Chapter 44
Chapter 44
Ilang araw ang lumipas at mas naging mabuti ang relasyon namin ni Ashton. Narito pa rin kami sa puder ng mga Monteverde at welcome na welcome ako rito. Sobra silang maalagain lalong-lalo na si Tita Amore at Tito Ash na siyang tahimik lang ngunit magaan din ang pagtanggap sa akin.
“Ano ang plano ninyong mag-asawa at hindi pa yata kayo umaalis?” nagtatakang tanong ni Tito Ash habang nasa hapagkainan kami.
Nakita ko si Lucy na tahimik na tumulong sa mga kasambahay sa paglapag ng mga nilulutong ulam sa hapag. Tiningnan ko si Ashvon at nahuli ko siyang nakatitig kay Lucy na pokus lang sa ginagawa at hindi alam na titig na titig na pala ang binata sa kanya.
Kumunot ang noo ko at biglang napaisip? May gusto ba si Ashvon kay Lucy? Ibinalik ko ang tingin kay Lucy na ngayon ay umalis na.
Bumuntonghininga ako at binalingan si Ashton. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ilalim ng lamesa at pinagsalikop. Saglit siyang tumingin sa akin bago sa kanyang mga magulang na kumakain.
“Ang pinsan ninyo na si Raiko, hindi na yata alam ang direksyon sa buhay at hindi pa yata mag-aasawa,” ani Tita Amore sabay inom sa kanyang tsaa. Pagkatapos ininom ay ibinaba niya ang tasa at saka tiningnan kami. “Sa lahat ng mga Monteverde, siya lang yata ang rebelde at ayaw sumunod.”
Bumuntonghininga si Ashton. “Mom, Raiko is still young.”
Napairap si Tita. “Young? Kapag isa kang Monteverde, alam mo na dapat ang responsibilidad mo. Nasa tamang edad na siya. Puwede na siyang mag-asawa.”
Nanatili lang akong nakinig sa kanila habang tahimik na kumakain. Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay ni Ashton para makakain nang maayos.
Ang weird din ng pamilya na ito. Napapansin ko na ang aga-aga mag-asawa. Well, mayaman naman sila kaya normal na siguro kapag isang Monteverde.
“Mom, brokenhearted si Kuya Raiko. He may be rebel but he’s my favorite cousin,” ani Ashley sa maarte na boses. “Plus, he is super guwapo, Mom! At hindi boring. Hindi katulad ng mga kapatid ko. Isali niyo na si Kotaro! Ang boring ng Japanese na iyon!”
“Why not ask about Kotaro?” natatawang tanong ni Ashvon sabay kuha sa chicken nuggets sa pinggan. “Ikakasal na dapat siya kay Faye, right? Pero nagpunta ng ibang bansa si Faye.”
“Kuya Kotaro is young too!” ani Ashley, sinamaan ng tingin si Ashvon.
“Well, Sis. He is the oldest Monteverde!” hindi nagpapatalong sambit ni Ashvon.
“Ilang buwan lang ang agwat nila ni Kuya Ashred! He is not the oldest of the oldest!” giit ni Ashley at umirap.
Napasapo na lamang ng noo si Tito Ash. Stress na stress na siguro sa mga buhay ng kanyang angkan. Paano ba naman kasi Tito Ash? Bakit ganiyan ang pamilya ninyo? Imbes na mag-e-enjoy pa sana sa buhay ang mga taong ito, itatadhana na ikakasal na sa mga taong nakatadhana sa kanila. Ang babata pa ng edad!
Kumuha ako ng table napkin at saka ipinunas na gilid ng labi ko nang matapos akong kumain. Bumaling ang tingin sa akin ni Tita kaya napaayos ako ng upo. Ngumuso naman si Ashton sa akin at siya na nagpunas sa mga natirang kalat sa gilid ng labi ko.
“Hija, sumama ka sa akin mamaya. Opening kasi ng shop ng kaibigan ko,” aya ni Tita Amore sabay ngiti.
Hindi ko alam kung saang lugar pero sumang-ayon ako. Sino naman ang tatanggi? Si Tita na ang umaya, eh? Gusto ko rin lumabas kasama siya at tingnan kung anong klaseng buhay mayroon siya sa labas.
At tama lang din na sumang-ayon ako dahil aalis yata si Ashton ngayon. Related sa business niya.
***
Mabuti at pinayagan ako ni Ashton na sumama kay Tita. Suot ko ang floral dress at flat doll shoes. Simple lang ang damit ko pero sobrang mahal ng presyo.
Sumama ako kay Tita sa bayan kung saan naroon ang shop ng kanyang kaibigan.
“Mahilig ka ba sa halaman, hija?” tanong ni Tita habang nasa kotse kami. Hawak niya ang kamay ko.
Nginitian ko si Tita. “Hindi po masyado, Tita. Pero si Ate po ay mahilig. Masipag po siyang magtanim.”
Naalala ko noon si Ate na sobrang excited kapag may bagong halaman na nabili. Ang sabi ni Papa, namana daw ang kahiligan ni Ate sa mga halaman sa nanay namin.
“Aba! Mabuti naman at kahiligan iyan ni Kalla,” manghang sabi ni Tita.
Kilala na niya si Ate sa pangalan pero hindi pa sila nagkita kailanman dahil ayaw ni Ate.
“Opo,” tanging sagot ko at napatingin na lamang sa bintana.
“Huwag mo na lang alalahanin si Sabrina kapag nagkita kayo roon.”
Napalingon ako kay Tita at nanlaki ang aking mata. Sabrina?
Ibig sabihin ang kaibigan na tinutukoy ni Tita ay mommy ni Sabrina?
Hindi na lamang ako nagsalita at nag-iwas na lamang ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Peaceful ang buhay ko nitong nakaraang araw dahil walang Sabrina na sagabal. Hindi man lang sinabi ni Tita na nandoon si Sabrina.
“Hija, pasensya na at hindi ko sinabi sa iyo. Baka kasi hindi ka sumama at hindi ko naman hahayaan na saktan ka ni Sabrina. Maraming tao roon and I don’t think na mag-e-eskandalo si Sabrina. Wala sa pamilya nila ang eskandalosa.” Awkward na tumawa si Tita matapos sabihin iyon.
Napangiwi na lamang ako at napailing.
Nang nakarating kami sa shop ay nalula ako sa dami ng tao. Mula sa labas ay kita ko agad ang iba’t ibang klase ng mga halaman, mga pots, at iba pa.
Kung kasama ko lang si Ate ay baka nagniningning na ang mga mata no’n dahil sa mga halaman na ngayon ko pa lang nakita. Parang mga pananim ng ibang bansa.
Sumama ako kay Tita sa pagpasok sa loob ng shop. Napanganga ako sa sobrang ganda ng mga disenyo nang inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng shop.
“Hija, dito ka muna. Hahanapin ko muna si Kelly,” ani Tita.
Tango lang ang aking sagot at naisipan na maglibot. Habang naglilibot ay narinig ko ang mga positibong komento ng mga tao habang tinitingnan ang mga pots. May plastic, may gawa sa bato at iba pa. Kaya sure ako na magiging successful ang shop na ito. Kapag maayos na kami ni Ate, ire-recommend ko ito sa kanya.
“At ano naman ang ginagawa mo rito?”
Natigil ako sa pagtitig sa isang pot nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Sabrina. Nilingon ko siya at umangat ang aking kilay nang nakita ko siyang pulang-pula ang labi habang naka-shades. Halos pareho pa kami ng suot kaya mas lalo akong nairita.
“Wala na ba akong karapatang magpunta rito?” pabalik ko na tanong at napahalukipkip.
Ngumiwi siya at umirap sa akin. “You know how I hate you so much, Katarina. Inagaw mo si Ashton sa akin. Sinira mo ang pagkakaibigan namin.”
Natawa ako sa sinabi niya at napailing. Buang na ba ang babaeng ito? Alam niya ba ang pinagsasabi niya?
“Sumira?” Humakbang ako palapit sa kanya. “Bakit naman ako ang sinisisi mo, Sabrina? Iba ang girlfriend sa kaibigan lang. Girlfriend ako, asawa ako, ikaw, kaibigan lang pero kung umasta ka ay para kang dikit na dikit na ahas. Parang ikaw ang girlfriend. Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hanggang kaibigan ka lang?”
Nagulat siya sa sinabi ko.
“And for your information, Sabrina. Ikaw ang sumira sa pagkakaibigan ninyo ni Ashton,” dagdag ko at ngumisi. “Ikaw.”
“Kung hindi ka na lang sana bumalik ay kami na sana ni Ashton ngayon. Sasagutin ko na sana siya pero dumating ka! Bumalik! Bakit ka pa bumalik? Sinaktan mo siya!” Lumaki ang mata niya. Nagmumukha na siyang owl sa paningin ko. “Bakit ang lakas ng loob mong bumalik? Ano’ng akala mo? Panalo ka na?” Humakbang siya palapit sa akin at ngumisi. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. “Alam ko ang sekreto ninyong dalawa ni Ashton at kapag sasabihin ko kay Tita ang sekreto na iyon, lagot ka.”
Bigla akong nanigas at namutla sa kanyang sinabi. Nang umatras siya ay nakita ko ang matagumpay niyang ngiti. Halatang-halata ang reaksyon ko ngayon. Shit! Hindi man lang ako nakahanda!
“Enjoy mo muna ang mga araw na magkasama kayo ni Ashton, Katarina,” madrama niyang sabi at binaba pa ang kanyang shades. “Dahil sa oras na sasabihin ko ang lahat ng alam ko tungkol sa kasal ninyo, sigurado ako na hindi ka tatanggapin ni Tita at baka ikaw pa mismo ang mag-file ng annulment dahil sa takot.”
Nawalan ako ng salita. Parang pinutol ang dila ko. Alam ba niya ang tungkol sa likod ng kasal namin ni Ashton? Paano niya nalaman?
“Babalik ka sa dati mong buhay at babalik si Ashton sa akin.” Pilyo siyang ngumiti. “Because he will never choose you, Katarina. He will choose me when the time comes.”
Humalakhak siya at nang tumalikod, hindi siya nakahakbang paalis dahil nakita niya ang isang matandang babae na nakatingin na sa amin, nakakunot ang noo.
“L-Lola!” gulat na sambit ni Sabrina.
Humakbang palapit kay Sabrina ang matanda. “What are you doing here, Sabrina?” Sinilip ako ng matanda. “At bakit siya namumutla? Plano mo bang sirain ang opening ng shop ng mommy mong ampon ka?”
Umawang ang labi ko sa gulat. Nagulat ako sa narinig at lumabas sa bibig ng matanda. Ampon? Ampon si Sabrina?
Hindi nagsalita si Sabrina at inis na nilagpasan ang matanda na poker face ang mukha. Kung maldita si Sabrina, pinakamaldita ang matandang nakatingin na sa akin ngayon. Sa pagmumukha pa lang, parang matutunaw ang tuhod mo sa panginginig.
“Are you alright?” tanong niya.
Tumango ako at napahawak sa braso sa sobrang kaba. Lola yata ito ni Sabrina.
“Sino ang kasama mo?” tanong niya muli at ngumiti sa akin.
Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako.
“Ako ang kasama niya, Tita Corazon.”
Sabay kaming napalingon kay Tita Amore na ngayon ay kasama na ang nanay ni Sabrina na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Nagbaba ako ng tingin. “Magandang araw po.”
Nang tumingin ako ay tanging ngiti lang ang isinagot ng nanay ni Sabrina sa akin at inilipat ang tingin sa matanda.
“Nag-enjoy ka ba rito, hija?” tanong ni Tita Amore. “Alam kong hindi mo kahiligan ang mga ganito. Puwede mong papuntahin ang kapatid mo!”
“Kaano-ano mo siya Amore at sobraang gaan yata ng loob ko sa kanya,” tanong ng matanda na siyang ikinasinghap ko.
Napatingin ako sa matanda na ngayon ay masayang nakangiti sa amin.
Hinawakan ako ni Tita Amore sa braso. “Siya aang asawa ni Ashton, Tita. Si Katarina Ayala.”
Nawala ang ngiti ng matanda at napalitan ng pagkunot ng noo.
“Ayala?”
“Opo,” ako na ang sumagot.
“Anak siya ng namayapang engineer na si Christopher Ayala, Tita Corazon,” ani Tita Amore.
“Namayapa?”
Sabay kaming napabaling kay Tita Kelly na siyang nanay ni Sabrina. Kita ko ang gulat sa kanyang mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan ang magtaka sa kanyang reaksyon pero sumagot pa rin ako.
“Opo, patay na po ang Papa ko. Wala pang taon.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top