Chapter 51
Chapter 51
"You are two weeks pregnant, Misis," anunsyo ng doktor na ikinamilog ng mata ko.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang dismayadong tingin ni Ate sa akin at napasapo pa siya sa kanyang noo.
“P-Po?” Napakurap-kurap ako at napalunok. “B-Buntis ako?”
“Yes, Misis! Congratulations!”
Umawang ang labi ko at dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa tiyan ko at inilagay ang palad sa tiyan ko. Hindi ko akalain na may buhay na pala rito sa sinapupunan ko.
Nang nakaalis ang doktor ay lumapit si Ate sa akin pero hinawakan siya ni Kuya Jude kaya hindi siya tuluyang nakalapit. Nilingon ko siya kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata.
“Ate…”
“Akala ko ba ay matalino ka, Katarina? Buntis ka! Nagpabuntis ka sa kanya!”
“Kalla!” saway ni Kuya Jude sa kapatid kong gigil na gigil na. “Buntis ang kapatid mo. Wala ka nang magagawa roon.”
Inis na binalingan ni Ate si Kuya Jude. “Sino ba ang matutuwa rito, Jude? Ako? Iniwan niya ang lalaking iyon tas nabuntis siya!” Binalik ni Ate ang kanyang nakakatusok na tingin sa akin. “Ano?! Babalik ka sa kanya?”
Umiling ako. “H-Hindi…” Nanginig ang boses ko. B-Bubuhayin ko siyang mag-isa. H-Hindi ako babalik sa kanya.”
Ilang araw matapos kaming umalis ay nagpa-check up agad kami sa hospital dito sa Tacloban dahil nang nakarating kami rito ay biglang sumama ang pakiramdam ko. At ito na nga, nalaman ko na kung bakit. Buntis ako.
Sa Leyte kami nagtungo, ang hometown ni Kuya Jude kung saan narito ang kanyang pamilya.
Welcome na welcome kami sa pamamahay nila. Mabait ang magulang ni Kuya Jude.
Hindi na kami babalik sa Cebu, ayon kay Ate. Ang lupa na siyang natira namin ay palilinisan na lang daw. Kokontak siya ng kakilala roon para linisan ang lupa.
Lumabas na kami ng ospital pagkatapos. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ko ang kabigatan ng mga ulap. Mukhang sumabay yata sa mode ko ngayon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bumuhos ang ulan. Naghanap agad ako ng masisilungan ngunit bago iyon, may isang estranghero ang nagpayong sa akin.
“Salamat—Art!” Namilog ang mata ko at napatingin sa kanya.
Ilang beses pa akong kumurap dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi, eh! Si Art ito!
Matamis siyang ngumiti sa akin. “Ako nga. Kung hindi naman pag-iyak, malungkot naman na mukha ang madadatnan ko sa iyo, Crystal.”
Lito ko pa rin siyang tiningnan. “Sinusundan mo ba ako?”
Nagulat ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Muntik pa nga niyang nabitiwan ang payong.
Napasimangot ako. “Seryoso ako, Art!”
Kinagat niya ang labi niya kahit natatawa pa rin siya.
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay tinawag na ako ni Ate.
“Katarina, halika na!”
Sabay naming nilingon si Ate Kalla na ngayon ay natigilan dahil sa kasama ko. Tiningnan niya nang mariin ang kasama ko na ngayon ay may malawak na ngiti sa labi.
Parang may napagtanto si Ate sa tagal ng pagtitig niya kay Art kasi namilog ang mata niya at lumiwanag.
Agad tinawag ni Ate si Kuya Jude na kalalabas lang ng kotse niya.
“Jude! Nandito pala ang pinsan mo!”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ate at binalingan si Art na ngayon ay nakataas na ang kilay sa akin.
“Pinsan? Pinsan mo si Kuya Jude?”
Kaya ba siya nandito? Taga rito siya? Gosh! Ang assumera ko talaga!
Nakangising tumango siya sa akin at binalingan sina Ate Kalla at Kuya Jude.
“Sa akin na lang sasabay si Crystal,” ani Art sa dalawa. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napahawak ako sa kanyang braso. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy. “Iuuwi ko rin siya sa bahay niyo, Jude.”
Halata sa hitsura ni Ate ang kanyang pag-aalinlangan pero may ibinulong si Kuya Jude sa kanya na nagpapayag sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Art pero sumama ako sa kanya.
Sa isang parke kami nagtungo malapit lang sa ospital. Nang tumigil ang ulan ay umupo kami sa bench.
Tulala kong pinagmasdan ang paligid. Biglang guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa maganda at preskong kapaligiran. Napangiti pa ako nang nakita ko ang rainbow.
“Namumutla ka,” panimula ni Art at saka bumuga ng hangin. “Masama ba ang pakiramdam mo?”
Napawi ang ngiti ko at binalingan siya. Nag-iwas siya ng tingin at saka bumuntonghininga.
“Hindi ko akalain na makikita kita rito. Iniwan mo ba si Ashton?" takang tanong niya sabay tingin sa akin. “O nagbabakasyon ka lang?”
Nagkatinginan kami. Sa mata niya ngayon, kita ko na nag-alala talaga siya sa akin. Nanginig ang labi ko at saka nag-iwas ng tingin.
Tumango ako at saka kinagat ang ibabang labi. “I-Iniwan ko siya.”
Suminghap si Art sa gulat kaya nagpatuloy ako.
“M-May mga bagay na hindi ko puwedeng sabihin sa iyo…” Pinaglaruan ko ang nanginginig ko na kamay. “At may mga bagay na ayoko nang pag-usapan pa, Art.” Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. “Na-realize ko na hindi pa rin talaga kami ready sa isa’t isa kaya napagdesisyonan ko na iwan siya para sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikabubuti ng puso ko.”
Hinaplos ko ang tiyan ko at tiningnan siya. Tumingin siya sa kamay kong nasa tiyan ko at umawang ang labi niya.
Tipid ko siyang nginitian. “Busy si Ashton sa business niya, Art. Habang ako…magiging busy na rin sa magiging anak ko.”
Hindi nagsalita si Art kaya nagpatuloy ako.
“H-Hindi niya alam na buntis ako at mas mabuting naghiwalay kami para focus na siya sa business niya at may oras na siyang ayusin ang mga kalat sa buhay niya.”
Na-imagine ko ang magiging reaksyon ni Ashton. Ano kaya ang reaksyon niya? Magiging masaya ba siya? Magkakaroon na ba siya ng oras sa akin kapag nalaman niya na buntis ako?
Sumikip ang dibdib ko sa naisip.
Siguro hindi. Marami siyang pera. Puwede siyang mag-hire ng magbabantay at mag-aasikaso sa akin.
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Art sa kamay kong nanginginig. Gulat ko siyang tiningnan. Ang kanyang tingin ay nasa kamay ko at focus na focus siya roon.
“Nagsisisi ako na hindi ako umamin sa iyo noon pa man, Crystal. Kung naging matapang lang ako at hindi nagpadala sa banta ni Ashton dahil siya lang dapat ang manliligaw sa iyo, siguro ako nagpapatibok ng puso mo ngayon.”
Umawang ang labi ko at nanatiling nakatingin sa kanya. Sumikip ang dibdib ko nang tiningnan niya ako.
Nakakalungkot lang kasi hindi ko masusuklian ang nararamdaman ni Art.
“Art…” malungkot ako na umiling.
Dumaan ang sakit sa kanyang mata pero nagawa niya pa ring ngumiti.
“I know. Hindi ko matuturuan ang puso mo na mahalin ako, Crystal.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “But I am willing to be the father of your child. I am willing to take care of you and your unborn baby. I am more willing, Crystal.”
Mas lalo lamang akong nasaktan sa narinig. Kaibigan ang turing ko kay Art at wala sa isip ko na maghanap ng magiging tatay ng anak ko dahil isa lang naman ang tatay niya. At iyon ay si Ashton.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top