Kabanata 16

"Kaya naman pala itinago ang Ate Solana mo dahil may sakit pala. Alam siguro ng daddy mo ang patakaran sa pamilya namin," bungad sa akin ni Tita Diane nang makauwi ako sa bahay ni Amadeus.

Nandito silang dalawa ni Tita Diane at Tito Stephan.

"Diane, stop it. The girl is mourning."

"I know, Stephan," ani Tita Diane. "I am not being sensitive here because I know the feeling of losing. Sinabi ko lang ang totoo."

Malamig ko siyang tiningnan. "Huwag kang mag-alala, Tita Diane. Aalis na po ako sa bahay na ito. Hindi na mahahawaan ng sakit ang pamilya ninyo."

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Hayaan niyo muna akong matulog dito kahit isang gabi lang. Pagkatapos kong makuha ang mga gamit ko, aalis na ako rito," malamig kong sabi at saka naglakad patungo sa hagdanan habang tumutulo sa sahig ang basa ng aking damit.

Hindi ko alam kung nasaan si Daddy ngayon pero tingin ko ay gusto niya muna mapag-isa. Sana nga lang ay wala siyang gagawing masama. Alam ko kung gaano kamahal ni Daddy si Ate. Paborito niya iyon, eh. Happy pill ng lahat kung iisipin.

Tulala ako habang sinusuklay ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Hindi pa rin umuuwi si Amadeus at umuulan pa rin sa labas.

Alam ko na magbabago na talaga ang lahat and I am ready for it. Tulad ng sabi ko dati, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Hindi ako gaano kadesperada sa atensyon kahit kulang na kulang ako sa atensyon sa sarili kong pamilya.

Ayaw kong manglimos. Hindi ako gano'n. Ayaw ko na maging pabigat sa ibang tao. Ayaw ko na ako ang magiging dahilan ng pagkalungkot o galit nila.

Sa gitna ng aking pagsusuklay, biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa roon si Amadeus.

Napatayo ako at nabitiwan ko ang suklay. Namilog ang mata ko nang makita ko na basang-basa siya.

"A-Amadeus..."

Dali-dali akong kumuha ng tuwalya at saka lumapit sa kanya. Parang walang kabuhay-buhay ang kanyang mukha roon. Nakatayo lamang siya sa may pintuan.

"A-Amadeus..."

Ako na mismo ang naglagay ng tuwalya sa kanyang katawan.

Tiningnan niya ako. Halata sa kanyang mata ang pagod. Kulang siya sa tulog.

"Iiwan mo rin ba ako?"

Iyon ang huli niyang sinabi bago siya matumba sa katawan ko. Napaatras pa nga ako dahil sa bigat niya't basang-basa rin.

Nang makapa ko ang kanyang noo, napasinghap ako nang makaramdam ako ng init.

Nilalagnat si Amadeus!

Dali-dali ko siyang inalayan patungo sa malaking kama. Hiniga ko siya roon at saka binihisan. Kumuha rin ako ng palanggana na may towel. Kumuha rin ako ng gamot. Sobrang init ni Amadeus at ito ang unang pagkakataon na may aalagaan ako na nilalagnat.

"Amadeus, uhm, kailangan mong uminom ng gamot. Ang init-init mo," sabi ko. Halos nakalimutan ko nang magluksa dahil sa nangyari sa kanya.

Nag-alala talaga ako.

"Tatawag na lang ako ng doctor," nataranta ko nang sabi. "Dito ka lang, ah? Tatawagan ko ang family doctor niyo-" Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Namilog ang mata ko sa ginawa niya.

"D-Dito ka lang," medyo nahihirapan niyang sabi sa akin.

Umiling ako sa kanya at saka bumitiw sa kanyang pagkahawak. "Hindi puwede. Kailangan nating tumawag ng doctor. Ayaw mo kasing uminom ng gamot at hindi rin ako magaling sa ganito lalo na't ang init mo."

Dali-dali akong naglakad patungo sa telepono at akmang magda-dial na sana nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.

"What's happening?" bungad ni Tita Diane at nang makita si Amadeus sa kama, namilog ang mata niya at agad dumalo roon. "Oh my gosh! Ano ang nangyari sa iyo? Ang init mo!"

"May lagnat po si Amadeus, Tita Diane. Tatawag po ako ng doctor-"

"No!" pigil ni Tita sa akin na siyang ikinagulat ko. "Ako ang mag-aalaga sa anak ko. Ako rin ang tatawag ng doctor. Umalis ka na rito bago pa mahawaan ng sakit ang anak ko."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Wala po akong sakit, Tita-"

"I don't care, Ciara. Umalis ka na sa pamamahay na ito. Wala na tayong koneksyon sa isa't isa dahil pinutol na ng daddy mo. Umalis ka na rito bago pa kita ipakaladkad."

Naibaba ko ang telepono at saka tiningnan si Amadeus na hinang-hina.

"Kahit isang araw lang po, Tita. Aalagaan ko po si Amadeus-"

"I said, No! Umalis ka na." Tumaas ang boses niya. "Umalis ka na sabi!"

"M-Mom..."

Binaba ko ang telepono at saka nag-alalang tiningnan si Amadeus.

"Go!" Tinuro ni Tita Diane ang pintuan. "Go out!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka lumabas na sa kuwarto. Paglabas ko, nakita ko si Tito Stephan.

"T-Tito..."

"You are now free, Ciara. Find your own happiness and marry the man you really love..."

Tiningnan ko siya. "M-Mahal ko po si Amadeus, T-Tito..."

Hindi yata siya nagulat sa sinabi ko.

"Pero alam ko na hindi ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. M-Maraming salamat po sa kaunting panahon. K-Kahit papaano ay naging masaya ako."

Umalis ako sa bahay ni Amadeus na may bigat na dinadala sa dibdib. Hindi ko kasi inaasahan na ganito ang paraan ng pag-alis ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos. Marami akong gustong pasalamatan pero mukhang hindi na yata mangyayari iyon.

Tumunog ang phone ko at nang tingnan ko kung sino, sekretarya ito ni Daddy. Sinagot ko agad ito.

"H-Hello..."

"Hello. Nasa bahay ka pa ba ng mga Rodriguez, Miss Ciara?" malambing na tanong ng sekretarya ni Daddy.

"Nasa labas po," sagot ko. "Bakit po?"

"May paparating na kotse diyan sa bahay para sunduin ka. Ngayon ang huling araw mo sa bahay ng mga Rodriguez. Patungong States ang Daddy mo at ayon sa kanya, nasa sa iyo kung susunod ka ba sa kanya o uuwi sa Esperanza."

Matagal bago ako nakasagot. "Uuwi po ako sa Esperanza."

"Sige po, Miss Ciara."

At saka binaba na ang tawag. Nang dumating ang sasakyan na susundo sa akin, tiningnan ko sa huling pagkakataon ang bahay ni Amadeus.

Si Ate ang dahilan kung bakit ako napunta rito. Kung bakit nakasama ko saglit si Amadeus. Hindi ko man naipakita nang maayos ang pagmamahal ko sa kanya, pero sapat na yung makasama ko siya saglit at kontento na ako roon.

***

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang mawala si Ate Solana sa buhay namin. Ako lang ang mag-isa sa mansiyon namin at ngayong araw, aalis ako dahil tutungo ako sa ibang lugar upang doon magbagong buhay.

"Kayo na muna ang bahala sa mansiyon, Manang Rosa," sabi ko sa caretaker ng mansiyon namin. "Aalis muna ako. Mag-e-explore."

Tumango siya at saka hinawakan ang kamay ko. "Mag-ingat ka, ah? Tawagan mo rin kami kung may kailangan ka."

"Opo. Tatawag po ako."

"Gusto mo bang ihatid ka namin?"

Umiling ako. "Hindi na po. Mas gusto ko na ako lang para po may matutuhan din ako."

"Naku! Balak mo yata maging independente! Maganda iyan lalo na't buong buhay mo ay nandito ka lang sa bahay. Kailangan mo ring matuto at ma-expose sa labas. Magandang ideya iyan pero mag-ingat ka talaga, ah?"

"Yes po! Mag-iingat po ako."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil parang hinayaan na ako ni Daddy ngayon. Kapag tatawag siya sa akin at may ipapaalam ako, okay lang sa kanya. Hindi na niya ako pinagbabawalan. Kaya hangga't hindi pa nagbabago ang isip, susulitin ko ang pagkakataon na ito.

"Nandito pa ba si Ciara?"

Napalingon kami kay Manong Cardo na hinihingal habang papalapit sa amin. "Ay nandito ka pa pala! May bisita ka, hija!"

"Sino po?" takang tanong ko.

"Isang doctor."

"Sinong doctor?"

Tiningnan ko kung sino ang lalaking nakasunod sa kanya at umawang ang labi ko nang makita ko si Kuya Asher.

"Kuya..."

"Aalis ka na ba?" tanong niya at nang makalapit ay ngumiti siya sa akin.

"Opo. Aalis na po ako. Bakit po?"

Hindi ko maiwasan ang hindi siya pagmasdan. Siya pala ang lalaking tipo ni Ate Solana. Hindi ko man lang iyon naisip dahil ang nasa isip ko palagi ay si Amadeus ang para kay Ate. Hindi ko akalain na nagtatagpo pala sila.

Medyo magkatulad sila ni Amadeus pero mas mature si Kuya at mas matangkad. Guwapo rin at mabango kaya siguro na-in love si Ate sa kanya.

Inilahad ni Kuya Asher ang isang box. Para siyang treasure box na gawa sa karton.

"Para saan ito?" Tinanggap ko ang treasure box.

"Para sa iyo," aniya sabay ngiti sa akin. "Gawa iyan ng Ate Solana mo noong nagpapagaling pa siya. Saka mo lang buksan kapag nakarating ka na sa destinasyon mo."

Napatingin ako sa treasure box at saka hinaplos ito. Gawa ito ni Ate para sa akin?

"Kuya..." Tiningnan ko siya at saka napaluha na. "P-Para po sa akin ito? Gawa talaga ito ni Ate."

"Oo. Pasensya na at ngayon lang naibigay sa iyo, ah? Gaya mo, nagluluksa rin ako. Ngayon lang ako naglakas-loob magpakita ulit para ibigay iyan."

Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata.

"Para sa akin talaga ito?"

"Mahal na mahal ka ng Ate Solana mo, Ciara," ani Kuya Asher. "Walang araw na hindi ka niya iniisip. Palagi ka niyang pinagdarasal na sana ay nasa mabuting kalagayan ka."

Niyakap ko ang treasure box at saka napapikit.

"Salamat po, Kuya Asher. Iingatan at pahahalagahan ko po ito. Maraming salamat po sa pagmamahal sa Ate Solana ko hanggang sa huling hininga niya."

Pagmulat ko ay tipid na ngumiti lamang siya sa akin at saka nagpaalam na.

Umalis na rin ako sa bahay dala ang aking maleta at ang treasure box na bigay ni Ate Solana sa akin.

Sumakay ako sa bus sa terminal. Bus with aircon ang sinakyan ko. Habang inaayos ko ang pag-upo ko sa upuan ko, nakita ko mula sa bintana ang isang lalaki na naka-mask at naka-sombrero. Mukhang nagmamadali siya para lang makaabot sa papabyahe na bus.

At dahil ako na lang ang walang katabi, sa akin siya tumabi.

Hindi ko na lamang ginawaran ng pansin ang katabi ko at saka napatingin na lamang sa bintana.

Iiwan ko muna ang lugar na ito para makapagsimula ulit. At sana sa pagbalik ko rito, sana buo na muli ang puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top