Chapter 48
Chapter 48
Ilang araw ang lumipas mula nang mangyari iyon. Sa bahay na lamang ng mga Monteverde si Ashton nagtatrabaho. Hindi ko naman siya inutusan na dito na lang magtrabaho. Siya mismo ang may gusto na dito siya para mapanatag ako.
Palagi niyang sinasabi sa akin na walang nangyari sa kanila ni Sabrina at noon pa ang picture na iyon. Unti-unti na sana akong naniwala sa kanya kung hindi ko lang nakita ang pagmumukha ni Sabrina kahapon. Masaya niyang kausap si Tita Amore na parang walang nangyari.
Umiba ang pakiramdam ko dahil tingin ko ay pinagkaisahan ako ng mga tao na nasa paligid ko. Parang wala akong kakampi rito.
Mas lalo lang akong nadismaya sa nanay ko dahil hindi man lang siya lumapit sa akin. Alam ko na nasabi ko lang iyon dahil nasaktan lang ako pero hindi ko akalain na nagpadala siya sa sinabi ko.
Napagtanto ko na mas gusto niya si Sabrina. Mas gusto niya na makasama ang ampon niya kaysa sa amin na mga anak niya. Wala siyang effort na kilalanin kami. Wala! Kaya naiintindihan ko na kung bakit kapag tinatanong ko si Ate tungkol sa kanya ay nagagalit siya. Palagi niyang sinasabi sa akin na huwag na muli akong magtanong tungkol sa nanay namin na walang kuwentang tao.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ni Ashton nang nadatnan niya ako sa kuwarto namin na nakahiga sa kama.
Umupo ako sa kama at saka umiling. Nag-iwas ako ng tingin nang nagtagal ang tingin niya sa akin. Kumirot ang puso ko at kinagat ko ang ibabang labi ko.
May awkwardness na sa pagitan naming dalawa kahit na nandito na siya. Hindi ko alam. Naisip ko na baka matutulad na naman sa dati ang relasyon namin. Pero simula nang naging busy si Ashton ay hindi na niya ako masyadong napagtuunan ng pansin.
Unti-unti na ring nawala ang tiwala ko sa kanya dahil sa nakita ko sa phone noong nakaraan. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Nababaliw na yata ako.
"Kat..."
Nilingon ko siya.
"Ayusin natin ang relasyon natin, hmm?" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko kaya na malamig ka sa akin-"
Natigil siya sa pagsasalita nang biglang nag-ring ang phone niya. Natawa na lamang ako at napailing.
Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at in-off ang tawag.
"Katarina-"
Tumunog muli ang phone niya at kita ko na nanlumo siya. Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya.
"Sagutin mo muna ang tawag, Ashton." Tipid ko siyang nginitian at saka tumayo na. "Lalabas lang ako."
Namilog ang mata niya. "Wait-"
Nag-ring muli ang phone niya kaya napamura na lang siya at sinagot ang tawag. Kumirot ang puso ko at saka lumabas na lamang ng kuwarto na may bigat sa dibdib.
***
"Ma'am, may bisita po kayo," ani Lucy isang araw habang tumitingin ako sa mga niluluto sa kusina.
Nilingon ko siya. "Sino?"
Parang nag-alinlangan pa siyang sagutin ang tanong ko. "Uhm..."
"Sino nga?"
Nagbaba siya ng tingin. "S-Si Ma'am Sabrina po."
Umangat ang gilid ng labi ko. "Bisita ko ba o bisita ni Ashton?"
Napasinghap si Lucy at agad akong tiningnan. "Ikaw po ang hinahanap niya, Ma'am."
Bumuntonghininga ako at saka lumabas na lamang ng kusina. At nang nakarating ako sa sala ay nakita ko si Sabrina na ngayon ay nakangisi na sa akin.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang kakapalan ng kanyang mukha na ngumisi sa akin. Mukha siyang demonyita. Ay hindi! Demonyita talaga.
Tinaasan ko siya ng kilay at saka tumigil sa harap niya. Humalukipkip ako.
"Hi, sister!" masaya niyang sambit at kumaway pa sa akin.
Kumulo bigla ang dugo ko dahil sa kaplastikan. Gusto ko siyang sampalin ngayon mismo pero pinigilan ko ang sarili ko dahil narito ang mga Monteverde.
"Don't call me that, Sabrina. Ampon ka lang kaya manahimik ka."
Napawi ang ngiti niya at napairap. Inilapag niya ang dala niyang envelope sa center table at itinuro ang katapat na upuan.
"Umupo ka. May sasabihin ako sa kapatid ko."
Hindi ko sinunod ang sinabi niya kaya natawa na lamang siya.
"Ano ang kailangan mo? At ang kapal ng mukha mo para magpakita pa sa akin." Kumuyom ang kamao ko. "Sobrang kapal."
Humalakhak siya at saka hinaplos ang kanyang buhok. Ngumuso siya. "Binisita lang naman kita dahil nalaman ko na kapatid pala kita..." madrama niyang sambit. "Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"
"Buang ka ba? May sayad? O sadyang plastic ka lang katulad ng pagmumukha mo," inis ko na sambit. "Wala akong oras makipagchika sa iyo kaya diretsuhin mo na lang ako."
Bumuntonghininga siya at saka kinuha ang envelope na nasa center table. Napatingin ako sa envelope na hawak niya bago sa kanya.
"Sobrang busy na talaga ni Ashton, no? Hindi na niya ako binisita sa bahay."
Kumulo lalo ang dugo ko. "Bakit ka naman niya bibisitahin? Kayo ba? Sobrang tuyo na ba niyang pekpek mo at ang asawa ko pa talaga ang punterya mo?"
Umawang ang labi niya at nagulat sa sinabi ko.
"Kung ano man ang ipinunta mo rito, gawin mo na. Ano ang gagawin mo? Sasabihin mo pa kay Tita ang lahat?" tanong ko at nilakihan siya ng mata. "Go! Gusto mo i-cheer pa kita, eh! Dapat pagkatapos mong sabihin, magpa-check up ka na sa doctor. Baka baliw ka na."
Tumayo siya mula sa pagkaupo at gigil akong tiningnan.
"You! Hindi ko talaga alam kung ano ang nakita ni Ashton sa iyo!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "At hindi rin ako makapaniwala na anak ka ni Mommy! Gosh! Hindi kita tanggap bilang kapatid ko!"
"Aba! Mas lalo lamang ako! Hindi kita kadugo kasi ampon ka lang!"
Napikon yata siya sa sinabi ko kaya tinapon niya sa pagmumukha ko ang dala niyang envelope. Umigting ang panga ko sa ginawa niya.
Nahulog ang envelope sa sahig kaya pinulot ko ito at tiningnan.
"Yan! Yan ang pakay ko rito, Katarina!" asik niya.
Kumunot ang noo ko at binuksan ang envelope. Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa nakita.
"At nandito rin ako dahil sasabihin ko na kay Tita ang lahat ng alam ko at wala kang magagawa kundi ang pirmahan iyan dahil itsapuwera ka na sa pamamahay na ito!"
Bumaling siya sa may pintuan at namilog ang mata niya kaya napabaling din ako. Namilog ang mata ko at napalunok nang nakita na si Tita Amore ang pumasok sa loob ng bahay.
Nang nakita niya kami ay kumunot ang noo niya at ibinigay ang dala niyang bag sa kasambahay.
"Sabrina, what are you doing here?"
"Tita!" Lumapit si Sabrina kay Tita Amore at niyakap sa braso. "Nandito ako, Tita, kasi binisita ko si Ashton. At may sasabihin din ako sa iyo na talagang magpapabago ng tingin mo kay Katarina..."
Umawang ang labi ni Tita Amore at napatingin sa akin. At nang nagkatinginan kami ay tumawa siya at lumayo kay Sabrina.
"Oh, come on, Sabrina! Wala akong oras sa storytelling mo." Humalakhak siya at tinanggal ang kamay ni Sabrina sa braso niya sabay lapit sa akin. "Kumain ka na ba, hija? Where's Ashton?"
Bumaba ang tingin ni Tita Amore sa hawak ko at kita ko ang pagsalubong ng kilay niya at maya-maya ay napasinghap. Gulat niya akong tiningnan at napaatras.
"What is the meaning of this, hija?" Tumaas ang boses niya at gulat na gulat talaga. Nakita niya ang annulment paper.
Hindi ako makapagsalita. Nakakapagod na talaga.
Lumapit si Sabrina sa amin at ngumisi.
"Iyan ang gusto kong malaman mo, Tita. Katarina is planning to leave Ashton dahil nagpakasal lang naman sila hindi dahil mahal nila ang isa't isa kundi dahil sa lupa. Matagal na silang hiwalay, Tita Amore. Two years ago..."
Nanginig ang kamay ko sa galit. Gusto kong manampal ng tao ngayon pero sobrang pagpipigil ang ginawa ko.
Napakurap-kurap si Tita sa sinabi ni Sabrina. "W-What are you talking about, Sabrina? Nandito ka lang ba para gumawa ng eksena?" Tumawa si Tita at tiningnan ako. "Hindi totoo iyon, hija, right?"
"Totoo ang lahat ng sinabi ko, Tita Amore. Matagal na silang hiwalay. Bago pa man kami nagtungong abroad ni Ashton."
"Hija..." Napakurap-kurap siya. "Totoo ba ang sinabi niya?"
Nang hindi ako sumagot ay nagpalinga-linga siya.
"Ashton! Ashton!" tawag niya kay Ashton.
Nakakapagod sa totoo lang! Kung papatulan ko pa si Sabrina ngayon ay baka mas maging masama lang ako at mas tatagal ang problemang ito.
I need to end this. Ayoko na! Ayoko na! Nakakapagod ang mga taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay sinasaktan ako.
Walang lumabas na Ashton kaya nagpatuloy sa pagkuwento ng kasinungalingan ang ilusyunada na si Sabrina.
"N-Nasasaktan ako, Tita." Nagsimula na siyang magdrama. Nagkunwaring nasasaktan talaga. "Ako dapat ang nasa puwesto niya ngayon. Ako dapat ang kasama ni Ashton ngayon, Tita. Ako ang mahal ni Ashton at hindi ang babaeng iyan!"
Natulala si Tita at hindi nakapagsalita. Gusto kong ipaliwanag kay Tita ang lahat. Gusto kong sabihin na totoo ang sinabi ni Sabrina ngunit mahal ko ang anak niya at sa una lang ang set up na iyon. Pero pagod na pagod na talaga ako at gusto ko na lang layuan ang mga tao rito.
"Ako dapat ang nasa puwesto niya."
Magsasalita na sana si Tita nang biglang umeksena ang isang kasambahay at may ibinulong kay Tita. Dismayadong tumingin sa amin si Tita bago siya umalis.
Nang kami na lamang dalawa ay kinuha ko ang ballpen na nasa lamesa at walang pag-alinlangan na pinirmahan ko ang annulment paper.
Nagulat siya sa ginawa ko.
"Sobrang effort mo talaga at ikaw pa talaga ang nag-file ng annulment para sa aming dalawa. Ano ang ginawa mo? Nagpanggap ka ba na ako? Ang kapal talaga ng mukha mo!" Lumapit ako sa kanya at sinampal sa kanya ang annulment paper na halos mapunit na sa lakas ng sampal ko.
"Ayan! Kainin mo ang iyan! Sa iyo na si Ashton at puputulin ko na ang koneksyon naming dalawa! Magsama kayo! Tutal ay bagay naman kayo!"
Akmang magsasalita na sana siya ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magsalita. Sinampal ko siya ulit. Halos mapaupo siya sa sofa sa ginawa ko.
"Isang sampal dahil mas cheap ka pa sa akin. Giatay man ka!" sigaw ko at tinalikuran na siya.
Kuyom na kuyom ang kamao ko at gusto nang lumabas ang luha ko pero pinigilan ko. Ayaw kong umiyak sa harap ni Sabrina. Ayaw ko na maging talunan muli ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top