Chapter 8
Chapter 8
"Yes, I'm sorry. I can't come."
Nagising ako dahil sa boses na narinig.
"I'm sorry. May inaasikaso pa ako. But don't worry, babawi ako, okay? I love you, Mom. Bye!"
Malalim ito at mapaos. Nang tuluyan kong inimulat ang mata ko, bumungad sa akin ang puti na kisame. Kumunot ang noo ko at napahikab. Bukod doon, minasahe ko ang noo ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko.
Paunti-unti, bumangon ako sa kama at umupo. Sinapo ko ang ulo ko at napailing-iling. Naalala ko kasi bigla ang nangyari kagabi. Nakainom ako at marami iyon. Nauto yata ako ng bartender na iyon.
"You're awake."
Agad akong nag-angat ng tingin sa kung sino ang nagsalita. Mas lalo lang sumakit ang ulo ko nang nakita ko kung sino ito. Topless siya at tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa baywang niya. Nakita ko tuloy ang six pack abs niya. Bukod doon, nakita ko rin na basa pa ang buhok niya at may dala siyang tasa ng kape.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko at sinapo ulit ang noo. Bumilis din ang tibok ng puso ko nang napagtanto ko na hindi ito bahay ni Cheska o bahay namin. Sa mga gamit pa lang na mamahalin, alam ko na hindi ito amin. "At bakit ako nandito? Ano ang ginawa mo sa akin?"
Hindi niya ako masisisi. Magtatanong talaga ako. Kahit sinong babae siguro ay magtatanong at wala akong natandaan na sumama ako sa kanya. Nandito ako sa isang kuwarto kasama siya.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Kinailangan ko pang umiwas ng tingin para hindi ko makita ang maganda niyang mata na kulay abo. Wala sa sariling sinilip ko ang sarili ko at nakahinga ako ng maluwag nang nakitang ganoon pa rin ang suot ko kagabi. Nag-angat muli ako ng tingin kay Ashton at sinamaan siya ng tingin.
He chuckled. Ngising-ngisi siyang sumimsim sa kape niya bago niya inilapag sa lamesa malapit sa may bintana.
"What are you talking about?" tanong niya. "And why are you looking at me like that?"
Bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. Nang napansin niya ang pag-panic ko ay tumigil siya sa paglalakad at ngumiti ng pilyo sa akin.
Humalukipkip siya sa harapan ko. "Nag-assume ka ba na may ginawa ako sa iyo kagabi?" At nagbaba siya ng tingin sa damit ko.
Kita ko ang pag-iba ng timpla ng mukha niya nang pasadahan niya ako ng tingin. Naibaba ko rin ang tingin ko sa damit ko at namula nang nakitang umangat ang skorts ko kaya nakita ang hita ko. Hinila ko agad ito pababa.
Nang tiningnan ko siya, tinuro ko siya at inirapan. "Of course, magtatanong ako!" Kinuha ko ang unan at inilagay sa ibabaw ng hita ko. "Sa naalala ko, hindi tayo close at wala kang karapatan na dalhin ako kung saan-saan!"
I gritted my teeth. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit at sa ganitong paraan pa! Malaki naman ang Pilipinas at sigurado ako na malaki ang Cebu City pero nagkita pa rin kami!
At nasaan si Cheska? Hinayaan niya ba ako sa lalaking ito?
Pumikit saglit si Ashton at bumuntonghininga. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya. Dimple talaga ang nagpapa-attractive sa kanya. Kapag ngumingiti siya, lumalabas ang kuweba. Mukha siyang playboy na kulang sa practice.
Nang nagmulat siya ng tingin, sinalubong ko ang malamig niyang mata. Umawang ang labi ko sa titig niya at nang umabante siya, kumawala ako sa pagkahalukipkip at napaatras sa kama. Nakakunot na ang kanyang noo at hindi na siya nakangisi gaya kanina.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam. Para akong aatakihin sa ginawa niya. Para akong nauubusan ng hangin. Hindi niya naman kailangang lumapit!
Tumigil siya at tiningnan ako. "Tinulungan kita kagabi," kalmado niyang sambit.
Inangat ko ang isang kamay ko para patigilin siya sa paglapit. "Huwag kang lalapit!" Umiling ako. "Hindi ko na dapat ako tinulungan! Nag-trespass ako sa bahay ninyo, hindi ba? Dapat hinayaan mo na lang ako! May kaibigan akong tutulong sa akin!"
He frowned. "You think your friend will help you?" tanong niya at sarkastikong tumawa. "Your friend was busy flirting with a guy. Paano ka niya matutulungan kung busy siya? Hindi nga siguro alam ng kaibigan mo na uminom ka."
Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil tama siya sa parte na iyon. Hindi ako matutulungan ni Cheska dahil busy iyon sa lalaki niya.
Nawala lang ang kaba sa dibdib ko nang nag-ring ang phone ko. Agad kong hinanap ang phone ko at nang nakitang nasa kumot ito, agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
"Hello..." Nilagay ko sa tapat ng tainga ko ang phone at ang isang kamay ko ay nasa batok ko.
Si Ashton naman ay nanatiling nakatingin sa akin. Mukhang nakikinig pa yata. Inirapan ko siya at saka siya tinalikuran.
"Kat!" salubong ni Cheska na umiiyak sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko at sinilip ang screen at nakita ko na si Cheska pala ang tumatawag.
"Cheska, napatawag ka?" tanong ko at umayos ng upo sa kama. Kumunot ang noo ko nang narinig ko ulit ang kanyang pag-iyak. "Bakit ka umiiyak?"
Mas lalo lang siyang naiyak dahil sa tanong ko. Gusto ko tuloy ibaba ang phone ko dahil sa iritasyon.
"Nasaan ka, huh? Pinag-aalala mo ako kagabi! Alam mo ba?" nangingiyak niyang sambit.
"Hindi ko alam."
"I saw you with a guy last night!" hysterical niyang sambit. "Lasing na lasing na ako kaya hindi na kita magawang sundan! Please tell me na walang nangyaring masama sa iyo?"
Binalingan ko si Ashton na nahuli kong nakikinig. Tinaasan ko siya ng kilay habang nasa tapat ng tainga ang phone ko.
"What?" Humalukipkip siya.
"Kasalanan mo ito, eh!" paninisi ko sa kanya.
Nagkibit-balikat lamang siya at saka ako tinalikuran.
"Hala, sorry Kat! Kasalanan ko! Sana hindi na lang tayo nagpuntang bar—"
"Hala, no!" agad kong pagputol sa kanya at muntik ko nang masampal ang sarili ko. "Hindi ikaw ang sinabihan ko, Cheska."
"H-Huh? May kasama ka ba riyan?" tanong niya sa akin.
"H-Ha?" Tiningnan ko muli si Ashton na ngayon ay umiiling na sa akin. Binalik ko ang atensyon ko kay Cheska. "Uh...wala...I was talking to myself earlier," palusot ko at awkward pa na tumawa para hindi halata. "Hindi mo kasalanan, Cheska. Kasalanan ko. Iyon ang ibig kong sabihin."
Nakahinga ako ng maluwag nang huminahon na siya. Nang nag-change topic kami, sinabi ko sa kanya na hindi muna ako papasok sa trabaho ngayon. Iyon lang ang naging usapan namin bago binaba ang tawag.
Bumuntonghininga ako at pumikit. Kailangan ko nang umalis. Hindi na dapat kami magkita pa ni Ashton lalo na't pangit ang last kita namin at walang closure sa break up namin. Alam kong 2 years na iyon pero kailangan ko na talagang dumistansya.
Bumaba ako sa kama at saka hinanap ang suot ko na sandal kagabi. Inayos ko rin ang buhok ko at saka kinuha ang pouch bag ko.
Nang akmang lalabas na sana ako sa kuwarto, napaatras ako at nagulat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ashton na may dalang tray. Umawang ang labi ko at naibaba ang tingin sa dala niya. Kumalam tuloy ang sikmura ko dahil sa nakita.
Nang nakita niya ako, kumunot ang noo niya. "Where are you going?"
Inayos ko ang buhok ko at taas-noo siyang tiningnan. "Aalis na ako."
Lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang siko ko para pigilan sa pag-alis. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"What?" tanong ko. "Aalis na ako."
Bumuntonghininga siya at saka inilapag ang tray sa ibabaw ng maliit na abinet at marahan akong hinila patungo sa kanya. Nagulat ako.
"Nagluto ako ng sabaw para mahimasmasan ka," aniya habang nakatingin sa mata ko. Hindi ko maiwasan ang mailang.
"M-Mukha ba akong hindi nahimasmasan?" iritado kong tanong at inis na winakli ang siko ko para maalis niya sa hawak niya.
Ngumisi siya na parang nang-aasar pa. "Hindi pa."
Namilog ang mata ko sa kanyang sagot. Inaasar ba akong ng lalaking ito? Tiningnan ko siya ng masama at umatras. Hinayaan niya lang ako at nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
"Akala mo ba ay natutuwa ako sa pagkikita na ito?" tanong ko sa kanya. "Hindi ako natutuwa, Ashton Monteverde. Huwag na huwag mo akong maasar-asar kasi hindi ako katulad dati na madadala mo lang sa gano'ng bagay!"
Umawang ang labi niya.
"At sinusumpa ko ang pagkikita natin! Sana hindi na tayo magkita, Ashton! Don't you ever show your face to me again!"
Matapos kong sabihin iyon, lumabas na ako sa kuwarto at sa condo unit niya. Hilong-hilo pa rin ako pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay ang makakaalis na ako sa condo unit na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top