Chapter 62
Chapter 62
"I am so happy that you accept Kelly in your life, Katarina," masayang ani ni Tita Amore sabay tingin sa Mama ko na nakaupo habang kandong ang anak ko.
Tumango ako at pinagmasdan sila
"Mama, andami ko ng Lola!"
Natawa si Tita sabay lingon kay Jacky.
"Masaya ka ba, Jacky?"
"Opo!"
Napangiti ako at saglit natigilan nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Ashton.
Ashton:
Get dress. Magde-date tayo.
Mas lalo lumaki ang ngiti sa nabasa at saka tumayo na. Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin at kunot-noong tiningnan.
"Where are you going, Katarina?” tanong ni Tita Amore.
"May pupuntahan po kami ni Ashton," nakangiti kong sabi sabay lingon kay Jacky. "Sa lola ka muna Jacky ha!"
Tumango si Jacky at ibinalik ang atensyon sa laruang hawak niya.
"Mag-enjoy ka hija. Sigurado ako na miss na miss ka na ng anak ko kaya naman ay huwag mo nang patagalin at humayo na kayo. Sana pagbalik niyo may apo na ulit ako."
Bigla akong namula sa sinabi ni Tita Amore. Mabuti at nilubayan na nila ako kaya naman ay nagmamadali akong umakyat sa hagdan. Muntik pa akong madulas kung hindi lang ako nakahawak sa may hawakan ng hagdanan. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at dumiretso sa banyo para maligo. Ang sabi ni Ashton ay puntahan ko raw siya sa rooftop, hindi sa mansyon nila kundi sa isang building na pagmamay-ari nila. Bakit pa ba ako pinapahirapan ni Ashton? Saan ba kami pupunta at sa rooftop ba ang date namin?
Kinilig ako sa aking inisip. Ang nasa isip ko ay may kandila na roon tapos sweet music at saka masasarap na pagkain.
Suot ko ay isang off shoulder off-white dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at pinartner ko sa isang wedge na sandal. Nilugay ko rin ang buhok ko at naglagay ng konting make-up na sure ako na babagay sa pananamit ko.
Naglagay din ako ng pabango sa buong katawan ko para mas lalo akong babango. Ilang sandali ay narinig ko na lamang ang isang busina. Siguro ay ihahatid na ako ng driver patungo sa sinasabi niyang building. Bumuntonghininga ako bago lumabas ng kwarto.
***
"Alam mo ba kung saan kami pupunta ni Ashton?" tanong ko sa driver na ngayon ay pokus sa kaniyang pagmamaneho. Nilingon niya ako saglit bago ako sinagot.
"Hindi ko alam, Ma’am. Ang sabi lang niya sa akin ay ihahatid ka doon ng ligtas at wala nang iba."
Napanguso ako sa sagot niya at binuksan ang na lang ang phone. Alas kwatro na ng hapon at tingin ko ay baka gagabihin kami ni Ashton. Sana umaga na lang kami para naman ay hindi na kami gagabihin at baka hahanapin na naman ako ni Jacky sa pagtulog.
Nang makarating kami ay pinagbuksan ako ng pinto ng driver at tinuro ang hagdan na siyang aakyatin ko patungo sa rooftop.
"Akyatin mo lang, Maam. Naroon si Sir."
Tumango ako at nagsimula nang humakbang patungo sa may hagdanan. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil may paganito pa si Ashton pero at the same time ay excited ako. Habang paakyat ako nang paakyat ay bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko rin ang hangin sa balat ko lalo na't malapit nang mag alas saiz ng gabi.
Nang tuluyan na akong nakaabot ay akala ko ay 'yong mga inisip ko ang hinanda ni Ashton para sa date namin. Pero hindi ko inaasahan na ang makikita ko ay isang helicopter na kulay abo na may tatak ng apelyido niya. Umawang ang labi ko sa gulat.
“Ashton?”
“Katarina…”
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Ashton at napasinghap ako nang nakita kong siyang papatungo sa akin na may dalang tatlong rosas. Sobrang simple ng suot niya at hindi halata na bilyonaryo ang lalaking mahal ko. Napalunok ako nang nakalapit na siya sa akin.
“Ashton, ano ito?” Nailagay ko ang takas na buhok ko sa likod ng aking tainga. “Parang tanga to, eh!”
Kinagat ko ang labi ko, pinigilan ang kilig na naramdaman.
Ibinigay niya sa akin ang bulaklak. “Simbolo ang bulaklak na ito ang pagmamahal ko sa iyo.”
At nang tinanggap ko ang bulaklak ay hinawakan niya ang kamay ko.
Halos dumugo ang labi ko sa diin ng aking pagkagat. Tiningnan ko siya habang unti-unti niyang hinalikan ang likod ng kamay ko.
“I want you to feel special. After so many years, may oras na rin ako sa iyo. Buong-buo na ako na sa iyo, Katarina. “ Pumungay ang kanyang mga mata at binaba ang kamay ko. “I want you to know how much I love you. You are the most beautiful girl in my life at wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka habambuhay.”
Pinagsalikop niya ang kamay namin kaya napatingin ako roon.
“Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa iyo, Katarina. Sa iyo pa rin ako uuwi.”
Napalunok ako.
“M-Mahal na mahal din kita, Ashton. Walang ipinagbago sa nararamdaman ko. Move on na tayo sa past natin at magsimula muli. Iyon ang gusto ko, Ashton. To move forward hindi lang sa atin kundi para rin sa anak natin.”
Tumango siya at binalingan ang helicopter. “Let’s go.”
Hindi ko akalain na may paganito sa akin. Muntik ko nang makalimutan na bilyonaryo pala itong mahal ko. Muntik ko nang makalimutan na kaya niya pala bumili o gumastos dahil marami siyang salapi.
Medyo nanginig ang kamay ko pag-akyat kaya naman ay siya na mismo ang umangat sa akin para tuluyan na akong makapasok.
"Ash..." May takot na sa akin dahil ito ang unang beses na sasakay ako ng helicopter.
"Don't worry, nothing will happen," paniniguro niya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.
Nang umangat na ang helicopter ay nanlamig ang kamay ko at napahawak sa braso ni Ashton. Bumilis ang paghinga ko dahil sa kaba at takot na naramdaman. Napapikit din ako dahil sa sobrang takot.
"Calm down Katarina and open your eyes. You will miss the beautiful view."
Huminga ako nang malalim bago ko unti-unting binuksan ang mga mata ko at unang nakita ko ay ang malaking ngiti sa akin ni Ashton.
"I love you, kaya huwag ka nang matakot. Tingnan mo, ang gaganda ng mga puno kapag nasa taas tayo, ang gaganda ng mga dagat at mga umiilaw na building at kabahayan. You will see the beauty of the Southern Cebu, Katarina.”
Unti-unti kong nilingon ang right side ko at umawang ang labi ko nang makita ko ang Isla na humiwalay sa Badian ngunit parte pa rin naman ng Badian. Napakaganda, lalong-lalo na ang karagatan.
"Ang ganda..." naibulalas ko na lang.
"Yes, ang ganda..."
Nang binalingan ko siya ay wala sa tiningnan ko ang tingin niya kundi nasa akin. Bigla naman akong namula at napatikhim.
"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko, binalewala ang tensyon na naramdaman ko.
"We will go to Oslob."
Umawang ang labi ko. "Talaga? Pangarap kong makapunta doon."
Nawala ang kaba sa aking puso at napalitan ng excitement. Sobrang ganda pa naman ng mga tourist spot ng Oslob lalo na ang dagat nila na sobrang linaw at mas lalong masaya dahil kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko.
"Sana pala sinabi mo. Hindi na sana ako nag-dress," nakasimangot ko na sabi. Hindi kasi bumagay ang suot ko sa pupuntahan namin. Baka pagtatawanan lang ako roon.
"I already bought you a bikini."
Uminit muli ang pisngi ko dahil sa narinig. "B-baka maluwag sa akin.
Natawa siya nang mahina at kinurot ang pisngi ko. "Bakit naman maluwag? Kabisadong-kabisado ko na ang katawan mo, Katarina."
Napangiwi ako at tinampal ang braso niya. “Bastos!"
Nag-init ang buong pisngi ko sa sinabi niya. Anong kabisado? Kapag ba nag-sex kami ay sinusukat niya katawan ko? Ano? May tape measure siya?
"What? I am not bastos? We did it many times, nahawakan ko na ang lahat sa 'yo. Parang recitation lang 'yan, I mean kapag nagmememorize, kapag inuulit, kabisado mo na talaga," makahulugan niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita dahil nahihiya na ako. Hindi na ako magtataka kung mabubuntis na naman ako. Sa sobrang rupok ko ay halos inaraw-araw na niya akong pagurin. Hindi pa napapagod kung hindi ko sasabihing pagod na ako. Kahit saan-saan na lang niya ako kinukuha. Minsan sa kotse, minsan sa bathroom at may isa pa sa walk-in-closet dahil baka marinig kami ni Jacky.
Gabi na ng nakarating kami sa Oslob. Sa isang Isla nag-land ang helicopter kung saan mapuputing mga buhangin na kahit gabi na ay kitang-kita pa rin ang ganda ng buong Isla. Ang tawag sa Isla na ito ay Sumilon Island ng Oslob.
"Ang ganda dito," mangha kong sabi at naunang tumakbo sa may buhangin
Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig at preskong hangin. "Ang ganda, Ashton..."
Naidilat ko ang aking mata nang narinig ko ang tunog ng helicopter. Namilog ang mata ko nang nakita na papaalis na ito. Nilingon ko si Ashton na nakatayo lamang habang nakatingin sa akin.
"Hala, 'yong helicopter!" ani ko sabay turo sa helicopter pero parang walang paki si Ashton kaya mas lalo akong nataranta.
Hinubad ko ang sandal ko dahil lumubog na ito sa buhangin. Masyado lang yata akong OA. Babalikan naman siguro kami rito. Paglingon ko ulit ay nakita ko Si Ashton na papatungo sa akin.
“Babalik lang ba iyon, Ashto—OMG!”
Napatili ako at napatakip sa aking bibig nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. May hawak na siyang maliit na box at binuksan niya ito sa harap ko.
“A-Ashton…”
Halos lumuwa na ang mata ko sa laki. Masyado akong nagulat at naghuhuramentado na ang puso ko.
“Alam ko na kasal na tayo pero gusto kitang pakasalan ulit. Walang pagpapanggap at tapat sa Diyos at sa mga tao, Katarina,” seryoso niyang sabi. “Naging gago ako at mas inuna ko ang work ko sa past. Nabalewala kita nang hindi sinasadya. Ngayong malaya na ako at natuto sa mga kamalian ko, gusto kong magpakasal tayo muli para makapagsimula muli. I want to give my full attention to you and to our future babies. I want to be your husband for real, Katarina. I want to care, to love, and to be with you until our last day in this world.”
Tumulo ang luha sa aking mata.
“Will you marry me, again?” tanong niya.
Kita ko sa mata niya ang kaba pero nagawa niya pa rin iyon tanungin.
“Ash—”
“Hindi ako tumatanggap ng No ngayong malapit na ang pasko, Katarina.”
Natawa ako sa kanyang sinabi at pinalis ko ang luha sa aking mata.
“Oo naman,” sagot ko habang pinapalis ang luha ko. “Pakakasalan kita, Ashton. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko sa iyo. Ang sitwasyon lang ang nagpalayo sa atin. Pero tadhana siguro tayong dalawa dahil ibinalik tayo na mahal pa rin ang isa’t isa. Kaya Oo, I will marry you again, Ashton.”
Lumaki ang ngisi niya at tumayo para isuot sa aking daliri ang bagong singsing. Pagkatapos niyang isuot sa akin ay niyakap niya ako nang mahigpit. Kasabay ng kanyang pagyakap ay ang pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan.
Umawang ang labi ko sa gulat at namangha sa effort ni Ashton.
“I love you, Katarina.” Hinawakan niya ang mukha ko at pinagtagpo ang mga noo namin. “Thank you.”
Napapikit ako at. “I love you too, Ashton.”
At nagpaubaya ako sa kanya nang hinalikan niya ako nang marahan sa gitna ng fireworks.
Tonight, proud na proud akong sabihin na I am marrying Mr. billionaire…
Again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top