Chapter 34
Chapter 34
Naging maganda ang gabi namin. Nanood kami ng movie sa Netflix kagabi. Nagpaluto rin siya ng pop corn at bumili ng ice cream at pizza for late night snacks. Kaya ang resulta, mahimbing pa rin ang tulog ni Ashton sa tabi ko.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko kagabi. It was peaceful. Talaga namang nasulit namin ang oras naming dalawa. Nag-a-adjust pa rin kami lalo na ako. Hindi ko ma-express nang tama itong nararamdaman ko dahil nandito pa rin ang takot. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya kaya nga naging marupok ako.
Tumayo ako at napag-isipan na lutuan si Ashton. Ngayon ang distribution ng relief goods at kailangan ko pang tawagan ang sasalubong sa donations sa Norte.
Habang pababa ako sa hagdan ay humina ang pagbaba ko nang makita ko si Sabrina. Biglang napawi ang saya na nararamdaman ko. Nakaupo siya sa sofa na parang may hinihintay. Nagpatuloy ako sa pagbaba at saka nagtungo sa kanya. Agad napatayo si Sabrina nang makita ako at saka ako inirapan.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko at humalukipkip.
Maarte niyang inilapag ang kanyang mamahaling bag sa center table at saka mataray akong tiningnan.
“I am here for Ashton. Duh!”
Nagtaas ako ng kilay. “Ano naman ang kailangan mo sa asawa ko?”
Natawa siya sa tanong ko at humakbang palapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na bihis na bihis pala siya.
Nagtagisan kami ng tingin bago siya nagsalita na parang isang galit na sisiw.
“Asawa mo?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa kayo! So sudden! As far as I know, dalawang taon na kayong wala ni Ashton! Wala na kayo dalawang taon na ang nakalipas! Ako ang kasama niya sa dalawang taon namin sa ibang bansa kaya I know! I know! Siguro nagpapanggap ka lang o may ginawa ka kay Ashton because you are desperate! Siguro nilandi mo siya kaya ganiyan siya ngayon!”
Tuluyan na akong nawala sa mood.
“Hindi mo pa rin ba tanggap, Sabrina? Kaibigan lang ang tingin sa iyo ni Ashton. Iyan ang dapat ipasok diyan sa maliit mong kokoti.”
Napasinghap siya sa sinabi ko.
“Sabi mo nga dalawang taon na ang nakalipas…” Inangat ko ang gilid ng labi ko. “Dalawang taon ngunit mahal pa rin namin ang isa’t isa. Ikaw yata ang desperada, Sabrina. Hanggang ngayon buntot na buntot ka pa rin sa taong ayaw sa iyo. Dalawang taon kayong magkasama, Oo! Ngunit hindi ka niya mahal! Hindi ka niya gusto! Kasi kung gusto ka niya talaga, hindi na sana kami nagkita ulit.”
Nakita ko sa kanyang mata na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero dapat lang niya na malaman.
“Asawa ko si Ashton…” Pinakita ko sa kanya ang bagong singsing ko. “At hindi mo iyon masisira.”
Umawang ang labi niya at napakurap-kurap. Maya-maya ay nagulat na lamang ako nang tumawa siya na parang baliw at saka umupo pabalik sa inuupuan niya kanina. Kumulo ang dugo ko sa klase ng pagtawa niya. Nakakainsulto! Hindi ba siya marunong rumespeto sa taong kasal na?
“Sinisira mo ang umaga ko, Katarina.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi ikaw ang gusto kong makaharap ngayong araw. I am here for Ashton and not you. So, get lost!”
“Aba!” Napanganga ako. “Ang kapal ng mukha mong paalisin ako rito. Sirain ko kaya iyang pagmumukha mo. Makikita mo.”
“Gosh! Kilos squatter!” maarte niyang sabi.
Kinuyom ko ang kamao ko at naglakad na lamang patungo sa kusina. Padabog kong sinampa ang magkabilang kamay ko sa lamesa kaya napatalon sa gulat ang mga naroon.
“Ma’am, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Manang Lolita na agad iniwan ang kanyang trabaho para sa bruhang katulad ko. “Pulang-pula po kayo.”
“Patambay muna ako rito, Manang.” Naghila ako ng upuan. “Magpatuloy lang kayo sa ginagawa.”
At hinayaan nga nila ako. Ngunit sa tuwing naririnig ko ang boses ni Sabrina na inuutusan ang mga kawawang kasambahay na pagsilbihan siya, parang gusto kong manapak ng wala sa oras. Parang siya pa ang nagpapasuweldo!
“Ma’am, kape muna kayo para mahimasmasan kayo,” ani Manang sabay lapag ng kape sa lamesa.
Sinapo ko ang noo ko at tiningnan si Manang. “Ano ba ang ginagawa ng Sabrina na iyan dito, Manang? Bakit may nakapasok na wild animal?”
Napakurap-kurap si Manang. Nalilito sa sinabi ko. “W-Wild animal?”
“Oo! Ang Sabrina na iyan ay isang wild animal!” Umiling ako. “Wala na sa lugar iyang ginagawa niya. Nakakainis! Sino ba ang magulang ng babaeng iyan? Ang yaman-yaman pero walang class!”
“Naku! Mabait po ang Nanay ni Sabrina, Ma’am. Kaibigan siya ni Ma’am Amore.”
Napangiwi ako. “Hindi man lang nagmana.”
Napairap na lamang ako at saka ininom ang kape na bigay ni Manang Lolita. Hindi na lamang ako bumalik sa sala dahil naroon pa si Sabrina at baka masabuyan ko lang siya ng kape. Hindi ko talaga alam kung saan niya nakuha ang gano’ng kakapal na mukha.
Habang sumimsim ako sa kape, narinig ko ang boses ni Ashton na tila gulat sa pagpunta ni Sabrina sa pamamahay niya.
Padabog kong inilagay ang tasa ng kape sa lamesa at tumayo. Narinig ko pa ang pag-alma ni Manang sa aking pag-alis ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Lumabas ako sa kitchen at huminto sa may vase malapit sa sala nang makita ko na lumapit si Sabrina sa inaantok pa na si Ashton.
“Sab, what are you doing here?” kunot-noong tanong ni Ashton.
Ngumiti naman ang gaga at kumulo ang dugo ko nang tuluyan na siyang nakalapit at niyakap nang mahigpit si Ashton na ngayon ay gulat na gulat.
Nakaramdam ako ng selos dahil sa nakita. Gusto kong tumalikod ngunit gusto ko rin makita kung ano ang magiging reaksyon ni Ashton.
“Miss kita, Ashton,” malambing na wika ni Sabrina ngunit nagulat siya nang tinulak siya ni Ashton.
“Ash!” gulat na gulat na sambit ni Sabrina.
“Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Sinabi ko na sa iyo na may asawa na ako. Ano pa ba ang gusto mong marinig?”
Lumungkot ang ekspresyon ni Sabrina sa sinabi ni Ashton. Napailing na lamang ako dahil alam ko na hindi ito ang totoo na kulay niya. Kapag nasa harap si Ashton o kaharap si Ashton, nagiging kasing bait siya ng madre, ngunit kapag wala si Ashton ay lumalabas ang totoong ugali niya.
“I…was hoping na hindi iyon totoo, Ashton,” naiiyak na sambit niya. “K-Kasi hiwalay na kayo, hindi ba? P-Paanong sa isang iglap ay kasal na kayo? Kaya naniniwala ako na hindi iyon totoo! I need you A-Ashton!”
“You need me? That’s bullshit!”
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa matigas na pagkasabi ni Ashton. Napalunok ako at hindi maiwasang maawa sa bruha na hindi man lang natinag.
“That’s bullshit, Sabrina! Alam mo? Muntik na siyang mawala sa akin dahil sa pagpapanggap mo! I cared for you dahil kaibigan kita and yet you took advantage of it! You blackmailed me na magpapakamatay ka kapag hindi ako magpapakita! Kaya I went straight to your house just to see you laughing like an idiot sipping a cup of coffee!”
Nanlaki ang mata ko at gulat na binalingan si Sabrina na ngayon ay humihikbi na.
“You are trying to ruin us again, Sabrina.”
Napasinghap si Sabrina. “What? Are you accusing me, Ashton? Alam mo na may pinagdadaanan ako. I need your care! Just like before—”
“Bago kita makalimutan bilang kababata ko, get out of my sight, Sabrina. May pamilya ka naman na dadamay sa iyo, why are you always depending on me?”
“A-Ashton…”
Akmang hahawakan niya si Ashton ngunit umilag si Ashton at aksidente niya akong nakita. Namilog ang mata ni Ashton at kita ko ang pamumutla niya.
Humalukipkip ako at saka tinaasan siya ng kilay. Nilingon naman ako ni Sabrina at tiningnan ako ng masama.
Lumapit si Ashton sa akin at mukhang magpapaliwanag na naman.
“Kat, wala lang iyon. I didn’t know she—”
“Alam ko.”
Lumapit ako kay Sabrina at kita ko ang nanlilisik niyang mga mata.
“This is your fault!” Kumuyom ang kamao niya. “This is your fault, Katarina.”
“Why are you blaming me?” painosente ko na tanong. “Taste your own medicine, Sabrina.”
Plastik ko siyang nginitian bago ko inilayo ang sarili ko sa kanila. Kumuyom ang kamao ko nang tuluyan nang nakalayo.
That girl! Hindi ko alam kung bakit siya ganiyan! Siguro may pinagdaraanan siya but that doesn’t mean na may karapatan siyang manira ng relasyon ng iba o mag-manipulate.
Kagabi, pinaliwanag ni Ashton ang lahat. Na hindi sila magkasama ni Sabrina noong mga buwang wala siya sa piling ko noon. Sabi niya ay inasikaso niya ang mga papeles para sa ibang bansa. His dad forced him kahit ayaw niya. Ang magpunta sa ibang bansa means leaving me kaya hindi muna raw siya nagpakita sa akin dahil naghanap siya ng paraan para hindi siya tuluyang makaalis.
Pero Sabrina make ways, huh. Ang lawak ng imahinasyon niya. Napaniwala niya ako sa kasinungalingan niyang magkasama sila ni Ashton. Assumera ang babaeng iyon. Gusto lang ng atensyon! Gusto niya na mapasakanya si Ashton.
Sabrina is Ashton’s childhood friend. Pero sumusobra na yata ang pagiging friend niya. Wala sa lugar. Na kahit kaligayahan ng friend niya, sisirain niya dahil gusto niya siya lang ang bibigyan ng atensyon.
***
Sa loob ng ilang linggong pagsasama muli namin ni Ashton ay wala namang nagbago. Hindi naman naging malamig ang trato ko sa kanya dahil nakita ko naman ang eksena na iyon.
Habang pababa ako sa hagdan ay naamoy ko ang isang pamilyar na lutuin. Nagmadali ako sa pagbaba at napatili pa sa sobrang gulat ang isang kasambahay na naglilinis sa may hagdan nang muntik na akong madulas.
Dumiretso na ako sa kitchen area at natigilan nang makita ko si Ashton na naka-apron habang nakaharap sa stove. Nilingon niya ako at pinakita sa akin ang sandok.
“Good morning.”
“Good morning din.”
Lumapit ako sa kanya at tumabi. Sinilip ko ang kanyang niluluto.
“Adobo!”
Kinindatan niya ako at saka pinagpatuloy ang pagluto. “Yup! Bibisita tayo sa pamamahay nila Mommy. May family bonding na mangyayari and that includes you.”
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nasa niluluto na ang tingin ni Ashton kaya side view niya lang ang natingnan ko.
“T-Talaga? Pamilya?”
Nilingon niya ako sabay patay sa stove. Kumuha siya ng pinggan at saka hinain ang niluto na adobo.
“Yup. You are my family, Kat. At gusto kong bumuo ng pamilya sa iyo.” At hinalikan niya ako sa pisngi bago niya ako iniwan na tulala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top