Kabanata 17
Babyahe ako patungong Nuevo. 87 Kilometers ang layo mula sa Esperanza. May na-contact na ako roon na landlady para sa tutuluyan ko na apartment. Bukod doon, maghahanap din ako ng trabaho.
"Miss, saan ka?" tanong sa akin ng conductor habang may hawak siya na ticket.
"Ahh, terminal po sa Nuevo," sagot ko.
Binigay sa akin ng conductor ang ticket at saka ang aking katabi naman ang tinanong.
"Ikaw, Sir, saan ka po?"
Hindi sumagot ang naturang lalaki. Instead, may tinipa siya sa kanyang touch screen cellphone at ipinakita niya iyon sa conductor.
Niliit ng conductor ang kanyang mata upang mabasa ang nakasulat sa phone.
"Ahh. Pareho kayo ng destinasyon," ani conductor at saka binigyan ng ticket ang lalaki.
Kumunot ang noo ko. Bakit hindi siya nagsasalita? Pepe ba siya? Pinagmasdan ko ang lalaki. Naka-sombrero siya at saka naka-mask. Hindi ba siya naiinitan sa suot niya?
Bakit may ginawa pa na ganito ang mga tao? Sana yung mga masasakit na lamang magsalita ang ginawang pepe. Kawawa naman ang tao.
Nang huminto ang bus sa bus stop, nagsitayuan ang mga pasahero upang bumili ng makakain at ang iba ay para umihi. Tiningnan ko ang katabi ko.
"Kuya, ayaw mo ba magpasabay sa akin?" tanong ko. "Bababa kasi ako para bumili ng snack."
Hindi sumagot ang lalaki kaya kinuha ko ang selpon ko at saka nagtipa ako roon at saka ipinakita sa kanya.
'Kuya, magpapasabay po ba kayo ng pagkain?' :)
Ayon ang itinipa ko sa cellphone. Nakita ko ang pag-iling ng lalaki. Sinubukan kong silipin ang kanyang mukha ngunit yumuko siya.
Bumuntonghininga ako. "Sige, hindi po kita pipilitin. Excuse lang sandali kasi bababa po ako."
Bumaba ako sa bus at saka nagtungo sa isang canteen. Marami akong nakita na mga pagkain ngunit ang paborito ko ay ang chicharon.
"Dalawa po niyan," sabi ko sa tindera sabay turo sa chicharon.
"Ang ganda mo hija, lalo na ng buhok mo," ani tindera sabay bigay sa gusto ko.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at saka nagbayad na. "S-Salamat po."
"Pangarap ko rin na magkaganyan na buhok kaso hindi ako pinayagan ni Mama, eh, maghanap na lang daw ako ng bagong titirhan kapag magpapakulay ako. At isa pa, nakakasira din."
Napatingin ako sa buhok ko na mahaba bago ko siya tiningnan. "Hindi naman po ito kagandahan pero salamat. Balak ko rin ibalik ito sa orihinal na kulay."
"Ay sayang naman!" Ibinigay na niya sa akin ang chicharon na binili ko at saka ngumiti sa akin. "Salamat, Miss."
"Salamat din."
Babalik na sana ako sa loob ng bus ngunit tumunog ang phone ko. Sinilip ko ito at nakita ko na numero ito ng landlady na siyang may-ari ng titirhan ko pagdating ko sa Nuevo.
"Hello po, Aling Bebang," sagot ko sa tawag at saka tiningnan ang bintana ng aking inuupuan. Nakita ako ang lalaki na katabi ko na nakasilip na sa bintana.
"Nasaan ka na, hija?" tanong niya sa kabilang linya.
"Ahh..." Tiningnan ko ang lugar. "Hindi ako pamilyar sa lugar pero nasa isang bus stop po kami. Kumakain po kasi ang driver at conductor kaya bumaba rin ako para bumili ng snacks."
"Sige hija. Isang oras na lang at makakarating ka na rito. Paghahandaan ba kita ng hapunan? Dalawa kasi kayong darating sa paupahan ko," aniya na mukhang excited pa.
"Sige po!" sabi ko sabay ngiti. "Mas maganda po iyan para magkaroon po ako ng kaibigan. Sana makasabay ko sa hapunan ang bagong dating, Aling Bebang."
"Sige, hija. Ibababa ko na ito, ah. Mag-ingat ka."
"Kayo din po..."
Pagbaba sa tawag ay tiningnan ko muli ang bintana at nakasilip pa rin ang naturang lalaki kaya kinawayan ko ito.
"Hello!" sambit ko habang kumakaway. Kinaway ko rin ang chichirya at nginitian siya. "Binilhan kita!"
Napasimangot ako nang biglang sinara ng lalaki ang kurtina ng bintana. Ang attitude naman. Siya na nga ang binilhan, eh.
Napailing na lamang ako at saka bumalik na sa loob ng bus.
***
"Gusto mo?" tanong ko sa katabi kong lalaki na mukhang wala yata akong planong pansinin. Naging mabait lang naman ako sa mga kagaya niya. "Binilhan kita ng chicharon."
"No thanks."
Namilog ang mata ko at napasinghap. "Hala! Nakakapagsalita ka pala. Hala! Sorry po. Akala ko ay isa kang pipi. Pero normal na boses mo po ba iyan? Para kasi pinipigilan mo, eh."
Hindi siya nagsalita.
"Pasensya na at naging makulit ako. Akala ko ay isa kang pepe, eh." Bumuntonghininga ako at sumandal sa aking upuan. "Kung ayaw mo sa chicharon. Ako na lang ang kakain."
Binuksan ko ang chicharon at saka kinain ang isa. Sobrang crunchy ng chicharon na pati ang ibang pasahero ay napatingin sa akin. Bukod sa crunchy, maanghang din kaya sarap na sarap ako. Hindi ko namalayan na may kumalabit na pala sa akin.
Binalingan ko ang katabi ko. "Bakit?"
Ipinakita niya sa akin ang palad niya. "Pahingi."
Umawang ang labi ko at maya-maya ay natawa.
"Kakain ka rin naman pala, eh," ani ko at saka inilagay sa kanyang palad ang isang pack ng chicharon. "Huwag mo ngang tanggihan ang grasya."
"Thanks."
Napangiti na lamang ako at saka nagpatuloy na sa pagkain.
***
Pagdating namin sa Nuevo terminal, bumaba na ang mga pasahero at nagtungo na sa kani-kanilang destinasyon. Kami na lang dalawa ng katabi kong lalaki kanina ang nasa bench, naghihintay ng taxi.
"Saan ba sa inyo? Baka pareho lang tayo ng destinasyon." Tiningnan ko ang kanyang dala. Mukha siyang lalayas dahil ang laki-laki ng kanyang dala. "Hindi ka naman siguro naglalayas, no? Sobrang takip kasi ng mukha mo. Naku, masama iyan."
Nang dumating na ang hinihintay ko na taxi, tumayo na ako at saka tiningnan siya.
"Mag-ingat ka sa byahe mo. Aalis na ako," sabi ko sa kanya sabay ngiti. "Sana makita kita ulit."
Lumabas ang driver ng taxi at tinulungan ako sa mga gamit ko. Tanging treasure box ko na lang ang hawak ko. Ngumiti ako sa estrangherong lalaki sa huling pagkakataon bago pumasok sa loob ng taxi.
***
"Maligayang pagdating, hija," salubong sa akin ni Aling Bebang at sinenyasan pa ang kanyang kasama na kunin ang mga dalang gamit ko.
"Salamat po sa pagtanggap, Aling Bebang."
"Naku, wala iyon. Alam mo naman, kababata ko ang Daddy mo kaya wala ka nang dapat ipag-alala dahil mababait din ang mga tao rito."
Tumango ako at saka nilibot ang buong lugar. Nakita ko ang iba't ibang uri at kulay ng pinto. Mukhang ito na nga ang mga apartments.
"Ipapasok ko muna ang mga gamit ko -"
"Huwag na, hija. Sila na ang bahala sa gamit mo. Naghanda na kasi ako ng pagkain mo sa hapag sa bahay ko," aniya sabay hawak sa kamay ko. "Halika muna. Pasok muna tayo sa loob. Hindi pa kasi dumating ang isang uupa. Gusto ko sana na sabay na lang kayo kaso mukhang matagal pa kaya mauuna ka na lang."
"Sige po."
Todo asikaso sa akin si Aling Bebang na siyang nagpa-ilang sa akin. Hindi kasi ako sanay na itrato ng ganito lalo na't hindi naman ako kailanman naging espesyal na bisita.
Marami siyang inihanda na pagkain sa hapag. May adobong baboy, ginataang kalabasa, apple juice, at may fresh manga pa.
Kuwento nang kuwento si Aling Bebang sa akin lalo na sa kanyang karanasan noong siya ay kasing edad ko siya. Isa sa hindi ko malimutan sa kuwento niya ay ang pag-asawa niya nang maaga.
"Naku, huwag kang tutulad sa akin, ah? Dapat enjoy mo muna ang buhay mo bilang dalaga. Mag-travel ka kung saan mo gusto kasi kapag may asawa ka na, hindi mo na iyon magagawa," sabi niya sa akin at saka tumayo mula sa upuan nang tinawag siya ng isang babae.
"Dumating na po siya, Aling Bebang."
Binalingan niya ako. "Enjoy ka muna sa pagkain, hija. Pasensya na at naparami ang kuwento ko. Saglit lang, aasikasuhin ko muna ang bagong dating. At kung magtatagal ka pa diyan, sabay na lang kayong kumain para tayong tatlo na lang ang magkuwento, okay?"
Tumango ako at saka ngumiti sa kanya. "Sige po, Aling Bebang."
Pag-alis ni Aling Bebang, nag-vibrate ang selpon ko kaya natigilan ako sa pagkain at saka tiningnan ito.
Napangiti ako nang makita ko ang mensahe ni Ryan.
Ryan:
Mag-ingat ka, ah! Nakalaya ka na nga sa kasal, lumayo ka naman. Bisita ako soon, ah? Labyu muah!
Napangiti ako at re-reply na sana nang biglang dumating si Aling Bebang hila-hila ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Kumunot ang noo ko noong una ngunit nang tuluyan nang nakalapit, namilog ang mata ko.
"Tamang-tama, hindi pa pala tapos si Ciara sa kanyang pagkain, sabay na lang kayo hijo..." ani Aling Bebang at saka ngumiti.
Hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking ito at hindi siya sumabay sa akin kanina sa taxi pero sige, siguro ayaw niya akong makasabay. Grabe, ang liit ng mundo, ah? Siya pala ang uupa sa kabilang apartment.
Pinaupo ni Aling Bebang ang lalaki sa tapat ko at saka gaya ng akin kanina, inasikaso rin siya.
"Paano ka kakain niyan? Naka-face mask ka," sabi ko at saka itinagilid ang ulo. "Ang hirap din kumuha ng ulam dahil nakayuko ka at saka naka-sombrero rin."
"Ahhh. HAHAHAHA!" awkward na tawa ni Aling Bebang sabay tapik sa balikat ng lalaki. "Hayaan mo na siya, hija. Trip niya lang ang ganyang style. Kumain ka na lang diyan at ako na ang kakausap sa kanya."
Tumango ako at saka napatitig muli sa lalaki na mukhang nag-iingat sa kanyang ikinilos. Napangiwi pa ako nang ipinasok niya sa loob ng face mask ang kutsara para makakain.
Ano ba naman ito? Pinapahirapan pa ang sarili.
Napailing na lang ako at saka tinapos na ang pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top