Chapter 55
Chapter 55
Ilang na ilang ako habang panay ang tingin ni Ashton sa amin. Hindi ko alam kung paano nakilala at natanggap ng anak ko si Ashton. Parang pinaghandaan talaga niya ang pagkikitang ito. Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Kung bakit nandito ako sa hindi pamilyar na lugar at mas lalong hindi ko alam kung bakit nandito siya.
Kukunin niya ba si Jacky sa akin?
Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib nang maisip ko iyon. Ikakasal na sila ni Sabrina kaya ano pa ang ginagawa niya rito? Hindi ko mapigilan na mapatingin sa kaniyang daliri. Mas lalo lamang sumikip ang dibdib ko nang makita ko na may singsing nga sa daliri niya at pareho sa binigay niya sa akin, siguro...iyon na nga.
Wala akong lakas ng loob para magtanong sa kanya. Anim na taon ang lumipas. Naninibaguhan ako na makita siya at nasasaktan din.
Isa lang ang nasa isip ko kung bakit siya nandito at iyon ay ang kunin ang anak ko.
Bigla akong naalerto nang tinawag ni Ashton si Jacky kaya agad namang lumapit si Jacky sa kanya. Pinagmasdan ko sila lalo na si Ashton. Kitang-kita ko ang pangungulila sa kanyang mata habang kalmadong kinakausap ang anak ko. Pagkatapos kinausap ni Ashton si Jacky ay nataranta ako nang lumabas si Jacky sa kuwarto.
"Jacky!"
Sinara ni Ashton ang pinto at saka ako tiningnan. Napalunok ako at unti-unting naikuyom ang kamao.
Kung kukunin niya ang anak ko, ang kapal ng mukha niya.
Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan nang unti-unti siyang humakbang palapit sa akin. Ilang beses akong lumunok at ramdam ko ang panganib sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero kailangan ko maging handa.
Umupo si Ashton sa kama malapit lamang sa akin at kunot-noo akong tiningnan. Kinagat ko ang labi ko at nagbaba ng tingin.
"Katarina..."
Sa unang beses niyang pagbigkas sa aking pangalan ay nanindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawang paganituin ang damdamin ko. Nawalan ako ng salita.
"Anim na taon akong naghintay sa iyo at bago ko lang nalaman na may anak na pala tayo. Kailan mo siya ipakilala sa akin? O may balak ka bang ipakilala sa akin ang anak natin, Katarina?"
Hindi ako sumagot.
"How can you explain this to me?" tanong niya at nang nag-angat ako ng tingin sa kanya ay umigting ang panga niya.
"Nag-sex tayo 'di ba? Siyempre may mabubuo, Ashton!"
Dumilim ang tingin niya at inilapit niya ang sarili niya sa akin kaya napasinghap ako at napaatras.
"Sex? You called our made love a sex?" hindi makapaniwala niyang tanong at natawa pa.
Natakot ako nang puwersahan niyang hinawakan ang kamay ko. Nang akma kong hahablutin ay hinawakan niya nang mahigpit.
"Ashton! Bitiwan mo nga ako!" Sinamaan ko siya ng tingin.
Pero hindi siya nagpapatalo. Sinamaan niya rin ako ng tingin.
"Sinadya ko na hindi ka lapitan ng ilang taon dahil alam kong lalayo ka lang kung hahabulin kita o susundan. Tinapos ko lahat ng gusto kong makuha sa negosyo ko without you, Katarina! Nasa akin na ang lahat. May marangya na akong buhay, may pera, at may mga taong handa akong pagsisilbihan. Lahat ng achievement ko, ang dali ko lang makuha. Pero ikaw..." Dumaan ang sakit sa kanyang mata. "Bakit hindi kita basta-basta makukuha, Katarina? Sa tuwing hinahawakan kita, kumakalas ka. Lumalayo ka, Katarina."
"Ashton..." Inilingan ko siya. "Bakit pa ba natin ito pinag-uusapan? Matagal na-"
"Bullshit! Asawa kita! I have the right to ask! I have the right to know everything! Kung ano ang nangyari the whole 6 years without me by your side! You are my wife!"
Tinulak ko siya gamit ang isang kamay ko na hindi niya nahawakan. Paulit-ulit ko siyang itinulak at hindi man lang siya natinag.
"Why are you saying that?" Nanginig ang boses ko. "I am not your wife, anymore!"
Umigting ang panga niya at mas lalong nanggigil. "Ano? So you are denying it? Para kanino? For Art?"
"Art?" Tinulak ko siya sa dibdib nang sinubukan niya ulit na lumapit. "Walang kinalaman si Art dito. He is a good friend of mine. Ikaw yata ang tumigil sa kahibangan mo! Ikakasal na kayo ni Sabrina!" sigaw ko at kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Nakita ko na natigilan siya saglit kaya nagpatuloy ako.
"Ikakasal na kayo! Bakit mo pa ako ginugulo? Yes, kasalanan ko na hindi ko sinabi na may anak tayo. Pero dito ko lang nalaman na buntis ako! Hindi ko rin in-expect ang lahat ng ito. Akala ko...akala ko tuluyan ka nang mawala sa buhay ko pero hindi...binigyan mo pa ako ng souvenir!"
Gusto kong sumabog. Gusto kong ilabas ang galit ko sa kanya.
"At kung balak mong kunin sa akin si Jacky..." Matalim ko siyang tiningnan. "Hindi ako papayag. Magkamatayan man tayo Ashton! Hindi ako papayag!"
Pero parang hindi yata nakausad si Ashton dahil iba ang kaniyang tinanong sa akin.
"You think I am getting married to Sabrina?" tanong niya. "Saan mo naman napulot ang balitang iyan at hindi ko alam, Katarina?"
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Nagmamaang-maangan pa ang gago ah!
"Maang-maangan ka pa! Nandito ka naman siguro para kunin ang anak ko pero guess what? Hindi ako papayag!"
"I am asking you kung saan mo napulot ang balitang iyon at naniwala ka agad, Katarina." May diin sa bawat sinabi niya at nakaigting na rin ang panga niya.
Hindi ko maiwasan ang mapalunok dahil sa kaniyang sinabi. Sa boses niya pa lang ay nagdadalawang isip na tuloy akong sagutin pero wala akong magawa kundi ang sumagot.
"S-si Art..."
Nagsalubong ang kilay niya at mas lalong umigting ang panga. "Art, and you believe him? You believe him, Katarina?"
"Nakita ko rin ang post ni Sabrina sa Facebook!" asik ko.
"And you conclude that it's me?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Naramdaman ko na lamang ang paglapit niya sa akin kaya napayuko ako sa sobrang tensyon na naramdaman. Naramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking tenga na ikinanindig ng balahibo ko.
"Bakit hindi mo ako mapagkatiwalaan, Katarina?" bulong niya sa tenga ko bago lumayo sa akin at nagpatuloy sa kaniyang hinanakit.
"Bakit hindi ka naniniwala sa akin pero sa ibang tao, ang dali-dali mong magtiwala? I know myself more than you think. Sobrang nasaktan ako na ang babaeng mahal na mahal ko ay hindi ako makapagkatiwalaan."
Napalunok ako habang tahimik na pinunasan ang luha ko.
"And I am not getting married. Hindi ako ikakasal kasi kasal ako sa 'yo. Hindi ako makapaniwala na ang dali-dali mo lang din mauto. Bakit ko naman pakakasalan si Sabrina kung ikaw naman ang mahal ko. At nasaktan ako nang nakita ko na pinirmahan mo ang pekeng annulment paper na iyon without hesitating."
Napapikit na lamang ako at tinanggap ang sarili kong kamalian. Mali ako, hindi siya ikakasal.
"Sabrina is getting married to my eldest brother, Ashred Monteverde," aniya na ikinaangat ko ng tingin.
Ano? Kay Ashred? Wow, kapag hindi sa gusto, sa kapatid na lang. Nice.
"And I am not here to get our child away from you. Marami pa akong gustong isumbat sa iyo! Maraming-marami, Katarina. Pero hindi ako nandito sa harap mo para paiyakin ka at ilayo sa iyo ang anak natin na ngayon ko pa lang nakilala."
"It's now too late, Ashton Monteverde! Kung hindi pala tayo naghiwalay noon ay totohanin ko na. Ano ang gusto mong marinig? Babalik ako sa iyo?"
Naikuyom ko na lang ang kamay ko sa may bed sheet.
"I already finished my mission, baby..."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang lumambing ang boses niya.
"Hindi na ako kailanman magiging busy. Uuwi na ako sa 'yo, Katarina."
"Ano?"
"I am here not to get our child or to make you cry again. Nandito ako para kunin ka at ibalik sa buhay ko kasama ang anak natin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top