Kabanata 21
Akala ko umuwi na si Caleb sa araw na iyon pero makalipas ang isang araw, nakita ko siya na lumabas sa apartment ni Dos.
Gulat akong napatingin sa kanya. Nadatnan ko siyang nag-inat. Parang bagong gising.
"Caleb, nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Oo..." aniya at ngumiti sa akin. "Sa apartment ni A--Dos ako natulog, hihi."
Umawang ang labi ko. "Pinatulog ka niya?"
Napatingin din ako kay Dos na kasasara lang ng pinto ng kanyang apartment. As usual, gano'n pa rin ang attire. Para siyang holdaper.
"Ang bait mo pala, Dos. Pinatulog mo si Caleb sa apartment mo."
Hindi sumagot si Dos at nag-iwas lang ng tingin. Si Caleb naman ay natawa lumapit sa akin.
"Guilty kasi siya sa nangyari kahapon kaya pinatulog niya ako," sambit niya sa akin. "By the way, ano ang plano mo ngayon?"
"Plano ko? Ah, mag-a-apply ako ng trabaho."
Nakita ko na napalingon si Dos sa akin sa sinabi ko.
"Mag-a-apply ka ng trabaho? Saan?"
"Nag-inquire ako kagabi online," kuwento ko. "Business Administration ang natapos ko kaso no experience."
"Tsk! May backer ka naman," aniya sabay ngisi.
Kumunot ang noo ko. "Backer?"
"Oo, 'yong parang madali kang makapasok."
"Ah..." Napakamot ako sa noo ko. "Sino naman?"
Tinuro niya ang sarili niya. "Ako. Marami akong mga kakilala. Medyo famous ako dito sa Nuevo kaya kapag narinig nila ang pangalan ko, panigurado na ipapasok ka agad."
Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ang bad naman niyan."
Siya naman ngayon ang napangiwi. "Bad? Paano naging bad iyon?"
"Ayaw ko na makapasok dahil may kakilala," ani ko sabay ngisi. "Gusto ko matanggap sa trabaho dahil worthy ako."
"Eh! Ang hirap maghanap ng trabaho ngayon." Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka pa maghahanap ng trabaho eh may negosyo naman ang Daddy mo."
"Gusto ko magkaroon ng pangalan."
"Bakit? Wala ka bang pangalan?"
Naibagsak ko na lang ang balikat ko sa tanong ni Caleb at napailing na lamang sa kanya.
Alam ko na may negosyo kami. Hindi naman ipagkakasundo si Ate Solana kay Amadeus kung wala.
Ngayong naputol na ang kasunduan, hindi ko na alam kung ano ang susunod na hakbang ni Daddy.
"Last day ko na ngayon," ani Caleb sabay inat muli. "Gusto kong maligo sa dagat." Sinulyapan niya ako. "Gusto mo bang sumama?"
Napakurap-kurap ako. "Talaga?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit kung maka-react ka diyan ay parang hindi ka pa nakapunta sa dagat."
Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Unti-unti namang namilog ang mata niya nang may napagtanto.
"HINDI KA PA NAKAPUNTA SA DAGAT?" pasigaw niya na tanong na halos ikinasira ng ear drums ko.
***
"Huwag kang mag-alala, Ciara, dahil ito ang first time mo sa dagat, dapat memorable ang araw na ito."
Na-appreciate ko ang sinabi ni Caleb pero hindi ko maiwasan ang malungkot para sa sarili. Ang dami ko pa kasing hindi naranasan. Kahit carefree sina Ryan at Florah na siyang kaibigan ko, hindi ako nakakasama sa kanila kapag naliligo sila ng dagat dahil hindi ako pinapayagan ni Daddy.
Pero no'ng si Ate Solana 'yong nagpaalam, pumayag agad si Daddy.
Gusto ko mang magalit o mainis kay Ate Solana pero hindi ko magawa dahil sobrang bait niya at siya lang ang kakampi ko sa bahay noon. Kay kahit naiinggit ako, mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.
Ate Solana, makakapunta na ako sa beach. Sana nandito ka pa para kasama kita.
"Sasama din si Dos," ani Caleb sa akin nang nakaupo na ako sa front seat ng kanyang kotse.
Binalingan ko ang bintana at nakita ko na papatungo na siya sa kotse.
Nadismaya ako sa suot niya.
"Wala bang mas revealing sa suot niya?" naitanong ko na lang. "Balot na balot."
Kumatok si Dos sa bintana kaya binaba ko. Nagulat siya nang makita ako sa front seat.
"Uy, Dos! Sa backseat ka!" ani Caleb.
Nagtagal ang tingin ni Dos kay Caleb. Bigla akong napalunok.
Mukhang gusto niya rito sa front seat.
"Uhm, ako na lang sa backseat--"
"Nandiyan ka na, Ciara, bakit ka pa aalis?" ani Caleb. "Sa likod ka, Dos. Kotse ko ito."
I felt bad kay Dos dahil mukhang gustong-gusto niya rito sa unahan.
Kaya naman nang bumyahe na kami, kuwento nang kuwento si Caleb. Mostly about experience niya sa ibang bansa. Habang kinukuwento niya iyon, na-imagine ko ang mga lugar.
"Medyo malayo itong pupuntahan natin kaya magpa-gasolina muna tayo," ani Caleb at huminto kami sa gasoline station.
"Puwede bang lumabas? May bibilhin lang ako sa convenience store," ani ko.
"Oo naman. Bakit ka pa nagpapaalam?" Tumango siya. "Sige, hihintayin ka namin."
Lumabas na ako sa kotse niya at mabilis na nagtungo sa convenience store malapit lamang sa gasoline station. Bumili ako ng mga chichirya at tubig. Wala kasi kaming dala. Masyado yatang na-excite si Caleb.
Habang nagpapa-counter ako, biglang tumunog ang phone ko at nanlamig ako nang makita ko ang numero ni Daddy sa screen.
"Magkano po lahat?" tanong ko sa cashier.
"500 pesos po," sagot niya.
Agad akong nagbayad ng limang daan at saka sinagot ang tawag ni Daddy. Lumabas na ako sa convenience store at umupo saglit bench.
"Hello, D-Dad."
"Ciara..." sambit niya sa pangalan ko. "Kumusta?"
Napalunok ako. "A-Ayos lang ako, Daddy, uhm..." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "P-Pupunta po ako ngayon sa dagat kasama ang mga kaibigan ko pero kung ayaw niyo po ay uuwi po ako--"
"Sige, pumunta ka," ani Daddy na ikinagulat ko. "Mag-ingat ka."
Napatayo ako. "Sure po kayo?"
"Oo ngunit mag-ingat ka. Hindi ka marunong lumangoy."
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon dahil sa unang pagkakataon, pinayagan ako ni Daddy.
"Daddy, t-thank you po. Sobrang thank you."
"Ibababa ko na ito. May meeting pa ako."
"I love you, Daddy..." ani ko at napapikit sa saya nang mawala na ang tawag.
Pagbalik ko sa kotse, binuksan ko ang pinto ng kotse sa front seat ngunit pagbukas ko, bumungad na sa akin si Dos na nakaupo na sa upuan ko, nakayuko pa.
Nakasimangot na si Caleb. "Ciara, inagawan ka ng tarantadong ito. Kung hindi ko lang ito--"
"Ayos lang. Mukhang gustong-gusto niya diyan," ani ko.
"Bakit lumuluha ka?" tanong ni Caleb kaya napaangat din ng tingin si Dos sa akin.
"Pinayagan ako ni Daddy sa dagat!" masaya kong sabi. "Mag-e-enjoy talaga ako kasi ito ang unang pagkakataon!"
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.
Hindi ko na pinansin ang reaksyon na iyon at umupo na sa backseat ng kanyang kotse.
Mag-e-enjoy ako ngayon.
Pagdating namin sa Alegre Beach resort, halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa nakita.
"Required ba na naka-bikini dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ko ang mga baba na may malalaki ang puwet at nag-bounce pa nang tumakbo sila patungo sa dagat.
"Oo."
"Hindi."
Sabay nilang sagot iyon.
"Required iyon kasi beach," ani Caleb sabay ngisi. "Gusto mo ba na bilhan kita ng bikini?"
"H-Ha? Eh--"
Natahimik ako nang bigla akong nilaharan ng salbabida ni Dos. Napatingin ako sa kanya.
"Grabe ka naman. Hindi na bata si Ciara. Hindi na niya kailangan ng salbabida."
Inagaw ni Caleb ang salbabida ngunit hindi naman binitiwan ni Dos kaya nag-aagawan na sila ngayon.
May nakita akong isang bata na naglalaro ng dalawang bilog na parang pinagtatagpo niya ito. Inangat-baba niya, e. Medyo sumakit pa ang tainga ko dahil ang sakit sa pandinig 'yong pagtatagpo ng dalawang bilog.
"Ano iyan, bata?" tanong ko sa batang lalaki na naglalaro.
Iniwan ko na ang dalawa na nag-aagawan pa rin sa salbabida.
"Lato-lato!" confident niyang sagot at nang matigil ay inilahad niya sa akin. "Ikaw naman."
Wala sa sariling tinanggap ko ang laruan niya na lato-lato. "Paano ba ito?"
"Angat-baba lang," instruct niya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya ngunit hindi naman nangyari 'yong ginawa niya kanina kaya nainis ang bata.
"Akin na nga iyan," aniya sabay agaw sa lato-lato niya. "Bakit hindi marunong ang beshy ko?"
Napangiwi ako sa sinabi niya at napalingon sa dalawa na ngayon ay nag-aagawan pa rin. Lumapit na ako sa kanila.
"Gusto ko nang maligo. Kung mag-aagawan pa kayo riyan, mauuna na ako."
At tumakbo na ako patungo sa may buhangin at namangha ako sa sobrang ganda at linaw ng dagat.
"Ayaw mo ba mag-picture muna?" tanong sa akin ni Caleb nang makita niyang nasa hanggang tuhod ko na ang tubig-dagat. Tinuro niya ang mga babae na sexy na nagpi-picture. May nakaluhod pa sa may buhangin. "Gaya nila."
"Gusto kong maligo, Caleb," sagot ko sa kanya. "At hindi naman ako active sa social media kaya hindi ko rin mapo-post."
"Oh siya. Bibili lang ako ng maiinom. Huwag kang lumayo," aniya sabay baling kay Dos na nakaupo na sa buhangin. "Babalik ako--"
"Kahit huwag na."
"Ang init mo talaga sa akin. Pasalamat ka dapat sa akin, eh."
Nang umalis na si Caleb ay naiwan naman kami ni Dos.
"Uy, ayaw mo bang maligo?" tanong ko. "Maganda ang tubig."
Hindi siya sumagot at nanatili lang nakatingin sa akin. Bumuntonghininga ako.
Ano ba naman ang aasahan ko sa balot na balot?
Napailing na lamang ako at saka humakbang pa hanggang chest ko. Napangiti ako nang makita ko ang iba't ibang klaseng activities na ginagawa ng mga tao sa beach. May naliligo, gumagawa ng sand castle, may nagva-volleyball at nagchikahan sa may buhangin.
Sa dagat naman, may nakita akong nag-motor boat at nakabangka.
"Aaron! Aaron! Jusko! Tulong!"
Naalarma ako nang marinig ko ang sigaw na iyon mula sa kung saan. Nagpalinga-linga ako at nakita ko ang isang babae na nasa bangka habang sumisigaw ng tulong. Ang kanyang tingin ay nasa bata na nahihirapan sa paglangoy.
Namilog ang mata ko at nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Hindi na ako nagdalawang-isip at lumapit na ako roon.
"CIARA!"
Hindi ko na inisip na hindi ako marunong lumangoy dahil ako lang ang medyo malapit at malayo ang mga magre-rescue.
"Aaron!"
Hanggang bibig ko na nang makaabot ako sa bata at naiangat ko siya sa bangka.
"Jusko! Aaron!" iyak ng babae sabay yakap sa bata. "Maraming salamat, hija..."
"Y-You're welco--" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang may alon na humampas sa amin dahilan ng paglubog ko sa tubig.
Sinubukan kong umahon para makalanghap ng hangin ngunit hindi ko magawa dahil nalayo ako sa puwesto ko kanina.
Nakaramdam ako ng takot dahil mukhang mawawalan na ako ng hininga.
Bago pa man ako tuluyang malunod, naramdaman ko ang isang kamay sa aking bewang at inangat ako mula sa tubig-dagat.
Napaubo ako at wala sa sariling napahawak sa balikat sa taong nagligtas sa akin.
Nang inimulat ko ang aking mata, ang unang nakita ko ay ang bigote na lumulutang sa dagat.
Napasinghap ako at unti-unting inangat ang tingin sa taong nagligtas sa akin.
At halos mawalan ako ng hininga sa nakita.
"A-Amadeus?"
Mariin na ang kanyang tingin sa akin at saka lumangoy na siya habang hawak ako hanggang sa makarating na kami sa may buhangin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top