Kabanata 18

Binuksan ko ang treasure box nang makapasok na ako sa loob ng apartment ko. Napangiti ako nang makita ko ang mga papel na may mga sulat. Ang higit na nakakuha ng atensyon ko ay ang isang cross-stitch.

Natigilan ako at kinuha ko ito. Parang hinaplos ang puso ko nang makita ko ang kanyang ginawang cross stitch.

Isang cross-stitch ng pulang rosas at sa ibaba nito ay may naka-cross stitch na mga cursive words.

'Live your life to the fullest, Ciara Winter'

Nangilid ang luha sa aking mata nang mabasa ko ito.

"A-Ate..." Pinalis ko ang luha sa aking mata at niyakap ang cross stitch. "Miss na miss na kita."

Pumikit ako at dinama ang yakap ko sa ginawa ni Ate para sa akin.

Oo, I will live my life to the fullest. Hindi ko hahayaan na manatili ako sa nakaraan ko. I will do my best this time for myself.

Nakatulugan ko ang pagkayakap ko sa cross stitch at nagising nang masinagan ang aking mata ng araw.

Mukhang ito na ang bagong simula ng buhay ko bilang isang independenteng babae. Ito ang unang pagkakataon ko na mabuhay na walang kasambahay o mga helper.

I will be the one to cook, to wash the dishes and to clean my room. Ito ang simula ng bagong yugto ng aking buhay.

***

"Oh, gising ka na pala, hija," ani Aling Bebang sa akin nang lumabas ako sa apartment. "Tinanghali ka yata. Saan ka pupunta?"

Sinuot ko ang doll shoes ko. "Aalis ako, Aling Bebang. Pupunta akong mall para bumili ng mga gamit."

Ngumiti siya sa akin. "Mag-ingat ka, hija."

"Sige po--"

"Sabi nang ayaw kong lumabas!"

Natigilan ako sa pag-alis dahil sa mga sigaw na narinig ko. Kumunot ang noo ko. Apartment ito ng lalaking kasabay ko kahapon ah?

"Bakit ba? Hindi ka ba kakain? Ewan ko sa iyo bro?! Binisita ka na nga rito dahil ako ang binubwisit ni Tita!"

"AHAHAHA."

Napatingin ako kay Aling Bebang nang bigla siyang tumawa.

"Pagpasensyahan mo na, hija? May bibilhin ka pa, hindi ba? Ako na ang bahala dito sa kapitbahay mo. Huwag kang mag-alala."

Tumangu-tango ako at saka sinulyapan muli ang lalaki na ngayon ay hinihila ang lalaki na nasa loob ng apartment.

Napabuntonghininga na lamang ako at saka umalis na.

***

"Akala ko ba ay gusto mo nang maging independente? Huwag ka na kasi magtanong sa akin," ani Florah sa kabilang linya nang tinawagan ko siya. "Masasayang lang ang effort mo diyan."

"Nagtatanong lang naman ako kung puwede bang bumili washing machine," ani ko sabay tingin sa iba't ibang washing machine na naka-display. "Nandito kasi ako sa mall. Balak kong bumili ng mga gamit."

"Washing machine?" Humalakhak si Florah sa kabilang linya. "Kung gusto mo talaga maging independente, huwag kang magdepende sa kuryente. Puwede ka naman maglaba gamit ang mga kamay mo."

"Ah sige, Salamat. Ano...balak ko rin kasi magpakulay ng buhok," ani ko sa kanya at saka umalis na sa mga appliances area.

"Talaga? Anong kulay naman?"

"Itim," sagot ko at nang makakita ako ng upuan ay umupo muna ako upang makausap ko nang maayos si Florah.

"I-Itim? H-Hindi ba't--"

"Gusto kong ibalik kung ano talaga ako, Florah," pagputol ko sa kanya sabay tingin sa aking mahaba na ginger hair. "Matagal-tagal na rin akong nabuhay na may ganitong kulay na buhok. Gusto kong magpakulay ng itim, simbolo ng pagbabago."

"Naku! Maging kamukha mo na Ate mo niyan!" aniya sa akin. "Kaya ka nga nagpakulay noon para hindi ka na maging kamukha ng Ate mo."

"Gusto ko na maging kamukha niya," biro ko. "Para kapag nami-miss ko siya, titingin na lang ako sa salamin."

Natahimik siya.

"Sige, Florah. Tatawag na lang ulit ako kapag may itatanong ako." Tumawa ako. "Huwag ka nang malungkot diyan. Okay lang ako."

"Sige, Ciara. Mag-ingat ka diyan."

Binaba ko na ang tawag at saka napabuntonghininga.

Ano naman ngayon kung magkamukha kami ni Ate Solana? Magkapatid naman kami.

Ang totoo niyan ay ayaw ni Ate Solana noon na magpakulay ako ng buhok dahil nakasisira raw. Ngunit ang kamag-anak ko mismo ang nagtulak sa akin na magpakulay.

***

"Kay ganda ng buhok mo, Miss. Sigurado ka ba na pakukulayan mo ito?" tanong sa akin ng parlorista.

Tiningnan ko siya sa salamin at saka tumango. "Oo pero bago iyan, magpapagupit muna ako ng buhok," sabi ko sabay turo sa balikat ko. "Hanggang dito."

"Sige po, Miss."

Matapos akong magupitan at makulayan, lumabas na ako sa parlor shop na may ngiti sa labi. Kita ko ang dalawang lalaki na nagtutulakan at kumakaway pa sa akin. Nginitian ko sila at saka kumaway pabalik bago umalis sa lugar para bumili ng groceries.

***

"Gaga ka ba? First time mo ngang lumayo sa bahay niyo tapos papupuntahin mo ako?" hindi makapaniwalang sambit ni Ryan sabay halakhak. "Aba'y magdusa ka diyan, Ciara! Ang layu-layo mo!"

Ngumuso ako habang tinutulak ko ang cart ko. "Hindi ko naman sinabi na magtagal kayo ni Florah rito. Siyempre, gusto ko rin kayo maka-bonding."

"Saka na, Ciara, kapag naka-survive ka diyan ng isang buwan. Bibisitahin kita diyan at maglasing tayo."

"Promise mo iyan, ah?" ani ko. "Hindi na talaga kita papansinin kapag hindi."

"Aba'y gaga, oo nga! Ang kulit!"

Natawa ako. "Oh sige, Ryan, ibababa ko muna ito dahil nagsho-shopping ako."

"Okay. Magtipid kang gaga ka, ah? Kung gusto mo talaga mabuhay mag-isa."

"Opo." Humagikhik ako at saka ibinaba ko na ang tawag.

Napabuntonghininga ako at napangiti.

Huminto ako sa may naka-display na mga canned goods. Balak kong bumili ng mga gano'n for emergency.

"Bakit ang layo?" naitanong ko na lang sa aking sarili at tumingkayad para makuha ang isang delata pero bago ko pa iyon makuha, naunahan na ako ng isang kamay.

"Ay..." dismayado kong sabi sabay lingon sa kumuha. "Akin iya--"

Namilog ang mata ko at napaatras nang makita ko kung sino ang nakakuha.

"Caleb?"

"Sino ka--" Namilog ang mata niya at napalayo din sa puwesto niya. "Ciara?"

"Ikaw nga!" Nginitian ko siya nang maka-recover. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Bibili ng mga groceries. Napag-utusan lang," aniya at nagliwanag ang kanyang mga mata. "Halos hindi kita makilala. Ang ganda mo sa bagong buhok mo."

"Salamat..."

Ibinigay niya sa akin ang delata. "Sa iyo na iyan. Pasensya na...kilala mo pala ako."

Ngumuso ako at tinanggap ang delata. "Bakit naman hindi? Buhok mo pa lang ay kilala na kita."

"AHAHAHA, " awkward niya na tawa. "Oo nga no."

Inilapag ko na sa cart ko ang delata at saka tinuro ang likuran niya. "Sige ah? Salamat. May iba pa akong bibilhin kaya mauuna na ako sa iyo."

Nang hindi siya nagsalita ay nilagpasan ko na siya tulak-tulak ang cart.

"Ciara sandali!"

Napahinto ako at saka nilingon si Caleb. "Bakit?"

Ngumiti siya sa akin. "Gusto mo bang kumain? Libre ko."

At dahil mabait naman si Caleb, sumama ako sa kanya. Kaibigan kasi siya ni Amadeus kaya baka may malaman din ako sa kanya.

Dinala niya ako sa isang French restaurant. Siya ang nag-order para sa akin dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga pagkain dito.

Tumikhim siya. "Kumusta ka na? Balita ko ay umalis ka raw sa mansiyon niyo?"

"Oo. Balak ko kasi mag-independente. Gusto ko mag-explore. Gusto ko maranasan 'yong mga naranasan ng iba."

"Maganda iyan, Ciara," aniya sabay nguso. "Wala ka na bang planong makipagbalikan kay Amadeus?"

Now that he mentioned it, napaayos ako ng upo.

"Kumusta na siya?" tanong ko, binalewala ang kanyang tanong kanina. "A-Ayos lang ba siya?"

"Maayos naman si Amadeus," aniya at saka napakamot siya sa kanyang ulo. "Ako nga lang ang na-stress sa kanya."

"Huh? Bakit?"

"Eh kasi naman lumayas--" Napatakip siya sa kanyang bibig at namilog ang kanyang mga mata nang may napagtanto siya.

Umawang ang labi ko at biglang nag-alala. "L-Lumayas? Lumayas si Amadeus."

Binaba niya ang kamay niya mula sa bibig niya. "H-Hindi naman sa gano'n, haha! Umalis lang sa bahay niya gaya mo para magbagong buhay..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka nagbaba ng tingin. "S-Sana ay ayos na siya."

Kahit dalawang buwan na ang nakalipas, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala kay Amadeus. Kahit papaano ay nakasama ko naman siya kahit sandali lang.

"Pero kung magpapakita ka, panigurado akong magiging ayos siya." Ngumisi siya. "Ano? Gusto mo ba siyang makita?"

Napasinghap ako at agad umiling. "H-Hindi."

Nadismaya siya sa sagot ko.

"Wala na akong balak guluhin ang buhay ni Amadeus at ng pamilya niya," ani ko at nang makarating na ang order ay tinulungan ko ang waiter na maglapag sa mga pagkain sa lamesa. "Kontento na ako sa saglit na panahon na nakasama ko siya, Caleb. Ngunit hindi ko ipipilit ang hindi puwede. Masasaktan lang kami pareho."

Natulala si Caleb sa sinabi ko kaya kinailangan ko pang pitikin ang kanyang noo para matauhan siya.

"Ouch..." Napasapo siya sa kanyang noo.

"Tulala ka," ani ko at bahagyang natawa. "Ayos ka lang?"

"O-Oo naman." Tumikhim siya at umayos ng upo. "Kain na tayo."

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan niya ako sa mga groceries ko. Nagpresenta rin siya na ihatid ako sa apartment ko kaya sumang-ayon ako.

Masaya pa siyang nagkukwento sa akin habang nasa byahe kami ngunit nang nakarating na kami sa tapat ng apartment, napawi mga ngiti niya.

"D-Dito ka nakatira?" nauutal na tanong niya sa akin habang titig na titig sa lugar. "S-Sigurado ka?"

"Oo. May problema ba?" tanong ko sabay kuha sa mga plastic bags. "Wala namang aso kung iyan ang kinakatakutan mo."

"Hindi naman..." Sinulyapan niya ang groceries na bili niya. "Tanginang lalaking ito. Sinundan pala..."

"Ha? May sinabi ka?" tanong ko sa kanya.

Tumawa siya ngunit mahigpit na ang hawak sa manibela. "Wala, Ciara."

"Salamat sa libre at paghatid. Sana ay makabawi ako sa susunod," sabi ko at saka lumabas na sa kotse niya. "Mag-ingat ka."

Tumango siya at saka bumyahe na paalis. Sinara ko na ang pinto at binuksan na ang gate.

Nakita ko ang weirdo na lalaki na nakaupo sa may bench sa harap ng apartment niya habang nakahalukipkip.

"Hijo? Bakit nandiyan ka pa? Hindi pa ba dumating ang kasama mo?" tanong ni Aling Bebang at nang makita ako, lumipat ang kanyang atensyon sa akin. "Oh, andiyan ka na pala, hija. Nag-enjoy ka ba?

"Opo, Aling Bebang. Nag-enjoy po ako..." Tiningnan ko ang weirdo na lalaki. "Magandang hapon sa iyo."

Nang hindi siya sumagot ay napangiwi ako.

Ang weirdo talaga. Kung noong nakaraan ay naka-sombrero at naka-facemask siya. Ngayon a naka-shades at may malaking bigote na habang naka-hoodie na kulay gray.

Napailing na lamang ako at saka binuksan ko ang pinto ng apartment ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top