Kabanata 15
Tulala lamang akong nakatingin sa kawalan. Hindi ako makapaniwala na wala na si Ate Solana. Hindi ko akalain na sa isang iglap, nawalan na naman ako.
Masikip ang dibdib ko. Iyon ang naramdaman ko ngayon. Nasasaktan ako para sa sarili ko, para sa Daddy ko, at para kay Amadeus na hindi man lang naabutan ang Ate Solana ko.
Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana hindi na lang ako pumayag sa kasal. Sana ay sumama na lang ako kay Ate Solana dito para samahan siya sa kanyang paggamot. Kasi kung alam ko na mangyayari ito, mas pipiliin kong makasama ang Ate ko. Maka-bonding pa siya at makapag-usap.
Pero huli na ang lahat.
"Dinala mo si Amadeus dito."
Napaangat ako ng tingin kay Daddy na walang emosyon ang mukha. Napatayo ako mula sa inuupuan ko.
"Wala na si Ate Solana, Daddy..." Tumulo ang luha sa mata ko. "Huwag mong sabihin na gano'n pa rin ang iniisip mo-"
"Matagal ko nang tanggap na mawawala ang Ate mo dahil malala na ang sakit niya," pagputol niya sa akin na ikinamilog ng mata ko. "At alam iyon ng Ate Solana mo. Alam niya na may taning na ang buhay niya."
Mas lalo lamang akong naluha sa nalaman.
"H-Hindi niyo ba ako pamilya?" tanong ko na ikinagulat ni Daddy. "B-Bakit wala akong alam sa ganiyan? Bakit hindi niyo ipinaalam sa akin? K-Kapatid niya po ako. A-Anak niyo po ako. Bakit?"
Hindi sumagot si Daddy.
Pinalis ko ang luha ko sa harapan niya. "D-Dinala ko po si Amadeus dito kasi hinahanap niya ang Ate Solana ko. Ayaw ko na pong itago, Daddy. Naaawa po ako kay Amadeus. Mahal niya ang Ate ko kaya pasensya na po at hindi ko sinunod ang sinabi mo. Pero ngayong wala na si Ate, sana naman ay tigilan mo na ito..."
Nang akmang lalagpasan ko na siya ay hinawakan niya ang braso ko kaya natigilan ako at napatingin sa kanya.
"Nandito ang Ate mo sa ospital na ito dahil nandito ang totoo niyang mahal."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
Binitiwan niya ang braso ko. "Iyon ang huling request niya sa akin."
Napasinghap ako nang makita ko si Amadeus sa may pintuan. Katulad ko ay nagulat din siya sa narinig mula kay Daddy.
"Sino ang mahal ni Solana, Tito?" tanong ni Amadeus na mugtong-mugto ang mga mata.
"A-Amadeus..." tawag ko sa kanyang pangalan pero hindi niya ako tiningnan, nakatingin lang siya kay Daddy na ngayon ay nakatingin na sa kanya.
"I don't want to break your hurt even more, hijo," ani Daddy.
"Gusto kong malaman..." Lumapit si Amadeus sa amin kaya medyo napaatras sa akin. "Gusto kong malaman ang lahat. Bakit hindi si Solana ang ikinasal sa akin? Ano ang totoong dahilan? At...sino ang totoong mahal niya?"
Nanatili lamang malamig ang tingin ni Daddy sa desperado na si Amadeus. Kumikirot ang puso ko sa kanya.
"Asher..."
Pareho kaming napasinghap ni Amadeus.
"Asher?" Natawa si Amadeus pero papaluha na ulit. "Ang pinsan ko?"
Napaisip ako at binalikan kung saan ko nakita si Kuya Asher. Oo nga pala, nakita ko si Kuya Asher sa kuwarto ni Ate Solana at nakita ko nga na putlang-putla iyon habang tinitingnan ang Ate Solana ko.
Oo nga pala...
Nandito nga pala sa bansang ito nagtatrabaho si Kuya Asher. Mahal siya ni Ate Solana? Siya pala ang totoong mahal nito?
"Ibabalik na namin sa bansa ang labi ni Solana. At dahil wala na si Solana, gusto ko na ng tahimik na buhay, hijo. This is the end of my negotiation with your family. Don't worry, maa-annul din ang kasal ninyo ng anak ko as soon as possible."
Umalis si Daddy pagkatapos, iniwan kaming dalawa ni Amadeus na ngayon ay hinang-hina na. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ang kanyang kamay pero iniwakli niya ang kamay ko.
"Don't talk to me," aniya at saka gaya ni Daddy, iniwan niya rin akong mag-isa sa kuwarto na ito.
Agad nabalita sa mga kaanak namin ang nangyari kay Ate Solana at lahat sila ay nagulat sa biglang pagpanaw ni Ate. Kahit sila kasi, walang alam sa kalagayan ni Ate Solana. Sinekreto ito ni Daddy dahil sa mga Rodriguez. Ayaw kasi ng mga Rodriguez na makapangasawa ang anak nila na may sakit dahil baka kakalat ito sa darating na henerasyon nila. Kaya sigurado ako na sa pag-uwi ko, pandidirian ako ni Tita Diane.
Pero ang nakakagulat sa lahat ay ang sinabi ni Daddy sa akin. Puputulin na niya ang koneksyon niya sa mga Rodriguez.
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos nito pero sana, kung nasaan man si Ate Solana ngayon, masaya na siya at hindi na maghihirap.
Napatingin ako sa langit paglabas ko sa hospital. Ang ganda ng langit ngayon. Ang linaw. Nandiyan na siguro si Ate Solana kasama si Mommy.
***
Pag-uwi namin sa Pilipinas, gulo agad ang bumungad sa amin.
"Bakit mo itinago, Manolo?" galit na tanong ng pinsan ni Daddy na si Tita Ramona. Favorite kasi niya si Solana kaya sobrang iyak niya nang malamang nasa kabaong na si Ate pag-uwi namin. "Sobrang desperado mo talagang umangat sa buhay? Angat ka na, ah? Hindi mo kailangan ang mga Rodriguez na iyon para mas lalong umangat!"
Nanatili lang akong nakayuko.
"Bakit si Solana pa?"
Kumirot ang puso ko lalo na nang tumahimik saglit. Hindi naman ako bobo. Hindi naman ako pa-inosente. Alam ko na kapag bigla silang tumahimik, ako agad ang iniisip. Tiningnan ko sila at tama nga ako, nasa akin na ang kanilang paningin.
Ang sakit lang kasi kahit kapamilya ko sila ay hindi ko ramdam iyon. Ayaw nila sa akin kasi ako ang dahilan kung bakit nawala si Mommy sa mundong ito. My mom sacrificed her life for me, na sana hindi niya na lang ginawa.
"Sana nga po ay hindi na lang po si Ate Solana ang nasa kabaong," sambit ko na ikinagulat nila. Hindi kasi ako palasalita kapag nagkaisa kami. "S-Sana ako na lang po gaya ng gusto ninyong mangyari."
Natahimik silang lahat.
"Huwag muna kayong mag-away ngayon. Respetuhin sana natin ang lamay."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumayo na ako sa kanila at umupo malapit sa kabaong ni Ate Solana.
Ang ganda ng mga bulaklak na nakapaligid sa kabaong niya. Halatang maraming nagmamahal kay Ate Solana.
Paano kaya kung ako yung nandito? Marami kaya ang dadalo? May mga magaganda kaya na bulaklak?
"Condolence..."
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Caleb, ang kaibigan ni Amadeus. Napatayo ako nang makita ko siya.
"Caleb, nandito ka. Kasama mo ba si-"
"Oo. Nandito siya. Nandito silang lahat," pagputol niya sa sinabi ko.
Tumango-tango ako.
"Umupo ka ulit. Ang putla-putla mo."
Umupo ako at saka tiningnan siya. "Okay lang ako."
"Hindi ka okay," aniya at saka nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Kung iiyak ka, umiyak ka lang. No one is stopping your from crying. You lost your sister. Your other half. Alam ko ang pakiramdam dahil nawalan din ako..."
Nangilid ang luha sa aking mata.
"Gosh! Hindi ko akalain na may sakit pala si Solana kaya hindi siya naikasal kay Amadeus..."
Inalis ko ang kamay ni Caleb nang marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko si Tita Diane na nakasuot ng itim habang papalapit sa kabaong. Kasama niya si Tito Stephan at si Amadeus.
"Oh my gosh, Solana..." iyak ni Tita Diane. "I can't believe this..."
Lahat sila ay nasaktan sa pagkawala ni Ate Solana dahil mula bata pa, kilala na nila si Ate.
Tiningnan ko si Amadeus na nakatulala lamang at hindi man lang ako magawang mabalingan.
"I hope makausap mo si Amadeus," ani Caleb kaya napatingin ako sa kanya. "He loves your sister so much and I don't think magiging okay pa siya pagkatapos nito."
Dalawang linggo ang naging lamay ni Ate bago siya tuluyang inilibing. Timing pa na umuulan kaya mas lalo lamang naging mabigat sa pakiramdam.
Ngayong nagsialisan na ang mga sumama sa paghatid sa huling hantungan, naiwan naman akong mag-isa sa harap ng kanyang puntod, dala ang paboritong bulaklak ni Ate. Ang sunflower. Inilapag ko ito sa puntod niya at saka napakagat sa ibabang labi.
"A-Ate..."
Lumalakas na ang ulan at wala akong payong kaya basang-basa na ako.
"Mahal na mahal kita, Ate..." Tumulo ang luha sa aking mata. "Salamat po dahil naging kapatid kita...S-Sana sa susunod mo na buhay, ako pa rin ang kapatid mo at m-maglalaro ulit tayo. S-Sana sa susunod mong buhay, m-malusog ka na at mabuhay hanggang sa pagtanda. Nawala nga ang presensya mo sa mundong ito, pero mananatili ka sa puso ko, Ate...M-Mahal na mahal po kita...P-Paalam po..."
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa paghagulhol.
Nang aalis na sana ako, nakita ko si Amadeus na may payong. Napasinghap ako nang makita ko siya. Akala ko kasi ay umalis na siya.
Agad kong pinalis ang luha sa aking mata at saka naglakad na. Akmang lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"A-Amadeus..."
Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya lang ang braso ko habang ang tingin niya ay nasa puntod.
"A-Aalis na ako," sabi ko para basagin ang katahimikan.
Hindi siya nagsalita at binitiwan ang braso ko. Tipid akong napangiti sa ginawa niya at saka nilagpasan na siya, naglakad palayo habang umuulan nang malakas.
****
A/N: Hello everyone! I'm sorry if ngayon lang ulit ako nakapag-update. Sobrang busy talaga sa buhay and I am happy na kahit hindi na ako always nag-u-update ay may naghihintay pa rin. Hopefully kapag wala na akong ginagawa, magkakaroon na ako ng oras sa mga stories ko. Again, pasensya na and thank you for waiting.
P.S. I am reading comments! Hihi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top