Chapter 35

Chapter 35 

“Hija!”

Ang malambing na boses ni Tita Amore ang sumakop sa buong mansiyon nang dumating kami. Sinalubong niya ako at niyakap. Hindi ko akalain na ganito ang bubungad sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang kaba sa akin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Si Ashton ay nasa tabi ko at ang kanyang kamay ay nakapulupot sa aking bewang.

“Hindi ko akalain na bumisita kayo ulit.”

Hinawakan ni Tita ang kamay ko matapos niyang yumakap sa akin at saka piniga-piga.

“Nakabuo na ba kayo, hija?” umaasa na tanong sa akin ni Tita Amore.

Namilog ang mata ko sa tanong niya at biglang namula ang pisngi ko sa hiya. Hindi ko akalain na itatanong niya iyon ng harap-harapan.

Tumikhim si Ashton sa tabi ko. “Mom, I think hindi iyon dapat pag-usapan dito.”

Dismayado akong binalingan ni Tita. “Mali ba iyon, hija? Ashton, ang gusto ko lang naman ay makabuo na kayo ng isang pamilya dahil matanda na ako. Kailangan ko ng isang apo. Dapat sipagan ninyo sa paggawa. Mayaman naman ang anak ko, hija, na kahit sampung anak ay kayang-kaya niyang buhayin.”

Hindi ko maatim ang sinabi ni Tita. Sampu? Jusmiyo!

“Mom!” pagpipigil ni Ashton kay Tita at lumuwag ang kanyang pagkahapit sa bewang ko.

Nabitiwan ako ni Tita at tiningnan ang anak.

“Bakit, hijo? Hindi mo in-apply ang tips na binigay ko?” Tumaas ang boses ni Tita Amore kaya medyo napaatras ako sa gulat.

Maging ang mga kasambahay na nakarinig at ang anak niya na si Ashley ay natigilan din sa ginagawa. May hawak na video camera si Ashley habang nasa sala.

Kumunot ang noo ni Ashley nang bumaling siya sa amin ngunit nang makita ako ay namilog ang mata niya at napatayo.

“Omg! Ate Kat!”

At agad siyang naglakad patungo sa akin. Nang makalapit ay hinila niya ako palayo sa dalawa at niyakap ang braso ko. Malaki ang ngiti niya habang tinitingnan ako.

“Miss kita, Ate Kat! Mabuti at napadalaw ka rito! Miss ko na ang makipagkuwentuhan sa iyo!” At halos hindi ako makahinga nang gigil niya akong niyakap.

Napangiti na lamang ako.

Si Ashley Monteverde ay ang pinakabunso sa apat na magkakapatid. Siya ay 18 years old at nag-iisang anak ni Tita Amore at Tito Ash. Bata pa si Ashley ngunit favorite yata siya ni Lord dahil sa kagandahan na ibinigay sa kanya. Noon pa man, napansin ko na ang pagiging protective kuya ni Ashton sa kanyang bunsong kapatid dahil sa dumadagsa na manliligaw sa school. Bukod doon, si Ashley ay mahilig mag-vlog kaya sanay siya makipaghalubilo sa mga tao.

Nang nilingon ko si Tita ay kita ko na napailing na lamang siya sa ginawa ng anak at buong atensyon na hinarap muli si Ashton na ngayon ay masama na ang tingin kay Ashley.

“Akin muna si Ate Kat ngayon!” At bumelat pa si Ashley pagkatapos niya akong niyakap.

“Kailangan muna nating hintayin ang aking kaibigan bago tayo magsimula sa ating salu-salo, Ashton. Call Sabrina at papuntahin mo ang mommy niya dahil baka nakalimutan na naman ni Kelly ang usapan namin.”

Inis na nagpadyak si Kelly sa narinig mula kay Tita Amore.

“Sabrina na naman!” Umirap si Ashley at saka hinila ako patungo sa couch. “Siya na naman ang magiging bida sa bahay na ito. Gosh! I hate her guts so much! Masyado siyang sipsip at feeling niya ay girlfriend siya ni Kuya!”

Hindi na lamang ako nagsalita at napatingin na lamang kay Ashton na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha habang kausap ang kanyang mommy.

***  

“Dito ka muna magpahinga kung gusto mo,” ani Ashton nang makapasok kami sa loob ng kuwarto niya sa mansiyon na ito.

Tahimik kong pinagmasdan ang kuwarto niya. Marami ang nagbago at mas naging malawak ito kumpara sa unang tapak ko rito noon.

“Huwag mo nang isipin ang sinabi ni Mommy. I didn’t call Sabrina. I called her mom,” paliwanag ni Ashton kahit hindi naman kailangan.

“Hindi naman ako nagtano—”

Nakagat ko ang labi ko sabay iwas ng tingin nang biglang naghubad si Ashton nang walang pasabi. Nakita ko tuloy ang kanyang abs. Hindi ko pa naman maiwasang tingnan kasi ang sarap hawakan.

Tumikhim ako at naibaba ang tingin sa kama niya. Agad akong nagtungo roon nang hindi siya tinitingnan at umupo.

Ang lambot!

Tumingin ako sa ibang gamit na malapit sa kama niya at natigilan lang ako nang napansin ko ang isang picture frame na nasa side table malapit sa lamp. Bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unting lumapit doon.

It was us in the picture. Naka-piggyback ride ako sa kanya habang pareho kaming nakangiti. Hindi ko maiwasan na maalala ang nakaraan. Wala sa sariling napangiti ako at akmang kukunin ko na sana ang picture frame nang maunahan ako ni Ashton.

Agad akong napatingin sa kanya.

“Ash, gusto ko lang tingnan.”

Umiling siya at inangat ang picture frame. Nakangisi siya kaya medyo nainis ako.

“Ash!”

Tumayo ako at sinubukan kong abutin ngunit mas lalo niya lang inangat. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ash, gusto ko lang makita!” Sinampa ko ang isang palad ko sa dibdib niya at sinubukan ko muling abutin ang picture frame. “Akin na!”

Ngunit natigil ako sa pag-abot nang napansin ko na natigilan siya. Ako rin ay natigilan at na-realize ko kung bakit. Napasinghap ako at para akong napaso dahil agad kong inalis ang palad ko sa nakahubad niyang dibdib.

“S-Sorry, ikaw kasi…”

Sumeryoso ang kanyang tingin at ibinaba ang picture frame. Akma kong kukunin ngunit hindi ko nagawa dahil marahan niya akong itinulak sa kama kaya napatili ako.

“Ashton!” Napahiga ako sa kama.

Dinaganan niya ako at halos lumuwa ang mata ko sa ginawa niya. Ang kanyang mga mata ay titig na titig na sa akin. Nang magkatinginan kami ay bigla siyang lumapit kaya inilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya upang pigilan siya sa paglapit.

“A-Ash…”

Napasinghap ako nang bigla niyang idiniin ang kanyang sarili sa akin. Namilog ang mata ko at namula ang pisngi lalo na nang naramdaman ko ang kanya sa akin.

Is he horny? Tangina. Ngayon pa?

“Ash…”

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita pa dahil sinugod na niya ang labi ko ng isang agresibong halik. Napahawak na lamang ako sa kanyang balikat at sinuklian ang kanyang halik. Ang kanyang kamay ay naging malikot. Kung saan-saan na lamang humahaplos na talaga namang nagpadaing sa akin.

Napabaling ako sa kanan nang umabot na sa leeg ang kanyang halik. Akmang pipikit na sana ako nang makita ko ang kanyang kapatid na parang nakakita ng multo habang nasa may pintuan, tulalang nakatingin sa amin.

Napasinghap ako at natarantang itinulak si Ashton palayo sa akin at agad bumangon paupo sa kama. Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

“Why Kat—”

“Hindi ko akalain na makakakita ako ng live porn dito,” ani Ashvon nang maka-recover sa nakita at humalakhak pa.

Mas lalo kong tinakpan ang mukha ko at ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko. Lord, baka naman gusto mo na akong kunin? Ito na yata ang tamang oras! Nakakahiya!

“What—WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE, ASHVON?”

Umalingawngaw ang sigaw ni Ashton sa buong kuwarto nang makita ang kanyang kapatid. Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa mukha ko at sinulyapan ng kaunti si Ashvon na ngayon ay nakasandal na sa pader, sobrang laki ng ngisi.

“May hihiramin lang sana ako galing sa iyo, kapatid. Live porn pala ang makikita ko. Akala ko ba ay virgin ka? Mukhang expert ka na yata sa bagay na iyan.” Humagikhik si Ashvon pagkatapos kaya sumabog lalo si Ashton at inis na bumaba sa kama.

“Shut the fuck up and leave!” inis na sigaw ni Ashton kay Ashvon at itinuro pa ang pintuan.

Humalakhak si Ashvon at natuwa pa yata na asarin si Ashton. Binalingan ako ni Ashvon at makahulugan akong tiningnan. Sa hiya ko ay yumuko ako.

“Gumanda lalo si Katarina,” aniya at narinig ko na lamang ang pagbagsak ng isang bagay. Tingin ko ay may ibinato si Ashton kay Ashvon.

“Okay! Okay!” Tumawa si Ashvon. “You can continue the show, bro! Lalabas na ako.”

Nang nakaalis na si Ashvon ay binalingan ko si Ashton na nakapamewang na habang nakatingin sa pinto na nakasara na. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka tumikhim.

Nagmura muna si Ashton bago ako nilingon. “Don’t mind him, Katarina. Let’s continue…”

Namilog ang mata ko at mas lalong namula. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakahiya na nakita kami ng kapatid niya. Mabuti at hindi pa ako nakahubad pero si Ashton ay hubad na ang ibabaw niya.

“Uhm…”

Aksidente kong naibaba ang tingin ko sa ibabang parte niya at napalunok ako nang makita ko ang nakabukol sa kanyang pants. Nag-angat agad ako ng tingin kay Ashton matapos makita iyon at nakita ko ang kasabikan sa kanyang mga mata.

Grabe naman ang bukal na iyan, sumasapaw!

Sapaw ka bro?

Napalunok ako. “Uhm…l-lalabas m-muna ako,” nauutal kong sabi at naglakad na patungo sa may pinto.

“Kat…”

Tumigil ako sa paglalakad at tinuro ang bukol niya. Bigla kasi akong natakot!

“Patahanin mo muna iyang bukol mo!” mabilis ko na sabi at niyakap ang sarili. “Nakakatakot naman iyan, Ashton!”

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Ngiting pang-aasar.

“How?”

Akmang lalapit siya sa akin ngunit inangat ko ang kamay ko para pigilan siya.

“D-Diyan ka lang!” Sinamaan ko siya ng tingin at umiling pa.

Dinilaan niya ang kanyang labi at tiningnan ako. “How can I make my junior calm down? Sabik na sabik na ito sa iyo.”

Hindi na maipinta ang mukha ko sa narinig. Pati ang ilong ko ay nag-react na dahil sa kalandian ng lalaking ito.

“POTANGINA! MAGJAKOL KA BOY! HUHU!” sigaw at mura ko sabay labas agad sa kuwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top