Chapter 52

Chapter 52

Anim na taon na ang lumipas simula nang iwan ko ang lugar na kinalalakihan ko, ang kaibigan ko, at ang lalaking tanging laman ng puso ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang sakit ngunit hindi na katulad noong nagdaang taon. Masasabi ko na rin na hindi ko na siya masyadong iniisip. Wala na rin akong balita sa kanya at wala rin akong planong makibalita. Sa anim na taon kong pamumuhay sa bagong mundo ko, marami akong na-realize, marami akong natutunan.

Inaamin ko na may kasalanan ako sa hiwalayan namin. Sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ko inintindi si Ashton at ang kanyang trabaho. But then, dumagdag pa si Sabrina at ang rebelasyon na nanay ko ang nanay niya. I want out! Gusto kong lumayo at ang tanging paraan ay ang layuan at iwan si Ashton.

Sa anim na taong nakalipas, nakaramdam ako ng payapa sa aking sarili at sa bago kong buhay.

“Ma!”

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtawag ng anak ko sa akin. May anak ako at limang taon na siya ngayon.

Bumuntonghininga ako at tumigil muna sa paggawa ng lesson plan. Nakita ko siyang tumatakbo papasok sa kuwarto at lumapit sa lamesa ko. May dala siyang Toblerone na siyang ipinagtataka ko.

“Anak, saan galing iyan?” nagtataka kong tanong.

Ngumiti ang anak kong si Jacky tapos pumatong sa upuan. Tiningnan niya ako.

“Ma! Binigyan ako ng mama ni Patricia ng kolet!” maligaya niyang sambit at binalatan pa ang Toblerone sa harapan ko.

Napangiti ako. “Bakit ka niya binigyan? At nag-thank you ka ba?”

Nang nabalatan na ang Toblerone ay saka niya ako sinagot. “Kasi sinuntok ko si Patricia.”

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang ballpen na hawak ko sa gulat.

“Ano?” Tumaas ang boses ko. “Bakit mo sinuntok? Bad iyon!”

Umiling lang si Jacky sa akin na mas lalo kong ikinainis. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako.

“Sinabi niya kasi na wala akong Papa,” aniya at saka lumabi.

Natigilan ako at napatingin sa anak ko na malungkot na ang mukha. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty. Hindi man sinasabi ng anak ko pero nakikita ko siya minsan na pinagmamasdan si Ate, si Kuya Jude, at ang apat na taong gulang na anak nil ana si Cholo na masayang nanonood ng TV. Isang beses lang niyang tinanong sa akin tungkol sa Papa niya at hindi na umulit.

Wala akong magawa kundi ang gumawa ng palusot. Sinabi ko sa kanya na nasa malayong lugar ang Papa niya, nagtatrabaho. Sinabi ko sa kanya na babalik ang Papa niya kaya siguro ay umaasa siya hanggang ngayon.

Ako ang nasasaktan para sa kanya. Sobrang nakakakonsensya at parang wala akong kuwentang ina.

“Anak…”

“Sinabi niya na wala akong Papa at hindi na raw ako babalikan kaya sinuntok ko siya, Mama,” matapang na sambit ni Jacky na siyang ikinasikip ng puso ko.

Iba si Jacky sa lahat ng bata rito sa amin. Siya ang klaseng bata na mas gustong mapag-isa pero madalas may kaaway kaya marami ang galit sa kanya lalo na ang mga bata rito sa amin.

Masyado ring masakit magsalita itong anak ko at hindi ko alam kung paano ko iyon aayusin. Kasalanan ko rin kasi hindi ko siya masyado napagtuunan ng pansin dahil sa trabaho ko.

“Natanggal ngipin ni Patricia nang sinuntok ko, Mama!”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Ano?”

Lumaki ang ngiti ni Jacky.  “Kaya nagpapasalamat sa akin si Tita Mariana dahil natanggal ang ngipin ni Patricia. Hindi na raw nila kailangan magpunta sa dentista, Mama! Ayoko na pala maging pilota! Gusto ko na maging dentista, Mama para araw-araw may kolet!”

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Sa laki ng ngiti ng anak ko, sigurado akong totoo ang sinabi ng anak ko. At ano? Dentista? Iba na naman ang pangarap ng anak ko. Noong nakaraan, gusto niya maging isang pilota kasi nakakita siya ng eroplano sa ibabaw tapos ngayon ay dentist ana. Ano ang gagawin niya? Susuntukin ang mga pasyente niya para matanggal ang ngipin?

Nasapo ko na ang ang noo ko at napailing. Sa huli, pinangaralan ko rin ang anak ko at sinabi na huwag na uulitin dahil masama iyon.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school kasama ang anak ko. Nag-promise siya sa akin na maging behave na siya at hindi manununtok ng istudyante ko. Paano na lang kaya kapag lumaki na ang anak ko at mahilig pa rin manuntok? Baka magiging boksingera ang anak ko kapag nagkataon.

“Good morning, class!” masayang bati ko sa mga pupils ko.

“Good morning, Teacher Katarina!” sabay-sabay na sambit ng aking cute na mga istudyante at saka umupo na sila sa kanilang upuan.

Pinaupo ko si Jacky malayo kay Kiro na siyang sinuntok niya noong una. Nakita ko si Kiro sa dulo pero ang tingin niya ay nasa anak ko.

Halata pa rin sa mukha ni Kiro na takot siya sa anak ko. Hinalikan niya kasi ang anak ko sa pisngi noong unang nag-sit in ang anak ko kaya nasuntok siya sa may labi. Mga bata pa sila pero ang Kiro na ito ay ibang-iba sa lahat. Mature na mag-isip o sadyang trip niya lang pagkatuwaan ang anak ko.

Nang matapos ang klase ay kinuha na ng mga magulang ang kanilang mga anak. Kadalasan sa mga istudyante ko ay mga anak ng politiko o hindi kaya anak ng negosyante kaya may spoiled talaga rito na hirap i-handle minsan pero nakaya ko pa rin kasi mismong anak ko nga ay matigas din ang ulo.

Tumayo na ako mula sa inuupuan ko para puntahan si Jacky ngunit natigilan ako nang nakita ko si Kiro na mag-isang nakaupo sa kanyang upuan, malungkot. Sa kanya ako lumapit.

“Kiro,” tawag ko sa kanya. “Ayaw mo pa bang umuwi?”

Umiling siya sa akin at lumabi. “Wala pa si Nana. Ayoko pa umuwi.”

Bumuntonghininga ako at saka nginitian siya. “Sumama ka sa amin. Kakain kami ni ice cream ni Jacky.”

Namilog ang mata niya. “Talaga po?”

“Mama! Ayoko siyang makasama!” protesta agad ni Jacky.

Binalingan ko si Jacky na ngayon ay sobrang sama na ng tingin kay Kiro. “Pero wala siyang kasama kung iiwan natin siyang mag-isa, Jacky.”

Walang magawa ang anak ko kundi ang sumang-ayon. Hawak-hawak ko silang dalawa habang papatungo kami sa nagtitinda ng ice cream dito sa school. At habang naglalakad kami, nagpapalitan ng salita ang dalawang bagets.

“Mas mayaman kami. May eroplano ang papa ko tapos may barko! Iyon ang sabi ng mama ko,” pagmamayabang ni Jacky.

“Aba! Mas mayaman ako. Kung sana sa pwet mo ako sinuntok ay okay lang. Pero sa mukha mo ako sinuntok! Hindi kita mapapatawad!”

“Buti nga hindi natanggal ngipin mo, eh! Bakit mo kasi ako kiniss?”

“Crush kasi kita!”

“Ew, gusto ko may abs. Ikaw wala kang abs!”

“Magkakaroon din ako! Makikita mo!”

Napangiwi na lamang ako sa mga sinasabi nila. Para kasi silang teenager na kung makapagsalita. At itong anak ko, hindi ko alam kung saan niya napulot ang salitang abs.

Binitiwan ko na sila nang makarating kami sa tindahan. Tiningnan ko ang dalawa at tinanong. “Ano ang gusto niyo na flavor?”

“Cookies and cream!” sabay nilang sagot at agad din silang nagkatinginan nang marinig ang bawat sagot.

“Gaya-gaya ka!” pang-aakusa ni Jacky na ikinangiwi naman ni Kiro.

“Hindi, ah! Favorite ko rin iyon!” ani Kiro at napatingin siya sa akin. “Teacher, cookies and cream po ang akin.”

Napabuntonghininga na lamang ako at saka binalingan ang tindera na mukhang naaliw sa dalawa dahil ngiting-ngiti na.

“Ang kukulit ng mga anak niyo, Ma’am!” maligayang sambit ng tindera sabay tingin sa dalawa na ngayon ay malayo na sa isa’t isa.

Natawa ako at saka tinuro ko ang cookies and cream na flavor. “Dalawa para sa mga makukulit na batang ito.”

“Sige po, Ma’am!” Tinuro ng tindera ang mga upuan. “Mga bata, umupo muna kayo sa upuan at huwag ninyong pahirapan ang mommy niyo.”

Napangiti na lamang ako at napatingin sa dalawa na ngayon ay nagsusukatan na ng tingin.

Nang maibigay ko na sa kanila ang ice cream ay nagpabilisan sila sa pag-ubos. Muntik nang mabilaukan si Kiro na siyang hindi rin nagpapatalo sa anak ko.

“Jacky, Kiro, tama na iyan,” saway ko sa kanilang dalawa. “Paano ninyo mae-enjoy ang ice cream?”

Pinunasan ko ang gilid ng labi ni Jacky na punong-puno na ng ice cream habang si Kiro ay napatayo nang makita ang nana niya.

“Nana!”

Tumayo na rin ako at tumango sa yaya ni Kiro na mukhang nahihiya.

“Salamat at isinama niyo si Kiro, Ma’am. Natagalan kasi ako kasi may nangyari sa bahay nila,” kuwento ng yaya sabay kuha sa bag ni Kiro.

“Nag-away na naman po sila, yaya?” tanong ni Kiro sa yaya niya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Kiro sa tanong niya pero tingin ko ay sa family niya. Sa lahat ng istudyante ko, si Kiro lang ang hindi ko pa nakita na sinusundo ng kanyang magulang. Kadalasan, Nana niya ang naghahatid-sundo sa kanya. Kaya siguro malungkutin minsan ang batang ito.

Nang makaalis na sila Kiro ay binalingan ko si Jacky.

“Jacky, huwag mo nang awayin si Kiro, ah? Mabait naman ang batang iyon. Wala rin siyang kaibigan katulad mo.”

Patuloy pa rin sa pagkain ng ice cream si Jacky, hindi nakinig sa sinabi ko.

“Jacky…”

Tiningnan niya ako. “Mama, hindi muna ako sasama sa iyo sa iskol. Makikipaglaro na lamang muna ako kay Cholo sa bahay.”

Tumango ako. “Sige, anak, kung iyan ang gusto mo.”

Nang matapos na siya ay tumayo na kami at akmang aalis na sa tindahan nang makita ko si Art patungo sa gawi namin. Umawang ang labi ko at natigilan. Hindi ko tinanggap ang offer ni Art noon na tumayong ama sa anak ko. Hindi ko kasi keri na gano’n lalo na’t may tunay na ama ang anak ko.

“Hala! Nandito na naman si Art!”

Namilog ang mata ko at gulat na binalingan si Jacky. “Jacky, Tito Art ang itawag mo sa kanya.”

Inilingan niya ako at humalukipkip. “Hindi niya ako binigyan ng regalo noong pasko kaya Art na lang ang itatawag ko sa kanya.”

Tinikom ko ang bibig ko at pinigilan ang sariling sermonan ang anak ko. Hinarap ko si Art nang nakalapit na siya sa amin. Preskong-presko si Art at mukhang kagagaling niya pa sa ligo.

“It’s nice to see you again, Crystal,” nakangiting wika ni Art sabay baling sa anak kong nakasimangot. “Jacky, tampo ka pa rin?”

Nag-iwas ng tingin si Jacky kaya natawa si Art sabay tingin sa akin. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya bigla akong kinabahan.

“Cryst, can I talk to you? May sasabihin ako.”

Napalunok ako at saka tumango.

“Sige…”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top