Chapter 54

Chapter 54

“Mama, puntahan natin si Papa!” excited na sabi ni Jacky sa akin nang papauwi na kami.

Nang sinabi ko sa kanya na papa niya iyon ay nagtatalon sa tuwa ang anak ko. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil first time kong makita ang billboard niya rito. Para kasing nandito siya. Siguro alam niya na nandito ako. Marami naman siyang pera kaya mahahagilap niya ako agad. Ngunit, naalala ko ang sinabi ni Art sa akin noon.

“Bilyonaryo ang asawa mo, Crystal. Hahagilapin at hahanap-hanapin ka no’n kahit saan ka pa magpunta. He will waste his money para lang maiuwi ka sa kanya. But it’s been 6 years at wala akong nakitang progress. Wala akong nakita at nakikitang hinahanap ka niya. He is a billionaire, Crystal. Uutusan niya ang mga tauhan niya para makuha ka at maibalik sa kanya. Pero anim na taon na ang lumipas, nandito ka pa rin. Man like him won’t wait or even waste time para lang maibalik ka sa kanya. Marami siyang pera at kaya niyang bilhin lahat pati babae kung gugustuhin niya. Kung mahal na mahal ka talaga niya, wala ka na sana sa lugar na ito at matagal nang nasa piling niya.”

Sumuko na rin siguro ang puso ni Ashton kasi kailanman ay hindi niya ako hinanap. Busy talaga siya sa trabaho niya at ngayon magpapakasal na siya.

Kaya paano ko sasabihin kay Jacky? Paano ko mapupuntahan si Ashton kung ikakasal na siya? Ayaw ko na maging magulo ang buhay namin. Ayaw ko na masaktan ang anak ko. Bahala na kung ako ang masasaktan basta huwag ang anak ko na wala pang alam.

At isa pa, hindi ko hahayaan na magkita sila Jacky at Ashton kung si Sabrina nga ang babaeng pakakasalan niya.

Hindi ko sinagot si Jacky at pinaupo muna siya sa waiting shed. Nilapag ko sa gilid niya ang plastic bag at ibinigay ko rin sa kanya ang whistle.

"Iihi lang si Mama saglit, ah? Huwag kang aalis dahil Madali lang ako,” ani ko at nagmamadaling naglakad patungo sa restroom.

Medyo natagalan ako kasi natatae rin ako. Mabuti at walang susunod na gagamit ng CR kaya may time pa akong eere ang tae ko. Paglabas ko ng CR ay napansin ko na wala na si Jacky at tanging ang plastic na lamang ang nandoon. Bigla akong kinabahan lalo na’t marami pa namang sasakyan.

“Jacky!” tawag ko at agad kinuha ang plastic bag.

Nang walang sumagot ay nagpalinga-linga ako. Baka sakaling nandito lang iyon at may kinuha lang o nilalaro.

Jacky naman, eh! Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyon!

Bumilis ang paghinga ko nang nakita ko ang isang van sa tapat ng waiting shed na ito.

“Jacky!” tawag ko, naiiyak na.

Alam kong imposible itong nasa isip ko dahhil ikakasal na siya pero ang makita ang van na ito ay naisip ko na kay Ashton ito. Kapareho kasi sa kadalasang ginagamit niya noon.

Pero baka naligaw lang ang anak ko kaya tumalikod ako at nagpatuloy sa paghahanap kay Jacky.

“Jacky!” sigaw ko at mukha na akong baliw kasi pinagtitinginan na ako ng mga tao. Tumulo ang luha sa aking mata at sumikip ang dibdib ko.

Alalang-alala talaga ako dahil hindi maalam ang anak ko sa lugar na ito at baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

“Jacky! Anak! Nasaan ka?”

Sa paghahanap ko ay nahagilap ko ang tatlong lalaki na naka-shades na papatungo sa akin. Namilog ang mata ko at nabitiwan ko ang plastic bag ko sa sobrang takot. Napaatras ako nang pabilis ang kanilang paglapit sa akin.

Sa pag-atras ko ay hindi ko namalayan na kalsada na pala ang inaatrasan ko. Nakarinig ako ng ilang beses na busina na ikinataranta ko. Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na magawang gumalaw at nanlaki lang ang mata kong napatingin sa palalapit na truck.

Bago pa man makalapit nang tuluyan ang umaandar na truck ay may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako palayo sa kalsadang iyon. Napasubsob ako sa mabangong dibdib at hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat at takot na naramdaman.

Nanginig ang kamay ko at nag-angat ng tingin sa taong nagligtas sa akin. Pero pag-angat ko ng tingin ay nawala ang kulay sa aking balat nang nakita ko kung sino ang nagligtas sa akin. Sumalubong sa akin ang nagliliyab na mata ni Ashton. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-Ashton..." nauutal ko na sambit at napalingon sa mga kasamahan niyang tingin ko ay bodyguards niya.

Bago pa man ako magsalita muli ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Akala ko iyon lamang pero na-realize ko na may masama siyang balak nang pwersahan niyang pinaamoy sa akin ang panyo na ikinahilo.

Bago ako nawalan ng malay ay naramdaman ko na lamang na inangat niya ako at ipinasok sa isang mabangong van. Iyon lamang ang naalala ko bago ako nawalan ng malay.

***

"Kukunin ko sa iyo ang anak ko at si Sabrina na ang magiging ina niya."

Umawang ang labi ko sa narinig. Gusto kong umalma pero nang makita ko si Jacky na sobrang higpit ng yakap sa kaniyang Ama ay natigilan ako. Tingin ko ay pipiliin ni Jacky si Ashton dahil sa may kaya siya sa buhay.

"Hindi!" pag-angal ko nang matauhan. "Jacky, sumama ka sa akin!" pagmamakaawa ko pero sa sobrang higpit ng yakap niya sa braso ni Ashton, alam ko na sa sarili ko na wala na akong pag-asa.

Ngumisi si Ashton sa akin. "Wala ka nang magagawa, Katarina. Iuuwi ko na itong anak ko sa Cebu at mamuhay nang marangya.”

"Hindi! Akin si Jacky! Anak! Halikana. Huwag kang sumama sa papa mo!"

"Ayoko na sa 'yo, Mama! Sasama na ako kay papa!"

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Kakayanin ko pa kung si Ashton pero ang anak ko ay hindi. Hindi.

"Anak!..."

Nagulat ako nang may yumugyog sa akin.

"Jacky!" sigaw ko at napamulat. Habol ko ang aking hininga at pawis na pawis ako.

Unang bumungad sa akin ang seryosong tingin ni Ashton habang hawak-hawak niya ang magkabilang balikat ko. Naibaling ko ang tingin sa buong kwarto at hindi pamilyar sa akin. Agad-agad akong bumangon paupo at lumayo sa kanya.

Niyakap ko ang sarili ko at tiningnan siya. "A-Anong..."

Hindi niya ako pinansin at kinuha ang pagkain sa may tray at kinuha rin ang bed table na nasa paanan ko at inilagay malapit sa akin.

"Kumain ka," malamig niyang sambit sabay lapag sa mga masasarap na pagkain sa bed table. May gatas pa na dala. Napalunok ako at doon naituon ang atensyon.

Kumalabog nang husto ang puso ko nang makita ko siya at ngayon na kami lang dalawa sa maginaw at hindi pamilyar na lugar ay mas lalo lamang naging tensyon.  Malaki ang pinagbago niya. Mas lalo lamang siyang gumwapo at gumanda lalo ang pangangatawan niya.

"Kainin mo iyan, marami tayong pag-uusapan pagkatapos mong kumain,” malamig niyang sabi at iniwan akong mag-isa sa kuwarto.

Nang nakalabas na siya ay tumulo ang luha na matagal nang nakaurong dito sa mata ko. Akala ko ay totoo iyong kanina.  Panaginip ko lang pala iyon at paano na kapag nangyari iyon sa totoong buhay? Paano na?

Matagal kong naubos ang pagkain dahil iniisip ko pa rin kung nasaan si Jacky.  Paano kung may nakakita sa kaniya at hindi inuwi? Matapang ang anak ko pero kahit gano'n ay bata pa rin iyon. Bakit nga ba ako narito?

“Jacky, nasaan ka na ba?”

Akmang tatayo na sana ako sa inuupuan kong kama nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa roon si Ashton na siyang may malamig pa rin na presensya. Akala ko ay siya lang mag-isa kaya iiwas na sana ako ng tingin pero may pumasok ulit at iniluwa roon ang tuwang-tuwa na si Jacky na may dala-dalang laruan.

Nanlaki ang mata ko at naibagsak ko ang kutsara sa lamesa. Tumulo muli ang luha sa aking mata nang makita ko si Jacky na papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Nang kumalas ako sa yakap ay tiningnan ko si Jacky na masayang-masaya.

"Mama, siya si Papa 'di ba? Ang yaman-yaman niya Mama! Ang daming laruan. Isang box!" pagkwento niya.

Bumilis ang paghinga ko habang unti-unting bumaling kay Ashton na nakahalukipkip sa may pintuan. Nakatingin siya sa amin kaya akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang paningin namin. Niyakap ko na lamang muli nang mahigpit si Jacky dahil sa sobrang pag-alala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top