Chapter 42

Chapter 42

“Ma’am, me so happy you here!” maligayang sambit ni Lucy nang makasama ko siya sa kusina.

Balak ko kasing lutuan si Ashton ng agahan ngunit nakaluto na pala ang taga-luto nila sa mansiyon. At nadatnan ko si Lucy na naghuhugas ng pinggan.

Pinagmasdan ko siya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang dalagita na ito. Kung hindi lang siya kasambahay rito ay puwede siya maging kasing level ni Ashley dahil maganda siya.

“Wala ka bang balak mag-aral muli?” hindi ko mapigilan ang magtanong sa sobrang kuryoso ko sa kanya.

Natigil sa pagbanlaw si Lucy sa pinggan at saka binalingan ako. Ngumiti siya. “Tinutulungan ako ni Ma’am Amore.” At ibinalik niya ang tingin niya sa mga pinggan at nagpatuloy sa pagbabanlaw. “Nag-ALS ako Ma’am para diretso na ako sa college. Gusto ko rin matutong mag-english!”

Napatango ako. Siguro kaya gano’n siya magsalita dahil gusto niya pala talaga matuto.

“Lucy,” mahinahon kong tawag sa kanyang pangalan.

Nilingon niya ako. “Po?”

Hinawakan ko ang kanyang balikat. “Matututo ka rin. Huwag mong intindihin ang mga taong pinagtatawanan ka. Balanga raw, ikaw ang pinakamagaling magsalita ng ingles!”

Lumaki ang ngiti niya. “Thank you, Ma’am! At saka binigyan din ako ni Sir Ashvon ng dictionary!”

Kumunot ang noo ko. Ashvon?

Tinanggal ko ang kamay ko sa balikat niya at kinunutan siya ng noo.

“Bakit ka niya binibigyan?” tanong ko.

Ang batang ito ay inosenteng-inosente. At kilala ko ang nakakatandang kapatid ni Ashton. Kahit 11 months lang agwat nila ay kilala ko iyon. Babaero! Hindi ko maatim kung pati ang menor de edad na batang ito ay lalandiin niya.

Nagkibit-balikat si Lucy at ngumuso. “Hindi ko po alam, Ma’am! Ang sabi niya ay isasama niya raw ako sa ibang bansa. Imposible naman yata iyon Ma’am dahil sobrang yaman ni Sir Ashvon tapos kasambahay po ako rito. Paano niya naman ako isasama? Ang weird po ni Sir, Ma’am!” Napakamot siya sa kanyang ulo.

Namilog ang mata ko sa narinig. Jusko, Ashvon! Inuuto mo ba ang babaeng ito? Ashvon, wala ka talagang pinipili no?

Huminga ako nang malalim at pinapakalma ang sarili.

“Mag-aral ka nang mabuti, Lucy,” nasabi ko na lang. “Hindi mo kilala si Ashvon. Pumapatol iyon sa bata!”

Naalala ko ang huling alam ko na girlfriend ni Ashvon noon ay nasa first year college habang siya ay graduating na.

“Hindi na po ako bata, Ma’am. 18 na po ako.”

“Kahit na! Huwag kang papatol doon, ah?” paalala ko. “Hahanapan kita ng boyfriend!”

“Po?” Namilog ang mata niya. “Hindi pa po ako puwede mag-boyfriend. Boyfriend is ugly and fake liar.”

“Ha?”

Magsasalita na sana siya ngunit agad ding bumalik sa ginagawa nang makita niya si Ashvon na mukhang kanina pa yata nandito. Umawang ang labi ko at hinarap ang lalaking parang hari na nakaupo sa may sulok, kumakain ng lollipop.

“Hello, sister-in-law!” nakangisi niyang sambit at tinapunan pa niya ako ng lollipop. “Ano ang ginagawa mo rito? Lulutuan mo ba ang asawa mo? Bakit mo sinira ang image ko sa kasambahay namin?”

Sinamaan ko siya ng tingin kaya humalakhak siya. Sinulyapan ko ang gawi ni Lucy at kalmado lang siyang nagbabanlaw. Sobrang inosente ng babaeng ito. Hindi niya man lang ba niya alam na siya ang punterya ng lalaking ito?

Binalik ko ang tingin kay Ashvon na ngayon ay nakatayo na at nakapamulsa.

“Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?” Tumawa siya at humalukipkip. “Sakit naman sa heart na siniraan mo ako sa kanya.”

Sinapo niya ang dibdib niya, nagkunwaring nasasaktan pero halos mapunit na ang labi sa laki ng ngisi.

Akmang lalapit siya sa banda ni Lucy ngunit hinarangan ko siya. Napaatras siya sa ginawa ko.

“Gusto ko lang naman silipin ang ginawa ng katulong ko, Katarina. Sobrang bored na bored ako ngayon. Trip ko nga siyang tulungan sa kanyang gawain.”

Nainis na ako dahil pilit talaga siyang lumapit sa walang ka-ideya na si Lucy. Jusko. Ano ba naman ito?

“Kapag ikaw may ginawang masama sa kanya…” Tinuro ko ang pants niya. “…puputulin ko iyang tit emo at hiwa-hiwain. Makikita mo,” pagbabanta ko na nagpapawi ng ngisi niya.

Agad niyang tinakpan ang pants kung saan naroon ang zipper at saka takot na lumayo sa akin.

“Huwag naman.” Ngumisi siya muli sa akin, nang-aasar na. “Ito lang ang pag-asa ko. Paano ako makakalahi ng sampung anak? Pagong kasi si Ashton kaya siguro hindi pa kayo makagawa ng sampung anak. Kaya ako na itong kinukulit ni Mommy. Kaya maghahanap ako ng bubuntisin.”

“Buang!”

Nag-peace sign siya at saka nagmamadaling lumabas ng kusina. “Joke lang!”

Naibagsak ko ang balikat ko at saka nilingon si Lucy na katatapos lang sa paghuhugas. Agad ko siyang nilapitan at saka hinawakan sa braso. Nagulat siya sa ginawa ko.

“M-Ma’am?”

“Huwag kang pumatol sa lalaking iyon. Dugyot iyon,” paninira ko sabay iling sa kanya.

“D-Dugyot?”

Tumango ako at inakbayan siya.

“Sumama ka na lang sa amin ni Ashton sa palengke. May bibilhin kami.”

*** 

“Where are we going?” kunot-noong tanong ni Ashton at saka binalingan si Lucy na nasa tabi ko. “At bakit kasama siya?”

Inakbayan ko si Lucy kaya bumaba ang mata ni Ashton sa kamay kong nasa balikat ni Lucy. Kita ko ang iristasyon sa mata ni Ashton at nag-iwas na lang ng tingin.

“Sasama siya sa SM!”

Tumango si Ashton at saka inutusan ang driver na bumyahe na. Sinabihan ko na kasi ang driver na sa SM ang punta namin. Well, alam naman ni Manong driver ang ibig kong sabihin.

Nasa likod kaming dalawa ni Lucy habang si Ashton ay nasa front seat. Hindi yata matanggap na si Lucy ang katabi ko kaya busangot na busangot ang mukha.

Nang makarating kami ay nauna na kaming bumaba ni Lucy sa kotse. Dala ni Lucy ang basket niya habang si Ashton ay naguguluhang lumabas. Nilapitan niya ako.

“Akala ko ba ay sa SM tayo?” kunot-noo niyang tanong at nagpalinga-linga.

Tinanguan ko ang driver at sinabihan na doon na lang siya maghintay sa parking lot. Sinuot naman ni Ashton ang kanyang shades at sombrero. Nagmumukha tuloy siyang turista.

“SM?” Nakita ko na nandiri siya siguro dahil na rin sa baho at lansa. “Nasa palengke tayo. Paano mo nasabi na SM ito? Pinagloloko mo ba ako?”

Napairap ako at tiningnan siya.

“SM! Sa Merkado!” Tumango-tango ako at iniwan na siya roong tulala at gulat na gulat.

Sumunod naman si Lucy sa akin na mukhang nag-aalala na sa boss niya.

“Ma’am!” may bahid na takot ang pagtawag ni Lucy sa akin.

“Bakit?” Tumigil ako sa paglalakad.

“Ayaw po ni Sir Ashton sa mababahong lugar.”

Napabuntonghininga na lamang ako at nilingon si Ashton na todo takip sa kanyang ilong at halos hindi na gumagalaw sa kanyang puwesto kanina. Ang kanyang bodyguards ay todo bigay sa kanya ng alcohol at face mask.

Ang dami niyang arte! Hindi naman madumi ang palengke!

Tiningnan ko si Lucy. “Hayaan mo na siya, Lucy. Puwede naman siyang hindi tumuloy. Hindi ko na kasalanan na hindi niya alam ang meaning ng SM sa mga kagaya kong tao.” At nagpatuloy ako sa paglalakad.

***  

Nakarating kami sa isdaan at totoo namang malansa dahil sa mga isda na naka-display. Sanay na ako sa baho kaya hindi na ako nag-iinarte.

“Tilapia, Ma’am! Baka gusto mo,” nakangiting ani ng tindero.

Napaharap ako sa puwesto niya at saka tiningnan ang iba’t ibang isda na benta niya. Tinuro ko ang tilapia.

“Ito ang gusto ko. Limang kilo.”

Hindi ko kasama si Lucy dito sa isdaan dahil naroon siya sa karnehan. Siya na lang ang pinapunta ko roon para hindi na kami magtatagal. Baka mas lalong mainis si Ashton sa akin dahil dito.

Habang pinagmamasdan ko ang pagkilo ng tindero sa isda na pinili ko, nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaputing pulo. Nasa isdaan din siya, namimili ng isda. Umawang ang labi ko at agad kumaway sa kanya.

“Art!” tawag ko.

Kunot-noo niya akong nilingon at namilog ang mata nang makita ako.

“Crystal!” Lumiwanag ang mukha niya at iniwan ang puwesto niya upang magtungo sa puwesto ko.

Napangiti na lamang ako. Mabuti naman at hindi na gaano namaga ang sugat niya. Nag-alala pa naman ako at nakonsensya.

“Bibili ka rin ng isda?” tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.

Ngumiti siya sa akin at tumango. “Oo, suki ako rito.”

Napatango na lang ako at tumabi para makapili siya ng isda.

Hindi ko maiwasan ang ma-curious kay Art. Pangatlong beses pa lang namin itong pagkikita at sa pananamit niya ngayon, successful na siya kagaya ni Ashton. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ano kaya ang trabaho niya?

Curious ako kasi mabait na tao si Art kaya naging crush ko siya noon.

“May free time ka ba, Crystal?”

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya dahil sa tinanong niya.

“M-Meron…” medyo may pag-aalinlangan ko na sagot at saka nagbayad na sa tindero. Kinuha ko ang isda na binili ko at mulis iyang binalingan. “Bakit?”

“Plano sana kitang yayain sa party ng kaibigan ko kung okay lang sa iyo.”

Umiba ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Gusto kong tanggihan dahil alam ko na hindi ako papayagan ni Ashton ngunit gusto ko rin sanang bumawi dahil sa nangyari sa kanya.

Sasagot na sana ako nang may biglang humila sa akin at inilagay ako sa likod. Namilog ang mata ko at napasinghap nang makita na si Ashton ito. Nakaigting ang panga niya at sobrang higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.

Umiba ang ekspresyon ni Art sa biglang eksena ni Ashton.

“Hindi okay, Arturo,” mariing sambit ni Ashton. “Bakit mo iniimbitahan ang asawa ko sa party? She is already married to me and you two are not close para imbitahan mo siya.”

Umawang ang labi ko. Gustuhin ko mang kumawala kay Ashton pero ayaw ko ring gumawa ng eksena.

Bumuntonghininga si Art at saka humakbang palapit kay Ashton. Nagtagisan sila ng tingin.

“Magkaibigan kami ni Katarina, Ashton…” Tumaas ang kilay niya at umangat din ang gilid ng labi. “Pero kung ang nasa isip mo ay ang agawin siya mula sa iyo…” Sinulayapan ako ni Art bago ngumisi at tumango kay Ashton. “I will snatch her away from you, Ashton Jacques. Remember that.”

Napasinghap ako sa gulat at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Ramdam ko ang panlalamig ni Ashton.

Shit! This is not good.

Hindi makapaniwala tiningnan ko si Art.

“I like you, Crystal. At handa kong tanggapin ka sa oras na saktan ka ng lalaking ito. I don’t fucking care about him and his money. If he’s hurting you, I am one call away.”

“Shut up, Arturo!” Nagtagis ang bagang ni Ashton. “Hindi mo alam kung ano ang pinapasukan mo ngayon.”

“I know what I am doing, Ashton.” He chuckled. “Kaya huwag mong saktan.”

Ngumiti sa akin si Art pagkatapos niyang sabihin iyon kay Ashton ngunit hindi ko na siya mangitian pabalik. Gusto niya ako?

“Bye, Crystal.” At nilagpasan na niya kami.

Napalunok ako at hindi na alam ang gagawin. Hinarap ako ni Ashton at kita ko ang inis at galit sa kanyang mukha.

“Stay away from him, Katarina, kung ayaw mong umalis tayo ng bansa just to get rid of that bastard!” Hinila na niya ako palabas ng palengke at puwersahang pinapasok sa loob.

Nakita ko si Lucy sa backseat kaya nakahinga ako ng maluwag.

“I am jealous right now, Katarina. Gawin mo ang lahat, mapawi lang ito,” malamig niyang sambit bago sinara ang pinto ng backseat at sa front seat umupo.

Napakagat na lamang ako sa aking labi at napapikit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top