Chapter 41

Chapter 41

Imbes na magsaya ako pag-uwi ko ay na-badtrip lang ako dahil sa nangyari lalo nan ang makita ko si Ashton na mukhang hinihintay ang aking pagdating.

Nang makita niya ako ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi ngunit hindi ko tinugunan ang ngiti na iyon. Nakakagigil pa rin siya at gusto ko siyang sabunutan kaso hindi puwede dahil wala kami sa pamamahay niya.

“Baby…” Sasalubungin sana niya ako ng yakap ngunit umiwas ako at saka inirapan siya.

Nagulat siya sa ginawa ko at nalito. Hindi ko na pinansin pa ang kanyang reaksyon at dumiretso na sa may hagdan. Naabutan ko pa si Ashley na nasa sala habang hawak ang kanyang video camera.

Oo, nandito pa rin kami sa mansiyon ng mga Monteverde. Isang linggo kaming mananatili rito ayon kay Ashton.

“What the? Bakit hindi ako pinansin?” narinig kong tanong ni Ashton sa dalawa nang nasa ikalawang palapag na ako.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng kuwarto naman ni Ashton at hinintay ang sagot ng dalawa ngunit nadismaya lang ako sa narinig.

“Ewan. Kaya mo na iyan, pare. Malaki ka na.”

“Yeah, and you owe us, man! We are just really bored kaya nagawa namin ito but heck, hindi bagay sa amin ang maging bodyguards!”

Napailing na lamang ako at pinihit na ang door knob ng pinto upang makapasok ako sa loob.

***

Kagat-kagat ko ang kuko ko habang pabalik-balik ang lakad ko sa kuwarto. Hawak ko ang phone ko at nagdadalawang-isip na i-text si Ate. Gusto ko sanang ipaalam sa kanya na nakapasa ako sa board exam at gusto ko siyang yayain na kumain sa labas. Pero nagdadalawang-isip ako dahul natatakot ako na baka hindi niya pa rin ako papansinin.

Umupo ako sa kama at saka binuksan ang facebook ko para sana makibalita kay Ate. Ngunit nagulat ako nang makita ko na maraming nag-message sa akin ng congratulations.

Napangiti ako at saka nag-scroll ng mga messages para tingnan at para reply-an. Nang makita ko ang isang pamilyar na pangalan, na-curious ako kaya pinindot ko ang kanyang mensahe at nag-reply na rin.

Shawn Smith:

Hi!

Kat Ayala:

Hello.

Shawn Smith:

Lods! Pa heart naman sa dp ko.

Umawang ang labi ko sa reply niya. Ha? Tanginang to!

Naibaba ko na lamang ang phone ko at naibagsak ang sarili sa kama. Napapikit ako nang nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa malambot na kama at malamig na kuwarto.

Hindi yata ako makapag-celebrate ng tama lalo na’t hindi pa rin kami bati ni Ate. Nakakalungkot isipin. Nakapasa nga ako pero mukhang hindi naman. Birnes Santo ang pagmumukha ko.

Tiningnan ko muli ang phone ko at tiningnan kung may message ba mula kay Ate. Pero wala…

Kumirot ang puso ko. Ate naman! Ayaw ko sa ganito, eh! Nakakainis ka! Ang sikip-sikip ng dibdib ko kasi hindi mo man lang ako binati!

Sa gitna ng pagmo-moment, narinig ko ang pagpihit ng pinto. Sa taranta ko, agad-agad kong hinila ang kumot at tinakpan ang sariling katawan. Siguro si Ashton ang pumasok.

Sus! Isa pa iyan! Nakakainis!

Hinigpitan ko ang hawak sa kumot at saka tinikom ang bibig. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon. Baka mag-away lang kami. Nakakainis talaga!

Narinig ko ang kanyang pagtikhim. “Alam ko na hindi ka pa tulog.”

Napairap ako.

Mabuti naman at alam mo? Siguro alam mo na rin kung bakit ako naiinis ngayon?

Nakakainis at nakakairita kasi! Sino’ng matinong tao ang basta-basta na lang manununtok. Art is a friend. Walang dahilan para suntukin siya dahil wala naman siyang ginagawang masama!

Bumuntonghininga siya. “I’m sorry, Katarina. Bumangon ka na. I have something for you.”

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kumot.

“Ayaw kitang makausap, Ashton! Naiinis ako sa iyo!”

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kakausapin.”

“Manigas ka diyan!” Pumikit ako. “Ayaw kitang makausap.”

“Gagambalain kita. Hindi kita titigilan.”

Napadilat ako at inis na inalis ang kumot sa aking katawan at saka bumangon sa kama. Binalingan ko siya.

“Ano—”

Hindi ko nadugtungan ang aking sasabihin dahil sa nakita. Umawang ang labi ko at gulat siyang tiningnan.

Nakangiti si Ashton habang hawak-hawak ang isang heart-shaped cake at may balloon pa sa gilid niya. Lumapit siya sa akin at sinindian ang kandila. Naibaba ko ang tingin ko sa cake at may nakasulat doon na ‘Congratulations’.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at sa isang iglap ay nawala ang inis ko sa kanya.

“Ashton—”

“Blow the candle first!” Nginuso niya ang kandila.

Nangilid ang luha sa aking mata dahil hindi ko ito inaasahan. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang siya ay mukhang nangangalay na dahil siguro kanina niya pa iyan hinahawakan.

Tumulo ang luha sa aking mata nang hipan ko ang kandila. Pinunasan ko ang luha sa aking mata pagkatapos hipan ang kandila at kasabay no’n ay ang paghalik ni Ashton sa noo ko.

“Congratulations, baby…” aniya at inilagay sa side table ang cake.

May kinuha siya mula sa labas ng kuwarto at nakita ko na si Manang Lolita iyon na may dalang bouquet of roses. Mas lalo lang akong naiyak.

Binigay ni Ashton sa akin ang bulaklak na agad ko namang tinanggap. Halos ma-blurry na ang paningin ko dahil sa sunod-sunod na luha na lumabas sa aking mata.

I am so emotional right now. Hindi ko akalain na susurprisahin ako ni Ashton ng ganito.

“I am so proud of you, Katarina,” aniya. “Let’s celebrate your success together.”

Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan siya. “T-Thank you, Ashton. Hindi ko alam na alam mo—”

“Bakit naman hindi? I know everything about you.”

“Pero, hindi ko ito inaasahan kaya thank you.”

Pumula ang pisngi niya at saka tumikhim. “Wala bang kiss diyan.”

Ngumuso ako. “Nakahalik ka na sa noo ko.”

Ngumuso rin siya. “Gusto ko rin ng halik mo, Katarina.”

Natawa ako at saka hinila ang laylayan ng damit niya kaya napalapit ang mukha niya sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko.

“Katarina…”

Tinagilid ko ang ulo ko, pinikit ang mata at saka hinalikan siya sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top