Chapter 53

Chapter 53

Pinagamit ko muna kay Jacky ang phone ko para makapaglaro siya. Nasa loob siya ng classroom habang nasa may pintuan kami ni Art. Nakahalukipkip akong nakatingin sa kanya.

“Ano ang pag-uusapan natin?” nagtataka ko na tanong.

Bumuntonghininga siya. “First, I want to make sure if you are okay.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at natawa pa. “Okay? Of course! I am okay, Art! Mukha ba akong hindi okay?”

Patawa-tawa ako ngunit hindi ko maiwasan ang kabahan sa kanyang sasabihin. Seryoso kasi ang mukha niya kaya tingin ko seryoso ang sasabihin niya. Dagdagan pa na nag-check siya if I am okay.

Huminga nang malalim si Art at tiningnan ako sa mata.

“May puwang pa rin ba sa puso mo si Ashton?” seryoso niyang tanong.

Namilog ang mata ko sa tanong niya at napasinghap. Bakit ganito ang tanong niya? Ano ang meron?

“Bakit mo tinatanong? Gusto mo bang malamn kung may tsansa ka sa akin?”

Umiling siya at nagbaba ng tingin. “Alam ko naman na wala na akong tsansa sa puso mo, Crystal, at naintindihan ko naman iyon.” Tiningnan niya ako. “Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na mas mabuting kalimutan mo na lang si Ashton sa buhay at sa puso mo. Forget him, Crystal.”

Sa boses niya ay parang siyang nang-uutos at hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya.

Kumawala ako sa pagkahalukipkip at hindi makapaniwala siyang tiningnan. “Are you asking me to forget him? Inuutusan mo ba akong kalimutan siya hindi lang sa puso ko, pati rin sa buhay namin?”

Kaya kong kalimutan si Ashton kung gugustuhin ko. Hindi ko kailangan ng utos. Ngunit hindi ko siya makalimutan dahil siya ang ama ng anak ko.

Umiling agad si Art. “Hindi. Kailangan mo siyang kalimutan nang tuluyan para hindi ka na masaktan. Anim na taon na ang nakalipas at marami nang nagbago!”

“Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?” Hindi ko maiwasan ang mainis. “Diretsuhin mo na lang ako—”

“He is getting married!”

Napaatras ako sa sinabi niya. Ano? Ashton is getting married?

Biglang gumuho ang mundo ko sa narinig. Ang puso ko ay unti-unting naninikip. Napakurap-kurap ako.

Bigla kong naisip na anim na taon na ang nakalipas kaya marami na ang nagbago pati ang feelings niya sa akin.

Mukhang nagsisi si Art sa sinabi niya dahil sa reaksyon ko. Para akong nanghina.

“Crystal, look…” Tumikhim siya. “I’m sorry kung sinabi ko ito sa iyo. Sinabi ko lang ang totoo. Hindi ko ito sinabi para mapunta ka sa akin. I know na wala akong chance at tanging pagiging kaibigan lang ang ma-offer mo sa akin, pero you deserve to know the truth! Hindi ka nga nakikibalita pero alam ko diyan sa puso mo na nagbabakasakali ka na hahanapin ka niya.”

Parang sumakit pati ang ulo ko sa sinabi niya. Kanino ikakasal si Ashton? Kay Sabrina ba? Finally? Wow! Ang sakit! Parang hinintay lang talaga nila ako na mawala. Hinintay lang nila ako na umalis.

*** 

“Mama, bakit ka po malungkot?” tanong ni Jacky sabay yakap sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya at saka hinawakan ang kamay ni Jacky.

Gabi na at nakatingin ako sa may bintana kung saan, kitang-kita ko ang nagniningning na bituin sa langit. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Art at sobrang sakit. Tingin ko ay papatak ang luha ko kapag hindi ko ito pipigilan.

“Anak, ang g-ganda ng l-langit, no?” naitanong ko na lang at halos hindi na makilala ang boses ko. “A-Ang ganda at…ang hirap niyang abutin.” At tumulo ang luha ko.

Nagpunta sa harapan ko si Jacky at nang nakita akong luhaan ay nagsimula na rin siyang umiyak.

“Huwag ka na iyak, Mama!” iyak niyang sabi at pinunasan pa ang luha sa aking mata gamit ang kanyang maliit na kamay.

Pinunasan ko rin ang luha ko ngunit mas lalo lang dumami dahil sa ginawa ng anak ko.

“Mama, huwag ka na cry!” Lumabi siya. “Hindi na ako mang-aaway, Mama! Hindi na ako magiging pasaway basta huwag ka na umiyak!”

Mahigpit kong niyakap ang anak ko at umiyak siya sa balikat ko. Paulit-ulit na sinabi ng anak ko na huwag na akong umiyak pero siya itong umiiyak ngayon.

“A-Ang hirap niya pa ring abutin,” makahulugan kong sabi at napapikit na lamang.

Nang makatulog ang anak ko sa aking bisig ay dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama. Basang-basa ang pisngi ng anak ko at nagu-guilty ako. Hindi dapat makita ng anak ko na umiiyak ako. Hindi dapat.

Kinuha ko ang phone ko at nilakasan ang loob na mag-log in sa Facebook. Ngayon lang ulit ako nakapag-open kasi deactivated ang account ko simula nang umalis ako sa Cebu. Nanginginig ang kamay ko habang tinitipa ang pangalan ni Sabrina sa search bar at sinilip ko ang recent post niya.

Nahagip ng tingin ko ang isang post na tuluyang nagpaguho sa mundo ko. Ito na ang katotohanan. Tumulo ang luha ko habang tinitingnan ang nasa screen.

Ang nasa picture ay ang kamay ni Sabrina na may singsing at may caption na:

“Marrying the man who taught me how to love in a right way." A.M.

At marami pang nag-comment at bumati sa kanya.

Mapait akong napangiti habang tumutulo ang luha sa aking mata. Sa wakas, nakuha na rin ang gusto ni Sabrina. Siguro ay sobrang saya niya. Tama si Art. Kailangan ko nang kalimutan si Ashton sa buhay ko at mamuhay na lamang nang tahimik.

*** 

Ilang araw ang lumipas simula nang nalaman ko iyon ay balik sa dati ang buhay ko. Nag-communicate pa rin naman kami ni Art sa isa’t isa kahit na medyo umiba ang tingin ko sa kanya noong nakaraan. Nakipag-video call nga siya sa akin para kumustahin ako. Sinabi niya sa akin na hindi na raw niya ipipilit ang sarili niya sa akin at makakapag-move on din.

Gusto kong manghingi ng sorry. Sobrang bait ni Art sa akin at pati na rin sa anak ko. Close silang dalawa ng anak ko pero minsan ay sinusumpong si Jacky at nagsusungit lalo na kapag hindi tumutupad sa usapan.

“Ibababa ko na ito, Art,” ani ko sa kanya, ang tinutukoy ay ang video call. Nakarating na kasi kami sa mall. Kailangan kong mamili ng groceries at mga gamit pambahay.

Tumango si Art at saka ngumiti sa akin. Iniharap ko kay Jacky ang phone.

“Mag-bye ka na rin kay Tito Art, Jacky.”

Ngumuso si Jacky at humarap sa screen. “Bye Art, huwag ka nang bumalik.”

Napasinghap ako at agad-agad inilayo sa anak ko ang phone. Hinarap ko si Art.

“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Art.” Nilingon ko saglit ang anak ko na ngayon ay may tinitingala na.

Napabuntonghininga na lamang ako.

“Okay lang. I will send the gift this coming Friday.”

Tumango ako at saka in-off na ang tawag. Ibinulsa ko ang phone ko at nilapitan si Jacky na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa tinitingala.

“Jacky, ano ang tinitingnan…” Humina ang boses ko nang inangat ko ang tingin sa kung saan nakatingin si Jacky. At nang nakita ko kung ano ang tinitingnan niya ay natigilan ako at umawang ang labi ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa nakita at napasinghap.

“Mama, pareho kami ng face. Siya ba ang papa ko?”

Napatingin ako kay Jacky at nagulat sa sinabi niya. Nakanguso si Jacky habang tinuturo ang itsura ni Ashton na naka-tuxedo habang nakahalukipkip sa may billboard. Ang nakasulat sa may billboard ay:

“Businessman of all time.”

 Nanginig ang kamay ko habang nakatingin sa anak ko na naghihintay sa sagot ko. Wala na akong takas.

Pumikit ako saglit para palakasin ang loob ko at nagmulat para tingnan ang anak ko.

“Oo anak, siya ang Papa mo…”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top