Chapter 60
Chapter 60
"Kumusta na ang buhay mo, Katarina. Hindi ako makapaniwala na nasa Tacloban ka lang naman pala. Alam yata ni Ashton na nandoon ka sa Leyte. Nagwawala pa naman iyon no’ng nalaman niyang umalis ka,” kuwento ni Tita Amore habang nasa kandungan si Jacky na mukhang tuwang-tuwa pa na pinalibytan siya ng mga mararangyang tao.
Narito kami sa hapagkainan. Maraming mga handa at may lechon pa. Siguro para sa kanila ay simpleng handaan lang ito pero para sa akin at Sa anak ko ay iba na ang meaning ng ganitong klaseng handaan. Parang pyesta na o hindi kaya may birthday.
"Wow, sino po ang may birthday?" manghang tanong ni Jacky at kinuha pa ang apple na nasa bibig ng lechon.
"Walang birthday. Handa lang ito sa pagdating niyo, Jacky." Si Ashvon ang sumagot habang may tinidor na hawak. "Anak talaga ni Ashton, pareho mukha eh.”
Kinindatan ako ni Ashvon. Hindi ko na lang siya pinansin at sinagot na lamang ang tanong ni Tita Amore. "Okay lang naman po ang buhay ko roon. Mahirap lang sa una pero nakapag-adjust din. Teacher po ako roon."
Nagsitinginan sila sa akin pati si Sabrina na tahimik lang na kumakain sa tabi ni Ashred na nakatingin sa anak ko na enjoy na enjoy sa kinakain.
Medyo curious ako kung paano naging sila dahil hindi ko naman masyadong nakasalamuha si Ashred at siya ang pinakamailap sa lahat. At mas matanda pa ito ng ilang taon sa amin kaya medyo nagtataka ako.
Baka tuluyan nang nagbago si Sabrina. Pero sa ngiti niya pa lang kanina ay parang hindi eh.
"Talaga? Mabuti at may disenteng trabaho ka pala roon at naalagaan mo rin nang husto ang anak mo. No wonder lumaking mabait ang anak mo."
Sus, Tita Amore. Kung alam mo lang kung gaano karami na ang nasapak ng batang iyan ay baka mailunok mo ang sinasabi mo.
"Oo nga po at saka makulit din." Nasabi ko na lamang.
Matapos maghapunan, kinausap ni Ashton ang kaniyang mga kapatid. Si Jacky naman ay sayang-saya na makasama ang kaniyang lolo at lola. Aliw naman ang dalawa kaya wala akong problema. Akmang pupunta na sana ako sa may hagdanan nang makita ko si Sabrina na papatungo sa akin. Kaya naman ay natigilan ako at nilingon siya.
"It's been a while, Katarina." aniya sabay ngiti sa akin.
Hindi ako ngumiti at tiningnan lang siya. Nang hindi ako nagsalita ay natawa siya nang mahina at hinaplos ang tiyan niyang ngayon ko lang napansin. Umawang ang labi ko nang maibaba ko ang tingin ko roon. Buntis siya?
"Oo, tama ang iyong nasa isip. Buntis ako at si Ashred ang ama. Sobrang miserable ng buhay ko noon..." Humakbang siya papalapit at hinayaan ko lang siya. Wala siyang masamang aura ngayon kaya nakahinga ako nang maluwag. "...at marami akong pinagsisihan at natutunan sa nagdaang taon."
Napalunok ako hindi dahil sa kaba o ano-ano pa. Dahil ramdam na ramdam ko ang sinsero sa kaniyang mga sinabi.
Nginitian niya ako bago nagpatuloy. "My life was miserable dahil ayaw sa akin ng ina ng kumupkop sa akin. Palagi niyang sinasabi na ampon ako at dapat lumugar ako...she also told me to stay away from her kahit gustong gusto ko siyang maka-close. Lahat ng pamilya niya maliban na lang kay Mommy na siyang tanging tao ang nagmamahal sa akin..." Namula na ang kaniyang mata at parang naiiyak na siya. "Kaya gano'n nagkaroon ako ng anxiety at attempt na magsuicide ilang beses na...at g-gusto ko ng…" Hindi niya naituloy ang kanyang sinabi niya dahil naunahan siya ng luha niya.
Bumuntonghininga ako. "Sabrina...if you are here para guluhin-"
"Hindi!" Pagpigil niya sa akin sabay iling. "Hindi ako narito sa harapan mo para guluhin ka ulit. Nandito ako para mag-sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Ashton. I...I'm so sorry for everything...from stealing your friends to everything..."
Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
"I...was brought to mental hospital the day after you signed the fake annulment paper..." pag-amin niya na siyang ikinagulat ko. Nakayuko siya habang hinahaplos ang tiyan niya.
"At...doon...nagbago ang buhay ko. Pati pananaw ko sa buhay ay nagbago. Nanatili ako halos ilang taon doon until I met Ashred Monteverde." Nag-angat siya ng tingin at saka ngumiti sa akin. "He helped me. Tinulungan niya ako sa lahat. He was my comfort. Siya ang naging sandalan ko, telling me na hindi ako baliw at hindi ako masamang tao..."
Pinalis niya ang luha sa kanyang mata gamit ang kanyang kamay.
"Kaya sobrang pagsisisi ko at marami din akong natutunan. Marami akong natutunan sa buhay ko na may pag-asa pa pala akong magbago at may chance pa akong sumaya."
Akmang magsasalita na sana ako ngunit tinawag na siya ng isang ginang na tingin ko ay isa sa mga katulong.
"Miss Sabrina, tinatawag ka na ni Sir Ashred."
Ngumiti siya sa akin bago tumalikod. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan siyang naglakad palayo sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Gumaan ang pakiramdam ko. Tipid akong napangiti at napailing.
"Katarina..."
Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Ashton. Nakita ko siyang buhat na buhat ang natutulog na si Jacky. Umawang ang labi ko at akmang kukunin mula sa kaniya pero inilayo niya sa akin at naunang umakyat sa hagdan.
"Ako na, kailangan mo na ring magpahinga dahil sigurado akong may jetlag ka."
Umiling agad ako at sinundan siya.
"Hindi na, Ashton. Mabigat pa naman si Jacky."
Tumigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko at nilingon ako.
"You're so stubborn," aniya at niliitan ako ng mata. "Magpapahinga ka o papagurin kita."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya at tumikhim. "Magpapahinga ako."
Tumawa siya at dumiretso sa kuwarto niya na sobrang lawak. Baka paggising ng anak ko ay kung ano-ano na namang mga bagay ang hahawakan no'n.
Nang inilapag na ni Ashton si Jacky sa malambot niyang kama ay humiga na rin ako sa tabi ng anak ko at niyakap. Dinama ko ang mahimbing at mahinang paghinga ng anak ko. Minsan talaga ay nanggigigil ako sa anak ko dahil mataba ang pisngi. Kaya kapag magkatabi kami, pisngi niya agad ang una kong kagat-kagatin.
Pumikit ako at inayos ang paghiga. Naramdaman ko na lamang ang paglubog ng kama kaya medyo gumalaw si Jacky pero hindi naman nagising. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang naramdaman ko ang kamay ni Ashton na nakayakap na sa akin. Nasa likuran ko siya habang patagilid naman akong nakaharap sa anak kong payapang natutulog.
Napasinghap ako dahil sa kiliti nang naramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg. Na kahit malamig ang buong kwarto ay ramdam na ramdam ko pa rin ang init.
"I am so happy, Katarina,” bulong niya habang ang kaniyang labi ay nasa balikat ko. "I am so happy na naibalik ka sa akin. I am so happy na nayayakap kita ulit, nahahalikan at nahahawakan. Sobrang saya ko, Katarina. Tapos mas lalo pa akong sumaya nang may anak na pala tayo. Pinapangako ko sa inyo na poprotektahan ko kayo at aalagaan. Pinapangako ko na sayong-sayo na ako. Wala nang ibang tao o bagay ang makakahiram ng oras ko kundi sa 'yo lang at sa anak natin.”
Napangiti ako at hinarap siya. Kita ko ang namumungay niyang mata. Kita ko ang kaniyang mata na kumikinang. Sobrang ganda talaga ng mga mata niya.
"Mahal na mahal kita, at pinapangako ko rin na ikaw lang ang mamahalin kong lalaki habang buhay," bulong ko.
Hahalikan na sana niya ako nang marinig ko ang boses ni Jacky kaya naitulak ko si Ashton sa sobrang taranta.
"Ouch!"
Nahulog si Ashton sa kama.
"Ang ingay niyo, Mama," inaantok na sambit ng anak ko at humihikab pa. "Yakap, Mama!"
Wala akong magawa kundi yakapin ang anak ko at mahinang natawa nang marinig ko ang mahinang mura ni Ashton. Napailing na lamang ako at napapikit.
"Good night, Ashton."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top