Chapter 56
Chapter 56
Tulala akong nakatingin sa kawalan. Matapos naming mag-usap ay nilubayan na niya ako. Tama lang din para makapag-isip ako.
Anim na taon. Anim na taon din ang nasayang sa amin. Alam niya na nandito ako pero hindi niya ako sinundan o pinuntahan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil ang rason niya ay tungkol sa negosyo niya. Pero hindi rin naman siguro niya kasalanan dahil in the first place, ako naman ang nang-iwan.
Maraming nagbago sa anim na taon na lumipas. Hindi ako makapaniwala na may sariling happy ending si Sabrina. Hindi ko akalain na may magbabago sa kanya.
Ano kaya ang nangyari sa nakalipas na anim na taon?
At may nagbago ba ngayong nakita ko muli si Ashton?
Wala.
Gano’n pa rin.
Siya pa rin.
Tamang oras na kaya ito? Wala na bang sagabal kung sakali?
Nailagay ko sa tapat ng dibdib ko ang palad ko at pinakiramdaman ang puso ko.
Mas lalo gumwapo si Ashton. Nag-mature siya. Mas lumaki ang katawan.
Nag-init ang pisngi ko sa inisip at saka niyakap ang tuhod ko habang nasa kama pa rin, nakaupo.
Kilala na ni Jacky si Ashton at nakita ko ang ligaya sa kanyang mga mata. Masaya si Jacky na makilala si Ashton. Ipagkakait ko pa ba iyon sa kanya?
Hindi na dapat sarili ko ang iniisip dahil may anak na akong posibleng maapektuhan sa maging desisyon ko sa buhay.
Masaya si Jacky ngayong nandito na si Ashton at tingin ko ay ayaw na niyang mawalay sa kanya. Naalala ko pa noon kung gaano ka sama ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sobrang sama ng loob ko noon nang nabalitaan na inaasar ang anak ko na wala siyang Papa. Na iba ang anak ko sa ibang mga bata.
"Mama!"
Umayos ako sa pag-upo at nilingon ang pinto. Pumasok si Jacky sa kuwarto. Siya lang mag-isa at pansin ko ang pagiging energetic niya.
Nang nakalapit ay kinuha niya ang kamay ko at hinila. Nagulat ako sa ginawa niya.
“Anak…”
“Ma!” Tumalon-talon siya. “Sumama ka sa amin ni Papa!”
Kumunot ang noo ko at nagpahila na lamang sa kanya. Tumayo ako.
“Huh? Saan?”
“Pupunta tayo ng Cebu! Gusto ko makilala si Lolo at Lola!”
“Anak—”
“Sige na, Ma!”
Umawang ang labi ko at napatingin sa anak ko. Gusto niya ang magpunta ng Cebu. Ayaw ko nang bumalik doon dahil makikita ko na naman si Sabrina at si Nanay. Ayaw ko silang makita. Ayaw kong maalala ulit ang noon. Ayaw kong masaktan ulit.
Pero ayaw ko ring saktan ang anak ko. Sobrang saya ni Jacky at ayaw ko na mawala ang ngiti na iyon. Ayaw kong ipagkait sa kanya ang kasiyahan.
Wala sa sariling tumango ako kahit medyo labag sa kalooban ko. Ang importante, masaya ang anak ko.
“Yeahy!”
Napangiti ako nang niyakap niya ako sa may binti kasi nakatayo ako.
“Thank you, Mama! I love you po.”
Kinagat ko ang labi ko at hinaplos ang kanyang buhok. “You’re welcome, anak. I love you too.”
***
Hindi ko alam kung gabi na ba o hindi basta kumalaman ang sikmura ko. Sarado ang bintana ng kuwarto at natatakpan pa ng makakapal na kurtina kaya tanging ilaw lang nagpapaliwanag sa kuwartong ito. Wala kasi akong nakitang orasan na siyang pinagtataka ko.
Humalukipkip akong nagtungo sa may kurtina. Balak ko itong hawiin para makita ang labas. Ngunit bago ko pa iyon magawa, bumukas ang pinto ng kuwarto.
“Lumabas ka.”
Nilingon ko si Ashton at nakahawak na siya sa door knob habang nasa akin ang kayang tingin.
“Kakain na tayo.”
Hindi ko pa kaya ulit makasama siya ngayon kasi may awkwardness pa rin. Gusto ko sanang sabihin na busog pa ako ngunit kumalam ang sikmura ko at tingin ko ay narinig niya iyon.
Pahamak talaga, eh.
Bumuntonghininga siya. “Kailangan mo nang kumain kasi alas syete na ng gabi.”
Namilog ang mata ko sa narinig at nataranta nang may napagtanto. Kumalas ako sa pagkahalukipkip at saka nagtungo sa kama para hanapin ang aking phone. Kinabahan ako dahil baka hinanap na ako ni Ate. Praning pa naman iyon.
“Kailangan ko nang umuwi!” sabi ko habang hinahanap ang phone ko. Saan ba iyon?
“Walang uuwi, Katarina.”
Natigil ako sa paghahanap at saka siya tiningnan. Kinunutan ko siya ng noo.
“Ano?”
Naglakad siya palapit sa akin kaya medyo napaatras ako. Ayaw ko na lumalapit siya. Ayaw ko. Nababaliw ang puso ko kapag lalapit siya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang nagkatinginan kami at medyo nangatog ang binti siguro dahil sa lamig ng kuwarto.
“Hindi ka na uuwi sa bahay na iyon. I will take you home with my daughter, Katarina,” mariin niyang sabi na nagpasinghap sa akin. “Wala ka nang magagawa roon. Kung ayaw mong maayos ang relasyon natin, ako, gusto ko maging maayos. Anim na taon din ang nasayang sa ating dalawa dahil we want to grow apart. Hindi na tayo mga bata para maghabol-habulan. I will fix this marriage whether you like it or not.”
Lumabas na siya ng kuwarto pagkatapos niyang sabihin iyon at iniwan na naman akong tulala sa kuwarto.
Gusto kong makita ang mga sinasabi, Ashton. Hindi puro salita lang.
Lumabas na rin ako ng kuwarto at sa paglabas ko ay natigilan ako sa pagkamangha. Umawang ang labi ko nang nakita ko ang desinyo ng bahay. Sa Kisame pa lang ng sala, masasabi ko na planado talaga ang pagkagawa. Sobrang ganda. Pati na rin ang mga kagamitan na sobrang ganda at tingin ko ay mahal.
Sa paglilibot ko, narinig ko ang magandang tawa ng aking anak. Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng tawa ni Jacky.
At dahil curious ako, lumapit ako kung saan nanggaling ang boses ni Jacky. Nadatnan ko si Jacky na nanonood ng TV. Napangiti ako lalo dahil mukhang nag-enjoy siya sa pinanonood niya ngunit agad ding napawi ang ngiti ko nang nakita ko kung ano ang pinanonood niya.
“Suntukin mo! Ayan! Wow!”
Pumalakpak pa si Jacky habang nanonood ng UFC fighters.
Nanlumo ako at agad-agad kinuha ang remote na nasa center table at inilipat agad sa ibang channel. Natigil ang anak ko sa pagsuntok-suntok sa ere at napatingin sa akin.
“Anak…”
Ngumuso ang anak ko sa akin. “Mommy, bakit mo inilipat?”
Umupo ako sa sofa at saka siya tiningnan. “Hindi dapat gano’n ang pinapanood mo, anak. Dapat mga cartoons like Tom and Jerry o hindi kaya Oggy and the Cockroaches.”
Mas lalo siyang ngumuso. “Mama, ang boring po ng Tom and Jerry! Hindi man lang nahuli at kinain ni Tom si Jerry tapos sa Oggy and the Cockroaches ay gano’n din!”
“Puwede naman Sofia the First ang panonoorin mo, anak,” suggest ko.
Umiling siya sa akin. “Ayoko kay Sofia, Mama! Malaki ulo niya at kaibigan siya ni Patricia!”
Wala na akong magawa kundi ang sumuko. Pero sinabi ko kay Jacky na huwag na siyang manonood ng gano’n kasi hindi iyon puwede sa edad niya. Matigas pa naman ang ulo ng anak ko kaya dinagdagan ko pa na magagalit ako kapag susuwayin niya ako.
“Anak…” tawag ko kay Jacky. Tinapik ko ang hita ko. “Umupo ka rito.”
Excited na kumandong ang anak ko.
“Anak…” Huminga ako nang malalim. “Ano ang naging reaksyon mo nang makita mo siya?” tanong ko, ang tinutukoy ko ay si Ashton.
Tiningnan ako ni Jacky. “Mama, ako po ang nakakita sa kanya.”
Umawang ang labi ko. “Huh?”
“Nakita ko siya na nakatingin po sa atin. Tapos po namukhaan ko po mukha niya, Mama! Kamukha niya yong malaking mukha sa labas ng mall, Mama! Lumapit po ako sa kanya at sinabi ko na, Hi Papa at niyakap ko siya, Ma!”
Nagulat ako roon. Ano?
“Nagulat po siya nang niyakap ko siya, Mama. Tinanong niya po ako kung nasaan ang Mama ko. Sinagot ko na umihi ka po tapos nagulat po ako kasi bigla siyang lumuha, Mama! Niyakap niya ako tapos sorry siya nang sorry sa akin kahit wala naman siyang kasalanan. Mama, binigyan niya ako ng maraming toys!”
Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Nangilid ang luha sa aking mata at nakita iyon ni Jacky.
"Mama, umiyak ka na naman. Ang OA mo!"
Natawa ako at pinalis ang luha nang tumulo.
"Masaya ka ba anak?" tanong ko. "Na nakita mo ang Papa mo? Masaya ka ba?"
Mabilis namang tumango ang anak ko. "Opo! Totoo pala talagang mayaman si Papa, Mama! Grabe ang ganda ng kotse, walang wala sa kotse ni Art!"
"Tito Art..." pagtatama ko.
"Opo, Tito Art! Basta, ang ganda Mama at gusto kong sumakay tapos inggitin si Patricia! Puwede ko na siyang bilhan ng postiso dahil mayaman na tayo."
Napangiwi ako. "Anak...huwag ganiyan..."
Nag-peace sign siya agad sa akin at niyakap ako. "Joke, I love you Mama!"
Napapikit na lamang ako at dinama ang yakap ng aking anak.
***
"Papa, ilan po ang kapatid mo?" tanong ni Jacky nang nasa hapagkainan na kami.
Tahimik lamang akong kumakain habang nakikinig sa kanila. Madaldal kasi ang anak ko kaya hangga’t hindi nasasagot ang tanong niya, hindi ka tatantanan.
"Uhm, apat kaming magkakapatid. I have 2 older brothers and 1 younger sister."
"Ano po name nila?"
"Ashred, Ashvon and Ashley,” sagot naman ni Ashton.
"Mga arabo pala kayo?"
Nabilaukan ako sa biglang sinabi ng anak ko kaya dali-dali kong kinuha ang tubig sa gilid ko at ininom ito. Hinimas ko ang leeg ko at napatingin sa dalawa na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nang ibinaling ko ang tingin ko kay Ashton ay kita ko ang pag-angat ng kanyang gilid-labi. Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa anak ko na may pagtatanong sa mukha.
"A-Abo 'yon, anak..." nahihirapan kong sabi at tingin ko ay lumuluha na ang mata ko dahil sa pagkabilaok. "Hindi A-Arabo..." pagtatama ko.
Ash ay Abo. Arabo ay—basta ’yong may, Hi Dear!
"Ah, Abu dabi!"
Napasapo na lamang ako sa aking noo.
"Tama na iyan. Eat ka na para matulog na."
Hindi ko maiwasan ang pagmasdan si Ashton habang inaasikaso niya ang anak ko. Ngayon ko lang na-realize na sobrang bagay talaga niya ang pagiging ama. Para kaming isang masaya at kompletong pamilya. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi ni Jacky habang hinihiwaan siya ng pork chop ni Ashton. Nakakataba ng puso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top