. Magbabakasyon po saglit," sagot ko.
"Maganda iyan! Enjoy kayo sa pagbabakasyon hangga't wala pang anak," ani Aling Bebang. "Mag-ingat kayo."
"Huwag kang mag-alala, Aling Bebang. Baka may baby na kami pagbalik namin," wika ni Amadeus na ikinasinghap ko.
"Amadeus..." saway ko sa kanya.
Tumawa siya at hinawakan na ako sa kamay. "Sige po. Aalis na kami."
Kumaway si Aling Bebang sa amin. "Sige mga hija at hijo. Ingat kayo!"
At dahil wala namang kotse ang aking asawa dahil naglayas, nag-commute lang kami patungo sa El Amor. Isa itong maliit na bayan na sikat sa mga tourist spot gaya na lamang ng talon, beaches, and mountains.
"Nakapunta ka na ba dito?" tanong ko nang makarating kami. "Para kasing alam na alam mo ito, ah?"
"Hindi pa," sagot ni Amadeus sa akin at inilapag ang mga gamit namin sa aming kuwarto.
Nasa isang resort kami nag-stay at bukas pa ang simula ng galaan namin. Ngayon, mag-e-enjoy muna kami sa view ng resort since maganda naman. May swimming pool, bar, restaurant, at iba pa.
"Alam mo ba kung bakit tayo nagbabakasyon ngayon?" tanong ni Amadeus nang sabay kaming nagtungo sa balkoniya ng aming kuwarto.
Hinawakan ko ang buhok ko nang nilipad ito ng hangin.
"Hindi." Binalingan ko siya. "Bakit?"
Tumaas ang kilay niya. "Akala ko ba ay crush mo ako? Bakit hindi mo alam ang araw na ito?"
"Ha? Ano ba ngayon?"
Pumikit ako para maalala ang araw ngayon at nang may sumagi sa isip ko, napadilat ako at napasinghap.
"Hala! Birthday mo pala ngayon! Sorry! Nakalimutan ko! Sorry!" sunod-sunod ko na sabi. "Hindi ko naman nakakalimutan ang birthday mo eh. Ngayon lang. Ikaw kasi eh, iniinis mo ako. Wala tuloy akong regalo."
"It's fine. May hinanda na rin naman ako." At hinapit niya ako sa bewang. "May dinner date tayong dalawa."
Umawang ang labi ko. "Birthday mo ngayon kaya-"
"Presensya mo na lang ang iregalo mo sa akin. Minsan na nga lang maging romantic, ayaw mo pang daluhan. Sige na." Ngumiti siya. "Ngayon lang naman."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka tumango.
"S-Sige..."
Nagbihis ako ng dress na damit at nang dumating ang gabi, sabay kaming nagtungo sa date place namin sa resort.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lugar. Dim lang ang lights at nasa gitna pa kami ng pool.
Oo, sa gitna ng pool. May bridge naman at may kaunting lights. Pero nasa gitna talaga ng pool. Tapos may lights din ang pool kaya mas lalo lang din naging romantic sa paningin ko.
Sa lamesa, may kandila at bouquet of flowers. Roses pa iyon kaya sobrang saya ng puso ko.
"Birthday mo ba talaga ito? Or birthday ko?" Naitanong ko na lang habang naglalakad na kami sa bridge. "Ang ganda, Amadeus."
"Date natin. Birthday date," sagot niya at nang makarating kami sa gitna, pinaghila niya ako ng upuan at saka naupo ako.
Kinuha niya ang bulaklak sa lamesa at saka ibinigay sa akin.
"For you..."
"Hoy!" Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Para na itong sasabog."B-Bakit parang birthday ko? Grabe ka naman. Salamat dito. "
Pumula ang pisngi ko.
"You're welcome." Umupo na rin siya at umayos ng upo. "Sana ay nagustuhan mo ang lugar at ang set up."
"Oo nagustuhan ko, Amadeus. Ang ganda. Hindi ko akalain na may ganitong pool..." sabi ko sabay tingin sa paligid. "May semento sa gitna."
"It's a style, baby," aniya at saka hinawakan ang kamay ko. "Kaunti lang ang may ganito."
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko na ngumiti.
Sobrang guwapo ni Amadeus ngayon lalo na sa buhok niya na bagong gupit. Sobrang pormal din niyang tingnan at ang bango pa. Bangong nakakaakit.
"Happy Birthday, Amadeus," pagbati ko. "Sana masaya ka sa birthday mo ngayon. Pasensya na at wala akong regalo."
"I am happy, Ciara," seryoso niyang sambit sa akin. "I am happy because you are here with me. You gave me a chance to prove myself to you, and I didn't waste it. Now, I am confident to say these words to you. From my clear and peaceful heart, I love you, Ciara Winter."
Parang hinaplos ang puso ko sa kanyang sinabi at kasabay no'n ay ang pagngilid ng luha sa aking mga mata.
In this romantic setting at sa mismong birthday niya, he said I love you to me. Alam kong nasabi na niya iyon pero ngayon lang talaga siya tumagos sa puso ko.
"I love you too, Amadeus," tanging sabi ko at saka nagbaba ng tingin dahil sa kahihiyan.
Mabuti na lang at dumating ang isang staff na may dalang pagkain at ang wine kaya naputol ang intimate moment namin.
***
Matapos naming kumain ay sinalinan niya ako ng red wine. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang puso ko lalo na ngayon na inilipat niya ang upuan niya sa tabi ko para lang masalinan ang wine glass ko.
"Hindi ako umiinom ng wine," sabi ko kay Amadeus.
Inilahad niya sa akin ang isang wine glass na may laman. "Then, this will be your first taste. Try it. It's good for the heart."
Tiningnan ko ang hawak niya na wine glass at saka napalunok.
"Hindi ba iyan nakakalasing?"
Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi. Just one taste, baby. One taste..."
Tumango ako at saka tinanggap ko ang wine glass at saka tumikim.
"Is it good?" tanong ni Amadeus matapos kong uminom.
Inilapag ko sa lamesa ang wine glass at saka tumango.
"Oo," sagot ko at nang magkatinginan kami, pumungay ang kanyang mga mata.
"May kalat ka sa gilid ng labi," wika niya at napasinghap ako nang gamit ang daliri niya, pinalis niya ang kalat ko at saka hinaplos ang labi ko.
"I wonder kung anong lasa ng labi mo ngayong nakatikim ka na ng wine," aniya na nagpasinghap muli sa akin. "Can I have a taste?"
"Amadeus..."
"Just one taste..." Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang kanyang sarili sa akin.
Nang maglapat ang aming mga labi ay napapikit ako at napahawak sa kanyang balikat. Gumalaw ang kanyang labi kaya wala sa sariling sinuklian ko ang kanyang halik at sumabay sa galaw kaya mas inilapit pa niya ako sa kanya.
Nakaramdam ako ng init sa aking katawan nang magtagal ang aming halik kaya naman nang kumalas siya ay nagkatinginan kami. At wala na akong nakita sa kanyang mga mata kundi kasabikan.
At para akong nadala sa kanyang nakakaakit na halik dahil parang gusto ko pa ng isa kaya naman, hinalikan niya muli ako at saka kinarga na parang bagong kasal.
Humigpit ang hawak ko sa kanya nang umalis kami sa lugar at nagtungo sa kuwarto namin.
Pagdating namin doon ay sinandal niya ako sa may pinto at saka lumipat ang kanyang halik sa aking pisngi, panga, tainga, at leeg. At habang hinahalikan niya ako sa parte na iyon ay ang paggapang naman ng kanyang isang kamay galing sa aking bewang patungo sa aking expose na hita at hinaplos niya ito.
"Amadeus..." tawag ko sa kanyang pangalan nang bumaba sa collarbones ko ang kanyang halik.
Halos manghina na ako dahil sa kanyang ginawa lalo na nang umangat ang kamay niya na nasa hita ko papasok sa loob ng dress ko.
At nang mahawakan niya ang dalawang bulubundukin ko, doon na ako tuluyang nanghina at mas lalong nag-init.
"Amadeus..."
Bigla akong nahiya dahil sa kalaswaan sa aking boses. Sinubukan ko siyang itulak pero wala na akong lakas. Kaya naman nang huminto siya ay tiningnan niya ako.
"Do you want me?" tanong niya habang unti-unti na niyang hinahaplos ang tuktok ng bundok ko sa kaliwang bahagi.
Umawang ang labi ko sa kanyang ginawa at halos mawalan ng hininga.
"Amadeus..." Nang akmang itutulak ko muli siya, hindi ko nagawa dahil pinigilan niya ako.
"I want you, Ciara," sambit niya sa akin sa nakakaakit na boses. "Do you want me too?"
Nang sakupin ng isang palad niya ang bundok ko, wala sa sariling napatango ako kaya napasinghap na lamang ako nang sa mismong harapan niya ay pinunit niya ang dress ko at muli akong kinarga patungo sa kama at doon nagpatuloy sa aming ginagawa.
At alam ko na sa gabing ito, I'll surrender myself to him. And I am happy to give it to him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top