Kabanata 24

Nakayuko lang ako habang naglalakad kami ni Amadeus sa mall. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko ngayon lalo na't sobrang dikit ng aming mga kamay.

Parang noon lang, pangarap ko ito. Ang tratuhin ng ganito. Ang balingan ni Amadeus.

Dapat maging masaya ako, hindi ba?

Pero bakit ganito? Parang nakaka-guilty na lalo na't kamamatay lang ni Ate Solana. Dalawang buwan na ang nakalipas simula no'ng nawala siya.

Alam ko na sobrang nasaktan siya sa pagkawala ni Ate. I wonder kung naka-move on na siya...o baka naman he will use me to get over her.

Huminto ako sa paglalakad at saka kumawala sa pagkahawak niya. Natigilan din siya.

"What's wrong?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka tinanggal ang wig. Lumapit ako sa kanya at saka ibinigay sa kanya ang wig.

"Dalawang buwan na simula nang mawala si Ate Solana sa mundong ito," sabi ko na nagpagulat sa kanya. "Huwag ka sanang magsinungaling. Alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Ayaw ko na gamitin mo ako para makawala sa sakit na iyon."

Tipid ako na ngumiti sa kanya. "Uuwi na ako."

Tumalikod na ako sa kanya at saka naglakad na palayo. Ngunit sa gitna ng aking paglalakad, narinig ko ang kanyang pagsalita.

"Gaya ng sabi ko, I won't force you to come back. I'll be patient with you, Ciara."

Natigil ako sa paglalakad at saka napalingon sa kanya. Ibinalik niya sa paper bag ang wig at saka lumapit sa akin.

"I want to save our marriage," aniya na nagpagulat sa akin. "Noong nasa iisang bubong pa tayo, naging masaya ako sa piling mo kahit hindi halata. I temporarily forgot about your sister and considered you as my real lover."

"Amadeus..."

"And I want to be happy again," aniya at kita ko ang paglunok niya. "I am here to win you back even though you don't want me back."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakatitig lang kasi ako, tinitimbang siya.

Totoo kaya ang sinabi niya?

"Kung gusto mo akong itaboy, hahayaan kita pero babalik at babalik ako. We are neighbors. Aasarin kita araw-araw. I will show my face to you everyday hanggang sa magsawa ka. After all, hindi naman tayo legal na naghiwalay. We are still married. You can't get rid of me easily."

"W-Wala naman akong sinabi na itataboy kita. N-Nagulat lang ako sa lahat ng sinabi mo...because I know mahal mo ang Ate Solana ko. And I know my Ate also loves you--"

"Mahal niya ang pinsan ko," pagputol niya sa akin. "Kaibigan lang ang tingin niya sa akin sa simula pa lang."

Umawang ang labi ko.

"P-Paano mo nasabi?"

"Kuya Asher gave me a letter from her. Sinabi niya ang lahat sa akin. In her letter, she told me na kaibigan lang ang turing niya sa akin. Sinabi niya that I am free to love you--"

"Kaya ka ba nagpunta rito kasi sinabi ng Ate Solana ko?"

"No," agad niyang sagot. "Ako ang kusang nagpunta rito. Kuya Asher gave me the letter two months ago. 10 days after your sister died. So, my heart is totally healed."

At laking gulat ko nang ngumiti siya sa akin abot hanggang tainga kaya nangatog ang tuhod ko dahil ang ganda ng ngiti niya.

***

Umuwi na kami pagkatapos. Awkward nga at hindi ko siya inimikan. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. Parang panaginip lang.

Nakahiga lamang ako sa aking kama habang iniisip iyon. Nag-mix talaga ang feelings ko. Para akong kinikilig pero pinipigilan ko. Ewan ko ba. Hindi na talaga siya mawala sa isip ko lalo na ang malaking ngiti niya alam ko na once in a blue moon lang makikita.

Sa gitna ng aking pag-iisip, biglang may kumatok sa pinto.

"Sino iyan?" tanong ko at saka bumaba sa kama.

Walang sumagot kaya napabuga ako ng hangin.

"Hindi ko bubuksan kung hindi sasagot," sabi ko at saka bumalik sa pagkahiga.

"Si Aling Bebang ito, hija. Pasensya na."

Namilog ang mata ko at agad umalis sa kama at saka agad na binuksan ang pinto. Nakita ko si Aling Bebang ngunit sa likod niya ay si Amadeus.

Napalunok ako. "B-Bakit po?"

"Sira kasi ang gripo ng banyo ni Dos," aniya at saka ngumiti pa. "Puwedeng diyan muna siya sa banyo mo maliligo, hija?"

"Maliligo? Hapon na ngayon, ah?"

"Eh, hindi raw siya sanay na hindi naliligo sa hapon."

"Half bath lang po," sabat ni Amadeus sabay tingin sa akin. "Half bath."

Bumuntonghininga ako at saka nilakihan ko ang pagbukas ng pinto. "Sige."

"Yes!" ani Aling Bebang. "At saka, puwedeng dito na rin siya matutulog, hija? Tutal, mag-asawa naman kayo. Dito muna siya sa kuwarto mo matutulog kasi--"

"Hindi puwede," pagputol ko kay Aling Bebang kaya natigilan siya sa pagsasalita.

"Ay bakit naman, hija? Kawawa naman ang asawa mo kung hindi. Bukod kasi sa sira ang gripo, sira din ang electric fan. Wala akong extra. Sabi ni Dos, ayaw niya sa walang electric fan."

Unti-unting kumuyom ang kamay ko.

"Sige na, hija. Bibili agad ako ng elelctric fan kaya baka isang araw lang, okay?"

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Wala rin naman akong choice. Kung mag-iinarte ako, baka maiba na ang tingin ni Aling Bebang sa akin.

Ayaw ko pa naman na may magagalit sa akin dito sa Nuevo lalo na't marami nang may galit sa akin sa Esperanza.

***

Hinanda ko na ang unan at kumot ko. Napagdesisyonan ko na sa sofa na lang ako matutulog habang siya ay sa kama. Maliit lang kasi ang kama kaya mas magkasya siya roon kaysa sa sofa.

"Lulutuan kita ng hapunan," aniya sa akin nang makalabas na sa banyo. "Ano ang gusto mo?"

"Hindi mo naman kailangang magluto, Amadeus--"

"Ano ang gusto mo?" tanong niya muli, hindi pinansin ang sinabi mo. "Sabay tayong kakain."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka napaiwas ng tingin. "Ikaw bahala. Hindi naman ako maarte."

Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagngiti niya na siyang nagbilis na naman ng tibok ng puso ko.

*****

Nagluto nga si Amadeus ng hapunan sa maliit ko na kusina. Naka-apron pa siya habang seryoso sa ginagawa. Ako naman, nakatingin lang sa kanya habang inaayos ang ibang gamit ko.

Nasa center table lang ang phone ni Amadeus kaya saglit akong natigilan nang makita ko ang biglang pag-ilaw nito kasabay ng pag-pop ng isang mensahe.

Wala sa sariling binasa ko ang nasa notification.

Mommy:

Where the hell are you, my dear son? Ngayon mo lang in-on ang phone mo. You better answer my calls or I declared you as missing!

Napasinghap ako sa aking nabasa at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Napalunok ako at napatingin kay Amadeus na kasalukuyan pa rin nagluluto, walang alam sa mensahe ng Mommy niya.

Nang mag-vibrate ang kanyang phone ay nanlamig ako.

"A-Amadeus..."

Natigilan siya sa pagluluto at saka binalingan ako. "Why?"

Tinuro ko ang phone niya. "Nag-vibrate ang phone mo. M-May tumawag yata."

Nagpatuloy siya sa pagluluto. "Turn off the phone."

"H-Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"It's my mom," aniya. "Wala siyang alam na nandito ako. Turn off the phone, Ciara."

Nanginginig na kinuha ko ang phone niya at medyo nataranta ako dahil paulit-ulit na nag-vibrate at hindi ko alam kung paano e-off ang phone niya.

"Paano ito? Saan ang turn--"

Natigil saglit ang pagtibok ng puso ko nang aksidente kong na-swipe ang answer portion ng tawag.

Ano ang nagawa ko?

"Hello, Amadeus," boses ni Tita Diane. "Good thing you answered my call! Where the hell are you?"

Agad na lumapit si Amadeus sa akin at kinuha ang phone mula sa akin. Natulala ako dahil sa aking nagawa.

"Mom," sagot ni Amadeus sa malamig na boses. "Why?"

"Why?! Why?! You left without a word! How could you do this to us? Nasaan ka ngayon? Umuwi ka rito and face your responsibility."

"I am facing my responsibility right now," ani Amadeus at saka tumingin sa akin.

"What do you mean? The Echavez were looking for you! Nandito ang responsibilidad mo! Nasaan ka ba, ha?"

"I am somewhere..." Pumungay ang mata ni Amadeus habang nakatingin na sa akin. "With my wife."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top