Chapter 58
Chapter 58
"Teacher!"
Natigilan ako sa pagligpit ng mga gamit dito sa table ko nang tinawag ako sa nahuling istudyante ko na si Kiro. Bitbit niya ang bag niya at may papel sa kamay niya. Ngayon ang huling araw ng pagtuturo ko dahil nagpasa na ako ng resignation letter. 3 weeks din nag-stay si Ashton dito at siya ang kasalukuyang kasama ng anak ko.
"Oh, Kiro, bakit hindi ka pa umuuwi?” nagtataka kong tanong.
Malungkot ang kanyang mukha na lumapit siya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang papel na hawak niya na siyang nagpalito sa akin.
"B-Bigay mo po kay J-Jacky!" aniya at tumakbo palabas.
Naiwan sa ere ang kamay ko na may papel na. Napangiti na lamang ako at inilagay sa may notebook ang papel. Nilagay ko sa bag at nagpatuloy sa pag-ayos ng mga gamit.
Final na itong plano ko. Wala nang atrasan. Hindi lang naman ito para sa akin, para din naman ito kay Jacky na nangungulila sa kaniyang ama. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. At kung rurupok na ako nang tuluyan sa kaniya, sana happy ending na, sana wala nang sagabal.
***
"Tita Marie, salamat talaga sa pagpapatuloy mo sa amin ni Jacky sa tahanan mo. Napakalaking utang na loob po ito sa akin. Sobrang bait niyo po sa amin," pagpapasalamat ko kay Tita Marie na siyang ina ni Kuya Jude.
Tumulo ang luha ni Tita Marie ngunit agad din niyang pinunasan.
"Ikaw naman, hija, huwag mo akong paiyakin. Syempre, hindi ko naman hahayaan na uupa kayo kung may space naman para sa iyo at kay Jacky ang bahay namin at saka magiging malungkot na rin dito kasi bubukod na ang anak kong si Jude at kapatid mo."
"Bibisita kami ulit dito, Tita!"
Ngumiti siya. "Oo naman. Welcome na welcome pa rin kayo, hija. Isama mo na rin ang asawa mo."
Tumango na lamang ako. Akmang papasok na sana ako sa kwarto nang marinig ko ang sigaw ni Jacky mula sa labas.
"MAMA! NADAPA SI PAPA SA MAY TAE NG BAKA!" sigaw ng anak ko na ikinalaglag ng panga ko.
"Ano?"
Hinila ako ni Jacky palabas. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Ashton pero kung totoo ngang nadapa siya sa dumi ng baka ay nako! Sobrang arte ng lalaking iyon!
At ang tanga niya!
Nang makarating kami ay nakita ko si Ashton na nakaupo na sa may lupa, diring-diri at halos hindi na maipinta ang mukha. Agad-agad ko siyang nilapitan lalo na't punong-puno ng dumi ng baka ang mukha niya.
"Bakit hindi ka nag-ingat?" iritadong tanong ko habang pilit siyang itinatayo. Halos mapapikit na ako sa sobrang baho dahil bagong labas pa yata ang dumi at sapol pa talaga sa mukha.
"Tanga-tanga mo!"
Narinig ko pa ang tawa ni Jacky pero ang importante ay malilinisan ko ang pagmumukha ng lalaking ito na naninigas na. Siguro dahil sa gulat o sobrang pandidiri. Dinala ko siya sa may gripo kung saan may tubig at mabuti dahil walang tao na gumamit.
"Hayst! Bakit ba ang tanga mo?” Binuksan ko ang gripo at nang tiningnan ko siya ay nakatingin na siya sa akin.
Ang kaniyang mga mata ay seryoso at parang pinagmamasdan pa yata ako kaya naman ay mahina ko siyang sinampal.
"Ouch!" Napangiwi siya.
"Huwag mo kong titigan! Linisin mo sarili mo! Bakit ba nadapa ka sa tae ng baka? Masarap madapa?" sarkastiko ko na tanong.
Nakahawak na siya sa pisngi niya ngayon habang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. Humalukipkip ako at saka tinaasan siya ng kilay.
"Did you just...slap me?"
"Linisin mo na kasi sarili mo! Nasarapan ka ba sa tae ng baka, ha?" Nilingon ko si Jacky na ngayon ay humahagikhik na. "Jacky, kumuha ka ng towel bilis!"
"Sige, po, Mama!"
Hinarap ko muli si Ashton na ngayon ay may balak na maghubad ng pang-itaas na damit. Nanlaki ang mata ko at agad siyang pinigilan.
"H-HOY!" nataranta kong saway sa kanya at nilakihan siya ng mata.
Natigilan siya sa pag-angat ng damit niya at kunot-noo akong tiningnan.
"Why?" kunot noo niyang tanong.
Napakurap-kurap ako at napatikhim. "B-Bakit ka m-maghuhubad?" nauutal ko na tanong.
Ang kaniyang pagkunot ng noo ay napalitan ng isang nakakalokong ngisi. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, dahilan ng pag-atras ko.
"Bakit? Nakita mo na akong nakahubad, ah? Kaya nga nabuo si Jacky, 'di ba?" Malaking ngisi ang ipinakita niya sa akin matapos sabihin iyon at tuluyan nang naghubad sa harapan ko.
Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang makita ko ang kaniyang napakagandang katawan na tumambad sa harapan ko. Parang nag-slow mo ang paligid ko at nakatulala kong pinagmasdan ang maskulado niyang katawan. Napalunok ako at napakagat na lamang sa ibabang labi.
"Masarap bang titigan?"
"Meserep-HINDI!" Napasigaw ako nang ma-realize ko.
Namula ako sa sobrang kahihiyan at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang kaniyang pagngisi.
"Really? But you can't taste me. There is no free taste from a hot Monteverde right now."
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Nakahawak na siya sa tabo pero ang tingin ay nasa akin pa rin, parang nang-aasar pa yata.
At Ano? Walang free taste? Sino namang nagsabing titikman ko siya? Lakas ng tama ah!
Pinamewangan ko siya at inis na tiningnan. "Hoy! Wala akong paki kung wala kang free taste! Walang titikim kung kasing baho mo ang baka! Bwesit! Maligo ka diyan!" inis kong singhal at tinalikuran na siya.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinakinggan at dumiretso pabalik sa bahay. Nakita ko pa si Jacky na kalalabas pa lang ng bahay, dala-dala ang tuwalya.
"Ma!”
"Ibigay mo 'yan sa Papa mo,” diretsahan kong sabi at pumasok na sa loob.
Bakit ko pa ba siya pinuntahan? Wala akong pakialam kahit mukbangin niya 'yong tae ng baka! Hayst! Aalis na nga kami sa Byernis pero naiinis na ako sa kaniya. Bumalik na naman siya sa ugali niyang 'yon.
Padabog akong umupo sa kama at napatingin sa maleta na wala pang laman. Bigla akong nalungkot. Aalis na kami. Napamahal na sa akin ang lugar na ito at dito, marami akong natutunan. Kaya sobrang bigat sa pakiramdam na aalis kami at babalik na sa lugar kung saan ako lumaki.
Gabi na nang natapos akong mag-empaki. Sobrang dami kong ibibigay na damit kay Ate dahil hindi naman lahat dadalhin ko. Ang huling naipasok ko ay photo album na punong-puno ng pictures ni Jacky since birth. Mabuti at kinahiligan ko na rin ang kuhanan siya ng litrato.
Kinuha ko ang photo album sa maleta at binuksan. Ngayon ko lang ulit nabuksan ang munting photo album na ito. Sa album na ito saksi kung paano natutong naglakad ang anak ko at lahat ng bagay na importante sa kaniyang development. Kaya sobrang laking bagay ito sa akin para kapag malaki na si Jacky, masaya niyang makita ang mga baby pictures niya.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa pagbalik-tanaw sa mga magagandang litrato ng anak ko. Ang kaniyang unang birthday at lahat ng mga mahahalagang event na may koneksyon sa anak ko.
Natigilan lang ako sa pagsilip sa ibang pahina nang maramdaman ko ang isang presensya sa gilid ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Ashton na nakatingin na rin sa photo album kaya napatayo ako at sinara ang photo album.
Nilahad ko sa kanya ang photo album.
"May mga pictures ni Jacky d'yan. Kung gusto mo lang namang tingnan.”
Tinanggap niya ang photo album at saka umupo sa kama. Umupo rin ako at saka huminga nang malalim.
Kalmahin ang puso, Katarina.
Kumalma ka.
Binalingan ko siya at tumikhim. "Kung gusto mong magtanong tungkol kay Jacky, magtanong ka. Sasagutin ko.”
Saglit niyang tiningnan ang photo album at saka ako tiningnan. Napasinghap ako nang nagtama ang paningin namin.
“Uhm…”
Lumipat ang tingin ko sa photo album nang itinabi niya ang photo album sa gilid at saka umusog palapit sa akin.
Pumungay ang kanyang mga mata at kita ko roon ang pananabik.
“Katarina…”
Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang biglang nag-slow mo ang mundo ko.
“Gusto kong malaman ang tungkol sa iyo, Katarina.”
Napapikit ako nang mas lalo siyang lumapit at naramdaman ko ang kanyang kamay sa bewang ko.
“Gusto kong malaman kung ako pa rin ba ang tinitibok ng puso mo.”
Nanindig ang balahibo ko nang naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tainga.
“Gusto kong malaman kung ako pa rin ba ang laman ng isipan at puso mo, Katarina,” bulong niya sa tainga ko at nang magmulat ako ay sobrang lapit na namin sa isa’t isa.
“Ako pa rin ba?” tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Iiwas na sana ako ng tingin nang hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya.
"Answer me, Katarina..."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at unti-unting tumango. Namula ang buong mukha ko nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
“Good.”
At napapikit ako nang unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa naramdaman ko ang marahan na paglapat ng kanyang labi sa labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top