Chapter 49
Chapter 49
Umiyak ako sa kuwarto namin ni Ashton. Wala siya ngayon dito kaya malaya akong nakaiyak. Hindi ko binuksan ang ilaw at hinayaan ko ang sarili ko na kainin ng dilim ng kuwarto.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Tita Amore. Alam ko na naguguluhan pa rin siya at tingin ko ay marami siyang tanong sa akin.
Ang gulo pala. Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na bumalik kay Ashton? Nauwi pa rin sag anito ang lahat. Parang sa huli ay tama si Ate Kalla. Tama siya na masasaktan pa rin ako. Pero tanga ako at hindi nag-isip. Nagpatuloy pa rin ako.
Niyakap ko ang sarili ko at pinunasan ang luha ko. Suminghap ako at tumingala sa madilim na kisame.
“Iiwan na kita…” naibulong ko na lang. “Iiwan na naman ulit kita at sana sa puntong ito ay tama na ang desisyon ko. Sana tama na…”
Pumikit ako at dinama ang malamig na aircon. Ang sikip ng dibdib ko. Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Para akong kinuhanan ng karapatan na huminga nang maayos.
Ilang minuto akong nakatingala sa kisame at nang nangalay ako ay nagbaba na ako ng tingin at minasahe ang batok ko.
Pinindot ko ang switch ng ilaw at napakurap-kurap. Nang napatingin ako sa salamin na nasa gilid lang ng kama ay nakita ko ang mugto ko na mata.
Stress na stress ako. Wala ako sa ayos at gulong-gulo ang buhok ko. Napatingin ako sa katawan ko. Para akong namamayat.
Nagtungo ako sa study table at naghanap ako ng papel. Plano ko ay ang umalis ngayong araw hangga’t busy pa si Ashton. Gusto ko nang lumayo. Gusto ko na siyang iwan. Gusto ko nang pakawalan ang sarili ko sa sakit na naramdaman.
Naghila ako ng upuan at saka umupo. Inilapag ko ang papel na nakuha ko at kumuha ng ballpen. Nanginig ang kamay ko at unti-unti nang nagsulat. Sa unang letra pa lang ay tumulo ang luha sa aking mata patungo sa papel.
Napasinghap ako at agad-agad pinunasan ang luha ko para hindi mabasa ang papel. Balak kong sulatan si Ashton sa huling pagkakataon. Gusto kong iparating sa kanya ang totoong naramdaman ko habang kasama siya sa papel na ito. Kasi…hindi ko na kayang masabi sa kanya.
Pigil ang hininga ko habang sinusulat ko ang mensahe ko. Buong puso ko ay binigay ko sa pagsusulat. Ang sulat na ito ay hindi love story kung hindi ay isang pamamaalam.
Nang matapos na akong magsulat ay hinubad ko ang singsing sa daliri ko at dahan-dahang inilapag sa ibabaw ng sulat ko. Tumayo ako at napayuko sa sakit na naramdaman. Suminghap ako at napahagulhol nang hindi nakayanan. Tinakpan ko ang bibig ko at saka umalis na sa study table.
Dear Ashton Jacques,
Siguro kapag nabasa mo na ang sulat na ito, ibig sabihin ay wala na ako sa buhay mo. Bago ako tuluyang mawala sa buhay mo, gusto ko lang sabihin ang lahat ng naramdaman ko habang kasama kita. Wala akong intensyon na balikan ka noong una pa lang dahil ayoko na ulit masaktan. Ayaw ko nang bumalik sa taong nanakit sa akin. Pero masyado kang magaling dahil pinahulog mo ako ulit. Pina-realize mo sa akin na mahal pa rin kita.
Ashton, gusto ko lang sabihin sa iyo na mahal na mahal kita kahit sobrang sakit ng ipinaranas mo sa akin. Nagawa ko pa rin tiisin ang lahat. Minahal kita kahit may pag-aalinlangan sa puso ko. Kahit may mga tao na ayaw talaga na magkatuluyan tayo. Minahal kita, Ashton, at nakita ko talaga ang pagbabago mo.
Iiwan na kita pero hindi ibig sabihin ay titigil na ako sa pagmamahal sa iyo. Gusto ko lang lumayo. Ayaw ko na dito, Ashton, at tingin ko ay hindi pa talaga tayo ready. Marami pa tayong issues sa buhay na kailangan nating ayusin.
Ashton, alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang masyadong magpapagod sa trabaho mo. Ashton, pasensya na rin sa pagkukulang ko, ha? Pasensya na sa pagiging maarte at nakakairita kong ugali.
Ashton, please. Let’s grow together and learn from our mistakes. At kung tayo talaga ang para sa isa’t isa, malugod kitang tatanggapin ulit sa buhay ko.
Mahal na mahal kita. Paalam…
Katarina <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top