Chapter 32

Chapter 32

Hindi sumagi sa isip ko noong naghiwalay kami na magkabalikan kami. Para sa akin, imposible na kasi iyon mangyari lalo na sa ginawa niya sa akin. Pero ang nangyari, sa kanya pa rin ang bagsak ko. Nagkabalikan pa rin kami.

Napagdesisyonan ko na bigyan siya ng pagkakataon at bigyan din ng pagkakataon ang sarili ko. Gusto kong makita kung ano’ng klaseng pagmamahal ang ibibigay niya sa akin ngayon. Gusto kong makita kung may pagbabago ba o baka naman ay katulad ng dati, gagaguhin niya rin ako.

“Ma’am, blooming na blooming yata ikaw ngayon!” ani Manang Lolita nang nasa kusina ako, tinitingnan ang niluluto niya.

Nailagay ko ang takas na buhok ko sa may tainga ko at napatingin kay Manang.

“Hindi naman po.” Kinagat ko ang ibabang labi ko.

“Sus!” Ibinigay ni Manang ang sandok sa isang kasambahay at hinarap ako. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Ang ganda mo talaga, hija. Bagay na bagay kayo ni Sir kaya siguro hindi na masyadong nagagalit si Sir dahil in love na in love.”

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at muling napakagat-labi. Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari iyon at parang kahapon lang sa pakiramdam.

Tama kaya ang desisyon ko na bigyan muli ng pagkakataon si Ashton?

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip ko na naman ang kanyang sinabi noong nakaraang araw. Na hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay ko sa kanya.

Well, let see…

Napapansin ko rin ang pagiging conscious ko sa sarili nitong nakaraang araw. Palagi akong humaharap sa salamin at pinapaganda ang sarili.

Ganito ba talaga ang epekto ng second chance?

Bumuntonghininga ako at napatingin na lamang sa aking sarili. Na over yata ako sa pagbibihis.

Hindi ko pa sinabi kay Cheska na nagkabalikan kami ni Ashton. May sariling buhay din kasi iyon kaya hindi na ako nag-update. Baka pagtawanan lang ako ng bruhang iyon dahil sa pagiging marupok ko.

Bumalik na lamang ako sa kuwarto upang magbihis ng pambahay. Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa kama at kinuha ang libro na binasa ko kaninang umaga.

Wala kasi si Ashton ngayon dahil may inaasikaso kaya nandito lang ako, bored na bored. Marami rin akong iniisip at isa na roon si Ashton at kung ano ang gagawin ko ngayong binigyan ko na siya ng pagkakataon.

Sa paghihintay ko ay nakatulugan ko ang pagbabasa ng libro. Nagising lang ako nang maramdaman ko na basa ang leeg ko. Noong una, akala ko ay laway ko lang pero nang kinapa ko ay nahawakan ko ang mukha ni Ashton kaya napabalikwas ako ng bangon at tinulak siya nang malakas palayo sa akin.

Nagulat siya sa ginawa ko ngunit agad ding nakabawi. Bumilis ang paghinga ko nang makita ko siya. Ang kanyang necktie ay natanggal na sa kanyang polo. Parang kanina pa siya rito.

Napahawak ako sa aking leeg na basang-basa na. “A-Ano ang g-ginagawa mo?”

Lumapit siya kaya nataranta akong umatras. Ang kanyang mata ay may kaunting pagnanasa at kitang-kita ko kung paano bumaba ang kanyang tingin sa labi ko.

“Kakauwi ko lang at gusto ko agad mahalikan ang napakagandang babae sa harapan ko,” aniya at nang makalapit sa akin ay hinapit niya ang bewang ko kaya nataranta ako lalo.

Nang akmang hahalikan niya ako, agad ko siyang pinigilan. Itinapat ko ang dalawang daliri ko sa kanyang labi. Napanguso siya at napalunok ako sa kaba.

“Why?” nagtataka niyang tanong at bahagyang kinagat ang daliri kong nakatapat sa labi niya. Napangiwi ako at agad tinanggal ang mga daliri ko doon.

“May gusto lang akong itanong,” ani ko at agad nag-iwas ng tingin. Bumaba ako sa kama at saka iniwan siya roon.

Pinakiramdaman ko ang puso kong mukha nang baliw sa sobrang bilis ng tibok. Hindi ko talaga kaya kapag malapit siya sa akin. Parang mabubuang ang puso ko.

“Ashto—” Napasinghap ako at nataranta nang hinubad niya ang kanyang polo.

Napakurap-kurap ako at namilog ang mata nang makita ko ang kanyang magandang katawan. 

6 pack abs, pak na pak, pan de coco, pan borikat!

Ang kanyang abs ay talaga namang sobrang ganda at tingin ko ay sobrang tigas kapag hinahawakan. Siguro nag-work out siya kaya naging ganiyan ang katawan niya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako roon.

“Ano? Sobrang sarap ba?”

“Meserep.”

He chuckled. “What?”

“Mese—” Natigilan ako nang ma-realize ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Napasinghap ako at nakaramdam hiya. Tinakpan ko ang bibig ko at nag-iwas ng tingin.

“W-Wala.”

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na umalis siya sa kama at naglakad patungo sa akin na nakahubad na ang ibabaw kaya ay nataranta muli ako at napaupo sa couch na nasa likod. Agad kong tinakpan ang mukha ko sa sobrang hiya.

Narinig ko ang mahina niyang tawa at ang presensya niya sa harap ko. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa hita ko kaya nanindig ang balahibo ko.

“Bakit mo tinatakpan ang mukha mo?” May pang-aasar sa kanyang boses nang tinanong niya iyon.

Napatili ako nang pilit niyang tanggalin ang palad ko sa mukha ko. Umiling-iling ako para matanggal ang kamay niya na nasa kamay ko na.

Mas lalo siyang natawa. “Why are you acting like that, Katarina? Normal lang naman sa atin ito.”

Namula ako lalo.

“N-Nakahubad k-ka kasi.”

Unti-unti kong tinanggal ang palad ko sa mukha ko nang narinig ko ang kanyang buntonghininga.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Wala naman akong gagawing masama sa iyo, Katarina. Masaya lang ako at hindi nakapagpigil nang nakita kitang nakatulog sa paghihintay sa akin.”

***   

“Ipasok mo pa!” inis ko sabi at nangangalay na.

“Ibuka mo pa nang maipasok ko na!” pasinghal na wika ni Ashton na siyang ikinainis ko.

“Paano ko maibuka? Sobrang liit niyan eh! Nagrequest ka pa na ibubuka!?” pasinghal ko na sagot sabay turo sa dala niya.

Napasapo na lamang si Ashton sa kanyang noo at naibagsak ko naman ang hawak ko na sako bag.

Nagpatulong kasi ako sa kanya na ipasok sa bag ang mga lumang damit niya. Balak ko kasing ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo sa Northern Cebu. May kaunting pera rin akong ipon na siyang ido-donate ko rin.

“Para saan ba ito?” nagtataka niyang tanong at kita ko na medyo nadismaya siya dahil naudlot ang bebe time namin.

Wala kasi siyang kaalam-alam na ipamimigay ko itong mga damit niya. Nagtutupi kasi ako ng mga damit sa sobrang bored ulit sa life. Ang tagal niya kasing umuwi kaya sa inis ko, hindi ko siya binigyan ng bebe time. Bahala siya sa buhay niya!

At sa pagtutupi ko, nakita ko ang mga lumang damit ni Ashton na hindi na nagamit kaya naisipan ko ang ganito. Mayaman naman si Ashton. Puwede siyang bumili ulit.

Hinablot ko ang hawak niyang maliit na T-shirt at ipinasok sa sako bag kahit sobrang sikip na. Bumuntonghininga ako at tiningnan siya.

“Nasalanta kasi ng bagyo ang Northern Cebu kaya balak kong mag-donate kahit kaunti lang,” ani ko at inirapan siya. “Kasalanan mo rin kasi ang tagal mong umuwi. Kaya huwag mo akong sisimangutan diyan. Kasalanan mo rin! At hindi ka lugi kasi dahil sa katagalan mo, makakatulong tayo sa mga taong nangangailangan ng tulong!”

“Bagyo?”

Tumango ako at sinara na ang sako bag gamit ang stapler.

“Oo, grabe makasalanta si Bagyong Utot, talagang mahangin eh,” nailing na sambit ko, dismayado dahil maraming nabiktima si Bagyong Utot.

“I want to donate,” aniya at nag-squat sa harap ko. “You have a beautiful soul and heart, Kat. You are willing to help other people.”

Nagkatinginan kami pagkatapos niyang sabihin iyon. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at saka tumikhim.

“K-Kaunting tulong lang naman at saka damit mo naman ito kaya nakatulong ka rin.”

“I don’t mind at all. You can give all the clothes that I have right now if you want to.”

Nagulat ako at napatingin sa kanya. Nginitian niya ako.

“Grabe ka naman!” tanging nasabi ko.

“I am not joking, Katarina,” aniya at saka tumayo na. Tumingala ako para tingnan siya. “Magpapadala ako ng ilang sacks of rice and groceries. Ipapadala ko ang mga kasambahay ni Mom para tumulong sa repacking.”

Napatayo ako at hindi makapaniwala siyang tingnan. “Seryoso ka?”

Tumango siya at inilabas ang kanyang phone. “Yes, I am damn serious, Katarina.”

Napangiti ako sa sobrang saya at napatalon-talon pa sa sobrang tuwa. Hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako sa kanya. Akmang lalayo na sana ako ngunit hindi niya ako hinayaan. Niyakap niya rin ako kaya sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

“I love you, Katarina. You made me so happy and proud.”

Napangiti na lamang ako at dinama ang kanyang mainit na yakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top