Chapter 39

Chapter 39

Kung saan-saan na lamang kami naglakwasa ni Cheska pagkatapos naming malaman ang resulta. Pareho kami na may malaking ngiti sa labi. Pareho kaming masaya kaya napagdesisyonan naming na mag-celebrate.

Pero siyempre kasama naming ang dalawa kong bodyguard sa pamamasyal namin. Hindi na lamang ako nagreklamo kahit medyo nairita ako. Gusto ko kasi ay kami lang ni Cheska kaso hindi puwede.

“Omg! Excited na akong ibalita sa parents ko ang resulta!” tumitiling wika ni Cheska habang naglalakad kami papasok sa mall. Mamimili kami. Treat naming mga sarili naman.

Napangiti ako sa sinabi ni Cheska.

“Papa, nakapasa ako,” bulong ko sa sarili ko at sumakay na sa escalator.

Hilang-hila ako ni Cheska patungo sa may mga damit at gusto niya yata ang magsukat. Napangiwi ako nang makita ko kung gaano kamahal ang mga damit na itinuro niya.

“Girl! Huwag kang kuripot! Asawa ka ng bilyonaryo! Bilhan mo sarili mo ng damit!” aniya habang kinukuha ang isang magandang damit at humarap sa salamin.

Napakamot ako sa aking ulo. “Marami na kasi akong damit,” ani ko. “Halos binili na ni Ashton lahat. Mga mamahalin din iyon.”

Nilingon niya ako. “Edi ibigay mo sa akin ang mga old clothes mo, hihi.”

Tumango ako at nginitian siya. “Oo. Saka na kapag nakabalik na ako sa amin. Hindi pa kasi ako nakabalik doon simula nang ikinasal ako. Hindi pa irn kasi sinasagot ni Ate ang tawag ko at ang sabi ni Kuya Jude na siyang boyfriend ni Ate ay busy daw si Ate.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nakaramdam ng kirot sa puso. “Alam ko naman na hindi talaga siya busy. Sadyang ayaw lang talaga niya akong makausap.”

Siguro kung hindi lang kami nag-away ni Ate ay baka siya pa ang unang tao ang mag-congratulate sa aking tagumpay. Siya pa naman ang palaging nagmo-motivate sa akin. Siya palagi ang nagpapalakas ng loob ko.

Bumuntonghininga si Cheska at saka ibinalik ang dress sa lalagyan at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Hindi mor in naman masisisi ang Ate mo, Katarina.” Ngumiwi siya sa akin. “Masyado ka kasing marupok, girl! Baka next week ay buntis ka na.”

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at namula.

Anong buntis? Eh wala pa ngang nangyayari sa amin! At hindi pa ako handa! Pero kung sakali mang mabuntis ako ay hindi naman ako tutol doon dahil siyempre gusto ko rin bumuo ng pamilya kasama siya. Hindi ko lang ma-imagine na may mangyayari sa amin.

“Tapos…” Napatingin ako muli kay Cheska na mukhang nag-iimagine na. Grabe pa naman ang imagination ng babaeng ito. “Tapos…magkakaproblema, tapos mag-aaway kayo, tapos hihiwalayan mo si Ashton…tapos nalaman mong buntis, tapos tinaguan mo siya ng anak…”

Naitulak ko na lamang siya sa pinagsasabi niya kaya humalakhak siya. Napangiwi ako.

“Nasobraan ka yata sa iniinom mo kanina.” Napailing na lamang ako.

Niyakap niya naman ang braso ko. “Hindi, ah! Uso iyon, eh! Taguan ng anak sa mga novels! Pero sa real life baka ikasasaya pa ng lalaki kasi wala na siyang responsibility!” Tumawa siya at nagpatuloy. “Fictional characters are way too good, you know!” Kinindatan niya ako.

Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang siya sa pinagsasabi niya.

“Sus!” Pinisil niya ang pisngi ko na mas lalo kong ikinasimangot. “Huwag ka na ngang sumimangot diyan! Magdidiriwang tayo dahil sa tagumpay natin! Magsho-shopping tayo!”

Napangiti na lamang ako at saka tumango.

Habang papatungo kami sa kabilang side ng 3rd floor ng mall, aksidenteng nahagip ng paningin ko si Art na papatungo sa akin. Natigilan ako sa paglalakad at saka napangiti.

“Si Art ba iyan?” tanong ni Cheska na natigilan din sa paglalakad. “Siya iyong nasa picture na kinuwento mo sa akin.”

Tumango ako.

“Hala, ang pogi!” Tahimik na tumili si Cheska at saka kinurot ang tagiliran ko.

May dala si Art na paper bag. Mukhang kagagaling lang niya sa pamimili dito. Ngumiti siya sa akin.

“Crystal—”

Hindi naituloy ni Art ang kanyang sasabihin nang biglang lumapit ang isa sa mga bodyguards ko at walang sabi-sabing sinuntok si Art sa mukha. Napasinghap kami pareho ni Cheska sa sobrang gulat at napaatras.

“Omg!” gulat na tili ni Cheska at napatakip sa kanyang bibig.

Isang suntok lang ang iginawad ng bodyguard kay Art at nawalan agad ito ng malay. Bumagsak siya sa sahig at buti hindi nauntog ang ulo niya dahil agad ko siyang nalapitan. Kumulo ang dugo ko sa nangyari at inis na binalingan ang dalawa.

“Bakit niyo sinuntok si Art?” inis kong tanong. “Bakit niyo sinuntok ang kaibigan ko? Buang ba kayo?”

Lumapit si Cheska sa akin at hinawakan ako sa braso.

“Ma’am, sabi kasi ni Sir na kapag may lalaking lalapit sa iyo ay susuntukin daw naming. Sinunod lang namin ang utos niya,” paliwanag ng bodyguard na sumuntok kay Art.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Gano’n ba sila kauto-uto?

Binalingan ko si Art at tinapik ang kanyang pisngi.

“Art! Gising!” Nakaramdam ako ng takot lalo na nang nakita ko ang black eye dahil sa ginawa ng uto-utong bodyguard ni Ashton! Buwisit!

“M-Ma’am, mukhang patay na yata iyan,” inosenteng ani ng isang bodyguard na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

“Dalhin na natin sa morgue, Ma’am!” ani pa ng isa.

Nanlumo na lamang ako at nawalan ng pag-asa sa mga bodyguards na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top