Kabanata 26
"Nagkabalikan na ba kayo ng asawa mo?" tanong sa akin ni Aling Bebang. "Mas maganda kung magsama na lang kayo sa iisang apartment. May uupa kasi..."
"Po?" Bigla akong kinabahan. "Kanino po? Kay Amadeus?"
Mahinang tumango si Aling Bebang. "Oo, hija. Sayang naman ang bakanteng apartment ni Dos kung sa iyo naman siya palaging natutulog."
"Pero kasi-"
"Ayaw mo ba akong makasama sa iisang apartment?" biglang pagsulpot ni Amadeus sa gilid ko at saka inakbayan ako. "Ayos lang naman sa akin."
Namilog ang mata ko. "Hindi iyon ayos sa akin!"
Pareho silang nagulat dahil sa pagtaas ng boses ko.
Tatlong buwan na pala ang nakalipas simula nang matulog si Amadeus sa apartment ko at simula no'n, magkatabi na kami palagi.
Hindi na nga maayos ang tulog ko palagi dahil hindi pa rin ako sanay. Idagdag pa na maliit ang kama.
"Bakit? Hmm. Tama si Aling Bebang. Sayang ang apartment ko kung walang matutulog," aniya sabay ngisi.
"Edi bumalik ka doon! Hindi ako makakatulog dahil sa iyo! Ang liit na nga ng kama ko, nakikitabi ka pa!"
Para na akong batang nagrereklamo. Usual, tahimik lang naman ako pero dahil sa iritasyon ko sa kanya, hindi ko na mapigilan.
"Edi bumili tayo ng bagong kama. 'Yong mas malawak at mas malambot. Ayos ba?" ani Amadeus sabay pisil sa pisngi ko. "Huwag ka nang magalit. Nakahanda na ang agahan ngayong araw."
"Sige na, hija. Asawa mo naman si Dos," ani Aling Bebang. "Hindi naman masama kung magtatabi kayo dahil normal lang iyon sa mag-asawa. At saka isa pa, mas maganda nga iyon para mas malalim ang pagmamahalan ninyo at makagawa na kayo ng bata."
Pumula ang mukha ko sa huling sinabi ni Aling Bebang.
Wala akong magawa kundi ang sumang-ayon dahil kawawa din naman ang uupa. Wala rawng ibang mauupahan dahil punong-puno na ibang apartment sa ibang lugar.
***
N
andito kami ngayon sa isang store kung saan maraming mga kotson ang for sale. Tinotoo nga ni Amadeus ang sinabi niya. Bibili kami ng kotson.
"Saang kotson ang malambot at matibay?" tanong ni Amadeus sa isang babae na may katandaan na nakatambay sa may display na kotson.
"Anong klaseng kotson ba, Sir? Single? Double?" tanong mga babae.
"Yung pang-asawa. 'Yong kasya kaming dalawa..." ani Amadeus.
Pumula ang mukha ko nang malisya kaming tiningnan ng babae.
"Ah! 'Yong pangdigmaan ba ang hanap mo? Naku! Nandito iyan! Matibay! Malambot! Malawak! Talagang mafe-feel ninyo ang inyong mga performance kapag hihiga kayo sa kamang ito..." ani ng babae sabay turo sa isang kama na malaki, malawak, at mukhang malambot.
Hindi ko nga lang maintindihan ang babae.
Anong perfomance ba ang sinasabi niya? Hindi naman kami magsasayaw sa kama. Matutulog lang.
Umupo si Amadeus sa kotson at pinakiramdaman niya ito.
"Malambot nga..." ani Amadeus sabay tingin sa akin. "Halika. Ito ang bibilhin natin."
Umiling ako. "Hindi na. Sa apartment ko na yan uupuan. Magkano po iyan, Ma'am?" tanong ko sa babae.
"11 thousand po," sagot ng babae.
Umawang ang labi ko.
Hala! Ang mahal!
"Ahh..." Napatingin ako kay Amadeus. "Siya na lang po ang magbabayad. Wala akong 11 thousand."
Natawa si Amadeus sa sinabi ko at umalis na sa pagkaupo sa kama.
"Of course! Ano ba ang akala mo? Ikaw ang magbabayad?" tanong niya at saka lumapit na sa akin. "Bibilhin ko na para hindi ka na magreklamo at makatulog ka na ng maayos kahit nasa tabi mo ako."
Binili nga ni Amadeus ang mala-dolyar na kotson. Free delivery naman basta cash kaya mauuna ang kotson sa bahay habang kami naman ay gagala pa sa mall. Nagtungo kami sa isang restaurant para kumain. Bumili ng groceries at saka mga damit din lalo na sa akin.
Hindi ko alam pero simula nang makasama ko si Amadeus sa maliit na espasyo ko na apartment, parang mas nakilala ko siya. Kumpara doon sa bahay niya dati na maraming mga matang nakabantay.
Dito sa lugar na aming tinitirhan ngayon, para kaming mga malaya na kahit anong gusto naming gawin, walang mga matang titingin. Walang susumbat. Wala lahat.
It's just us.
At ang sarap pala sa pakiramdam.
***
"Halika dito..." ani Amadeus sabay tapik sa tabi niya. "Matulog na tayo."
Alas syete pa lamang ng gabi, gusto nang matulog ni Amadeus dahil nasa apartment na ang kama at nakahiga na siya roon.
Excited na excited yata siya sa binili niya kaya matapos kaming kumain ng hapunan, higa agad siya.
"Ang aga pa, Amadeus..." Umupo ako sa kama at saka inalis ko ang nakabalot na tuwalya sa aking buhok na basang-basa pa. Kagagaling ko pa lang sa pagkaligo at ibo-blower ko pa ito. "Manood ka muna ng TV."
Gamit ang aking kamay ay sinuklay ko ang aking mahabang buhok.
Hindi naman sana ako maliligo sa gabi pero napilitan akong maligo dahil nag general cleaning kami matapos makarating ang bagong kotson na binili.
Sa gitna ng aking pagsusuklay, napapigtad na lamang ako nang bigla na lamang may yumakap mula sa aking likuran at inamoy ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang ginawa.
"A-Amadeus..."
"Ang bango mo naman..." bulong niya sa tainga ko at naramdaman ko ang pagsagi ng kanyang matangos na ilong sa aking leeg.
Nang binalingan ko siya ay nakatingin na siya sa akin. Napalunok ako at akmang iiwas na sana nang hinawakan niya ang baba ko.
"Amadeus..."
"Alam mo ba kung ano ang iniisip ko simula nang magkasama na tayo?" tanong niya sa akin.
"Hindi," sagot ko agad. "Ano ba ang iniisip mo?"
"Na ibabalik kita sa amin," aniya at saka hinaplos ang pisngi ko. "At wala na akong pakialam kung tatanggapin ka ba nila o hindi."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Alam ko naman na hindi ako matatanggap ng pamilya mo lalo na ang Mommy Diane mo-"
"Shh..." Inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko upang pigilan ako sa pagsasalita.
"It doesn't matter, Ciara. Ayaw ko na itong pagtatago na ito."
"Ikaw lang naman ang nagtatago sa pamilya mo. I am living here alone," sabi ko sa kanya sabay nguso.
Natawa siya sa sinabi ko.
"You're so cute, huh? Kaya pala crush na crush ka ng Caleb na iyon," aniya at binitiwan ang baba ko.
Umawang ang labi ko. "Crush ako ni Caleb?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit parang ang saya mo yata?"
"First time na may nagka-crush sa akin," ani ko.
Umigting ang panga niya. "Crush din naman kita, ah?"
Umayos siya ng upo. "Crush mo ako. Crush din kita."
"H-Ha? Sinong nagsabi na crush pa rin kita?" tanong ko sa kanya.
Para siyang nawalan ng lollipop nang itanong ko iyon sa kanya. Bumagsak kasi ang balikat at parang dismayado sa narinig.
"Hindi mo na ako crush?"
"Hindi na. Matagal na."
Mas lalo lamang hindi maipinta ang kanyang mukha sa sinabi ko.
"Talaga?"
"Oo..."
Akmang lalayo sana siya sa akin ngunit pinigilan ko siya.
"Hoy teka lang. Sandali!" medyo natawa ako. "Amadeus!"
"Tuwang-tuwa ka ba na crush ka ni Caleb pero-"
"Crush kita noong bata pa ako. Iba na kasi ngayon..." Bigla na akong nahiya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagbaba ng tingin. "M-Mahal kita..."
Pumikit ako upang makaiwas sa kahihiyan. Sinabi ko na iyon sa kanya noon pa pero ngayong sinabi ko ulit after how many months of thinking, bigla akong nahiya.
"Really?"
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko na seryoso na ang kanyang mga mata.
Hinawakan niya ang mukha ko kaya panibagong pagbilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Oo..."
Sagli na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Parang mga puso na lang namin ang mga narinig namin at ang awkward ng sitwasyon.
Ngunit nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, doon ako nakaramdam ng paru-paro sa aking tiyan at napapikit na lamang nang tuluyan na niyang inangkin ang aking labi.
*****
A/N: Sorry po sa super late update. Nasa OJT po ako. Hoping for your understanding. 🥺💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top