Chapter 50
Chapter 50
Iyak ako nang iyak habang pinipindot ang door bell ng bahay namin. Nagkaroon ako ng pagkakataong umalis ng bahay sa tulong ni Lucy kaya nakarating ako rito.
Ilang sandali bago binuksan ni Ate ang gate. Nagulat siya nang makita ako at nakita ko ang pag-iba ng timpla ng mukha niya. Ngunit, nagbago at napalitan ng pag-aalala nang makita akong luhaan.
“Ate…” iyak ko.
Umawang ang labi niya at agad-agad akong niyakap kaya mas lalo akong umiyak.
“Ate…sorry…” sabi ko habang umiiyak at saka niyakap siya pabalik.
Naramdaman ko ang kanyang pagtapik sa aking likod. Ang tanging ginawa ko lang ay ang mag-sorry sa kanya. Kasi tama si Ate, eh. Tama siya at isang kahihiyan ang pagbalik ko rito sa pamamahay namin. Kinapalan ko lang ang mukha ko dahil wala na akong mapupuntahan.
Siguro ay nag-iba na ang tingin sa akin ni Tita Amore at ng kanyang pamilya. Kumirot ang puso ko at yumakap lalo kay Ate.
“A-Ate…n-nakita ko si Mama…”
Marahas na napasinghap si Ate at kumalas sa pagkayakap. Namilog ang mata niya at hinawakan ako sa magkabilang-balikat.
“Nakita mo siya?” gulat na tanong niya. “Nakilala mo siya?”
Tumango ako at pinunasan ko ang luha ko. “O-Oo, Ate…”
Pumasok kami sa loob ng bahay at doon nagpatuloy. Iyak pa rin ako nang iyak habang si Ate ay nakapamewang na sa akin.
“Ayan na nga ang sinasabi ko, eh,” aniya at mariin akong tiningnan. “Nakita mo rin ba ang ampon niyang may saltik?”
Kumuyom ang kamao ni Ate at halata sa kanya na may galit din siya kay Sabrina.
“Ayan na nga ang sinasabi ko, Katarina. Ayokong mapalapit ka kay Ashton dahil konektado siya sa walang kuwenta nating nanay na walang pakialam sa atin! Pero hindi mo nakuha ang gusto kong iparating kaya tingnan mo ngayon! Umuwi kang luhaan! Sinaktan ka na naman ba ng lalaking iyon?”
Hindi ako sumagot at napayuko na lang. Wala na akong dapat sabihin dahil obvious na sa pag-iyak ko.
Sermon ang tanging natanggap ko kay Ate. Tinanggap ko ang sermon niya at hindi na sumagot. Sinalo ko lahat ng sinabi niya dahil totoo lahat! Ang tanga ko! Tanga ako kay Ashton!
Nang kumalma si Ate ay sinapo niya ang kanyang noo at saka tiningnan ako.
“Hindi ka ba buntis?” tanong niya na hindi ko inaasahan.
Namilog ang mata ko at nanindig ang balahibo ko. Umusbong ang kaba sa aking dibdib sa tanong niya.
Nanginig ang kamay ko at napahawak sa tiyan ko na walang umbok. Kinabahan ako lalo dahil lumagpas na ang kabuwanan ko at…
Namilog ang mat ani Ate at sinampal ako. Napasinghap ako sa ginawa niya at tumulo ang luha ko.
“Bakit ka nagpabuntis sa lalaking iyon?”
“Ate…” Tiningnan ko siya. “H-Hindi ako buntis!”
Bakit niya naisip na buntis ako? Oo, kinabahan ako dahil wala pa ang kabuwanang regla ko pero hindi ibig sabihin na buntis ako. Maingat kami, eh!
“Akala ko ba ay matalino ka, Katarina? Paano kung buntis ka nga? Babalik ka sa lalaking iyon at ipaako sa kanya?” tanong niya sa akin.
“H-Hindi…” Paulit-ulit ako na umiling. “H-Hindi ako babalik sa kanya. Pero kung…” Natigilan ako at hinaplos ang tiyan. “K-Kung b-buntis man ako…” Tiningnan ko si Ate. “Aalagaan ko siya ng mag-isa.”
“Siyempre alagaan mo na mag-isa, Katarina!” Galit na siya sa akin ngayon. Hindi na siya kalmado. “Tama lang din ang pagdating mo dahil binenta ko na ang bahay na ito at aalis na tayo ngayong madaling araw!”
Namilog ang mata ko. “Ano—”
“Simula nang pinili mo ang lalaking iyon ay wala ka nang karapatan na umalma, Katarina. Wala nang saysay ang pamamahay na ito. Kailangan na nating umalis. Lumayo sa mga taong pasakit sa atin! Umalis na tayo at magsimula ng bagong buhay! Mag-empake ka na!”
Tulala ako nang iniwan ako ni Ate. Hindi ko akalain na binenta ni Ate ang bahay. Ngunit wala na akong magawa. Sobrang dami naming memories sa pamamahay na ito.
Malungkot akong nagtungo sa sarili kong kuwarto at napatingala. Pinigilan ko ang sarili ko na lumuha ulit. Pinigilan kong isipin muli si Ashton at ang problema.
Nagbaba ako ng tingin sa isang box na nasa gilid lang ng kama at saka napaluhod. Hinila ko ang box palapit sa akin kung saan may laman na mga litrato namin ni Papa.
Noong buhay pa si Papa, sinabi niya sa amin na siya mismo ang nagdesinyo sa bahay na ito dahil mahilig si Mama sa magagandang bahay.
Nang maalala ko si Mama ay bigla akong nalungkot. Wala kasi talaga siyang pakialam sa akin. Gusto lang niyang humingi ng tawad pero walang planong bumawi sa amin.
Kinuha ko ang photo album sa box at niyakap ito nang mahigpit. Napapikit ako at hinayaan ang luha na tumulo.
“Pa…mahal na mahal kita,” simula ko habang pahigpit nang pahigpit ang pagyakap ko sa photo album. “P-Pasensya na kung binenta ni A-Ate ang pinakamamahal mong bahay. P-Pero alam mo ba, Pa? Nakapasa po ako! Alam ko na proud na proud kayo sa akin, P-Pa…”
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang sarili ko na humagulhol.
“N-Nakakalungkot lang na hindi natin na-celebrate ang tagumpay kasi wala ka na.” Huminga ako nang malalim at saka nagmulat. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking kamay at saka umupo sa sahig. “K-Kilala mob a si Ashton, P-Pa? Sinurprisa niya ako, Pa. Sobrang saya ko no’n.”
Natawa na lamang ako sa aking sarili at suminghap. Pati sipon ko tumutulo na dahil sa pag-iyak ko.
Hinaplos ko ang litrato ni Papa. “Pa, nakita ko pala ang babaeng mahal na mahal mo. H-Hindi mo man lang sinabi na sobrang ganda niya, Pa. P-Pero patawarin mo ako kasi tinaboy ko siya. Nadala lang ako sa sariling damdamin…”
Sinandal ko ang sarili ko sa pader at saka pumikit. Ang photo album ay nasa hita ko at ang litrato ni Papa ay nasa ibabaw ng photo album.
Sa pagpikit ko ay tuluyan na akong nakatulog. Nagising lang ako dahil sa narinig ko na ingay mula sa labas. Nagpalinga-linga ako at tumayo.
“Katarina!”
Napasinghap ako at agad napabaling sa may bintana. Si Ashton ba ang sumisigaw?
Bumilis ang tibok ng puso ko at dali-daling nagpunta sa may bintana. Nanginginig kong hinawi ang kurtina at halos mapaatras ako nang makita ko si Ashton na nagpupumiglas na pumasok sa loob ng gate. Wala siyang kasamang bodyguards. Siya lang mag-isa.
Kaharap niya si Ate Kalla na siyang may hawak sa nakasaradong gate.
“Please! Alam ko na nandiyan si Katarina! Gusto ko siyang makausap!” pagmamakaawa ni Ashton at humawak pa sa bakal ng gate.
Nangilid ang luha sa aking mata.
“Sinabi ko na, hindi ba? Wala si Katarina dito! Magkagalit kami! Umalis ka na bago ako magpapatawag ng police!” banta ni Ate.
Umiling si Ashton.
“Katarina!” sigaw na pagtawag ni Ashton. “Lumabas ka diyan! Kausapin mo ako!”
“Sinabi nang wala, eh! Ang kulit! Susuntukin kita! Makikita mo!”
“Alam ko na nandiyan ka, Katarina! Kausapin mo ako! Please! Ayusin natin ito! Mahal na mahal kita…”
Tumulo ang luha sa aking mata at agad-agad lumabas ng kuwarto upang puntahan si Ashton. Bigla akong naawa sa kanya at gusto ko na lang siyang yakapin.
Akmang bababa na sana ako ng hagdan nang hinarangan ako ni Kuya Jude.
“K-Kuya, gusto ko siyang puntahan,” ani ko at akmang lalagpasan siya ngunit iniharang ni Kuya Jude ang sarili niya.
“Katarina, wala na tayong oras. Kailangan na nating umalis.”
“Kuya…” pagmamakaawa ko ngunit hindi niya ako pinakinggan.
Narinig ko mula sa labas ang sigaw ni Ashton kaya mas lalo lamang akong gustong makawala sa pagkaharang ni Kuya.
“Kuya, kahit isang beses lang. Gusto ko lang siyang makausap. Hindi ko siya babalikan!”
Natigil lang ako nang makita ko si Ate na malamig nang nakatingin sa akin. Sinara niya ang pinto.
“Ano ang iniyak-iyak mo diyan? Iniwan mo tapos ngayong nagmakaawa, babalikan mo? Gamitin mo ang utak mo, Katarina. Masyado kang tanga.”
Hindi na ako nagpumilit at hinayaan si Kuya na lagyan ako ng jacket at sombrero. Sa likod kami ng bahay dumaan. Aalis na kami ng Cebu, ayon kay Ate. Gusto kong magmakaawa sa kanya na makausap si Ashton pero hindi ko ginawa.
Sa pag-alis namin, tuluyan ko na ring pinutol ang koneksyon naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top