Kabanata 14
Tahimik lang kami pareho sa byahe. Alam ko na iniisip na niya si Ate Solana. Kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Samantalang ako, iniisip ko sila pareho.
Pagdating namin sa Hong Kong, tinawagan ako ni Daddy. Nasa isang hotel na kami nang siya ay tumawag kaya doon ko na rin siya nasagot.
"Hello, Dad," sagot ko habang nakatingin kay Amadeus na ngayon ay hinuhubad na ang kanyang coat.
"Kararating niyo pa lang ba, Ciara?" tanong ni Dad sa kabilang linya.
"Opo, Dad. Nasa hotel na po kami."
"Mga ilang araw kayo sa Hong Kong?" tanong ni Daddy.
Napalunok ako. "M-Mga isang linggo po kami dito sa Hong Kong, Daddy."
Natigilan si Amadeus at saka napatingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Make sure na kasama mo palagi ang asawa mo, Ciara," ani Dad. "Make sure na kontento na siya sa iyo at hindi na niya hahanapin ang Ate Solana mo. Maliwanag ba?"
"D-Dad..."
"Maliwanag ba, Ciara?" tanong muli ni Daddy. "Hindi na babalik ang Ate Solana mo sa lalaking iyan kaya dapat ipilit mo ang sarili mo sa kanya. Don't make me hate you, Ciara. Okay?"
Kumuyom ang kamao ko kasabay ng pagkirot ng aking puso. Naibaba ko ang tingin ko sa hita ko at saka mahinang tumango.
"S-Sige, D-Dad..."
"Good. Babalitaan na lamang kita tungkol sa Ate mo sa susunod na linggo. Don't call me and just wait." At binaba ni Daddy ang tawag.
Nangilid ang luha sa aking mata na agad kong pinunasan bago pa man makita ni Amadeus. Pero kahit luluha pa ako sa harap niya, wala rin naman siyang pakialam. Umayos ako sa pag-upo sa kama at saka tumayo.
"M-Magbabanyo muna ako," paalam ko habang mahigpit ang hawak sa selpon ko.
Hindi siya sumagot at saka nakakunot lang ang noo sa akin. Napalunok ako at saka agad na nagtungo sa banyo upang umiyak nang tahimik.
Gusto ko na lang matapos ang lahat para pati ako ay maging malaya na rin sa sakit na nararamdaman.
***
"A-Amadeus, kailan tayo pupuntang States," tanong ko sa kanya nang lumabas ako sa banyo. Nasa kama na siya ngayon, nakaupo habang nagtitipa sa kanyang laptop.
"Next week," tipid niyang sagot.
"H-Huh?" Bigla akong nalito. "B-Bakit next week pa? Puwede naman bukas agad."
Bumuntonghininga siya at saka tiningnan ako. "Let's enjoy Hong Kong first bago tayo magtungo sa America. Tell your father na mae-extend ang pag-stay natin dito."
Natigilan ako.
Paano ko sasabihin kay Daddy ito? Sinabi ko na sa kanya na isang linggo lang kami dito.
Naging balisa ako at nakita at naramdaman iyon ni Amadeus kaya inilapag niya ang kanyang laptop sa kama at saka tumayo para harapin ako.
"Ayaw mo bang gumala dito?" tanong niya. "Nakapunta ka na rito, hindi ba? Nakapunta ka ng Disneyland with your Ate Solana."
Umiling ako at nagbaba ng tingin. "Hindi pa."
"Hindi pa?"
Tumango ako at saka tumingin sa kanya. "Oo. Hindi pa. Si Ate Solana lang kasi ang palaging sinasama ni Daddy kapag pupunta siya sa ibang bansa. I-Ito ang unang pagkakataon ko na lumabas ng bansa buong buhay ko..."
Umawang ang labi niya. Tila nagulat sa sinabi ko.
Ngumiti ako sa kanya dahil ayaw kong maawa siya sa akin. "A-At hindi naman paggagala ang pupuntahan natin dito, hindi ba? Pupuntahan natin si Ate Solana, Amadeus, kaya sana ay hindi na natin patatagalin ang lahat upang makita mo rin si Ate Solana. Ako rin, gusto ko na rin siyang makita."
Itong ginagawa ko ngayon, isang pagtatraydor na ito sa Daddy ko, Amadeus. Magagalit siya sa akin kapag malaman niya na dinala kita kay Ate Solana.
Alam ko na simula pa lang ay pabor na talaga si Daddy kay Ate Solana, at ako, ayaw niya sa akin dahil ako ang dahilan ng pagkawala ni Mommy sa mundong ito. Everyone hates me. At ayaw ko na madagdagan pa iyon. Ayaw ko na sana...
"Sige. Bukas, aalis na tayo."
Tumango ako sa kanya at saka nagtungo na sa maleta upang kunin ang importanteng gamit ko.
***
Kinabukasan ay hindi na namin pinatagal at lumipad na kami patungong States. Hindi ko kabisado ang States pero kabisado ni Amadeus dahil laking America siya kaya hindi kami mawawala dito. Alam ko lang ay ang hospital kung nasaan si Ate Solana pero hindi ko alam ang room number niya.
"Nandito na tayo," anunsyo ko kay Amadeus na ngayon ay naka-sunglasses.
Nakarating na kami sa pinakamalaking hospital sa lugar na ito at ngayon, papasok na kami upang magtanong kung ano ang room number ni Solana Ruiz.
"I am her sister," sambit ko sa nurse sa counter. "I forgot her room number."
"Oh, okay. Room number 201. Second floor."
Tumango ako at saka ngumiti sa kanya. "Thank you, Nurse."
Tiningnan ko na si Amadeus at saka sinenyasan na siya na magtungo na. Nauna siya sa akin, siguro sa kagustuhang makita na si Ate Solana kaya nauna siya sa akin sa paglalakad. Tipid ako na napangiti at saka bumuga ng hangin.
Kapag nakita ko si Ate Solana ngayon, yayakapin ko siya nang husto at manghihingi ng tawad sa kanya dahil hindi ko natupad ang gusto niyang mangyari.
Kung malalaman man ni Daddy ang lahat ng ito, hindi ako magsisisi dahil nakita ko na muli ang Ate Solana ko at malalaman ko na ang kalagayan niya.
Sumakay kami sa elevator na walang nagsasalita. Parang bumalik na talaga sa dati na walang imikan. Nakakasikip ng puso. Parang ayaw ko na ganito.
"P-Pagkatapos nito ay sana puwede pa rin tayo mag-usap kahit bilang kaibigan lang," sabi ko na nagpalingon sa kanya sa akin.
"Puwede naman 'yon, hindi ba?" tanong ko. "G-Gusto kita maging kaibigan, Amadeus."
Bago pa man siya makasagot ay bumukas na ang pinto ng elevator kaya nauna na siyang lumabas. Nauna siya sa paglalakad at bawat door ay tinitingnan niya ang numero.
Sa gitna ng aming paghahanap ng room ay bigla akong napatabi nang muntik na akong mabangga ng mga nurses at doctors na nagmamadali. Pati si Amadeus ay napatabi rin, nagtataka.
"Room number 201! Emergency! Faster!"
Namilog ang mata ko sa narinig at pati na rin ang kay Amadeus. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na sa ikinilos ng mga nurses. Mukhang may nangyari kay Ate Solana.
Naunang tumakbo si Amadeus at kasunod ako. Habang papalapit na kami sa roon ay halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang kaba na nararamdaman.
Ate Solana...
Napasinghap ako at tumulo ang luha sa aking mata nang makarating ako sa tapat ng pinto.
"A-Ate..."
Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Si Ate Solana ay kasalukuyang ginagamitan ng defibrillators ng mga doctor.
"1...2...3..."
Nanginig ang kamay ko at agad na kinuha ang phone ko upang i-dial ang numero ni Daddy. Pero habang ginagawa ko iyon ay tumutulo ang luha sa mata ko.
Ano ang nangyayari? Bakit naging ganito si Ate Solana? Akala ko ay gagaling na siya? Akala ko...
Natigilan ako sa pagtitipa nang makita ko si Amadeus na tulala na at ayaw papasukin ng mga naroon. At higit pa sa ikinagulat ko ay naroon si Kuya Asher Rodriguez, ang pinsan na doctor ni Amadeus. Katulad ni Amadeus, nakatingin lang din ito kay Ate Solana na pilit binabalik ang heartbeat ng mga doctor.
Ate Solana, nandito na po ako. Nandito na si Amadeus. Nandito na kami Ate Solana. Please, gusto ko na gumaling ka. Please...
Ngunit sa gitna ng aking pag-iyak at pagdasal, tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang tunog ng machine na nagpahiwatig na tuluyan nang tumigil sa pagtibok ng puso ni Ate Solana.
Napaluhod si Amadeus sa tiles na sahig habang ako ay halos hindi na makahinga lalo na nang inanunsyo nila ang oras ng kamatayan ni Ate Solana.
"Time of death, 3: 33 pm."
Tuluyan na akong bumigay at saka naglakas-loob na pumasok doon.
"Ate!" iyak ko at nakita ko na nagulat si Kuya Asher sa pagdating ko.
"Ate Solana..." iyak ko nang tuluyan ko nang nakita ang walang buha na si Ate Solana.
Nanginginig ang kamay ko habang unti-unting inaabot ang kanyang maliit na mukha na wala nang buhay.
"A-Ate S-Solana, n-nandito na po ako..." nanginginig kong sabi at saka niyakap ko nang mahigpit ang kanyang walang buhay na katawan.
Akala ko ay makikita ko ang magandang ngiti ni Ate Solana. Akala ko ay makikita ko siya na magaling na. Pero hindi ko akalain na sa mismong pagpunta namin dito ay siyang biglang pagpanaw niya. Pumanaw siya na wala si Daddy sa tabi niya. Wala ako sa tabi niya.
Wala na akong kakampi. Wala nang taong naging sandalan ko at ang tanging taong totoong nagmamahal sa akin. Wala na ang Ate Solana ko. Iniwan na rin niya ako.
"Mahal na mahal kita Ate Solana," bulong ko sa kanyang tainga. "P-Pasensya na po at nahuli ako ng dating."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top