Chapter 47

Chapter 47

Hindi ako nakatulog dahil buong gabi ako umiyak. Wala akong ganang bumangon at gusto ko na lang matulog ulit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng utak ko ang nakita ko.

Kaya ba paulit-ulit na sinabi ni Sabrina sa akin na kahit kailan ay hindi ako pipiliin ni Ashton? Nababaliw na ako. Gusto ko ng sagot sa mga tanong na nasa utak ko.

Sinubukan kong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo iyon. Na baka isa lang iyon na imahinasyon. Pero hindi, eh. Kahit bali-baliktarin ko ay sila talaga iyon. Si Ashton iyon.

Kumuyom ang kamao ko at bumangon sa kama. Hindi dapat ako nandito at hayaan ang sarili na masaktan. Hindi ko dapat sila hahayaan. Hindi ko hahayaan na manalo si Sabrina sa akin. Lahat na lang ay kinuha niya sa akin. Lahat na lang!

Hindi ako nagpaalam sa mga Monteverde. Umalis ako at nagtungo sa shop ng nanay ni Sabrina. At saktong pagdating ko roon ay nakita ko si Sabrina na nakangiti habang nakatingin sa mga bulaklak.

Walang alinlangan na sumugod ako at hinila ang buhok niya palabas ng shop. Gigil na gigil ako at parang lumabas ang tunay ko na ugali.

“Aray!” tili ni Sabrina pero hindi ako tumigil sa paghila sa kanya hanggang sa tinulak ko siya sa pader ng shop.

Lumabas ang nanay niya na gulat na gulat.

“Anak!”

Nilingon ko saglit si Tita Kelly bago ko tiningnan nang matalim ang babaeng nakangisi na ngayon sa harap ko.

“Oh, Hi Katarina,” nakangiti niyang sambit ngunit sinampal ko siya nang malakas kaya tumagilid ang ulo niya.

“Malandi ka!” sigaw ko at akmang hahablutin ko na sana muli ang buhok niya nang agad siyang nakaiwas at sinampal niya ako pabalik.

Kaya lumapit ang mommy niya na siyang nanay ko rin para awatin kami.

“Ako pa ang malandi?” Natawa siya at nanggigil. “Nasaktan ka lang kasi hindi ikaw ang pinili! I told you, right? Hindi ikaw ang pipiliin ni Ashton!”

“Tama na iyan, Sabrina!” pagmamakaawa ng Mommy niya at hinawakan si Sabrina sa braso kaya natigilan ako at napatitig sa kamay niyang nasa braso ng kanyang anak-anakan.

Natawa na lamang ako pero ang totoo ay nasasaktan ako sa nakita.

“H-Hindi ko akalain na inagaw mo pala ang lahat sa akin.” Nanginig ang boses ko at tumulo ang traydor ko na luha. “Nasa iyo na ang lahat! Nasa iyo na ang karangyaan sa buhay! Nasa iyo na ang kaibigan ko, ang nanay ko, pati ba naman si Ashton ay kukunin mong impakta ka?!”

Namilog ang mata niya at natigilan sa sinabi ko. Nilingon niya ang mommy niya na nakayakap na sa kanya.

Parang ako pa ang masamang tao rito dahil sa eskandalong ito. Pero wala akong pakialam. Masyado na akong sinasaktan ng mga taong nasa paligid ko. Ayaw ko nang magkunwari na okay lang ako.

“M-Mom, what is she saying?”

Napatingin si Tita Kelly sa akin. Hindi ko siya magawang tawagin na Mommy o Mama dahil ayaw ko. Hindi ko feel.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo man lang in-inform sa ampon mong anak kung sino ang mga anak mo?” sarkastiko kong tanong at tiningnan ang gulong-gulo na si Sabrina. “Ang nanay-nanayan mo ay siyang in ana lumuwal sa amin sa mundong ito. Now, masaya ka na? Kinuha mo na ang lahat dahil pabida ka! Magsaya ka! Magsama kayo ni Ashton! Magsama kayo!”

At nang umalis ako ay napahikbi ako. Wala na akong mapupuntahan ngayon. Wala na.

*** 

Umuwi ako na basang-basa. Umulan kasi at naglakad lang ako kaya hinayaan ko ang sarili ko na Mabasa. Sa gitna ng ulan, doon iniyak ko ang lahat. Sumigaw ako at nagwala.

Hindi ko akalain na magagawa ni Ashton sa akin ito. Siya itong nanghingi ng chance sa akin pero parang hindi niya talaga deserve mabigyan dahil sa pagtrato niya sa akin.

Nagmahal lang naman ako. Nagtiwala ulit at gustong sumaya pero bakit pinagkait pa sa akin? Bakit?

“Hija!”

Natarantang lumapit sa akin si Tita Amore at inutusan pa ang isang kasambahay na kumuha ng tuwalya para sa akin. Hindi ako umimik at nakatingin lang ako sa likuran niya kung saan nakita ko si Ashton na ngayon ay alalang-alalang nakatingin sa akin.

“Kat…”

Akmang lalapitan niya ako pero hindi ko siya hinayaan. Dumiretso na lamang ako sa hagdanan at tinanggap ang tuwalya na bigay ng kasambahay. Habang paakyat ako sa hagdan ay naramdaman ko ang pagsunod ni Ashton sa akin.

Nang makapasok kami sa kuwarto ay tumigil ako at nilingon siya.

“Saan ka galing?” unang tanong niya. “Bakit ka nagpabasa sa ulan? Bakit hindi ka nagpaalam na umalis ka? Paano kung may masamang nangyari sa iyo?”

“Bakit hindi ka umuwi kagabi?”

Umawang ang labi niya sa tanong ko at hindi nakasagot.

“Oh, bakit hindi ka makasagot?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

Akmang lalapitan niya ako ngunit umilag ako.

“Kasama mo si Sabrina?” tanong ko muli at nangilid ang luha sa aking mata. “Kasama mo siya sa pagtulog? Magaling ba siya sa kama, Ashton?”

Namilog ang mata niya sa mga tanong ko.

“What?” Lumapit siya sa akin at hinawakan na ang braso ko. “What are you talking about, Katarina?”

Ang kanyang mga mata ay nagtatanong. Binawi ko ang braso ko at saka itinulak siya palayo sa akin.

“S-Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko, Ashton. K-Kaya ka ba naging malamig sa akin dahil nakuha mo na ang gusto mo?” Tumakas ang luha sa aking mata ngunit agad ko itong pinunasan. Ayaw ko nang umiyak sa harapan niya. “Gano’n ba, Ashton? Kaya ba ang tagal mong umuuwi kasi may Sabrina na nagpapaligaya sa iyo gabi-gabi?”

“Kat! Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!” aniya at umiling sa akin. “Alam ko na nagkulang ako ng oras sa iyo. Naging busy ako pero saan ba galing ang mga tanong na iyan? At hindi ko iyon gagawin sa iyo…”

“Hindi mo gagawin kasi gagawin mo pa lang? Ipaliwanag mo itong picture na ito at hindi ako tanga! Hindi ito edited!”

Pinakita ko sa kanya ang picture na s-in-end ni Sabrina sa akin. Nakita ko na namilog ang mata ni Ashton at agad akong inilingan.

“Kat, that was—”

“So, may nangyari nga?”

“Walang nangyari!” agad niyang tanggi at halos nagsusumamo na sa akin. “Walang nangyari! Believe me, that was before! That was when she was about to take her own life! At sa guest room ako natulog pagkatapos ko siyang patahanin. Nagising na lang ako na nasa kuwarto na siya!”

Hinawakan niya ang kamay ko.

“Kat, please. Kung ano man ang iniisip mo, hindi iyon totoo! Shit!”

Nag-iwas ako ng tingin at si Ashton naman ay pilit akong pinaharap sa kanya.

“Kat, busy ako sa trabaho at hindi ko na kinakausap si Sabrina. Please believe me…”

“Hindi mo naman ako mahal, hindi ba?”

“Mahal kita—”

“Kung mahal mo ako, pipiliin mo ako! Pipiliin mo ako hindi iyong pinaparamdam mo sa akin na hindi ako kapili-pili at hindi lang ako! Alam mo, Ashton! Pagod na pagod na ako! Pagod na akong intindihin ka! Pagod na ako sa lahat! Pagod na pagod na ako!”

Humagulhol ako at sinuntok-suntok siya sa dibdib nang niyakap niya ako nang mahigpit.

“Pagod na ako, Ashton…” iyak ko.

“B-But I am not tired, Katarina…” Nanginig ang boses ni Ashton at paulit-ulit na hinalikan ang buhok ko. “Patawarin mo ako, Katarina. Mahal na mahal kita.”

Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako kahit ang sakit-sakit na. Hinayaan ko na lang na damhin ang kanyang halik sa buhok ko dahil alam ko pagkatapos nito ay magbabago na ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top