Chapter 5
Chapter 5
Umatras ako lalo at tinuro ko ang pinto palabas. "Umalis ka rito, pota ka!"
Nagulat siya sa sigaw at mura ko. Wala akong panahon para makipagbiruan sa kanya. Marrying him is not a valid solution para hindi niya ako kasuhan. Dahil lang nag-trespass ako ay pakakasalan ko siya?
Paano kung hindi ako ang nag-trespass sa bahay niya? O-offer-an din niya ng ganito? Nauntog ba ang ulo ng lalaking ito at may naisip na ganito?
Ngumisi siya at tumayo. Inayos niya ang kanyang business suit bago inilagay sa bulsa ang kanyang kamay.
"Bakit?" Tiningnan niya ako gamit ang kanyang mapanghamon na tingin. "Takot ka ba, Katarina? Are you afraid that you might fall in love with me again?"
Umawang ang labi ko. Ang kapal naman ng mukha niya. Ano ang tingin niya sa kasal? Biro lang? At ano ang tingin niya sa sarili niya? Gold para ma-in love ako ulit?
Importante para sa akin ang kasal kaya magagalit talaga ako. Tahimik na nga ang buhay ko tapos magpapakasal pa ako sa kanya? Hayop siya, ah? Piste lang gyud ni.
"Ano? Nag-iilusyon ka ba? Bakit naman ako maiinlab sa iyo?" Tumaas ang boses ko at halos maramdaman ko na ang ugat ko sa leeg sa inis at galit. "Ikaw lang ba ang lalaki sa mundong ito para sabihin iyan? Maghanap ka ng ibang babae na pakakasalan mo at huwag ako. At saka hindi ba at may babae ka? Siya ang pakasalan mo!"
Napawi ang ngisi niya at kumunot ang noo. "Hindi ako tumatanggap ng sorry..." malamig niyang sinabi at lumapit sa akin. "Shall I call the police, then?"
Namilog ang mata ko dahil sa kanyang banta. Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa niya at akmang magda-dial nang bigla kong kinuha mula sa kanya ang phone niya. Narinig ko ang kanyang marahas na singhap dahil sa ginawa ko.
"Bakit kasal ang offer mo?" tanong ko. Ang kanyang phone ay nasa likod ko na. Humigpit ang hawak ko roon.
Nagngitngit ang kanyang ngipin. "Because I need it, or my dad will..."
Umirap ako sa kanya at ngumisi. "Edi, yayain mo si Sabrina. Tell her kung gaano mo siya kamahal, o hindi kaya, bumili ka ng babae. Marami ka ng pera, hindi ba? Afford mong bumili."
"What?" Mas lalo lang siyang nagalit.
"Wala!" Umirap muli ako at umatras. "Yayain mo si Sabrina. Sigurado ako na tatanggapin niya ang offer. Baka wala pang bayad, Ashton," mapait kong sinabi. "Trespass lang naman ang kasalanan ko. Bakit kailangan kitang pakasalan?"
Sinamaan niya ako ng tingin at akmang aagawin mula sa akin ang phone niya nang umatras pa ako lalo.
Nagtagis ang bagang niya sa ginawa ko at iritado niya akong tiningnan.
"Give me my phone, Katarina." Binuksan niya ang kanyang palad. "Give it to me."
"Hindi kita pakakasalan!" sigaw ko na ikinatigil niya.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Bakit naman siya masasaktan?
"Alright, I heard it. I clearly heard it, Katarina. Tagos pa nga, eh," makahulugan niyang sambit. "Now, give me the phone and I will not talk about it again. Just give my phone back."
Ang desperado sa kanyang boses ay kitang-kita. Ano ba ang mayroon sa phone niya?
Umangat ang gilid ng labi ko sa inis. "Ang arte mo naman. Phone lang naman ito!"
Umirap ako at akmang ibibigay sa kanya ang phone niya nang aksidente kong na-click ang button at bumulaga sa screen ang pagmumukha ko.
Namilog ang mata ko sa gulat at napatingin kay Ashton na ngayon ay inis na inis na. Marahas niyang kinuha sa akin ang phone niya at narinig ko pa siyang nagmura.
"Damn! Aalis na ako. Fuck this life!"
Napakurap-kurap ako at natulala sa kanyang pag-alis.
Ano iyon?
Natauhan lang ako nang narinig ko ang pagharurot ng mga sasakyan. Tulala akong umupo sa sofa at hinawakan ang mukha ko.
Nalilito ako. Bakit wallpaper ako sa phone niya? Ang creepy!
"Jusmi! Baka jinajakolan niya ang picture ko!" takot ko na sabi at umiling-iling.
***
Dalawang linggo ang nakalipas simula nang nagtungo si Ashton sa bahay namin at laking pasasalamat ko na hindi na siya bumalik. Wala naman akong nakitang police na nagtungo sa amin kaya mukhang hindi niya ako kinasuhan o ano.
"Uy, tulala ka na naman!" ani Cheska sabay siko niya sa akin.
Tiningnan ko siya at sinimangutan. Bakit kahit alam ko na may paraan na para mabayaran ang utang ay bakit parang may malaking utang pa rin ako.
Ang sabi ni Ate, interesado na talaga ang foreigner sa lupain at hindi raw magtatagal ang proseso dahil kompleto naman sa papel. Si Ate lang naman ang may alam sa mga bagay na iyan dahil wala naman akong alam sa proseso ng pagbenta ng lupa.
"Wala lang..." tamad kong sagot kay Cheska at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga display sa mga bagong stock na laruan.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang papatungo na si Miranda. Napairap ako at nilubayan ang ginagawa ko. Hinarap ko siya.
"Bakit ka nandito?" I asked.
Ngumiti siya at saka pinagmasdan ang mga inayos ko na mga laruan. "Wala lang. Kahit sa malayo, napansin ko pa rin ang haggardness mo, Katarina." At humagikhik siya.
Sumimangot ako at kinuyom ang kamao. Hindi ko alam kung ano ang problema ng babaeng ito sa akin pero ang sarap niyang ipatapon sa Mars.
Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya, nag-angat siya ng kilay at saka ngumiti. "What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Katarina. Bothered ka ba na baka hindi ka na naman makapasa?"
Papatulan ko na sana nang naunahan ako ni Cheska. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Hoy, Miranda! Bumalik ka nga sa puwesto mo! Puro na lang si Katarina binabantayan mo! Laki ng inggit, ah! Ayusin mo muna iyang kilay mo bago ka sumugod dito. Pati kilay mo, sumusuko na sa iyo, eh."
Natawa ako sa sinabi ni Cheska.
"Bakit naman ako maiinggit?" Tiningnan niya si Cheska. "Walang kainggit-inggit sa katawan niya."
Inirapan niya kami bago bumalik sa puwesto niya. Tinapik ako sa balikat ni Cheska kaya napatingin muli ako sa kanya.
"Hayaan mo na si Miranda," ani Cheska at bumuntonghininga. "Walang-wala siya sa kagandahan mo. Eh, sa totoo lang, mas haggard pa pagmumukha niya, eh."
Hindi na lang ako nagsalita at ipinagpatuloy na lamang ang iniwan kong trabaho kanina.
"Pagkatapos ng duty, magba-bar tayo. Mukhan kailangan mo, eh," aniya sa akin.
Ngumuso ako. "Ayaw ko. May gagawin ako."
Umalis ako sa puwesto nang natapos at lumapit sa counter. Sinundan naman ako ni Cheska.
"Sige na, Kat! Ngayon lang naman," pamimilit niya.
Gusto ko na kahit papaano, maging meaningful naman ang buhay na ibinigay sa akin. Gusto kong baguhin ang sarili ko at ang pananaw ko sa buhay.
Kung ang pagiging guro ay hindi talaga para sa akin, hahanap ako ng iba. Wala naman akong pakialam kung aasarin muli ako ni Miranda na talunan kapag hindi nakapasa. Hindi naman kasi lahat ng gusto, makukuha.
Pero dahil masyadong makulit si Cheska, wala na akong magawa kundi ang pumayag sa paanyaya niya.
"Yes!" She grinned. "Sabi mo iyan, ah! Wala nang bawian. Na-video ko na! Kukulamin talaga kita kapag hindi ka sisipot. Hihintayin kita sa labas ng MG Bar!"
Iyon ang huli niyang sinabi sa akin bago kami umuwi. Bumuntonghininga ako at napatingin sa kalangitan.
Mukhang kailangan ko talaga ang presensya ng alak para makalimutan ang kagagahan na ginawa ko last week.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top