Chapter 38

Chapter 38

“Omg!” tili ni Cheska nang magkita kami ulit. “Mabuti at pinayagan ka ng asawa mo na lumabas ulit!”

Napangiti ako sa kanya at saka nilingon ang dalawang bodyguards ko na nasa malayo lamang. Mabuti at dumistansya na sila sa amin dahil baka pagtitinginan na naman kami ng mga tao.

Oo, nagpaalam ako kay Ashton na lalabas kami ni Cheska. Mabuti at pinayagan niya ako dahil matagal-tagal na rin noong huli kaming nagkita ni Cheska at miss na miss ko na rin siya.

Nagpunta kami sa fast-food restaurant at kinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari.

“Gosh!” reaksyon ni Cheska at napahalukipkip. “I can’t believe na may mas maikakapal pa pala ang mukha niya, no? Hindi siguro matanggap na kasal na kayo ni Ashton at mahal na mahal ka ni Ashton!”

Umirap siya at saka napainom sa kanyang juice. Pagkatapos uminom ay padabog niyang binagsak ang baso at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“At saka sinabihan ka niya na ulila?” Natawa siya. “Sa kuwento mo kasi, parang siya pa ang astang ulila! Attention seeker kumbaga!”

Napailing na lamang ako at natawa sa kanyang reaksyon. Nang napansin ni Cheska ang singsing sa aking daliri ay kinuha niya ang kamay ko at gulat iyon na tiningnan.

“Omg!” Napasinghap si Cheska at mariing tiningnan ang singsing. “Bago na naman?”

Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.

“Bigay ni Ashton sa akin.”

“Omg!” Napatakip siya sa kanyang bibig. “Girl! Puwede ka maging milyonaryo sa singsing na ito! Mahal ang singsing na ito!” Tiningnan niya muli ang singsing ko. “Tingin ko nga ay may nakaukit diyan sa ilalim, eh!”

Binawi ko ang kamay ko. “Talaga?”

Tumango si Cheska. “Rare ang mga ganiyan! I mean…mga mayayaman lang ang makakabili ng ganiyan. Kung may nakaukit diyan sa ilalim, sigurado ako na matagal na iyan pinagawa!”

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naibaba ang tingin sa singsing na bigay ni Ashton sa akin. Napalunok ako at unti-unti ko itong hinubad at sinilip ang nasa ilalim.

Ashton and Katarina.

Muntik ko nang maibagsak ang singsing sa gulat. Tiningnan ko si Cheska at napatango. Napatili siya at saka kinuha ang singsing ko para tingnan.

Nang nakita niya ang nakita ko ay napatakip siya sa kanyang bibig at ibinalik sa akin ang singsing. Sinuot ko naman ito pabalik at saka kinagat ang ibabang labi.

“Meron nga!” aniya at saka napasandal sa kanyang upuan. “Ashton and Katarina ang nakalagay! Grabe, mahal na mahal ka talaga ni Ashton, Katarina! Hindi ang babaeng iyon!”

Hindi na lamang ako nagsalita dahil wala na akong masabi. Sa nakita ko ay talagang nagulat ako at parang may biglang kumiliti sa akin. Sino ba naman ang hindi sasaya? Ang suwerte ko na nga eh.

Umayos ng upo si Cheska at inilagay ang kanyang kamay sa lamesa. Tiningnan niya ako.

“By the way, kaya ako gustong makipagkita sa iyo kasi ngayon na malalaman kung pasado ba tayo o hindi.”

Napalunok ako at biglang napaayos ng upo sa kanyang sinabi. Hindi pa ako ready na malaman ang resulta dahil baka hindi na naman pasado.

Nagsusunog pa naman ako ng kilay para lang masagutan ang lahat ng tanong sa board exam. Ngayon na pala ang resulta. Hindi ko namalayan.

Siguro napansin ni Cheska ang pagiging balisa ko kaya naman ay hinawakan niya ang kamay kong nanlalamig. Napatingin ako sa kanya.

“Huwag kang kabahan, Katarina. Kahit ano’ng mangyari, huwag na huwag tayong ma-disappoint sa sarili natin dahil ginawa naman natin ang lahat sa exam. Hindi naman tayo nag-board para saw ala lang. Lahat deserve makapasa dahil nag-effort sila pero kahit ano ang mangyari, hindi tayo susuko, okay?”

Tumango ako kahit gano’n pa rin ang naramdaman ko. Bigla akong na-pressure at napa-overthink sa posibleng mangyari. Sana naman may improvement na itong life ko.

“Pagkatapos nating kumain ay pupunta tayo sa internet café para sabay nating tingnan ang result, okay?”

Tumango ako at bumuga ng hangin. “Okay.”

Tumayo na siya at pinunasan ang kanyang labi gamit ang tissue. Tapos na kaming kumain.

“Sige na. Isama mo na ang bodyguards mo. Kawawa naman sila doon,” ani Cheska sabay nguso sa dalawa kong bodyguards na kumakain malayo sa amin.

Nagkibit-balikat ako at napatingin din sa kanila na mukhang tatlong araw yatang walang kain dahil sunod-sunod ang kanilang pagsubo. “Wala tayong choice.”

***  

Pumasok kami sa isang internet café sa pangunguna ni Cheska dahil siya naman ang mas expert sa ganito. Hindi ko maiwasan ang mapangiwi dahil sa sobrang sikip ng lugar. Marami kasing mga istudyante.

Lumapit si Cheska sa counter. “Open time, Kuya,” ani Cheska sa taga-bantay ng internet café.

Pagkatapos makausap ang lalaki ay hinarap na ako ni Cheska. Sinabihan ko naman ang bodyguards ko na sa may pintuan lang sila dahil masyado nang masikip para makisiksik pa sila.

Halos mabingi ako sa mga sigawan ng mga lalaking naglalaro ng games.

“Isang computer lang ang gagamitin natin,” ani Cheska at hinila na ako sa isang bakante na computer.

Umupo ako sa tabi niya at napahawak sa kanyang braso. Hindi ko man lang napaghandaan ang araw na ito. Pati araw ng results ay nakalimutan ko. Kasalanan ito ni Ashton!

Nakatitig ako sa screen ng computer habang si Cheska ay nagtitipa sa isang website at nag-scroll. Umiwas ako ng tingin sa screen nang nakaramdam ng kaba. Halos hindi ko na mailunok ang sariling laway ko sa tensyon.

Lord, kahit ano ang mangyari, sana gabayan niyo pa rin ako.

“Omg!”

Napatalon ako sa gulat nang biglang tumili si Cheska. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakatayo na siya, naiiyak na.

“Cheska?”

Nilingon niya ako at niyugyog pa ang balikat ko.

“Omg! Girl! Pasado ka! Pasado tayo!”

Tili siya nang tili na pati ang mga nakarinig ay litong-litong napatingin sa amin. Napakurap-kurap ako at dali-daling binalingan ang screen para tingnan kung totoo ba ang kanyang sinabi at halos mahulog ako sa aking kinauupuan dahil sa nakita.

709. Ayala, Crystal Katarina

Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang pangalan ko. Hindi ako makapaniwala. Sa wakas, nakapasa ako! Hindi ko akalain!

Nagyakapan at nag-iyakan kaming dalawa ni Cheska sa internet café na pati ang nagbantay ay naalerto sa amin. Maging ang bodyguards ko ay ganoon din pero hindi ko na lang sila pinansin dahil totoong masaya ako ngayon.

Sa wakas, nakapasa ako! Thank you, Lord!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top