Chapter 6
Chapter 6
"Oh, saan ka pupunta?"
Tumigil ako sa paglalakad pababa ng hagdan nang biglang nagtanong sa akin ang aking kapatid. Nang nakababa ako, tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa at saka niya ako inangatan ng kilay. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang reaksyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating sa full size mirror dito sa sala. Binuksan ko ang pouch na naglalaman ng mga lipstick at iba pang gamit sa make up.
Nang kinuha ko ang red lipstick, sinulyapan ko si Ate at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Bar," sagot ko at humarap sa salamin para lagyan ng lipstick ang labi ko.
"Bar?" Natawa siya. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa bar, Katarina. Akala ko tambay ka kasi si Boboy palagi mong kasama noon."
Sinamaan ko siya ng tingin sa salamin at saka ngumuso.
"Si Cheska ang kasama ko," ani ko. "At huwag mong babanggitin ang pangalan ni Boboy. Naiirita ako."
Natawa siya sa sinabi ko at nakita ko na sinandal niya ang sarili sa sofa sabay nguso.
"Ingat ka, ah, baka mabuntis ka sa daan," paalala niya.
Namilog ang mata ko at binalingan siya.
"Seryoso ka ba?" Natawa ako. "Paano ako mabubuntis sa daan? Wala naman sigurong tite na sasagasa sa akin."
"Bastos talaga ng bibig mo!" saway niya.
Natawa lalo ako at ibinalik ang tingin sa salamin. Nang natapos kong lagyan ang labi ko ng lipstick ay ibinalik ko na ito sa pouch.
"At saka, Ate, walang mabubuntis kasi hindi lalangoy sa daan ang sperm," ani ko at nilingon siya.
Kumunot ang noo niya. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko kaya tinaas ko ang kamay ko nang akmang babatuin niya ako ng unan.
"Sige, ibato mo!" banta ko at nginisian siya. "Tatawagan ko talaga si Kuya Jude!"
Sumimangot siya sa sinabi ko. Ayaw niya kasing papuntahin si Kuya Jude dahil nga cool-off daw sila ngayon. Ano kaya ang nakain nitong si Ate at kinawawa si Kuya? Minsan, sa akin tumatawag si Kuya Jude para lang kumustahin ang Ate ko.
"Subukan mo! Talaga namang—"
Hindi ko siya pinatapos. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi kaya hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Napangisi ako lalo at umatras.
"Eww!" nandidiring react niya sa halik ko at mas lalong nanliliksik ang mata sa inis.
Tumakbo ako patungo sa pinto at hinawakan ang door knob.
"Huwag kang mag-alala, Ate. Kapag nabuntis ako, ikaw ang unang makaaalam!" biro ko at tumawa ulit.
Bago pa man niya ako mabato ng unan, lumabas na ako ng bahay at sinara ang pinto. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at tawa lang ang naging sagot ko.
Hanggang sa paglabas ko sa village, tawa pa rin ako nang tawa. Nagmumukha na akong tanga rito at kung may nakakita man sa akin, baka mapagkamalan akong baliw. Si Ate kasi kung anu-ano na lang sinasabi. Saan naman niya yata nakuha ang ideyang iyon? Wala nga akong boyfriend, eh!
Bumuntonghininga ako at niyakap ang sarili dahil sa lamig.
By the way, suot ko ngayon ay isang plain dirty white skorts at dirty white bandeau top. Hindi ito akin kasi hindi ako mahilig sa ganitong suot. Kay Ate ito at kinuha ko lang sa storage. Pinaresan ko ito ng black wedge pump. Ang straight ko na buhok na hanggang bewang ay nakalugay. Bukod sa lipstick, naglagay din ako ng eyeliner sa cat eyes ko. Mas lalo tuloy akong nagmumukhang mataray.
***
"Wow, bitch!" salubong ni Cheska sa akin nang nakarating kami.
"Ano'ng bitch ang sinasabi mo? Buang man guro ka!"
Tumawa siya sabay tampal sa puwet ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin at saka tiningnan ang kanyang damit. Naka backless black dress siya na may kasamang pagkinang. Her hair was tied up and her face was covered with light make up.
"Bakit ka tumatawa?" Ngumuso ako.
"Gagi, bakit ka nag-bus?" natatawang tanong niya at hinawakan na ang kamay ko.
Umirap ako. "Bakit naman hindi? Siyempre, magba-bus ako kasi wala naman akong kotse."
"Sana nag-taxi ka na lang."
Hindi na ako nagsalita at nagpahila na lamang sa kanya sa loob ng bar. Nang nakapasok, halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sound at napatakip pa ako sa ilong dahil naamoy ko ang usok ng vape at sigarilyo.
Ano ba ang aasahan ko sa bar? Siyempre may mag-iinuman. May magchuchukchakan, at may magsasayawan.
Hinayaan ko si Cheska na mauna dahil mas expert siya sa ganitong lugar. First time kong sumama sa kanya kaya wala akong alam sa pasikot-sikot. Sa sobrang bilis ng pagkahila niya sa akin, muntik pa nga akong makabangga.
"Hinay-hinay te!" sigaw ko kasi hindi niya ako naririnig.
"Sorry!" sigaw niya pabalik at saka lumiko kami hanggang sa nakarating kami sa isang u-shaped sofa.
Kumunot ang noo ko nang nakita na may dalawang lalaki na nakaupo roon. Binalingan ko si Cheska at nilakihan siya ng mata.
"Akala ko ba ay dalawa lang tayo?" nagtataka ko na tanong sabay tingin muli sa dalawang lalaki na ngayon ay malagkit nang nakatingin sa amin.
Hindi niya ako sinagot at tumawa lang. Lumapit siya sa dalawa at nakipag-beso-beso. Sa itsura pa lang, mukha silang lasing na dahil namumula na ang mga mukha at saka mukhang kanina pa sila rito dahil may mga bote sa lamesa.
Napangiwi ako.
"Hi, Romy and Chester!" bati ni Cheska sa dalawa at saka ako binalingan. "Halika, Katarina. Mga kaibigan ko sila."
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang tatalikod na sana nang nilapitan ako ni Cheska at agad hinila patungo sa u-shaped sofa. Inis ko siyang tiningnan.
"I'm glad you came, Cheska," ani ng lalaki sa malalim na boses. "And you brought a friend." Sumulyap siya sa akin at kinindatan ako.
Gusto kong masuka. Sa itsura pa lang, mukhang mamanyakin ka na. Hindi naman sa pagiging judgmental pero iyon ang first impression ko kasi iyon ang pinapakita niya sa akin.
"AHAHA!" pekeng tawa ni Cheska at nilagay pa niya ang kanyang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga. "Yes, Romy. Si Katarina, kaibigan ko."
"Nice to meet you, Katarina..." Naglahad ng kamay ang tinatawag ni Cheska na Romy.
Wala sa sariling tinanggap ko ang kanyang kamay at saka nauna nang naupo sa sofa. Akala ko pa naman ay kami lang dalawa ni Cheska. Hindi ko kailangan ng lalaki sa totoo lang at hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng babaeng ito.
"At ito naman si Chester, Katarina," pakilala ni Cheska sa nakaupo na lalaki.
"Ah, hello," naiilang ko na sambit at nag-iwas ng tingin.
Umupo na si Cheska at dahil tumabi siya kay Romy, naging magkatabi tuloy kami ni Chester na ngayon ay nakatingin na sa akin. Tumikhim ako at bahagyang umusog palayo sa kanya.
"First time?" tanong niya habang nakangiti.
Nag-iwas ako ng tingin at saka kinuha ang baso na may alak. "Hindi," pagsisinungaling ko at ininom ang alak.
Napapikit ako nang gumuhit ang pait sa aking lalamunan. Hindi ko nga rin alam kung ano'ng klaseng alak itong ininom ko. Sa ngayon, balak kong umalis sa puwesto nang hindi nao-offend ang lalaking ito.
"Oh..." He pursed his lips. "Akala ko ay first time."
Napatalon ako sa gulat nang bigla niyang idinantay ang palad niya sa hita ko at bahagyang hinimas. Namutla ako sa kanyang ginawa at agad tumayo. Napaangat siya ng tingin dahil sa ginawa ko.
"Hey," natawa siya. "Sorry..."
"Huwag mo akong hawakan, ah. Baka hindi ka na magkakaroon ng anak," pagbabanta ko.
Dinilaan niya ang kanyang labi. "Come on, I'm sorry. Ang sexy mo kasi at ang ganda. Hindi ko maiwasan lalo na't sobrang ganda mo pa."
Tangina.
Sinamaan ko siya ng tingin at binalingan si Cheska na ngayon ay nakikipaglandian na kay Romy.
Inis akong tumalikod at naglakad na lamang patungo sa powder room.
Sana pala sa bahay na lang ako nag-inom. Hindi sana mangyayari sa akin ito. Hayst!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top