Chapter 45

Chapter 45

“Pasensya ka na hija at napag-usapan pa natin iyon, ah?” malungkot na ani ni Tita Amore sa akin nang nakauwi kami.

Ang tinutukoy niya ay ang pagkuwento ko tungkol kay Papa.

Tipid akong ngumiti sa kanya. “Ayos lang po iyon.”

Nang nakapasok na kami sa loob ay nakita namin si Ashvon nakahiga sa sofa. Mukhang lasing si Ashvo na n kaya pinauna ako ni Tita at pinuntahan ang suwail na anak.

Narinig ko na sinermonan ni Tita si Ashvon nang umakyat ako sa hagdan. Napabuntonghininga na lamang ako at matamlay na nagtungo sa kuwarto nang nakarating ako sa ikalawang palapag.

Wala si Ashton ngayon sa bahay ng mga Monteverde dahil inasikaso niya ang Negosyo. Kailangan niya raw asikasuhin para na rin may oras na kami sa isa’t isa.

Isa rin sa mga inaalala ko ay ang sinabi ni Sabrina sa akin. Knowing her, alam ko na hindi niya iyon ike-keep as secret. She will do anything to ruin me, to ruin us. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kapag malaman ni Tita na gano’n ang simula namin ni Ashton ay baka mag-iba ang tingin niya sa akin. Baka akalain niya na hindi ko mahal ang anak niya.

Nanginig ang kamay ko at napaupo na lamang sa dulo ng kama. Kinagat ko ang kuko ko sa sobrang overthink.

Mahal na mahal ko si Ashton at ayoko na mawala muli siya sa akin. Kaya kung malaman man ni Tita ay dapat mula sa bibig ko at hindi mula kay Sabrina. Pero paano ko gagawin iyon?

Balisa ako habang mag-isa sa kuwarto kaya kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ashton. Alam ko na busy siya pero gusto ko siya makausap tungkol sa bagay na iyon. Hindi ako mapakali. At bukod doon, gusto kong magpasama sa kanya. Kailangan ko yata ng kasama ngayon. 

Mabuti at sinagot niya ang tawag kaya napahiga ako sa malambot na kama habang ang aking phone ay nasa tapat ng tainga ko.

“Hello…” sagot ni Ashton.

Napangiti ako. “Ash…”

“Yes.”

Napawi ang ngiti ko nang nakaramdam ako ng lamig sa boses niya. Kinabahan ako bigla. Hindi naman kasi kami nag-away at masaya naman kami.

“B-Busy ka ba?” kinakabahan ko na tanong at napalunok.

Gusto ko magpasama sa kanya sa sementeryo. Tingin ko ay kailangan iyon matapos ko siyang maikuwento sa hindi kilalang tao.

Pero sa lamig ng boses ni Ashton ngayon ay mukhang hindi ko na siya mayaya. Nawalan na ako ng lakas na sabihin iyon.

Bumuntonghininga si Ashton sa kabilang linya. Mukha siyang pagod. “I’m sorry, Kat. Pagod ako ngayon at nandito pa ako sa office. I’ll call you later, okay?”

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi naman siguro masama na intindihin ko siya, hindi ba? Hindi lang naman ako ang priority niya. May business din siyang inaasikaso.

“Okay, Ashton.” At in-off ko na ang tawag bago pa man siya makapagsalita.

Nangilid ang luha ko sa sobrang sama ng loob. Ang daming bumagabag sa isip ko. Dumagdag pa si Ashton.

Tumayo na lamang ako at naisipan na dalawin si Papa na mag-isa. Nagpaalam ako kay Tita Amore na pupuntahan ko si Ate at hindi na kailangan ng bodyguards dahil wala namang masamang mangyayari sa akin. Mabuti at pumayag si Tita kaya naman nang nakalabas ay bumili ako ng bulaklak bago sumakay ng jeep patungong sementeryo.

Hindi ko na nadalaw si Papa kaya ito na yata ang pagkakataong madalaw siya ulit. Napangiti na lamang ako habang tinitigan ang bulaklak. May dala rin akong kandila at posporo dahil baka hindi bukas ang tindahan sa sementeryo.

Naglakad ako patungo sa puntod ni Papa pero natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa puntod ni Papa. Nakita ko siyang nagpunas ng kanyang luha at nang humarap ang babae ay napaatras ako at nabitiwan ko ang dala kong bulaklak.

Ang nasa harap ko ngayon ay walang iba kundi si Ma’am Kelly, ang nanay ni Sabrina.

Ano ang ginagawa niya rito?

Kumunot ang noo ko at sinilip ang puntod ni Papa. May nakalagay na bulaklak at kandila na roon.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

“Hija—”

“Kilala mo si Papa?”

Maraming mga posibilidad ang pumasok sa isip ko. Pero ayokong tanggapin. Ayokong isipin. Bakit niya naman bibisitahin si Papa hindi ba? Hindi naman sila magkakilala?

Tumulo ang luha sa kanyang mata kaya nakumpirma ko ang ibig kong malaman. Napaatras ako lalo at kumirot ang puso ko. Unti-unting nangilid ang luha sa aking mata.

Siya ba? Siya ba ang babaeng matagal na hinihintay ni Papa?

“A-Anak…” lumuluhang sambit niya at akmang lalapit sa akin pero umatras ako lalo.

Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata at hindi makapaniwala.

“H-Huwag kang lalapit,” umiling-iling ko na sambit at pilit pinakalma ang sarili. “Hindi ikaw ang nanay namin. Imposible! Nanay ka ni Sabrina!”

Humikbi na siya. “Sobrang tagal na ng panahon nang huli ko siyang makita…”

Sa unang sinambit niya pa lang ay sakit na ang naramdaman ko. Hindi ko maiwasan ang magkaroon ng sama ng loob sa kanya.

“Sobrang tagal na ng panahon na hindi ko nakita ang mahal ko…” Pinunasan niya ang luha sa kanyang mata. “Ngayon ay wala na siya ay sising-sisi ako sa pag-iwan sa kanya at sa inyo…”

Hindi ko na siya maaninag dahil napuno na ng luha ang mata ko. Noon, sobrang sabik na sabik akong makilala ang nanay ko na iniwan kami. Noon, sobrang nangungulila ako sa  pagmamahal ng isang ina.

Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko. Ngayong nakilala ko na siya parang nag-iba ang pakiramdam ko lalo na ang nasa harap ko ay siyang ina ng babaeng iyon.

“P-Patawarin niyo ako, anak,” nanginginig niyang sambit sa akin.

Nangatog ang tuhod ko.

“B-Bakit?”

Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Kung siya ang nanay namin, marami pa siyang pagkakataong bumalik sa amin pero hindi niya ginawa. Nag-alaga siya ng ibang bata pero kami…

“Anak—”

“Kung hindi mo siguro nalaman na patay na si Papa ay hindi ka siguro sisipot. Siguro kung hindi mo alam ay baka hindi rin kita makilala.” Hinabol ko ang hininga ko dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Tinuro ko ang puntod ng ama ko. “Tingin  mo ay maibabalik mo ang sorry mo ang lahat? Tingin mo ay maibabalik mo si Papa sa sorry mo?” Parang gustong sumabog ng ugat ko sa leeg. “S-Sobrang tagal ka niyang hinintay…” Napahikbi na ako. “Hindi siya naghanap ng iba. Kahit ang Ate ko ay pinipilit si Papa na maghanap ng iba pero hindi niya ginawa dahil nagbakasakali si Papa na balikan mo siya ulit!”

Parang piniga ang puso ko nang maisip ko ulit si Papa. Ano pa ba ang saysay?

“Hinintay ka ni Papa kahit alam niyang imposible! Palagi niyang binalik-balikan ang lupaing paborito ninyong dalawa. Hinintay ka niya at patuloy na minahal hanggang sa huling hininga niya…”

Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha. Nag-angat siya ng tingin sa akin at pinagtagpo ang kanyang mga palad.

“P-Patawarin mo ako, anak. Patawarin moa ko,” paulit-ulit niyang sambit. “Sinubukan ko kayong balikan, anak…Sinubukan ko…”

Suminghap ako. “Kung talagang mahal mo kami gagawa ka ng paraan para makabalik sa amin! Kahit gaano kaayaw ng tadhana ay babalik ka! Pero nagawa mo kaming tiisin na hindi makasama. It’s your choice not to be with us! Instead, nag-ampon ka pa!”

Napapikit siya habang buhos na buhos ang luha.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo…” Pilit kong pinakalma ang sarili ko. “Hindi mo kami masisisi kung hindi ka namin mapapatawad agad. Hindi ka rin namin kailangan. Gusto ko lang malaman mo na wala ka nang babalikan sa amin,” matigas kong sambit na ikinamulat niya. Namilog ang mata niya sa sinabi ko.

“Anak…”

“Ngayong nakilala na kita, puwede mo na kaming kalimutan at bumalik sa maganda mong buhay kasama ang pinakamamahal mong anak,” sarkastiko kong sabi.

Tatalikod na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Napapikit ako at napahikbi. Hindi ko alam pero basta-basta na lamang iyon lumalabas sa bibig ko nang maisip ko si Sabrina.

Ang suwerte ng babaeng iyon!

“Anak…”

Inayos ko ang sarili ko ngunit hindi ko na siya binalingan.

“Tumayo ka na po diyan. Kahit maglumpasay ka pa sa harap ko, hindi mo mababago ang isip ko. It takes time to heal our hearts. Hindi mo alam ang pinagdaanan namin habang wala ka sa piling namin. Mas inuna mo pang humingi ng tawad to clean your sins kaysa sa hanapin kami at balikan. Okay na ang buhay namin. Sana huwag mo nang guluhin.”

At iniwan ko na siya roon kasabay ng pagsikip ng dibdib ko.

Sorry, Papa. Alam ko na gusto mong makasama namin ang nanay namin. Pangarap mo iyon, Pa, pero nadala lang ako sa sobrang dismayado ko. Dismayado ako sa kanya, Pa, dahil ang dami niyang oras na balikan kami. Sobrang lapit niya lang pala sa atin. Nanay siya ni Sabrina na siyang kinaiinisan ko sa lahat.

Napahikbi na lamang ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro tingin nila ay mukha akong baliw.

Sinubukan kong tawagan si Ashton para kunin ako rito pero dumoble ang sikip sa dibdib ko nang hindi niya sinagot ang tawag. Ilang beses akong umulit pero sumuko rin.

Kailangan na kailangan ko siya ngayon. Lalo na sa nalaman ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nalilito ako. Nasasaktan at na-guilty sa mga salita na binitawan ko.

Nasa may kalsada na ako ngayon at walang masasakyan. Malapit nang gumabi.

“Crystal!”

Luhaan kong nilingon ang lalaking tumawag sa akin. Hindi ko maaninag ang kanyang hitsura pero sa boses niya pa lang, alam ko na kung sino ito.

Napahikbi ako lalo.

“Art…” naibulong ko na lang.

Hindi ko akalain na sa kanya ko pala ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Kay Art.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top