Chapter 37

Chapter 37

Tulala akong nakatingin sa mga batang naglalaro sa damuhan. Kasama nila ang kanilang mga magulang. Mukhang nagpi-picnic sila dito sa park.

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ni Ashton dito, eh, mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko sa nakita. Siguro naramdaman ni Ashton ang disgust ko sa lugar kaya tumayo siya at saka binalingan ako.

“Let’s go somewhere quiet…”

Saglit ko siyang tiningnan at saka inilingan. Binalik ko ang tingin ko sa masayang pamilya na hindi lamang kalayuan sa amin. Kitang-kita ko sa mga kilos nila kung gaano nila kamahal ang kanilang mga anak.

Hindi ko maiwasan ang mainggit. Masakit man aminin pero nasaktan ako sa sinabi ni Sabrina. Parang pinamukha niya sa lahat na ako’y isang ulila na. Ganiyan ba siya ka insensitive? Hindi ko naman kasalanan na lumaki ako na walang nanay.  At wala naman sigurong masama na umiyak. Masyado lang talaga siyang pabida na kaya niyang umapak ng damdamin ng iba para lang manalo sa pinaglalaban niya.

Umupo muli si Ashton sa tabi ko at marahang kinuha ang kamay ko na hindi ko namalayan na nanginginig na pala. Inilagay niya ang kamay ko sa hita niya at marahang piniga. Napatingin ako sa kanya. 

“Puwede kang umiyak sa balikat ko, Kat,” mahinahong aniya habang ang mga mata ay nasa akin na. “Puwede mong sabihin sa akin ang mga hinanakit mo. Puwede mong sabihin lahat. Makikinig ako.”

Sumikip ang dibdib ko habang sinasabi niya iyon. Ang dami kong gustong ilabas pero hindi ko magawa dahil ayaw ko maging isang mahinang babae.

“Nandito lang ako…” Hinawakan niya ang kamay ko at saka pinagsalikop ang kamay naming dalawa. “Handa akong makinig. Hindi lang ako basta asawa mo lang kaya please open up, hmm?”

Hinaplos niya ang pisngi ko kaya na-trigger ang luha ko at muling tumulo. Napasinghap ako at akma kong pupunasan ngunit hindi ko nagawa dahil hinila niya ako patungo sa dibdib niya.

Napapikit ako at umiyak sa dibdib niya.

“H-Hindi ko lang matanggap…” nahihirapan kong sabi. “Hindi ko matanggap na wala na si Papa sa mundong ito. Hanggang ngayon…nangungulila pa rn ako sa kanya. Hanggang ngayon…nalulungkot pa rin ako para sa kanya kasi dalawang dekada siyang naghintay sa Nanay ko….” Humikbi ako at humigpit ang hawak sa damit ni Ashton.

“Hindi ko tanggap na…naghintay si Papa sa Nanay naming hanggang sa huling hininga niya. Hindi ko matanggap na hindi ko man lang nakita si Papa na naging masaya sa kanyang huling sandal,” pagpatuloy ko.

Marahan niyang hinaplos ang likod ko para patahanin ako. Ang kanyang  labi ay nasa buhok ko, hinalik-halikan ako.

“Sobrang sakit kasi hanggang ngayon…naiinggit pa rin ako sa mga taong may nanay na nagmamahal sa kanila. May nanay na nag-aalaga sa kanila at may nanay sa tabi nila upang gumabay sa kanila. Nakakainggit, Ashton.”

Parang piniga ang puso ko matapos kong sabihin iyon.

“Kat—”

“Kaya kahit gano’n ang ugali ni Sabrina…” Tumingala ako sa kanya habang punong-puno pa rin ng luha ang aking mga mata. Tumigil din siya sa paghalik sa buhok ko at tiningnan ako. “…ang suwerte niya pa rin kasi may magulang siya. May inang nagmamahal sa kanya.Ang suwerte niya pa rin sa buhay, Ashton…”

“Shh…” pagtatahan niya. “You have me now.”

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kami naroon. Basta sa sobrang pagod ko emotionally ay nakatulog ako sa bisig niya.

***  

“Ano’ng nangyari kay Katarina, anak?”

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Tita Amore. Nagulat ako at napatingin kay Ashton na ngayon ay nakatingin sa Mommy niya. Buhat-buhat niya pala ako ngayon at nakauwi na kami. Sa sobrang hiya ko, itinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Ashton.

“Mom, don’t invite Sabrina again lalo na kapag nandito ako.” Iyon lang ang sinabi ni Ashton bago umakyat patungo sa ikalawang palapag.

Sa gitna ng kanyang pag-akyat sa hagdan ay kinalabit ko siya kaya natigil siya sa paglalakad pataas at tiningnan ako.

“What’s wrong?” nag-aalala niyang tanong.

Napalunok ako. “I-Ibaba mo ako.”

Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag.

“Ash…”

Nakarating kami sa pinto ng kuwarto niya at pinihit niya ang door knob.

“Ashton,” tawag ko muli. “Ibaba mo ako.”

Ngumuso siya. “Stay still. Let me take care of you today.”

Wala na akong magawa nang tuluyan na kaming nakapasok sa kanyang kuwarto at marahan niya akong inilapag sa kama. Nanatili akong nakakatingin sa kanya samantalang siya ay abala sa pagkuha ng unan at kumot. Inangat niya pa ako saglit para mailagay ang unan sa ulo ko tapos kinumutan pa niya ako.

Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako. “Sleep. Alam ko na pagod ka.”

Umiling ako. Masyado pang maaga para matulog. Kakagising ko lang, eh.

Kumunot ang noo niya. “Why?”

“Maaga pa,” tanging nasagot ko.

Bumuntonghininga siya. “Gusto mo kantahan kita para makatulog ka?”

Umawang ang labi ko at naupo mula sa pagkahiga. Nagulat siya sa ginawa ko.

“Hey, b-bakit ka bumangon?” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Kakanta ka talaga?” gulat na tanong ko. “Sure?”

Pumula ang tainga niya at napakamot sa kanyang batok. Para siyang nahiya sa tanong ko.

Tumikhkm siya. “Uhm…”

“Uy!” Hinawakan ko rin ang kamay niya na nasa kamay ko. “Kantahan mo ako! Gusto kong marinig ang boses mo!”

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumayo. Napangiti na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Nakita ko na kinuha niya ang isang guitara na ngayon ko lang nakita at bumalik hila-hila ang isang upuan pabalik sa akin.

Umupo siya at inayos ang kanyang guitara.

Namangha ako sa nakita. “Marunong ka mag-guitar?”

“Bago ko lang nalaman,” aniya habang nasa guitar pa rin ang focus.

Napatango ako at nakaramdam ng excitement. Pumalakpak pa ako sa sobrang saya. Nawala bigla ang kalungkutan na bumalot sa akin kanina.

Huminga nang malalim si Ashton at nagsimula nang mag-gitara. Tumingin siya sa akin at sa unang strum pa lang, bumilis ang tibok ng puso ko at nang marinig ko ang boses niya, nanindig ang balahibo ko.

🎶 I thought that I’ve been hurt before…

But no one’s ever left me quite this sore

Your words cut deeper than a knife

Now I need someone to breathe me back to life... 🎶

Nakangiti siya habang kinakanta ang kanta na Stitches ni Shawn Mendez habang nag-gitara. Naalala ko tuloy noong bago pa kami bilang magjowa noon. Kinakantahan niya ako ng ganitong kanta. Nakakalusaw ng puso ang kanyang boses.

🎶 Got a feeling that I’m going under

But I know that I’ll make it out alive

If I quit calling you my lover

Move on… 🎶

Pati ang katawan ko ay sumasabay na rin sa kanyang pagkanta. Hindi ko akalain na tuluyang nawala ang lungkot ko at napalitan ng saya. Hindi lang isa ang kinanta niya dahil nag-request ako ng panibago. Umabot pa nga ng sampung kanta dahil gusto kong marinig nang paulit-ulit ang boses niya.

Hindi ko akalain na nag-e-enjoy ako nito kasama siya. Hindi ko akalain na may bagay naman pala kami na pagkakasunduan.

Bakit ko pa ba inaalala ang nanay ko na wala namang paki sa akin? Bakit ba ako maiinggit? Hindi na dapat ako mainggit sa Sabrinang iyon dahil may Ashton na muli sa buhay ko.

Bakit pa ako maghahanap ng buong pamilya kung kaya ko namang bumuo ng sarili ko?

Ang lalaki na nasa harap ko ngayon ay ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng lakas muli na lumaban. Ang lalaking handa kang kantahan kapag malungkot ka, lulutuan ka ng pagkain kapag gutom ka, ang lalaking handang makinig sa mga hinaing mo, at ang lalaking muling nagpapatibok sa puso ko.

Listening is indeed the most powerful macro skills for me. Sa pakikinig, naliwanagan ako tungkol sa nangyari noon at nagkasundo kami.

He is Ashton Jacques Monteverde, my man, my billionaire.  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top