Chapter 59

Chapter 59

"Mama, grabe ang laki ng eroplano!" malakas at nakakabinging kwento sa akin ni Jacky habang tinuturo ang private plane na nasa harapan namin ngayon.

Hindi ako makapaniwala na may ganito pala si Ashton. May nakaukit pa na Monteverde sa eroplano na nagpapahiwatig na sa kaniya talaga ito. Ang kaniyang mga tauhan na puros naka suit at nakashades ay nakahilera sa gilid ng daan patungo sa eroplano. Kulang na lang ay red carpet.

Ngayon pa lang ako makakasakay ng private plane at tingin ko ay mas magandang sakyan ito kaysa sa maraming tao. Hindi ko pa rin maiwasan ang malula at mamangha lalo na sa magandang disenyo na hindi pangkaraniwan sa Pilipinas. Kulay Ash Gray ang eroplano at tingin ko inspired ito sa pamilya nilang puro Ash.

Napatingin ako kay Ashton nang naramdaman ko ang mainit na kamay niya sa kamay ko at pinagsalikop. Nakangiti siya sa akin sabay nguso sa private plane. Nauna na si Jacky dahil sa sobrang excited. Tumango  ako at huminga nang malalim.

"Don't worry, they are all waiting for you," aniya at hinalikan ako sa pisngi.

 Sinabi ko kasi sa kaniya na kinabahan ako lalo na sa pamilya niya. Baka galit pa sila sa akin lalong lalo na si Tita Amore.

Tumango ako at bumuga ng hangin.

Nang nakapasok kami sa loob ng private plane ay natigilan ako dahil sa mangha. Hindi ko akalain na parang nasa loob ka lang ng bahay mo sa pagpasok mo. May konting sala tapos may higaan din. Habang nasa byahe ay puwede kang matulog. Meron ding flatscreen TV.

"Mama, ang ganda! Pero takot akong lumipad baka bumagsak!"

"Wala ka namang pakpak anak kaya hindi ka makakalipad," biro ko sabay lapit sa kaniya na manghang-mangha din.

"Oo nga ma, pero hindi ba ito babagsak?"

Hinaplos ko ang buhok niya. "Magdasal na lang tayo na safe tayong makarating, okay?"

Tumango ang anak ko at saka umupo na sa kanyang upuan. Napatingin ako kay Ashton na ngayon ay kasalukuyang kausap ang piloto. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan ang sariling kamay na nanlalamig. Hindi ako sanay na sumakay sa eroplano.

"Babalik na talaga kami sa Cebu..." naibulong ko na lang. "Kung saan nagsimula ang lahat."

***

"Ma, anlaki ng mall! Pasok tayo, Mama!" ani ni Jacky nang makarating na kami sa Cebu. Nakatayo lang kami sa may tapat ng Elizabeth Mall habang hinihintay si Ashton. May bodyguards din na nasa likod lang namin at kuryosong nakatingin sa anak ko.

"Uncle, pahiram po ng shades!"

Umawang ang labi ko at agad binalingan si Jacky na ngayon ay nakaturo na sa pormal na guards na nakatayo lamang sa likuran namin. Hindi sila gumalaw at parang wala lang sa kaniya ang sinasabi ni Jacky. Ako na lamang ang nahiya sa anak ko kaya hinila ko si Jacky sa akin.

"Anak..." Umiling agad ako nang nilingon niya ako.

"Mama, hindi po bagay sa kaniya ang shades, Mama. Mas bagay iyon sa akin!"

Napapikit na lamang ako at ako na lamang ang nahiya sa anak ko. Mabuti na lamang at dumating na ang napakagarang sasakyan at unang lumabas ay si Ashton na may dalang payong. Lumapit siya at pinayongan kami.

"Let's go."

Tumango  ako at hinila na si Jacky patungo sa sasakyan. Sa pagpasok ko pa lang sa loob ay ramdam na ramdam ko ang panlalamig ko. Hindi dahil sa lamig ng loob ng kotse pero dahil sa hinihintay kami ng pamilya niya.

"Papa, gusto ko makita ang labas! Gusto ko makakita ng matataas na building!" nakangusong ani ni Jacky kay Ashton na ngayon ay nakangiting nakamasid sa anak ko.

"May matatayog din ako na building. Gusto mong puntahan natin, soon?"

Pumalakpak ang anak ko sa saya dahil sa narinig. Wala sa sariling napangiti ako at napasandal na lang sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa harap nila. Ginapangan na ako ng hiya at takot lalo na sa ginawa kong pag-alis nang walang paalam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Tita Amore at...nandoon pa kaya ang batang iyon? Si Lucy?

Tiningnan ko si Ashton na ngayon ay nakatingin na sa akin. Medyo nagulat ako kaya hindi ko mapigilan ang sarili na mamula.

"What?" tanong niya, si Jacky ay nasa kandungan na niya, naglalaro sa kanyang phone.

"Uhm..." Huminga ako nang malalim. "Nandoon pa ba si L-lucy?"

Kumunot ang noo niya at umayos ng upo. "It's been 6 years, Katarina. Marami nang nagbago. Hindi naman habang buhay magiging katulong ang batang iyon. She left 4 years ago."

Hindi ko maiwasan ang malungkot. Sana ay successful na siya sa buhay niya at tingin ko baka flight attendant na iyon. Napangiti na lamang ako. Si Cheska, siguro tampong-tampo na iyon sa akin at baka hindi na ako papansinin dahil wala na akong kontak sa kaniya. Kumusta na rin kaya ang babaeng iyon.

Tatlong oras ang byahe bago kami nakarating sa Southern Cebu. Sumuka ang anak ko dahil hindi siya sanay sa byahe. Mabuti na lang at may dala akong medicina at pampawala ng hilo.

Umusbong ang kaba ko nang makita ko ang napakalaking gate ng mga Monteverde. Binuksan ng isa sa mga helper ang gate para makapasok ang sasakyan na sinakyan namin. Namangha ako sa paligid lalo na't alagang-alaga pa rin ang mga halaman at mga bulaklak na nasa entrance ng mansyon.

May fountain pa at na renovate na rin. Sobrang daming nagbago at siguro magbabago na rin ang trato nila sa akin dahil sa aking ginawa.

"Mama, anlaki ng bahay!" manghang sabi ni Jacky sabay turo sa mansyon ng mga Monteverde.

Siguro ay renovated na rin dahil sobrang laki ng mga ipinagbago. Sa pintura pa lang ay nagmumukha ng white house dahil halos lahat ng nakita ko ay puti. Malalaki rin ang mga bintana kaya naman ay nagmumukha siyang palasyo sa aking paningin. Bahay na bahay talaga ng mga bilyonaryo.

"Mama! Ang ganda dito. Dito tayo titira?"

Si Ashton ang sumagot. "No, may sariling bahay tayo, Jacky."

"Wow! Talaga? Sana pala sinama natin si Patricia nang ipakita ko sa kaniya ang bahay tapos sa gulong siya sasakay."

"Jacky..." saway ko. "Wala naman si Patricia dito kaya huwag mo na siyang banggitin."

Nang makababa kami ay binuhat ko ang anak ko na bigla na lamang tumahimik lalo na nang tumambad sa amin ang mga katulong na mukhang kinukuha ang lahat ng mga gamit namin sa isang sasakyan. Hinawakan ni Ashton ang kamay ko.

"Don't worry, hindi ka nila hate. Hindi sila galit sa iyo kasi mas galit sila sa akin noon. Galit si Mama dahil hinayaan kitang umalis. Hinayaan kitang lumayo sa akin. Hindi siya galit sa 'yo, Katarina."

"T-talaga?" Nagkaroon ako ng pag-asa.

Tumango siya at hinalikan ang noo ko pero natawa ako nang biglang itinulak ni Jacky ang mukha ni Ashton palayo sa akin.

"Huwag  po ninyong halikan si Mama!"

Ngumuso si Ashton at nagpipigil ng ngiting tiningnan ang anak ko. "And why?"

"Ayaw ko!"

Niyakap ako nang mahigpit ni Jacky at binelatan pa si Ashton.

"Alright, kapag matutulog lang si Jacky," nakangising ani ni Ashton.

"Ash!" saway ko.

"Edi hindi ako matutulog!"

"Tsk! Let's go inside, Manang Lourdes. Pakisabi sa kanila na ideretso sa kwarto ko ang mga gamit nila,” utos niya sa isang kasambahay.

Umusbong muli ang kaba sa aking dibdib nang papalapit na kami sa may pintuan. Carpeted floor ang sahig kaya hindi ka madudulas.

Unang sumalubong sa amin ay si Ashley na sobrang laki ng ngisi sa Kuya niya at nang nakita ako ay namilog ang mata niya.

"OMG, Ate Katarina!"

Lumapit siya sa amin at natigilan nang makita kung sino ang kinarga ko.

"Sino—anak niyo?!” gulat na tanong niya at akmang hahawakan si Jacky nang biglang tinampal ni Jacky ang kamay ni Ashley.

"Jacky! Bakit mo iyon ginawa?"

Natawa si Ashley at pinisil ang mukha ni Jacky na ikinasimangot niya. "Okay lang naman, Ate. Kuya Ashton, pasok na kayo. Mommy is waiting with fam!

Nagsimulang umiyak si Jacky na siyang ikinataranta ko.

"Anak..."

Lumuluha niyang itinuro si Ashley. "Mama, kamukha siya ni Patricia!" At umiyak ito nang umiyak.

 Binitiwan ni Ashton ang kamay ko at kinuha si Jacky mula sa akin.

"Tahan na, anak…"

Humawak na lang ako sa braso ni Ashton nang makapasok kami. Sobrang dami talagang nabago sa bahay. Carpeted na ang floor, tiles lang ito noon tapos mala palasyo na ang hagdanan. Dalawa sa magkabila patungong second floor at napuno na ng halaman ang living area ngunit sobrang lawak pa rin.

Humigpit ang yakap ko sa braso ni Ashton nang makita ko ang buong pamilya ni Ashton. Si Tita Amore, Tito Ash, Ashvon at nakita ko rin si Sabrina at si Ashred. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapalunok.

Mabuti at tumahan na ang anak ko dahil baka mairita sila. Iniwas ko ang tingin ko kay Sabrina na ngayon ay nakangisi na sa akin. What is her problem? Unang tumayo si Tita Amore at sinalubong kami ng yakap.

"Ito na ba ang apo ko?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Tita habang nakatingin kay Jacky.

Saglit na nawala ang kaba sa aking dibdib dahil sa kaniyang iginawad na ngiti pero agad ding bumalik nang tumayo si Tito Ash at lumapit sa amin.

"I am so happy that you are back, Katarina," emosyonal na ani ni Tita sa akin. Nakita ko rin na nanubig ang mata niya kaya napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi.

"Hindi ka ba galit sa akin, Tita Amore?"

Umiling siya at nginitian ako. "Of course not. Malungkot lang ako hija at hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang sarili mo na mag-explain sa amin. Hindi naman kami gano'ng tao na itataboy ang mahal ng mga anak namin. Pamilya ka namin kaya kahit ano man ang rason ng pag-alis mo, maintindihan ko iyon."

Hindi na ako sumagot dahil ibinaling niya ulit ang tingin kay Jacky na ngayon ay nakayakap na nang mahigpit kay Ashton. Kausap kasi ni Ashton ang ama niya kaya naman ay parang natakot ang anak ko.

"Siya na ba si Jacky?"

Ngumiti ako. "Opo, siya si Ashianna Jacquerine. Limang taong gulang..." Lumapit ako kay Jacky. "Jacky, magmano ka sa Lola mo at Lolo mo."

Nakita ko pa rin ang pagkailang at takot sa anak ko pero nagawa niya pa ring lumapit kay Tita Amore nang ibinaba siya ni Ashton at nagmano.

"Kapag po ba magmamano ako kay Lolo, may 5 pesos po ako?" inosenteng tanong ni Jacky kay Tito Ash.

Natawa ang lahat sa tanong ni Jacky. Itong anak ko talaga! Buraot!

"Nakakatuwa naman ang batang ito. Oo naman, gusto mo?"

"Opo!"

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang anak ko na nakipaghalubilo sa Lola at Lolo niya. Naramdaman ko na lamang si Ashton sa tabi ko at nanindig ang balahibo ko sa kaniyang binulong. Parang hinaplos ang puso ko sa narinig.

"See? Wala silang galit sa iyo. They accept you again. Hindi gano'n ang pamilya ko, Katarina. Kaya kahit nilayuan mo ako mo ako, hindi ako galit sa iyo. Gano'n kita ka mahal.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top