Kabanata 11
"Maghanda ka. Aalis tayo mamaya."
Natigilan ako sa pagliligpit ng aming kumot nang biglang sinabi iyon ni Amadeus. Binalingan ko siya at nakita ko na may dala siyang paper bag.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa party," tipid na sagot niya sabay bigay sa paper bag na dala niya. "Ito ang susuotin mo."
Umawang ang labi ko at agad tinanggap ang paper bag. "Salamat."
Tumango siya at saka umatras na. "Well, lalabas muna ako para makapaghanda ka."
Tumango ako at saka ngumiti sa kanya. Natigilan siya sa pag-alis dahil doon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awkwardness kaya tumikhim ako at saka tinuro ang banyo.
"Maliligo muna ako, Amadeus."
Napakurap-kurap siya. "S-Sige. M-Maligo ka muna." Napakamot siya sa kanyang batok at saka lumabas na ng kuwarto.
Napangiti ako at saka binaba ang paper bag sa kama. Kinuha ko na ang towel ko at pumasok na sa banyo.
Pupunta kami sa party ng kanyang kaibigan at hindi ko akalain na isasama niya ako. Kontento na ako sa ganito. Wala na akong hihilingin na iba. Masaya ako na tinatrato niya na ako na parang tao. Hindi galit, inis, kundi kalmado lang.
I wonder kung asawa ba ang tingin niya sa akin?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka ipinilig na lamang ang ulo upang iwala sa isip iyon. Maliligo na lamang ako.
***
Suot ko ngayon ang red velvet dress na bigay sa akin ni Amadeus. Ang aking buhok ay nakalugay lamang at nilagyan ko lang ng hairpin sa magkabilang-gilid. Red lipstick ang nilagay ko kahit hindi ako sanay. Binagay ko kasi sa damit ko kaya ang fierce kong tingnan.
Bumaba na ako sa sala pagkatapos. Nakita ko si Amadeus na may kausap sa selpon kaya hindi pa niya ako nakita. Lumapit si Manang Rosana sa akin na ngayon ay manghang-mangha sa akin.
"Ang ganda mo, hija!" Kumislap ang kanyang mga mata. "Bagay sa iyo ang damit mo."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "S-Salamat po, Manang. Sakto lang naman."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Mag-enjoy ka sa party, ha? Hindi ka pa naman sanay sa mga gathering sabi mo, kaya pagkakataon mo na ngayon."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige po, Manang Rosana."
"Okay, Caleb. Hindi mo na kami kailangang sunduin. I have a car," medyo iritado nang sambit ni Amadeus kaya napatingin ako sa kanya.
Kunot na kunot na ang kanyang noo at saka nakapamewang pa. Inayos ko ang sarili ko at saka tiningnan ko ang singsing na nasa ring finger ko. Napangiti ako.
Ang bilis ng panahon. Dalawang linggo na lang at matatapos na ang kasunduan namin. Kaya susulitin ko ang una't huli na party na ito kasama siya.
Pagkatapos kausapin ni Amadeus ang kanyang katawagan na batid ko ay ang kanyang kaibigan na may puting buhok na si Caleb, binalingan na niya ako.
"Ciara, let's go-" Natigilan siya kaya nginitian ko siya at umayos ng tayo.
"Okay lang ba?" tanong ko sa kanya.
Tumikhim siya at saka tumango. "Yes. Let's go."
Nagulat ako nang maglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko ito at nang magtagpo ang aming mga kamay ay parang may kuryente akong nararamdaman. Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin kay Amadeus na nasa akin na rin ang tingin.
"Tara na," aniya at napasinghap ako nang pinagsalikop niya ang aming kamay.
Sabay kaming lumabas ng bahay. Alam ko na isa lang ito sa pagtrato niya bilang asawa niya gaya ng gusto ko, pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan ang kiligin.
***
"Welcome bro and Miss Ciara..." Kinindatan ako ni Caleb pagdating namin sa bahay niyang maingay. "Wala ka man lang bang regalo sa akin, Amadeus?"
Umawang ang labi ko at gulat siyang tiningnan. "Birthday mo ngayon?"
Nag-pout siya. "Oo. Hindi man lang ba sinabi ni Amadeus sa iyo?"
Umiling ako at saka tiningnan si Amadeus na ngayon ay nakataas lang ang kilay sa kanyang kaibigan. Tiningnan ko muli si Caleb.
"Ang sabi niya lang sa akin ay party," sabi ko sabay kagat sa ibabang labi. "Pasensya ka na kung wala kaming dala. Kung alam ko lang ay sana naghanda ako ng regalo sa iyo."
"Naku! Ang pagpunta mo rito ay napakalaking regalo na, Miss Ciara..." Kinuha niya ang kamay ko na ikinagulat ko at nang akmang hahalikan niya ang kamay ko, hinawakan naman agad ni Amadeus ang palapulsuhan ko at saka hinila palayo kay Caleb na ngayon ay napahagikhik na.
"Lasing ka na ba? Bagong dating pa kami," ani Amadeus at saka naramdaman ko ang kanyang kamay sa bewang ko kaya nakita ko na nagbaba ng tingin si Caleb doon. Napalunok ako. "Let's go."
"Happy Birthday, Caleb," bati ko at saka nauna na kaming pumasok sa bahay niya.
Hindi ito pormal na party na nakasuot ng mga pormal na damit. Para kaming nasa isang club dahil puro mga nagsasayawan na mga kababaihan at kalalakihan ang nakita. Sobrang lakas din ng music.
"Amadeus, what are you doing bro? We are here to enjoy!" ani Caleb na ngayon ay may hawak na baso. "Inom ka."
"I am with my wife," ani Amadeus kaya napatingin ako sa kanya. "Walang magmamaneho sa amin."
"Sus! I have so many drivers! At isa pa, puwede naman dito kayo matulog," pangungulit ni Caleb at saka kinindatan ako. "Hihiramin ko lang itong asawa mo. Okay lang ba, Miss Ciara?"
Agad na tumango ako. "Oo naman."
Sinamaan na ako ngayon ng tingin ni Amadeus kaya natawa ako.
"Birthday naman ng kaibigan mo, Amadeus," sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay. Naibaba niya ang tingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Napalunok ako at agad inalis ang kamay. "Okay lang naman ako dito."
"No..." Nagsalubong na ang kilay niya. "Dito lang tayo."
"Bro! Once in a lifetime lang ito! Pagbigyan mo na ito! At saka, hindi naman ma-out of place si Miss Ciara dahil may makakasama siya dito." At hinila niya si Amadeus na ngayon ay sobrang sama na talaga ng tingin sa akin.
Lasing na yata ang birthday boy. Wala namang kaso sa akin kung mag-enjoy si Amadeus. Hindi ko naman hawak ang buhay niya para pagbawalan. At ako ang tipo na tao na hindi binabawalan ang isang tao lalo na't hindi naman masama.
"Really?"
Tumango ako. "Oo, Amadeus. Pagbigyan mo ang kaibigan mo."
Bumuntonghininga siya at saka tumayo.
"Yon!" ani Caleb at saka inakbayan si Amadeus na agad naman niyang inalis.
"Saglit lang, Caleb," ani Amadeus sabay baling sa akin. "Huwag kang umalis dito."
Tumango ako at saka kumaway sa kanila. Nang makalayo sila sa akin ay napabuntonghininga ako at saka napasandal sa upuan.
Lumaking may party sina Ryan at Florah kaya sanay sila sa ganito hindi katulad ko na hindi pa nakaapak dahil bawal. Pero hindi naman bago sa akin ang mga alak dahil kapag nagkikita kami ng mga kaibigan ko, hindi absent ang alak.
"Hi! Ikaw ba ang asawa ni Amadeus?" tanong sa akin ng isang babae na may maikli na buhok. May dala siyang baso ng alak.
Tumango ako. "Oo, ako nga."
Ngumisi ang isang babae na kasama niya na may bangs at saka tumabi sa akin. "Puwede ka bang sumali sa amin? Girls talk!"
"Ahh, okay lang ako-"
"Umiinom ka ba ng alak?" tanong sa akin ng babaeng may maikli na buhok at saka nilaharan pa ako. "Kung si Amadeus ay uminom, dapat ikaw din!"
"Hindi na," tanggi ko sabay tawa. "Hindi ako iinom ngayon."
"Pero umiinom ka?" She grinned. "Inom ka dali! Kahit isang shot lang!"
Napalunok ako lalo na nang makita ko ang aso ng alak. Tiningnan ko silang dalawa at pareho na silang nakangiti sa akin.
"Isa lang naman!" subok niya pa.
Nang tanggapin ko ang baso ay nagsigawan silang dalawa at saka hinila ako patayo.
"Huwag ka nga dito! Magmumukha kang outcast niyan!" aniya sabay ngisi. "Inumin mo na."
Napalunok ako at saka napatingin sa alak. Ngayon lang naman ito at hindi na mauulit. Huminga ako nang malalim at saka mabilis kong nilagok ang alak.
Naghiyawan sila at saka hinila na ako patungo sa kanilang table. Napangiti na lamang ako at saka nagpahila na lamang sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top