Kabanata 25

Pagkatapos sabihin ni Amadeus iyon ay binaba niya ang tawag at saka inilahad sa akin ang kanyang phone.

"Itapon mo," sambit niya sa akin sa kalmado na boses.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Huh?"

"Throw the phone," aniya at siya na mismo naglagay ng phone sa kamay ko.

"Bakit?" Naibaba ko ang tingin ko sa phone niya. "Sayang naman at saka baka tumawag ang Mommy mo."

Bumuntonghininga siya at kinuha ang phone sa kamay ko. Nagulat ako nang nagtungo siya sa basurahan at itinapon ito na parang wala lang.

"Amadeus!"

"There...." Bumalik siya sa akin at saka umupo sa tabi ko. "Natapon ko na. Hindi na nila ako mahahanap."

"Bakit ayaw mong umuwi?" tanong ko. "Nag-aalala ang Mommy mo."

"Hindi kailanman mag-aalala ang Mommy ko sa akin, Ciara," aniya sabay tingin sa akin. "She's afraid na baka hindi magtagumpay ang plano niya."

"Plano niya?"

Tumango siya. "Plano niya akong ipagkasundo sa anak ni Third Echavez. Tito Third is my father's best friend and your Dad's business rival. I don't want to engage in that kind of stuff anymore because it's not healthy for me."

Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya.

"I still don't have a name in the world of business. Kaya lang ako kilala dahil sa apelyido na dinadala ko, not because of what I can do." Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya habang sinasabi niya iyon. "I realized that I've been sheltered by my parents since I was young. Sunod-sunuran lang and always depending on their decisions. But now, I realized na wala pa pala akong achievement. Nakakainggit nga si Asher kasi hinayaan siya ng magulang niya to achieve his dreams as a doctor despite his parents are both in business."

Kumirot ang puso ko sa kanyang sinabi. Somehow, parang naka-relate ako sa kanya kasi ako rin, wala rin akong achievement sa buhay. Mababa rin ang tingin sa akin ng mga kamag-anak ko at palagi akong kinukumpara kay Ate Solana.

"I want to stand on my own. Create a name for myself; to show to everyone that I can do things on my own. Kaya ako umalis dahil sakal na sakal na ako. I respect their tradition. Na dapat magpatuloy ang kanilang tradisyon to secure the wealth of the family. Na dapat makapag-asawa ng walang sakit o history sa pamilya na may sakit."

Inilagay ko sa kanyang balikat ang aking kamay. "Amadeus, ilabas mo lang ang lahat. Makikinig ako."

Tuluyan na siyang humarap sa akin. "The sister of my grand father loved a man who was sick. She married him, but unfortunately, naunang mawala ang sister ng lolo ko because of heart failure. Kaya ang resulta, napunta ang kayamanan ng kapatid ng lolo ko sa asawa at nag-asawa ng iba. Sa lahat ng magkakapatid, ang kapatid ng lolo ko ang pinakamayaman dahil sa sobrang sipag nito at talino sa negosyo pero bobo sa pag-ibig. At doon nagsimula ang tradisyon ng pamilya namin."

"K-Kaya pala..." ani ko at saka nag-iwas ng tingin. "Itinago ng daddy ko ang tungkol sa sakit ng Ate Solana ko dahil sa tradisyon ninyo."

Sinabi ni Daddy sa akin iyon pero hindi ganito ka-detalyado.

"But I am now starting to break the cycle..." aniya at saka hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya. "Wala akong pakialam kung may history na sakit pa ang pamilya mo. I don't give a fuck about it anymore."

"A-Amadeus..."

Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"If love is a crime, arrest me now, Ciara, because I am about to do something that will shock you..."

Bago pa man ako maka-react sa kanyang sinabi, inilapit na niya ang kanyang mukha sa akin at saka siniil ako ng halik sa labi.

Pumikit siya at saka hinawakan ang mukha ko.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko dahil gumalaw ang kanyang labi. I don't know how to kiss at masyado akong nagulat sa kanyang ginawa.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang humiwalay ang labi niya sa akin at saka tiningnan ako.

"Ciara..."

Pumula ang buong mukha ko sa hiya na naramdaman at saka napatayo. Tumayo din siya.

"Bakit? May mali ba sa ginawa ko?"

Umiling ako at halos ayaw kong ipakita ang mukha ko sa kanya.

"What's wrong?"

"B-Bakit ka nanghahalik?" tanong ko, pulang-pula na. "H-Hindi mo dapat ginawa iyon."

"Why? We're married and--"

"Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang mamatay si Ate Solana at alam ko na hindi ka pa totally healed."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"I w-want to deal with you when you are already healed, A-Amadeus," sabi ko sa kanya. "Pasensya na sa pagiging magulo. I want to make sure that you are real this time. Na hindi ito pagpapanggap mo para maka-move on sa Ate Solana ko. It's been two months since my Ate Solana passed away. Ayaw ko munang madaliin ang lahat lalo na't m-minahal ka pa rin niya kahit papaano."

"I'm sorry," aniya na ikinatigil ko. "Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin. Don't feel guilty about it, Ciara. Solana pushed you to me. Mahal niya ang pinsan ko...But I'll respect your decision. Tell me when you are ready to deal with me."

Napatingin ako sa kanya. "A-Ano ang ibig mong sabihin?"

"I'll wait for you until you decide to risk with me. I'll wait until your heart isn't feeling guilty anymore. I'll wait until you free yourself from the pain you've been through. Don't worry. Dito lang ako hanggang sa handa ka na."

Tahimik lang kaming kumakain ng hapunan at hindi na nagsalita. Medyo nakonsensya ako sa pag-iinarte ko. Kaya naman nang matapos kaming kumain, lumapit ako sa kaniya.

"Amadeus, gusto mo bang tumabi sa akin?" tanong ko.

Naibuga niya ang kanyang iniinom na tubig at namula ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Ciara, what the fuck?"

Nanlumo ako dahil mukha siyang nagalit. May mali ba sa sinabi ko?

"G-Galit ka ba? P-Pasensya na, ah. Sa sofa na lang ako--"

"Why are you asking me that question na parang wala lang sa iyo?" aniya at naging kalmado na.

"Lalagyan ko naman ng unan sa gitna," ani ko at biglang nahiya. "Pero kung ayaw mo--"

"Okay," agad niyang sabi, hindi ako pinatapos. "Tatabi ako sa iyo."

Nilagyan ko ng unan ang gitna ng kama ko at saka nauna nang humiga. Malapit ako sa pader kaya kumportable kong naisandal ang likod ko habang patagilid na humiga.

"Your bed is tiny..." aniya nang mahiga na siya sa tabi ko, but of course, may unan sa gitna.

"Pasensya na sa kama."

"You don't need to say pasensya all the time. Ako naman ang nagpumilit dito kaya titiisin ko," aniya sa akin at saka pumikit na.

Halos hindi ako makatulog dahil sa presensya niya sa tabi ko. Umabot ng isang oras ang pagdilat ng mata ko habang nakahiga bago ako tuluyang nakatulog.

Ngunit paggising ko, nakita ko na lang ang sarili ko na yakap na ni Amadeus na mahimbing pa rin na natutulog.

Wala sa sariling napangiti ako nang makita ko ang kanyang maamong mukha. Grabe, napaka-baby kung matulog. Sobrang inosente at ang pogi.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka mahinang hinaplos ang kanyang buhok.

Naibaba ko ang tingin ko sa kanyang mapulang labi at bumalik sa isipan ko ang ginawa niyang panghalik sa akin kagabi.

Bumilis ang tibok ng puso nang maalala ko iyon. Ramdam ko pa rin ang pagdampi. Parang presko pa rin sa isipan ko.

Nang matauhan ako sa ginagawa ko, inalis ko ang kamay ko sa buhok niya at akmang babangon na sana nang bigla niyang hinapit ang bewang ko at mas lalong inilapit sa kanya.

Napasinghap ako at napasubsob pa ang mukha ko sa dibdib niya.

"Good morning," bati ni Amadeus sa bagong gising na boses.

Napatingin ako sa kanya. "G-Good morning, A-Amadeus."

"Gutom ka na ba?"

Agad akong bumangon at saka napalunok. "H-Hindi pa. Matulog ka pa. Lilipat na lang ako sa sofa."

Naramdaman ko muli ang kanyang kamay sa bewang ko. "Bakit ka lilipat?"

Binalingan ko siya. "Para makatulog ka nang maayos."

Niliitan niya ako ng mata. "Mukhang hindi nga ang makatulog nang maayos, eh."

Bumangon na rin siya at saka ibinigay sa akin ang unan na inilagay ko sa gitna namin kagabi.

"Matulog ka pa. Magluluto muna ako ng agahan."

Matapos niyang sabihin iyon ay nagtungo na siya sa kusina at iniwan ako sa kama na tulala.

Hay, ano ba ang gagawin ko sa iyo Amadeus?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top