Chapter 9
Chapter 9
Agad akong dumiretso sa elevator nang nakitang bukas ito. Pumasok ako sa loob at nang humarap ako, namilog ang mata ko nang nakita ko si Ashton na paparating. Dahil sa sobrang panic, nagmamadali akong pinindot ang 1 button para lang magsara ang pinto ng elevator ngunit napasigaw ako at napaatras nang nagawa niyang iharang ang kanyang kamay kaya hindi tuluyang nagsara ang pinto.
Ang kanyang matang galit na galit ay nasa akin pa rin ang tingin nang siya ay pumasok. Napaatras at napasigaw pa lalo nang nakitang nakatuwalya pa rin siya. Tiningnan ko siya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" pasigaw kong tanong sabay atras. Nilakihan ko siya ng mata senyales na binabalaan ko siya.
Pero parang wala lang sa kanya ang panlalaki ng mata ko. Kahit gawin ko pang mata ng owl itong mata ko, wala siyang paki. Talagang umabante siya at dahil wala na akong maatrasan, naramdaman ko ang malamig na dingding ng elevator. Napalunok ako at hindi alam kung saan tumingin.
Umigting ang kanyang panga habang unti-unti akong ikinulong sa kanyang katawan. He cornered me. Ang kanyang magkabilang kamay ay nasa magkabilang gilid na ng ulo ko. Inilapit niya pa lalo ang kanyang sarili sa akin at halos mahimatay ako dahil naamoy ko ang kanyang gamit na sabon sa kanyang katawan.
He was still wearing his towel below. Ano ba ang iniisip ng lalaking ito?
Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya, halos magsalubong na ang aming hininga. Sobrang lapit niya at parang bumalik sa akin ang mga alaala na mayroon kami noon. His kissable lips and his moves...
Nagsimulang bumilis sa pagtibok ang puso ko nang bahagyan niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko na ngayon ang kanyang hininga.
"U-Umalis ka nga..." nauutal ko na sinabi sabay tulak sa kanya gamit ang nanginginig na kamay ko. Ngunit medyo nahiya ako na hindi ko man lang siya naitulak. Parang bata lang ang tumulak sa kanya dahil walang lakas.
Nanginginig ang tuhod ko at napasinghap dahil sa tensyon. Bakit ba ayaw niya akong tantanan?
"Don't push me away," kalmado niyang sinabi sabay salikop sa kamay kong nasa dibdib niya. "You have a period, baby," bulong niya sa tainga ko.
Napasinghap at nanindig ang balahibo ko dahil sa kanyang ibinulong. Nang medyo lumayo na siya, tinanaw niya ang reaksyon ko. Hindi siya natawa o kung anu-ano pa man, pag-aalala ang nakita ko sa kanya.
"H-Ha?"
Namutla ako at bahagyang sinilip ang likod ko. Doon, nakumpirma ko na may regla ako dahil may dugo ang palda ko. Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya, ganoon pa rin ang tingin niya sa akin.
Bigla akong nahiya at nangilid pa ang luha sa aking mata. Hindi lang iyon, mas lalo lang akong nahiya dahil may biglang pumasok sa elevator na dalawang matatanda.
"Jusmiyo, mga kabataan talaga," reaksyon ng lola na ngayon ay nakatingin na sa tuwalya ni Ashton. "Kahit saan-saan na lang gumagawa ng milagro."
Nag-init ang pisngi ko at tuluyan nang tumulo ang luha sa mata. Nagulat ako nang biglang sinapo ni Ashton ang mukha ko at gamit ang kanyang mga daliri, pinalis niya ang mga luha ko. Umamo rin ang kanyang mukha at saka hinawakan ang likod ng ulo ko at niyakap patungo sa kanya.
"Don't cry," bulong niya sa gitna ng pagyakap niya sa akin. "I'm here..."
***
Dinala ako ni Ashton sa restroom sa first floor ng building. Binuksan niya ang pinto at marahan akong tinulak papasok. Agad ko naman siyang nilingon at tumango lang siya sa akin bago niya sinara ang pinto.
Napasandal na lamang ako at sinapo ang dibdib. Tumulo muli ang luha sa aking mata at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagtungo ako sa inidoro at doon ako umupo habang kagat-kagat ang aking daliri.
Tiniis ko ang sakit ng puson ko. Siguro ay tatawagan ko si Cheska para humingi ng tulong pero hindi naman puwede dahil sigurado ako na nag-duty na siya at hindi naman niya puwedeng iiwan ang trabaho niya para sa akin. Bumuntonghininga ako at napahilamos na lamang.
"Bakit ngayon pa?" nasabi ko na lang at pinunasan ang luha ko gamit ang daliri ko.
Pumikit ako at tumingala pagkatapos. Wala namang makatutulong sa akin kundi ang sarili ko lang.
"Kat..."
Agad akong nagmulat at napasinghap. Agad akong tumayo at nagtungo sa pinto. Nag-aalinlangan pa ako kung bubuksan ko ba dahil si Ashton ito. Siguro ibababa ko muna ang pride ko ngayon at humingi ng tulong sa kanya. Siya lang naman ang nandito at siya lang din ang kilala ko.
"A-Ash..."
Ang aking katawan ay nanginginig na dahil sa pag-iyak at inilagay ko ang palad ko sa pinto at nagbaba ng tingin. Huminga ako nang malalim at saka hinawakan ang door knob.
"P-Puwede mo ba akong tulungan?" subok ko. "K-Kahit ngayon lang..."
Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga sa labas. I brought you some clothes and sanitary napkin," mahinahong sambit niya.
Umawang ang labi ko at napaangat ng tingin.
"So, you don't need to worry about it anymore. Please, open the door for me," mahina ngunit malambing niyang pagkasabi.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka tumango. Nanginginig ang kamay ko habang unti-unting binubuksan ang pinto. Nang nabuksan, bumungad sa akin ang nakadamit na si Ashton. Ang kanyang mapupungay na mata ay nakatuon na sa akin habang may dala siyang paper bag. Nang nakita ako, agad niyang inilahad sa akin ang paper bag.
"Here..." he said calmly as he handed it to me.
Tiningnan ko muna siya bago ang paper bag. Tinanggap ko ito at saka nagbaba ng tingin.
"T-Thank y-you..." Halos nalunok ko ang sariling laway ko dahil sa pagkautal. Hindi na rin ako makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan.
Nang bahagyan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay.
"Were you crying?" tanong niya habang tinitingnan ako.
Agad akong umiling. "H-Hindi...uhh...Napuwing lang ako," rason ko agad at humawak sa pintuan. "S-Salamat u-ulit. Babayaran ko na lang."
He sighed and shook his head. "You don't have to pay me for that. Just wash yourself and change your clothes. I also bought a pain reliever and a bottle of water. Nasa paper bag na ang lahat."
Napalunok ako at saka tumango. Umatras na ako at saka hinigpitan ang hawak sa paper bag. Nang akmang isasara ko na sana ang pinto, nagulat ako nang bigla niyang iharang ang kanyang kamay sa gitna ng pinto kaya hindi ko naisarado. Gulat ko siyang tiningnan.
"B-Bakit?"
He pursed his lips and stepped back. Inilagay niya rin ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. "I'll wait for you here."
Medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Tumikhim ako at kita ko na para siyang naghihintay sa sagot ko kaya agad ko siyang inilingan.
"H-Hindi na," agad ko na pagtanggi. "Salamat." At sinarado ko na ang pinto at halos mawalan ng hininga nang naisarado ko na.
Napapikit na lamang ako.
***
Pagkatapos kong mag-ayos at magpalit ng damit, lumabas ako sa restroom at napatingin sa paligid para tingnan kung talaga bang naghihintay siya sa akin. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko nang nakita ko siyang nakasandal sa may pader.
Hindi ko maiwasan ang magtaka sa kanyang ikinilos. What is he planning to do? Ginagawa niya ba ito para sumang-ayon ako sa gusto niya?
Hell no!
Naibaba ko ang tingin ko sa sarili ko. Nakasuot ako ngayon ng sweatpants and white T-shirt. Nagmumukha akong badoy.
I cleared my throat to get his attention. Agad naman siyang napalingon sa akin at umayos sa kanyang pagtayo.
"Salamat..." ani ko habang nasa baba ang tingin ko. Humigpit ang hawak ko sa paper bag at matapang siyang tiningnan. Nakakunot pa rin ang noo niya sa akin kaya bumuntonghininga ako. "Aalis na ako."
"Alright..." He licked his lips and put his hands on his pocket. "I'll walk you outside."
"Hindi na," agad ko na pagtanggi. "Kaya ko ang sarili ko."
At nagmamadali akong umalis, hindi na siya hinayaan na magsalita pa. I know it's rude pero dapat lang talaga na umalis na ako at hindi na pahabain ang usapan. Naka-move on na ako sa kanya at siya rin kaya dapat hindi na pahabain at maging civil na lang sa isa't isa.
***
Nang nakauwi ako, agad-agad akong nagbihis ng panibagong damit. Wala si Ate ngayon dahil may date sila ng boyfriend niya. At dahil absent ako ngayon sa trabaho, napagdesisyonan ko na lang na mag-grocery na naka-pajama lang at maluwag na T-shirt.
"Corned beef, Beef loaf, Afritada—" Natigil ako sa paglalagay ng mga delata sa basket ko nang may biglang tumawag sa akin.
"Katarina!"
Wala sa sariling nilingon ito para tingnan kung sino ngunit halos maibagsak ko na ang aking dalang basket nang nakita ko si Tita Amore, Ashton's mom.
Kitang-kita ko ang saya sa kanyang ngiti habang papatungo sa akin. She was holding an expensive bag at may dala rin siyang basket. Wala pa itong masyadong laman kaya tingin ko ay bago pa lang siya. Nang tiningnan ko ang likuran niya. Umawang ang labi ko sa mangha nang nakita ko ang tatlong lalaki na naka-shades at naka-itim na T-Shirt at jeans. Mukha silang mga bodyguards ni Tita Amore. Napalunok ako bago ko hinarap si Tita.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mas lalo lamang lumaki ang ngiti niya nang nakalapit. Binaba niya ang basket niya at hinawakan ang braso ko.
"I can't believe na dito ulit kita makikita," madrama ngunit masaya niyang sambit habang nakatingin sa akin.
Ako rin Tita! Bakit pa tayo nagkita? Huhu.
"Pagkatapos kong mamili, kain tayo sa restaurant. I have so many thing to tell you, dear," excited niyang wika sa akin.
Tatanggi na sana ako ngunit nginitian niya lang ako at mabilis na tinalikuran.
Shit! No fucking way!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top